Magandang umaga sa inyong lahat
Kumusta po kayo?
Hindi ako masyado active dito pati na din dun sa noise.cash
Pero pansin ko parang andito na lahat sa noise.app kasi dun sa kabila parang ang lungkot na. Hindi na dun masyadong maingay.
Pero ako mayrong free tip isa nga lang , hindi ko sya ginagalaw para kapag tinitingnan ko hindi ako malulungkot .. hahaha
Sawa kana ba sa buhay mo?
Dahil sa bigat ng problema na dinadala mo
Gusto mo na bang mawala sa mundo?
O kaya naman iniwan ka ng pinakamamahal mo.
Pwes simple lang naman ang sagot dyan
Kumain ka lang ng katulad nitong nasa larawan
Pero akoy nagbibiro lamang .. π€£
Ito ay isang uri ng root crops na nakakalason, ang tawag sa amin nyan "Namo" ang tawag ata nyan sa tagalog ay nami .. Pero kinakain naman talaga ito kailangan mo lang pigaan ng mabuti at hugasan.
Kayo mga kanoise sino ang nakasubuk ng makakain nito?
Kanina sa palengke ito yung tinitingnan ng mga tao kasi ngayon lang ata sila nakakita , ako nga din hindi ko alam kung anu ito. Akala ko nga nyog hahaha may nagsasabi din na upo daw na bilog ..
Pero ito pala yung sinasabi na miracle fruit ,ngayon ko lang nalaman hahaha ignorante talaga
Magandang umaga sainyo lahat
Sa mga nakafollow po sa akin at lalo na sa mga kabayan kong taga Bicol. Maray na aga tabi saindu , mana ta mag arambugan kita .. hahaha
Grabe talagang matulog ang alaga namin, yan ang paborito nyang higaan yung may pangalan na kitty .. kaso nahulog na sya minsan kasi gumugulong gulong sya ..
Pagscroll ko ang dami kong nakikita na post ang sasarap ng ulam ngayon. Pero iwan ko lang itong ulam namin ngayon.
Hulaan nyo nga po kung anu ito? Hehe pero sasabihin ko nalang baka kasi mahirapan lang kayong maghula.
Gulay na Santol lang po yan, kaya ganyan yung itsura kasi sinubukan ko lang naman lutoin na igisa lang .. hahaha Wala na kasing oras manguha pa ng nyog.
Happy Lunchtime mga kanoise . .
Kain po tayo , sa mga hindi pa dyan kumakain ,
Pero kong kumain na, pwedi pa naman siguro mag ulit basta may pagkain pa ..π€£π
Hello mga kanoise ..
Happy Sunday..
Wala na ba kayong bigas?
Kung ganon punta na kayo dito at bumili na,
Para naman maagang maubos ang aming paninda
Hay naku! Ang hirap talaga kumita ng pera
Kahit na linggo ngayon araw sana ng pahinga,
Pero heto parin kumakayod para sa pamilya,
At para rin mayron kaming pambiling bigas .. lol
May mga oras talaga at araw na may kamalasan ang dumadating sa buhay natin. Na kahit gaanung ingat mo ay magkakaroon pa din ng aksidente na di mo inaasahan. Pero swerte pa din naman kasi hindi naputol yung daliri ko.
Isang gabi rin akong hindi pinatulog sa sobrang sakit,
Mas masakit pa nga siguro ito sa iniwanan ng jowa.. hahaπ
Good morning mga kanoiseπ
Anu almusal natin dyan?
Hello mga kanoise, kumain na ba kayo?
Ako kasi nagluluto pa lang, kya lang parang mas nagugutom pa yung manok ,gusto ng maunang kumain. Haha o baka naman gusto nyang maihalo sa nililuto..
By the way kumusta naman po kayo matagal na kasi akong hindi nagpopost dito kay noise. at siguro hindi nyo na ako maalala.π
Kadyos(Pigeon Pea)
Pamilyar ba kayo dito? Ang tawag nito sa amin ay Tabyos. Sa isang taon isang beses lang ito mamunga at kadalasan na tagbungahan nito ay buwan ng Abril at Mayo . At ito yung ginugulay kapag may pabasa o pasyon. At pweding din kasi syang ipanghalo sa dinugoan .
Share ko lang naman po ito kasi yung tanim namin kahit december pa lang namunga na ..hehehe
Kundol(Winter Melon)
Ito ang ulam namin ngayon ginisa na kundol with alimango..
Dito sa amin sa bikol ang tawag sa kundol ay "Tangkwa" Ang masarap talaga na luto dito ay gisa hindi kami nyan nagluluto sa gata .. Pero di ko lang alam kung bagay din bang panghalo ang alimango sa luto na ginisa. Pero hayaan na lang natin, ang importante mayron kaming pang ulam ngayon, hehe
Kayo po mayron ba din na tanim na kundol? .. Maganda yan kasi kahit dimu asikasohin tumutubo lang sya at madami kung mamunga. Kayo nalang magsasawa kung araw arawin nyo mag ulam .. π
Lettuce for you π₯°
Nagtanim kami nito pero hindi naman kami kumakain ,yung mayayaman daw kasi ang kumakain nito,mahirap lang kasi kami eh kaya siguro hindi kami nito mahilig kumain π€
First time ko nito makatikim ,nakikita ko lang ito sa t.v yung linalagay sa burger/ mga sosyal na tinapay...akala ko masarap hindi gusto ng panlasa ko medyo mapait pero masustansya daw ito
Nakatikim na ba kayo nito?
33 years na akong nabubuhay dito sa earth ngayon pa lang ako nito nakakita at nakatikim . Nong una akala ko bato na iba iba ang kulay chocolate pala yan . Hindi ko alam kung anong pangalan nyan pero baka stone chocolate kasi para syang stone eh hahahahah
Goodmorning and Happy sunday guys .
Split Gill Mushroom
Pamilyar po ba kayo dito? Hindi ko alam ang tawag nyan sa tagalog. Pero ang tawag namin nyan dito sa bicol ay "Kurakding" Bihira lang kasi magkaroon ng ganito at tumutubo lang ito kapag tag-ulan..
Share ko lang sainyo, masarap ito igulay at isa din ito sa paborito ko. Sa gata lang ang bagay na luto dyan at Pwedi ring panghalo sa ibang gulay.
Kayo po nasubukan nyo na bang magulay nito?
Magandang tanghali po sainyo Kanoise at mga kaibigan.. Tara kain na tayo ulam namin ngayon, "Inihaw na Adidas" . Kaso walang sawsawan na sauce pero gagawa nalang kahit tuyo o soy sauce. Basta may sili magana na ang pagkain..
Kami nalang yung nag ihaw kasi kung bibili pa ng luto na, may dagdag na ang presyo, hehe Mura lang naman yung kilo ng adidas , .
Magandang gabi mga kaibigan , gabi na naman kaya nakaluto na ako .. hehe
Ito ang ulam namin ngayon Ginataan na hipon , at ang tawag namin sa luto na yan ay "PAKULAW" wala kasi kami makuhang gulay kaya ganyan nalang.
Siguro bago ito sa paningin nyo at ngayon lang kayo nakakita .. Pero hayaan na natin basta kumain nalang tayo.. Hindi kasi kami nagmeryenda kaya maaga din kami kakain .. π
Dami namin na hipon, mayron kasi nagdala sa amin. Kapag tag ulan kasi madaming huli libre lang naman ito. Kasi dun sa kanila yung reject lang naman ito kasi maliliit lang pero kapag dito sa amin kapag ipinagbili mahal na ang presyo.
Anu kaya pweding gawin dito? Hehe Pero mag uukoy nalang kami na hipon at saka yung iba ilalaga nalang na may halong asin, para matagal masira. At pweding panghalo kung magugulay ..π
Magandang gabi po sa inyo .. mga ilang araw na hindi ako nakapagpost dito. Madami kasi akong inaasikaso
Sigarilyas
Ang tawag dito sa amin nyan "Puropagulong". Ito ang gagawin namin na ulam ngayon ,Mayron kasi naglako kaya bumili kami, medjo matagal na rin na di kami nakakain nito. Nawala na kasi yung tamim namin na sigarilyas ..
Ang kadalasan na pagluto namin nito sa gata, pero minsan hinahalo din sa sinabawan..
Kayo po nagugulay din ba nito?
Kapag ganito ang ulam, siguradong kamayan ang labanan. Bihira lang kami gumawa ng ganito, medjo matagal din kasi gawin. sinipag lang ako mag ihaw ngayon.
Bakit kaya masarap kumain ng nakakamay, siguro dahil naghahalo yung dumi ng kamay sa kinakain. Nakukumpleto yung timpla .. hahaha
Magandang gabi sainyo mga kaibigan ..
Tara kain muna tayo ..
Butuan(Cultivated Banana)
Mayron po ba sainyo nito? Sa bundok lang ang mayron nito .. hehe
Ang tawag sa amin nyan ay "Pakol". Matamis din ito kaya lang tyagaan lang talaga ang pagkain kasi puro buto at medjo masakit din sa panga.. haha
Nagpost na ako nito dati pero hilaw pa, ngayon naipakita ko na kung anu ang klase ng hinog nito ..
Di ko lang alam kung yung iba ay kumakain din nito .. π
Pritong Tilapia with crispy fry..
Ngayon lang namin ito natry gawin sa Tilapia. Okay plan siya, mas malasa at masarap. Mas maganda rin kasi hindi gaanong matalsik ang mantika habang piniprito. Hindi ko kinailangan na magmukhang astronaut para lang maprotektahan ang sarili ko sa talsik ng kumukulong mantikaππ
Happy Lunch time po mga kanoise at mga kaibigan
Kumain na ba kayo?
Wala akong maisip na ipost ngayon kaya magkukwento nalang ako .. π€
Naniniwala ba kayo sa sabi-sabing kapag nahulog yung kutsara o kaya tinidor ay mayrong dadating? Kapag kutsara babae ang dadating at kapag tinidor naman lalaki ..
Nung kakain na kasi ako nahulog yung kutsara, napaisip ako kung sino ang dadating. At natawa ako kasi yung malaki pang kutsara ang nahulog. Yun nga maya maya dumating yung fiancee ko . Kaya pala malaking kutsara kasi sya yung dadating ang laki nya na kasi mas lalo pangtumataba. Napabayaan kasi sa kusina .. hahaha
Berba
Ang asim naman pala nito akala ko kasi hinog kasi kulay yellow na kaya pinitas ko na .hehe Ang hilaw nito kulay green naman . Pero ang hinog pala nito dapat kulay orange ..
Ngayon lang kasi ako nakasubok nito kaya hindi ko alam, ganon talaga kapag ignorante .. hahaha
Happy Sunday sa inyong lahat ..
Oras na naman para kumain, at dahil linggo ngayon kailangan na masarap ang ulam. Naalala ko nung bata pa ako sobrang hirap talaga ng buhay namin. At tuwing linggo lang talaga kami nakakatikim ng masarap na ulam .. hehe
Native na manok ang ulam namin ngayon tawag sa luto na yan "Tinutongan" sa gata ..
At kahit araw araw ganito ang ulam, hindi nakakasawa kaysa sa binibili na manok sa palengke ..
Mayron akong nakita na puno ng kahoy, kaya inakyat ko at pinutol ko yung sanga para makunan ko ng larawan. Hindi ko alam kung ano ang pangalan nito. Wala kasi ako masyado alam sa mga panhalan ng halaman .Yung dahon nya kulay puti akala ko bulaklak .. hehe
Kayo po alam nyo ba kung anu ito?
Magandang hapon mga kaibigan..
Sobrang lakas ng ulan ngayon dito sa amin at sobrang lamig .. naulanan kasi ako pagpauwi ko galing trabaho.
Buti nalang pagdating ko may niluto na macaroni soup, kaya tamang tama pangpatanggal ng lamig .. hihi
Tara po meryenda muna tayo ..
Yan malapit ng mahinog yung Rambotan na tanim namin sa likod ng bahay. Unang pagbunga kasi ito kaya kaunti lang yung bunga . Pero ok na din kasi hindi na namin kailangan na bumili .. hehe
Ang saya kasi maraming taon din ang hinintay namin para mamunga ito. At saka mahirap din kasi magpatubo nito , madami din kaming tinanim pero ito lang ang nabuhay ..
Kain na po .. Ulam namin ngayon Sinabawan na Native na Manok at may halo na Camansi.
Yung kakilala kasi namin binigyan kami ng manok, ang sabi nya alagaan daw namin at paramihin ..Kaya ang ginawa namin hiniwa ng tamang tawa lang ang hiwa. Yun nga ang bilis nyang dumami .. hahaha
HAPPY SUNDAY EVERYONE..
Kain na din po kayo .. π
Caladium..
Tinatawag yan dito sa amin" Natong Natong" .. ginugulay namin yung talbos nyan dti pero alam ko hindi kayo maniniwala .. hehe
At ginagawa di namin na pampakain sa baboy . Madami nito sa bundok at kusang bumubuhay lang ..
Sa ngayon may nakikita ako na gingawa na din nilang halaman ito at ipinagbibili .. marami din uri ng ganyan ibat ibang kulay at maganda din kasi tingnan ..
Maulan na hapon .. Luto na po ang meryenda, ito ang tinatawad dito sa amin na "Pinakro". Mayrong saging, gabi at cassava na halo. Niluto yan sa gata at asin lang ang lagay ..
Magluluto na din kami ng para mamayang gabi kasi baka mas lalo pang lumakas ang ulan at hangin. At saka kung magbrownout ..
Ingat po kayo mga kaibigan ... π
Magandang gabi po mga kaibigan ..
Kumain na ba kayo ?..
Tara kain na muna tayo, Ulam namin sinigang na hipon at may halong kaunting malunggay. Medjo malamig kasi ang panahon tamang tama ito na may mainit na sabaw ang ulam .
Maulan kasi dito sa amin kasi mayron na naman palang bagyo ..