Kundol(Winter Melon) Ito ang ulam namin ngayon ginisa na kundol with alimango.. Dito sa amin sa bikol ang tawag sa kundol ay "Tangkwa" Ang masarap talaga na luto dito ay gisa hindi kami nyan nagluluto sa gata .. Pero di ko lang alam kung bagay din bang panghalo ang alimango sa luto na ginisa. Pero hayaan na lang natin, ang importante mayron kaming pang ulam ngayon, hehe Kayo po mayron ba din na tanim na kundol? .. Maganda yan kasi kahit dimu asikasohin tumutubo lang sya at madami kung mamunga. Kayo nalang magsasawa kung araw arawin nyo mag ulam .. 😂
1 comment
Alam ko po ang kundol dahil sa bahay kubo pero ang totoo po di ako sure kung nakakain na ba ako or nakakita na ng gulay na yan. Enjoy your lunch po.