Maraming kabataan ang ngayon ay nagpupuyat at hindi na kumakain dahil sa pagkalulong sa iba’t ibang online games. Mas pinipili na ng karamihan ang maglaro nito kahit katumbas ay bagsak na grado. Nakakalungkot isipin na kahit ang mga magulang ay sinusuway na at hindi na nirerespeto ng mga kabataan.
Paano na lang kaya kung ipapatupad ang BS in ESPORTS bilang college course, G kaba?
“Enemy reaches the battle field, smash them, All troops deployed, first blood,” Ilan sa mga katagang lagi nating naririnig sa larong mobile legends.
Imagine nalang na ganito ang subject mo sa college, at ang target grades ay GG o Good Game?.
Ayon sa gaming agency na itinatag ng esports veterans Alodia Gosiengfiao at Tryke Gutierrez, at ng LPU, nasa 80 percent ng tapos ang drafting ng curriculm ng Bachelor of Science in E-Sports program.
Nakatakdang ipasa ang nasabing curriculm design sa Commission on Higher Education sa March 4.