Lgbtq : Pride Month

0 15

Sumapit na naman ang buwan ng Hunyo, kung saan pinagdidiriwang ang buwan ng LGBT pride sa buong mundo.

Ang Pride Month ay nakaugat sa Stonewall Riots sa Estados Unidos, na nangyari noong ika-28 ng Hunyo, 1969. Naganap ito sa Stonewall Inn sa siyudad ng New York dahil sa police brutality na ipinamalas tuwing nire-raid ang mga gay bars. Noong 1969, nakasalig ang kapulisan ng New York sa sistemang legal ng state, at maraming batas na tahasang kontra-gay noong panahong ito.

Sa Pilipinas, ginanap ang kauna-unahang pride march noong 1996 na inorganisa ng ReachOut Foundation, isang international reproductive health service organization. Ayon sa artikulo ni Philip Tubeza noong 2013, ang Pilipinas ay kasama sa mga pinaka-friendly na bansa pagdating sa LGBT; ang datos ay mula sa Pew Research Center sa Estados Unidos noong 2002.

Ngunit kahit ganito ang mga talaga, marami pa ring hinaharap ang mga Pilipinong LGBT tulad ng lantarang diskriminasyon, ang kondisyong heteronormative ng mayorya, mga isyung moral, standardization ng identidad, at mga miskonsepsiyon ukol sa ating mga kapatid na LGBT.

2
$ 0.00

Comments

wow..nice po qumawa po kayu ng community..support po kita sa community mo. Goodluck Godbless

$ 0.00
4 years ago

Goodluck po sa inyo at sa mga journey nyo as LGBT. Just know the limits Lang po end enjoy living

$ 0.00
4 years ago