Bago umalis naisipan ko muna magkape ngayon habang inaantay kong matapos umikot ang nilalabhan ko. Para isasampay ko nalang sa labas at lalarga na ako papunta sa palengke. Ang tahimik sa bahay. Nakakamiss din naman ang maingay pero pagdating nila ayan na haha! Pero mamaya pang hapon ang uwi nila. Parang whole day na din ang pasok nila. Nagiisip din ng maiuulam ngayon tanghalian isda muna ulit at nun nakaraan puro mamantika ang kinain namin. So paano tapos na yun sinalang ko mamaya ulit!
4 comments
Dito din sis, sobrang tahimik ngayon. Wala ang mga pamangkin ko. Pero mamaya lang nyan, dito naman naman sila para mangulit. Haha.. Good morning
Hahah.. sarap ng tahimik ang bahay. Maya maya lang nandito na sila kaso pag uwi tutulog naman
Yung pamangkin ko, kapag umuuwi sya. Ang sasabihin nya agad, antok ako.. hindi na daw sya nakakatulog kapag hapon.
Ang anak di na nagsasabi basta nalang matutuloh un