MAMBA: Hari ng Liga

1 24
Avatar for Riziel19
4 years ago

Isang magiting na idolo para sa nakararami. Isang mapagmahal at maresponsibilidad na ama sa kanyang pamilya. Isang butuing nagniningning at nagbibigay saya at pag-asa sa lahat. Ito’y ilan lamang sa paglalarawan kay 5-time NBA Champion Kobe Bryant.

Walang makakatalo sa taglay na kahusayan ni Kobe Bryant, hindi kailanman mapapantayan ng kahit na sino ang mga mapanlinlang niyang crossovers at mga pamatay na tirada. Marami na siyang nakuhang mga parangal. Tatatak sa ating puso’t isipan, na si Kobe Bryant ang “Hari ng Liga” ngayon at magpakailanman.

Marami sa mga Pinoy ang nagluluksa sa biglaang pagpanaw ng NBA legend na si Kobe Bryant. Tila ba nawalan sila ng butil sa kanilang pagkatao na kailanman ay hindi na mabubuo. Ang lahat ay nabigla at hindi makapaniwala na sa isang iglap, ang tinitingalang idolo sa larangan ng basketball ay maglalaho na lamang na parang bula.

Pumanaw si Bryant kasama ang 13 anyos niyang anak na si Gianna, ang Los Angeles Lakers at 2-time Olympic gold medalist at 7 iba pa sa helicopter crash sa Calabasas sa California, United States.

Simula’t sapul, tumatak na ang pangalan ni Kobe Bryant sa lahat ng lupalop ng mundo. Tila ba ito’y nakaguhit narin sa ating isip at puso kaya mahirap ng mabura, mawala at kalimutan pa.

Tunay nga na “life is certain” hindi natin hawak ang ating buhay, hindi natin alam kung kailan tayo kukunin ng panginoon kaya nararapat lamang na sa bawat segundo ng ating buhay gawin natin ang lahat ng makapagpapasaya sa atin at sa mga taong nakapalibot sayo.

Kobe Bryant, Mabuhay ka, aming magiting na IDOLO.

4
$ 0.00

Comments