Camansi(Bread Fruit)
Ang tawag nyan dito sa bikol "Ugob" .. At ngayon ko lang nalaman na ang english pala nyan ay bread fruit.. hehe
Hindi kasi tagbungahan ang langka ngayon yun sana ang masarap lagyan ng alimasag. kaya ito nalang nakuha namin. Magkahawig din naman kapag naluto na, kung titingnan dimu mahahalata ..
Tara na po kain na muna tayo ..😊
Meryenda po tayo mga kaibigan..
Juice at Turon magandang kumbinasyon dahil mainit ang panahon .. Kung gusto nyo rin kuha nalang kayo at kung kulangin madami kaming tanim na saging , kaya lang maghihintay muna kayo hanggat sa may mahinog ulit.. haha
Tanghali na naman kailangan na maghanda ng kakainin at pang ulam mamaya. Pero tipid tipid muna sa ngayon, gulay lang na talbos ng kamote ang gagawin ko na pang ulam. . Pwedi ito igisa lang o pwedi ring lagyan ng gata ..
Pero hindi ito basta basta kasi maganda sya para sa may anemia .. cguro dahil kapag naluto na sya nagaging kulay dugo, Yun siguro ang nakakadagdag ..hehe
Magandang tanghali sainyo
Tara na po kain na tayo ..😋
Ito ang ulam namin ngayon, gulay na papaya with alimango.. pero sa akin gulay lang kasi mahina ako sa alimango.. kapag kumakain kasi ako nyan sumasakit ang ulo ko .. pero hindi naman ako highblood di ko alam kung bakit .. hehe
Magandang hapon mga kaibigan..
Ang aming meryenda ngayon ay simple lang, Balingoy(Cassava). Ito ang pagkain ng mahihirap lang, pero masarap kapag may kasama din na sawsawan. Ang tawag sa amin nyan"Luto-Luto" ..
Kaya tara na po meryenda na tayo, Pero alam ko mayron din naman na hindi kumakain nito.. hehe
Minsan ang ginagawa namin na pagluto ng cassava , ang pagsaing Gata ang inilalagay .. Tinatawag naman yun "Pinakro" ..
At kung alam nyo din yung tinatawag na "Linupak".. pwedi rin yan gawin ..😊
Mayron akong kwento,may napag usapan kasi kami ng fiancee ko . Sabi nya kapag may pera daw kami, maganda mag-invest o bumili ng lupa. Kasi habang tumatagal nagmamahal ang presyo ..
Kaya naman ang gagawin ko, mag iipon ako ng lupa..
Kaya nga lang nakalagay sa paso. Pero mukhang madami-dami rin ang kakailanganin kung paso ..🤭😂
Anu sa tingin nyo guys? Ito na ba ang magpapayaman sa amin? ..
Magandang Umaga .. 🌞
Magandang hapon po sainyo ..
Anu meryendahan natin dyan ?
Mayron kasi kami na hinog na saging, Ito ay galing sa tanim namin .. Ang tawag dito saba, pero dito sa bikol tinatawag ito" Kalibu "
Naisip ko lang ipost kasi nag iisip pa ako kung anu ang pwedi gawin dito .. Kung gagawin ba na Turon, Sinapot , Banana que o isaing nalang ..hahaha
Madami din kasi pwedi gawin dito, pwedi rin naman kasi ipanghalo sa nilaga, o kaya naman sa tahada..
Baluko( Pen Shell )
Ngayon lang naman ulit kami nakapagluto ng ganito , nakakatakot din kasi kumain nito kapag may red tide.. Isang uri din ito ng seafoods dito sa Sorsosogon.. Yung iba ayaw nito kumakain kasi nahihilo daw sila ..
Pero isa din ito sa paborito ito kung ulam , at ganitong luto ang ginagawa namin .. At pwedi naman na prito ang luto nyan, lagyan ng harina o kaya naman crispy fry ..
Kaya tara na po kain na tayo ..
Magandang gabi sainyo .. 😊
Ito yung nakakainis kapag pumupunta ako sa bundok , nakakatamad magtanggal nito kumakapit kasi sa short kapag naglalakad sa damuhan . Kung hindi naman maalis makati sa balat ..
Ang tawag nyan dito sa bikol "Amorsiko".. pero hindi ako kumbisido sa tawag sa damo na ito .. kung ako ang tatanungin dapat iba ang tawag dito.. kasi mababa lang sya , hindi naman umaabot hanggang siko.. hanggang tuhod lang .. kaya ang dapat na tawag dito "AMORTUHOD".. 😂😝hahaha
Magandang gabi sainyo ..
Kumain na po ba kayo?
Tara kain na ito ang ulam namin ngayon , menudo na karneng manok . Tsamba tsamba lang na luto .. 😂
May halo yan na unod ng linsa o gabi .. pasensya na kayo di ko talaga alam kung pano yan itatagalog .. haha
Pero tuwang tuwa na naman yung aming alaga na aso kasi ang paborito nya ay chicken..
Minsang nga pritong itlog lang yung ulam namin pero sya binibilihan pa ng chicken .. 😄
Gabi na naman kailangan ng magluto , pwede na siguro ito igisa at lagyan ng itlog..
Binabad muna kasi yan sa tubig na may asin para mawala yung pait ..
Alam nyo ba dati hindi ako kumakain ng ampalaya ang pait kasi ng lasa .. pero dahil mahirap ang buhay at no choice na, kumain nalang ako .. hahaha
Narealize ko na okay na okay pala ang ampalaya, mapait lang sya pero masustansya..
Madami kang health benefits na makukuha at pangkontra anemia pa ..
Ito ang ulam na malakas makapagpahighblood , kapag palagi nalang .. 😂
Pero kung paminsan minsan lang masarap din ipang-ulam ..
Galing kasi ako sa trabaho, pagdating ko sa bahay wala pang niluto. Yung mga kasama ko dito lahat kasi sila busy ngayon .. kaya nagprito nalang akong tuyo kasi ito yung madaling lutoin .. at saka gutom na ako haha
Magandang tanghali sainyo ..
Kain na din po kayo ..
Daming ulam namin ngayon ..
May gulay kaming lubi-libi (wild cabbage) nakukuha ito sa bundok ,tumutubo kahit saan , kaya hindi na kailangang bilhin at makakatipid na.
At syembre mayron din kami na sinigang na karneng baboy , sabado kasi ngayon bagong sahod .. hehe
Kaya tara na kain na po tayo mga kaibigan, habang mainit pa ang pagkain ..😁
Magandang Umaga sainyo mga kaibigan
Tara Almusal po na po tayo ..
At dahil ngayon ay araw ng Byernes
Ang ulam ko ay FrieDay-Lis .. 😅
Pritong toyo na dilis, lalagyan ko ng kalamasi, sili at kamatis ..
Hindi ako sanay kumain ng maaga, kaya lang may pasok ako sa trabaho.Nakakagutom kasi kapag hindi nag-almusal ...
Malapit na naman magabi kaya kailangan ng maghanda ng lulutuin..
Pero heto ang pinakaayaw kong gawin yung maghimay ng malunggay ..
Kaya naman kapag ako ang gumawa kasama ang ibang maliliit na tangkay .. hahaha
Hindi kasi ito makakamatay at kapag naluto na hindi na yun mahahalata ..
Pero yung iba nakikita ko inaalisan talaga ng mabuti..
Hello po sainyo ..
Tara kain tayo . . Kakauwi ko lang galing trabaho at hindi kasi ako nakapag-almusal kanina..
Ito ang ulam namin gulay na saging na saba , yung alimango buhay pa ata gusto lumabas sa lalagyan , hehe ..
Alam ko na bago ito sainyo na ganitong luto .. pero nagpost na ako nito dati , iba nga lang yung halo nun.
Magandang hapon po ..
Kumusta kayo ?
Tara meryenda tayo .. may sinaing na mais pagdating ko sa bahay , pwedi rin siguro ito samahan ng kape ..
Kakauwi ko lang sa amin , galing kasi ako sa bahay ng fiancee ko .. binisita ko kasi namimis nya daw ako.. hahaha
Adobong Adidas ..
Ayan po nakaluto na ako , pwedi ng kumain kahit medjo maaga pa..
Hindi nito kumakain si fiancee ko, buti nga yun para makapagdiet na sya.. haha
Ang arte kasi nandidiri daw sya ..nilinisan ko naman ng mabuti ..
Pero alam ko hindi naman makakatiis , kakain din sya kasi ako ang nagluto .. 😂
Ikaw ba ay nag-iLBM ? Pwes wag kanang mamuroblema pa kasi may mas madali ng lunas at dimu na kailangang bumili pa..
Lumunok ka lang ng buto ng santol tiyak di kana magda-diarrhea pa ..
Kaso mayron na namang problema mahihirapan kanang magbawas .. hahaha
Subukan nyo ng malaman nyo , pero walang sisihan .. 🤣😂
Magandang hapon po Sainyo ..
Ito ang ulam na hindi pwedi sa mga mahihinang nilalang .. Lumpya na siling buo ang laman .. may halo din na kaunting karne ..
Ang tawag namin dyan ay " Dynamite" kasi parang sumasabog sa bibig ang anghang ..
Nakakasakit din sa tiyan kapag nasobrahan ..
Magandang gabi sainyong lahat
Kain na po tayo ..
Bagumbong(Alpinia Elegans)
Sa bundok madaming pweding kainin tulad nito, ang tawag sa amin nyan ay "Tagbak". . Akala ko kasi hinog na kaya kinuha ko , hilaw pa pala.. hihi
Ang hinog nyan nagkukulay itim po ang laman .. parang bayabas lang din itsura kasi mabuto
Sainyo kinakain rin po ba yan? ..
Pero wag nyo na lang tingnan ng mabuti
Kasi makikita nyo yung kamay ko madumi .. 😂
Magandang gabi po sainyo mga kaibigan at kashare..
Kain na tayo .. ito ang ulam namin hindi ko alam kong anung pangalan ng luto na ganito , hayaan na natin bast maluto at may ulam .. hahaha
Basta Pritong isda at saka niluto sa gata .. may lagay na kamatis at sili ..
Siguro karamihan ganito ang post , pero makikigaya nalang ako .. haha .. natanggap ko di agad at ngayon lang ito , nung una wala kasing dumating sa noti ko na ganon .. kaya salamat kay Noise.cash .. 🙏
Magandang gabi sainyo ..
Kain na po ..
Magandang hapon ..
Sino po ba sainyo ang pamilyar dito?
Ang tawag sa amin nyan ay "Duromon" .. hindi po doraemon ah.. hahaha .. kinakain namin yan parang prutas na din dito sa amin .. medjo maasim ang lasa pero masarap din kapag may asin .. hilaw pa yan pero pwedi na kainin, ang hinog kasi nyan medjo nagkukulay violet ang kulay ..
Hindi ko lang alam kung anu ba ang ibang tawag dyan sa english o kaya sa tagalog .. share ko lng .. 😉
Magandang gabi po mga kaibigan , nag sikain na ba kayo?
Ang ulam naming ngayon corned beef ..😂
Biro lang po gulay na santol yan ,pero yung tira lang yan na ulam namin kaninang tanghali. Tinamad na naman kasi kami magluto..
Nakita ko kasi na marami ang nagpost ng santol dito kay noise. Cash pero wala ako nakita nito na luto na.. Dito po sa amin linuluto po namin ito linalagyan ng karne para ma's MASARAP at sili din, Pwedi din lagyan ng hipon kung mayron. para hindi sya maasim kailangan hugasan ng ilang ulit at pigaan at dapt dry lang yung pagkakaluto sa kanya para MASARAP.
Magandang hapon sainyo ..
Gumagawa din po ba kayo nito?
Magbuburo kasi kami ng santol para kahit hindi tagbunga pwede pa kami makapag-gulay nito. Hindi kasi nasisira kahit hanggang sa sunod na taon pa .. hehe
Ang ginagawa namin yung kinayod na santol ilalagay sa tubig na may asin para hindi sya magkulay pula . Kapag wala kasing tubig nagpupula ang kulay nya .. At yung asin naman, kailangan siya para mapreserve yung santol. Pag nababad na sa tubig, pipigaan ito ng isang beses at ilalagay na sa lalagyan at bubudburan ulit ng asin sa ibabaw .. pero kung lulutuin na kailangan ito hugasan ng mga tatlong beses o mahigit pa, hangga't mawala na yung asim ..
Tara kain po tayo ..
Ang ulam namin yung kagabi pa ito na pritong bangus . Wala kasing nagluto ngayon naglaba kasi si mama.
May pasok kasi ako ngayon sa trabaho , malapit lang naman dito sa amin yung pinagtatrabahohan ko kaya dito nalang ako sa bahay manananghalian para din makatipid ..
Hindi pweding kami lang ang meron dapat sya din..
minsan nga nagseselos ako dito sa aso namin kasi kami toyo ang ulam tapos sya chicken meron pa syang vitamins ako hindi ko nga naranasan uminom ng tiki-tiki nong bata ako ..
Nung kasing edad ko sya hindi ko naranasan kumain ng cornetto , sya oo.
SANA ALL.. 😂
Nasa bahay na namin ako ngayon wala ng bantay .
Masubukan ko nga ito kung anu ang lasa.. 😂
Ganito lang na klaseng inomin ang kaya ko ,yung mababa lang ang alcohol content .. may alergy kasi ako sa alak .. namumula ang buong katawan ko , namamantal at nangangati ..
Magandang hapon ..
Ganito ang magandang panahon ,hindi mainit at hindi umuulan , kong baga sakto lang..
Pero hindi naman yung langit ang aking tinitingnan
Yung kalsada po na daanan pauwi sa amin nandito pa kasi ako ngayon sa bahay ng fiancee ko ..parang gusto ko na kasing umuwi eh baka mamaya mautusan pa ako magluto para mamayang gabi kasi kahapon hanggang kanina para akong chef dito eh ah hindi pala all around helper ,🤣 tagalinis,tagahugas,at tagaluto si fiancee ko kasi busy gumawa ng module at instructional materials.....ito pala ang magiging role ko pag teacher ang jowa🤣😂