ML: sikat na laro ngunit sakit sa ulo

1 27
Avatar for Riziel19
4 years ago

ML ang isa sa pinakapangunahing dahilan kung bakit nasisira ang kinabukasan ng bawat bata, ito rin ang siyang nagpapababa sa performance ng mga mag-aaral sa eskwelahan.

Sa panahong ito, pati ang mga batang may murang edad ay nalululong na din. Sa kasamaang palad hindi na nila nagagawang sumunod sa utos ng kanilang mga magulang. Dito na palagi nakatuon ang kanilang pansin kung kayat minsa, hindi na nila nagagawang kumain o matulog

Ang mobile legends ay isang magandang laro kung kaya nating balansehin ang ating oras sa paggamit nito, ngunit ito pa ang siyang dahilan kung bakit hindi natin napapabuti ang ating pag-aaral. Marami sa kabataan ang ngayon ay nabubulag sa katotohanang nalululong na sila sa larong ito at napapabayaan na nila ang kanilang pag-aaral.

Isa lamang itong sagabal sa pagkamit ng ating pangarap. Maraming mag-aaral ang bumabagsak, nagkakaproblema, nagkakasira at nag-aaway dahil sa larong ito. Dahil rin sa larong ito hindi tayo nakakakain ng maayos at tuluyang naihihiwalay ang piling sa pamilya.

Halos lahat ng tao ay marunong maglaro nito kaya marami ang nagiging marahas, mainitin ang ulo at utak alimango.

Ayon kay Dr. Jose George Los Baños, isang psychiatrist, ang sobrang paglalaro ng mobile legends ay isang maituturing na adiksyon na nagdudulot ng masamang epekto sa isang tao kaya napakahalaga ang paggabay ng mga magulang at pagbibigay ng sapat na atensyon sa kanilang mga anak upang maiwasan ganitong uri ng adiksyon

4
$ 0.00

Comments