read.cash Log in
@Reysky

@Reysky in August 2022

@Reysky

Sana naman maaraw na ngayon! Wag na sanang umulan kasi mababasa na naman ang kusina ko. Wala na akong basahan na maipunas kasi lahat basa na. Di ako nakapag post kahapon kasi wala ako sa mood. Masama kasi pakiramdam ko. Nakisama sa panahon ang katawan ko na parang gusto matulog lagi. Aug na agad. Malapit na pasukan di ko pa naeenrol ang anak ko. Hays! Hanggan ngayon kasi magulo pa utak ko. Aga aga noh tapos bad vibes agad ahhaha.. hayaan nyo last na toh. Pero hindi ko…

@Reysky

Bumili ako ng nips pandagdag sa toppings ng shake. Mura lang naman siya nagkakahalagang 20 pesos. Meron na din kikitain kapag nagpa add sila sa kanilang shake. Wala pa akong nalulutong ulam ngayon. Bakak ko mag fried chicken nalang tutal wala naman ang hubby ko at kami kami lang naman ng mga bata dito. Mamayang gabi na ako babawi sa kanila. Magluto ako ng porksteak. Hehe

@Reysky

Naglalambing ang bunsi ko. Trio niya kasi yun nips na pantoppings ko sa shake. Pero kahit anong lambing niya hindi pwede yun kasi sa paninda yun hindi para sa kanya. Bibilhan ko na lang siya ng para sa kanya wag lang pag initan yun. Pero bukas ko pa yun mabibili kasi bukas pa ulit balik ko sa palengke.

@Reysky

Nagluluto ng pang dinner ngayon. Habang nagwawalis walis ng bahay. Syempre silip din dito habang nag iintay na maluto akin niluluto. Kapag may bumili naman hinihinaan ko naman aking niluluto para hindi naman masunog. Sabay din na kaoag nagtatanong ang baby ko na kung ano ang gusto ko kasi naglalaro siya. Kunwari nabili ako ng foods sa kanya. At tatanungin ako kung ano gusto ko. Nakukuha na din ata ang pagiging negosyante ko haha

@Reysky

Yan po yun niluto kanina. Ang Pork Steak! Start na din kaming kumain kasi gutom na si Hubby. Alak ko kasi na mabigat ang work niya kaya gusto ko pag uwi niya nakaluto na ako at kakain nalang siya. Magsasara na din ako ng akin small business na shake. Nakabenta na din naman ako at hindi na masama. Tsaka yun benta ko ngayon tubo ko nalang kasi marami din akong stock na powder. Kapag nakakabenta kasi ako ng malaki bumibili na agad ako ng mga powder para hindi ako araw araw…

@Reysky

Nakagawa na ako yelo, nalinis ko na din ang ref, malinis na ang kusina, sala nalang na maya maya ko nililinis haha. Pero bukas na ng umaga para may gawin ako. Minsan kasi kapag wala akong magawa sa umaga natutulog ako kahit 1oras kaya bukas ko nalang linisin ang sala. Naaya ang mister ko ng kanyan barkada na mag inuman. Kaya ako nama. Pumayag kasi minsan lang naman eh. Maenjoy naman niya ang life niya. Hindi un trabaho bahay lang siya. Syempre kailangan nya din mag hang out…

@Reysky

Ang aga magising ng batang makulit. Paano naman ako maglilinis ng bahay niyan kung gising na to. Eh habang nagwalis pa naman ako nag kakalat siya hahaha. Gusto niya kasi na ihatid papa niya kaya ayan kapag gising na kami pati siya nagigising. Sa bagay maaga din naman siya natulog kaya ok lang. Mag aalmusal muna kami. Tinapay at kape sa kanya milk syempre hehehe. Good morning and have a nice day.

@Reysky

Batang madungis nakain kasi ng chocolate na nasa stick. Sabi ko pa naman kagabi maglilinis ako ng bahay ngayon kaso hindi ko nagawa kasi maaga nga nagising ang batang bulilit na ito. Kaya ngayon makalat pa din ang bahay. Paksiw na bangus nga pala ang ulam namin. Pero ang mga kids ko gusyo century tuna. Hahah mas gusto pa ang delata kesa ayun niluto kong paksiw. Anyway request nga pala ng mister ko yun kaya sige lang iluto ko. Tara kain na tayo.

@Reysky

Ano ba meron ngayon at walang katao tao o dumadaan sa labas. Wala man lang bumili as in wala pa. Ngayon lang nangyare sakin ito. Maganda naman ang panahon. Bakit kaya?. Sabi ng anak ko baka nagsawa na haha.. pwede din. Pero ok lang. Baka kailangan ko din magpahinga. Di pa kasi ako nagsasarado mula nun nag bukas. Kasi naman need ko talaga kumita. Dami namin bayarin. Malapit pa mag pasukan kailangan din makaipon. Hays! Sana nga lang makakuha voucher ang anak ko para makamenus…

@Reysky

Grabe talaga! Walang katao tao kahit bata wala. Yung kapitbahay namin tamang swimming pa ngayon kaya lalong walang makausap at makitang tao. Maya maya lang susunduin ko na ang mister ko, balak kong bumili ng lumpia at yun ang iulam ko. Nag cacrave ako sa lumpia sana meron tinda sa labas kapag sinundo ko ang mister ko. Boring talaga ang araw na ito. Grabe! Hahaha

@Reysky

bigla kong narealize na, hinde pala sa lahat ng oras mahalaga tayo. Kaya itulog nalang at may tao talagang matigas ang puso.

@Reysky

Habang nag iintay ng costumer nood muna ng 365 days sa netflix. Wala din naman makausap kaya kapag walang costumer nakababad ako sa panonood. Kaya ang boring ng buhay ko. Haha. Sa bahau sanayan lang mas ok na yun ganito kesa nasa labas nakatambay. Diba..!!!

@Reysky

Ang bilis ng oras, parang kanina lang tanghalian palang ngayon meryenda na. Malapit na maggabi, uuwi na ulit mister ko. Magiging malungkot na naman ang gabi ko. Hahaha. Baliktad noh! Wala ganun kasi nararamdaman ko pag nandito siya. Pagwala naman feeling ko im free hahaha...

@Reysky

Susundo na sa hubby ko pero naulan naman. Malamang nento mababasa ako at maliligo ng wala sa oras. Actually umaga palang naligo na ako. Ngayon pagsundo ko, maliligo na naman ako. Hahaha sa bagay mainit din kasi kanina at nagbabalak din ako maligo ngayon. Naunahan na nga lang ng ulan. So, paano aalis muna ako saglit babalik din ako kaagad.

@Reysky

Ano meron ngayon at bakit maulan ang panahon. Kagabi pa nag start at halos di na tumigil. Ingay pa naman dahil walang kisami ang bahay namin at talaga naman bawat patak rinig na rinig namin. Napuyat tuloy ako. Haha.. anyway, nagkakape muna ako at inaantok pa akong maige. Sarap din kasing matulog kasi malamig ang panahon. Pero bawal na maulig need ng kumilos ta tinnghali na nga ako. Hehe

@Reysky

Giniling with boiled egg ang ulam namin ngayon tanghalian. Request ni mister. Minsan lang yun ma request kay niluluto ko na. Syempre gusto ko din maiba ang ulam. Kasi lai yun at yun ang niluluto ko. Sana lang magustuhan ang mg anak ko kasi ngayon lang sila makakatikim nito. Kaya't tar na kain tayo guys!

@Reysky

Ano ba yan, wala na ngang benta nasira pa yun trapal ng tent ko. Naipon kasi yun tubig, di ko naman napansin ayun sumabog sa ulo lo lahat basa ako at ang bunso ko. Paano na gagawin dun. Pag umaraw tatangalin ko nalang yun trapal at reremejuhan sa makuha pa sa remejo. Kainis talaga haha!

@Reysky

Good morning! Gising na naman maaga tapos pag kahatid ko sa mister ko tulog ulit. Nawiwili akong manood ng netflix. May mga episode kasi akong pinapanood dun. Nag avail ako ng 149 na ako lang pwede gumamit. Sa susunod na mga avail ako yun pwede 2 cp para makapnaood din ang anak ko. Mahilig din kasi manood yun. Have a nice day to all!

@Reysky

Sa dami dami ng nkaalimutan bakit pa kasi ang uniform pa ng asawa ko na hindi ko natahi ang nailagay ko sa bag niya. Sus ayan sermon to da max na naman ako. Feeling ko wala na talaga akong ginawang tama sa kanya. Halos lahat ng ginagawa ko mali. Maige pa di na nagising. Kaso wala eh ako pa din unang nagigising. Bawal pa mag explain. Jusko.! Minsan kapag naalala ko tatay ko, tama lahat ng sinabi niya sakin. Bakit kasi ako nag madali. Ayan tuloy nakakuha ako ng ganito. Hays!

@Reysky

9:30 na di pa din tapos magtiklop ng mga damit. Di pa din nakakapaluto ng ulam. Wala kasi akong maisip na mailuto kaya heto, wala pa kaming ulam pero meron na kaming kanin kasi kaninang madaling araw nag saing na ako ng marami para ulam nalang ang iisipin ko. Hays hirap mag isip araw araw. Dumagdag pa itong ulam araw araw. Jusko maloloka na ako.

@Reysky

Kailangan talaga minsan mahalin natin ang sarili natin. Kasi pag naubos tayo baka yung sarili natin di natin makita. Kaya dapat may mga bagay na kapag di na kaya pakawalan na lang.

@Reysky

Gabi na naman! Pero wala pa din pagbabago. Maungkot pa din. Hahah Sinasali ko na ata ang kamalasan ngayon pg pasok ng august. Parang hindi para sakin ito. Ewan ko ba pagpasok palang ng august hindi na maganda. Birth month pa naman ng panganay ko. Anyway, laban lang wag mawalan ng pag asa.

@Reysky

Paulit ulit na lang, paulit ulit nalang! Kahit pilitin pa ang sarili, ibigin kang mali, akoy mali akoy mali! Paano ba ang magmahal? Palagi bang nasasaktan? Umiiyak na lang palagi Gusto ko nang lumisan Paano ba ang magmahal? Kailangan bang nasasaktan? Lagi na lang 'di maaari Ngunit ayaw lumisan.... Hay!!! Paano ba lumisan!!!

@Reysky

Kauwi lang galing sa galaan! Masaya na naman ang dalawang chikiting. Sana all! Sana bata nalang forever. Naalala ko tuloy tatay ko, wala pang mall non, sa peryehan kami dinadala ng tatay ko. Ang saya! Sakay ng rides, hagis ng betchingko, atbp. Sarap lang talaga balikan ng kabataan sana pwede pang balikan.

@Reysky

Tamang nood na naman ako sa netflix. Inaabangan ko ang episode ng 2 good to be true. Ang ganda kasi ng storya. Kapag nalulumbay ako nanonood nalang ako sa netflix para hindi mkaisip ng problema. Kasi kakaisip ko para akong masisiraan ng bait. Sa totoo lang! Ang dami na kasi pumapasok sa utak ko. Lalo na siguro kapag nagpasukan na. Matotorta na naman utak ko hahah! So paano good night na din sa lahat magpapahinga na din ako. Good night ang sweet dream sa mga matutulog na.

@Reysky

Tanghalian na. Pero ayaw pa din nila kumain. Pati ako wala din ganang kumain. Baka matuluyan na talaga kami. Wala na daw kasing pagmamahal ang pagsasama namin kaya kung aalis kami iwan ko nalang daw ang susi. Haha.. Sana nga noon pa noh!

@Reysky

Kahit malamig ang panahon nag try padin akong magtinda ng milkshake. Nagbbakasakaling baka may bumili. At hindi naman ako nagkamali. May bumili naman. Feeling ko talaga sinalo ko na lahat ng kamalasan. Mapa anak mapa sa kinakasama na sa akin na ata. Masama ba akong tao. Hindi naman ako perpektong babae pero siguro naman hindi ako masamang tao. Bakit pinaparusahan ako ng gnaito. Masama bang maging masaya. Di ba ako deserve maging masaya. Bakit ganun!!!???

@Reysky

Tapos na kaming kumain. Magliligpit nalang ng mga pinagkainan. Naniniwala na talaga ako na walang forever haha!

@Reysky

Simulan ag umaga ng nag iisa at may ngiti sa labi. Kung ayaw niya edi wag. Problema ba yun. Basta ako sinabi ko na ang lahat lahat. Haha! Kung ayaw niya maniwala edi wag! Ganun talaga, takot kasi sa sarili niyang multo. Char! Hahaha

@Reysky

Puyat pa more! Kalaro niya kasi ang pinsan niyang nasa kuwait. Magkaibang oras kasi sila. Lugi ang anak ko kasi mas napupuyat siya. Hinahayaan ko lang hanggat wala pang pasok. Pero pag may pasok na its over na ang paglalalro sa gabi. Tanghalian na pero tulog pa din pero ok lang kasi alam kong puyat nga.. hehe

@Reysky

Done eating! Ligpit naman ng pinagkainan. Tapos sampay ng nilabhan. Laban lang sa buhay. Kung di ka na mahal edi wag na. Basta alam ko mahal ako ng mga bata. Di dahil ko ang ina nila dahil ako ang nagtiyaga at umintindi sa lahat ng kamalian nila. At nandito ako para gabayan sila s agusti nilang tahakin sa buhay. Di madali pero kakayanin. Thank you Lord!

@Reysky

Lunch for today langgonisa at egg! Dahil tanghali na nagising ang amin tangahalian pang almusal na din hehe. Namiss ko lang kumain ng langgonisa sakto nakita ko sa palengke kaya binili ko na din. Wala din kasi akong maisip na maluto kasi paulit ulit nalang ang laman ng utak ko. Kaya kanina nag ikot ikot ako habang nag iisip maiuulam ngayon at ayan. Charap!

@Reysky

Masaya akong makita na magkasundo sila ngayon. Minsan kasi lagi nalang asot pusa, minsan nakakapikon pag nag aaway sila. Sana lagi silang ganyan para tahimik ang akin kaisipan. Nagccrave ako shawarma kaso ngatitipid ako. Tumaas kasi ang akin bill sa kuryente. Kahit anong tipid ko parang lalo lang tumataas. Hays!

@Reysky

Pabaon ko sa mister ko nag fried bangus. Para maiba naman. May gulay din kasama yan kaso binalot ko na kaya di ko na napicturan. Nagugutom ako pero wala jan ang gusto kong kainin. Pero dahil alam kong gastos ang cravings ko isinasantabi ko muna dahil need kong magtipid at need kong makaipon muna dahil nalalapit na ang pasukan. Need bumili ng mga notebook at iba pa. Face to face na din ata. Hays!

@Reysky

Good morning! Yung idlip ko nauwi na sa tulog kaya ngayon heto kagigising ko lang. Nagising ako sa tawag ng mister ko dahil daw baa dumaan yun asawa ng katrabaho niya na namimigay daw ng kape at dadamihan daw basta hanapin ko lang daw un asawang katrabaho niya. Aba sayang din yun. Libre din yun heheh!

@Reysky

Sinamantala ko na ang init ng panahon baka kasi sa susunod na araw baka umulan ng umulan na naman. Nnilabhan ko mga conforter at mga kobre kama sama na din ang mga punda at kumot. Kaya ayan tuyo na sila. Nilabhan ko na din ang mga puti kasi dami na din eh! Matagal ko na sila na babad kaya ist time na labhan sila. Meryenda time na din peri kape muna ako. Kasi isasapay ko ang mga puti kasi tumunog na ang dryer na tapos na siya. Napadaan lang din ako kasi mejo naboring na ako…

@Reysky

Breakfast:. Pancake and coffee. Maaga kasi nagising ang bunso ko at naisip kong iluto siya ng pancake may stock pa kasi ako at yan din nag trip niya kainin. Syempre nilutuan ko na din ang sarili ko para makasama ang kape ko. Miss ko na ang mister ko. Miss ko na mga ginagawa niya sa akin. Basta! Sana humupa na ang unos sa amin dalawa. Sana pagtibayin pa ng Diyos ang amin pagsasama. Na kahit nag pagsubok ang ibato sa amin kaya namin lagpasan basta wala lang susuko isa sa amin…

@Reysky

Nakakastress kapag ganito ang panahon. Walang katao tao, wala man lang makachismisan haha! Hina ng benta ko ngayon. Sabado kasi yun iba nasa labuyan. Yun iba tamang pahinga sa bahay. Pero ok lang mahalaga meron pa din benta hindi na masama hindi naman nazezero. Meryenda tayo mga guys. Tamang kape muna ako dito sa labas.

@Reysky

Umulan na nga. Buti ngayon gabi siya umulan para masarap ang tulog, malamig lamig ang higaan ngayon. Makakatulog ng mahimbing. Hindi ko muna iisipin ang kusina ko bahala na kung bahain siya bsta ang gusto ko lang mag relax at humiga. Manood ng kung ano ano para mawala ang stress sa buhay. Good night na sa inyo salamat nga pala sa mga generous jan. Kahit walang kapalit nagbibigay pa din. Thank thank you.. Thank you Lord sa araw na ito amen!

@Reysky

Kape muna sa umagang kay ganda kahit late na ang gising. Napasarap ang tulog ko dahil nga malamig kagabi dahil umula ng malakas. Di ko na ininda ang ingay nito basta ako matutulog nalang. Wala kasing kisami ang bubong namin kaya rinig na rinig ang bawat patak ng ulan sa bubong namin. Sa bagay sanay na naman ako. Sa ingay palang ng anak ko kapag inaantok ako bahala sila mag ingay bsta ako matutulog. Wag lang nila ako gigisingin kasi masakit sa ulo kapag nabitin. Isip isip na…

@Reysky

Meryenda na. Kape ulit! Adik na ata ako sa kape. Minsan bago ako matulog nagkakape din ako. Para magising ako. Kasi baka pag nakatulog ako mapahimbing. Hindi na ako magising. Kawawa mga anak ko pag di na ako magising. Hahaha Lalo na yun pangalawa ko pag nawala ako kawawa siya. Basta! Kaya hanggat kayang magising gigising ako. Kahit sa katotohanan gising na gising na ako. Hahaha

@Reysky

Ngapunta kami sa puntod ng tatay ko. Kaso bigla naman umulan kaya sumilong muna kami dito. Nakita namin ang rainbow kaya naman pinituran ko kasama ng anak ko. Simula kasi nun nagtinda ako di na ako nakapasyal sa tatay ko. Pati bday niya di din ako nakapunta kaya heto di muna ako nagtinda para mapasyalan siya. Miss na miss ko na tatay ko kung nandito lang siya hindi ako ganito kalungkot.

@Reysky

Meryenda ko kanina, cheesestick! Pero hindi basta cheese yun nasa loob. Kasi hindi din basta basta ang presyo. Nagulat nga ako nun omerder ako 90 pesos ang anim na piraso. Pero sulit naman sa lasa kasi ang sarap. Hindi mo iindahin yun price kapag natikman mo naman ang cheese stick na ito.

@Reysky

Good afternoon! Ang bilis ng oras hapon na agad. Halos maghapon nakahiga dahil lugmok sa kalungkutan. Hahaha! Langyang pagmamahal yan hindi ba pwedeng sumaya nalanh hindi yun hahantong na masasaktan ang isat isa. Daming pumapasok sa utak ko pero lalo lang gumugulo. Ewan ang gulo ng mundo ko.

@Reysky

Gabi na naman! Dati rati kapg ganitong oras daming nadaan. Ngayon parang bilang lang. Pati mga bata wala din. Walang maingay sa kalye. Kapag ganitong wala akong gaanong nakikitang tao. Nalulungkot ako. Ewan ko ba. Pati makausap wala din. So bored!

@Reysky

Good morning mga frends! Kape at pandesal ang aking almusal. Sa mister ko naman pansit at pandesal. Di ko kasi trip ag pansit nag gusto ko kasi champorado kaso walang tinda ang binilhan. Kaya sabi ko kape nalang at pandesal ang akin almusal. Pupunta ako sa school ng anak ko kasi itatransfer ko siya dahil hindi na online class kundi face to face. Pwede naman online kaso ang anak ko ayaw na niya. Gusto na daw niya pumasok sa schoo. Kaya ngayon pupunta ako sa school para kunin…

@Reysky

Maulan na hapon sa inyo mga kaibigan. Di nalang umulan ng gabi bakit ngayon pa. Matatago na naman tuloy ang mga tao nento. Wala na naman benta haha.. wala ehh tag ulan na kaya walang magagawa. Anyway pasukan na pala sa monday may pagkakaabalahan na ako. Kasi may ihahatid na ako sa school. Mas magiging busy na ako. Kasi ang 4 yrs old kong bunso papasok na din sa school, pero sa daycare muna. Kakatuwa namiss ko ang ganito. Excited na ako pero wala pag gamit mga anak ko haha

@Reysky

Good night mga kaibigan! Tapos na ang isang araw heto at gabi na naman. Mautulog, magpapahinga. Pero makakapahinga nga kaya? Ang isipan na puno ng pangamba at pagdurusa na bakit kailangn subukin ka ng panahon. Minsan iniisip ko na masama bang maging masaya, bakit ganun kung kailan masaya ka na sa isang bagay tapos biglang bawiin at ito ngayon lugmok at di alam paano ulit masisimula. Minsan mas gusto ko ng matulog at wag ng gumising pero hindi pwede dahil may mga umaasa sayo…

@Reysky

Dito ako nag aabang para sunduin ang mister ko. Mahal kasi kapag nagtrike siya. Pag baba niya ng jeep makikita ko naman agad siya kaya. May kainan din ng pares dito, minsan dito na kami nagaalmusal. Minsan naman inuuwi namin sa bahay at dun kakain. Sa ngayon nasa bahay na kami. Hindi siya nag aya kumain mag almusal siguro sa trabaho niya nakapag almusal na siya haha... Mamaya bbili ako kape. Yun nalang ang almusal ko. Good morning!

@Reysky

Kailan kaya makakabili ng gamit ng pangschool ng mga bata. Di pa sapat ang ipon ko. Bigla kasing humina ang tinda ko dahil sa panahon ngayon. Nag iisip pa ng ibubusiness ulit para may pagkuhaan pa. Tanghalian na din guys mau naluto na ako plus yun tirang ulam kagabi. Sayang kasi kung di makakain. Humina kasi kumain ang pangalawa kong anak. Dati madami siyang kumain ngayon konti nalang. Hays! Namamayat na nga eh!

@Reysky

Gabi na naman. Pero dahil mahina ang business ngayon, tiklop tiklop muna damit. Para mabawasan ang gawain. Halos araw araw akonh may tiklupin kasi ang lalakas nila magpalit ng damit. Minsan nauumay na akong maglaba at magtiklop. Kahit sa damitan nila jusko! Nakakaumay na mag linis ng bahay. Nakakarindi na ang ingay ng mga bata. Minsan gusto ko nalang magkulong sa kwarto para makaiwas sa tao. gusto kong mag isa!

@Reysky

1st day of school, siksikin na sa pagpasok. Lahat ng bata excited dahil sa mga bagong makakasalamuha nila at dahil na din sa bagong gamit nila. Kahapon lang namili kami ng gamit sa school, grabe dami ng tao. Di na alintana ang covid. Pero may covid pa nga ba? Siguro meron, pero ang iba di na naniniwala. Malaki din kasi ang naging epekto sa atin ang covid kaya naman ang iba ay excited sa lahat ng bagay. Tanghalian na mga kaibigan. Adobong pa na may laman ang akin naluto sa…

@Reysky

Flex ko lang yun mga napamili namin na gamit pang school, di pa kasama ang bags jan kasi ang gagamitin nila yun luma na. Pwede na yun kasi ang mahal ng bilihin. 4 na bata na kasi ang pinag aaral namin kaya ayan ganyan karami ang amin binili. Kulang pa nga yan dahil yun iba wala kaming makita. Sa pangalawa ko wala pa akong mahanap na palda na uniform niya. Grabe kasi siksikan sa palengke, di na ako makahinga sobranh init din. Kaya inuna nalang namin ang notebook at ballpen…

@Reysky

Nakapasok na mga chikiting ko. At heto ako ngayon nag iisa sa bahay. Tahimik at nagkaroon ng peaceful. Walang mama ng mama sakin ngayon. Parang feel ko malaya kong magagawa ang gusto ko. Nakakapag isio ng maayos kasi sa ganitong oras wala akong iintindihin. Anyway, bday nga din pala ng panganay ko. Pero dahil magastos ang mga nakaraan araw baka di muna kami maghanda. Actually, di talaga kami ng hahanda kasi di naman niya trip. Mas gusto niya lang yun magawa ang gusto niya at…

@Reysky

Our brunch! Tinatamad kasi akong lumabas ng bahay kaya kung ano meron dito sa ref yan nalang muna ang akin niluto. Maulan kasi ngayon at nakakatamad lumabas kasi mababasa lang ang paa ko. Ang arte lang noh! Haha! Anyway kain tayo guys. Kakagutom kapag ganito ang panahon.

@Reysky

Sarap matulog nito. Malamig at solo ang higaan kasi wala si mister. Makakaikot ikot ako sa higaan ko. Magdamag na ata ito uulan dahil sa bagyo. Nakakainis man pero namnamin nalang ang malamig na panahon. Baka sa susunod na araw mainit na naman. Jeje. Inaabangan ko din panoodin ang 2 good to be you pero maliligo muna ako para presko. Hehhe

@Reysky

Gulay naman tayo. Kahapon puro mga instant lutuin ngayon, mag effort naman ako. Pero simpleng gisa lang ang ginawa ko para may gulay naman. Yan lang niluto ko pero naghalaga na siyanh 160, mahal pa din ang gulay haha. Pero ok na din kasi hanggan mamayang gabi namin yan at baon na din ni mister mamaya. Nagluto din ako fried chicken kasi di naman sila kakain ng gulay lang kailangan may prito. Isda sana kaso naubusan naman ako. Sayang naman. Hahaha

@Reysky

Kahit malamig ang panahon may nabili pa dib ng akin milkshake. Namiss ata nila kasi kahapon hindi ako nagtinda dahil may bagyo nga. Nakakatuwa lang kahit sarado ako may naghahanap ng milkshake ko. Sabi ko bukas nalang at maulan, hindi maganda ang panahon. Kaya ngayon sila nagbilihan. Buti nalang ang panahon ngayon hindi maulan pero makulimlim. Magkakape muna ako guys yan ang aking meryenda. Mamaya kasi magdadatingan ang suki ko. Hehe

@Reysky

Good morning! Breakfast tayo! Kape lang muna tayo! Wala kasi akong maisip na kainin. Pero mga studyante ko ok na nakapasok na sila. Except sa bunso ko na sa sept pa ang pasok. Daycare palang naman kasi siya. At pinamemeetingan kung face to face na ba o module pa din. Pero sana face to face kasi excited na ang bunso ko pumasok. Kasi sabi niya sya nalang daw ang nandito sa bahay tapos na school na din ang kalaro niya. Ayun! Hahaha! Malaan sa pasukan niya haha

@Reysky

Good morning! Tinanghali ako ng gising kaya aligaga akong nagprepare ng babaunin ng anak ko. Napuyat kasi ako dahil ang bunso ko biglang nilagnat kagabi. Kaya halos di ako nakatulog. Susundo pa sa mister ko kaya di ko alam paano at sinu uunahin ko. Mabuti nalang kahit papaano maasahan ko ang pangalawa kong anak dahil hinabilin ko ang sinaing ko at yung piniprito kong maling sa kanya ko na din hinabilin. Tinawagan ko nalang at sinilip kong luto na ang sinaing. At success…

@Reysky

Bago umalis naisipan ko muna magkape ngayon habang inaantay kong matapos umikot ang nilalabhan ko. Para isasampay ko nalang sa labas at lalarga na ako papunta sa palengke. Ang tahimik sa bahay. Nakakamiss din naman ang maingay pero pagdating nila ayan na haha! Pero mamaya pang hapon ang uwi nila. Parang whole day na din ang pasok nila. Nagiisip din ng maiuulam ngayon tanghalian isda muna ulit at nun nakaraan puro mamantika ang kinain namin. So paano tapos na yun sinalang ko…

@Reysky

Ngayon lang nakapaglunch. Sinamantala ko kasi na walang tao sa sala para nakapaglinis. Natapos ko din kasi ng maaga aga ang labahan ko, mga kobre kama at kumot lang naman yun kaya mabilis kong natapos. Bukas yung mga short naman. Makakain na din. Malungkot kasi walang kasamang kumain. Sinigang na Salmon na may hipon nga pala ang ulam namin. Hanggan mamayang gabi na yan kaya pwede na. Nakatipid na din. Baka nga sobra pa yan umabot pa ng kinabukasan. Tara lets eat mga kanoise!

@Reysky

Kape at monay na may palaman na sisig. Sarap! Parang kanina lang ubod init. Ngayon umuulan naman na may kulog at kidlat. Patay na naman ang costumer ko nento. Di na naman makalalabas wait nalang sa mga student na pauwi palang. Jan ako babawi. Hehe

@Reysky

Pinaiwan ng kapitbahay namin ang kanilang susi dahil uuwi daw ang kanyan gf at wala siyang mapag iwanan. Dahil hindi naman ako naalis ng bahau sa akin hinabilin ang kanilang susi. Biniro ko pa na papasukin ko ang bahay nila tutal di naman ako kakagatin ng aso na isang golden retriver. Kilala naman din kasi ako ng aso niya. Pero syempre joke ko lang yun sa kanya haha! Di ko naman gawain pumasok ng bahay ng may bahay. Tsaka ano naman gagawin ko dun haha

@Reysky

Gabi na naman. Inaantay ko yun isang costumer ko at mag sasara na ako. Inaantok na kasi ako. 5 am palang gising na ako at hindi ako nakatulog kaninang tanghali. Kasi alanganin din ang oras dahil may sundo ako. Hapunan na din, kung ano yun ulam namin kanina yun pa din ang ulam namin. Wala din gaanong kumain kanina kaya marami rami pa tong ulam namin. Di ata nila trip ang hipon at salmon hahaha.

@Reysky

Good morning! Busog na naman ang umaga ko. Kumain kasi kami ng Pares sa labas dun sa lagi namin kinakainan ng mister ko. Malaki kasi ang naging kimisyon niya sa pag aagent sa sabong kaya ayun. Buti may naglaro sa kanya. Minsan kasi wala eh! Mga katrabaho din lang naman niya ang naglalaro kahit pa 100 . Basta naglaro ang pera nila tiyak na may kita na siya. Ayun lang! Isip na naman ng uulamin ngayon araw ano nga kaya noh!

@Reysky

Buti nalang nakahingi ako sa tapat bahay namin ng malunggay, sila nalang kasi ang may tanim ng malunggay dito. Dinamihan ko na ang kuha para may reserba ako. Dami kahit san meron akonh naoagkukuhaan ngayon pahirapan pa. Nagkataon kasi na bukas ang gate nila kaya nakahingi ako. Sa palengke binebenta na din ang malunggay syempre dun tayo sa libre malago naman ang puno ng malunggay ni tatay kaya buti talaga nakahingi ako. Luto muna ako.

@Reysky

Ang lago na ng binigay sa akin na halaman. Kakadilig ko siguro ng malamig na tubig tapos maulan pa. Tamang kape din sa labas habang nag aantay ng costumer. Pang pagising din sa inaantok kung diwa. Sarap kasi ng hangin eh malamig lamig. Nakakaantok! Maya maya lang ihahatid ko na ang mister ko. Pang gabi kasi siya ngayon. Mga anak ko lang ang kayakap ko sa gabi. Kapag di ko siya katabi sa gabi di ako makatulog ng ayos. Pagising gising ako. Kaya pagdatin sa umaga antok na antok…

@Reysky

Madilim na ang paligid, unti unti na din nag uuwian ang mga tao. Samantalang ako heto nakatambay at nagmamatyag sa kapaligiran. Karamihan ang mga sasakyan na makikita mo dito ay ebike. Mahal kasi ang transpo papuntang highway kaya karamihan hatid sundo kung saan ang mga nagtatrabaho ay nababa sa highway. Kahit ako ganun din ang ginagawa ko hatid sundo so mister para makatipid ng pamasahe. Minsan ang ginagamit ko ebike minsan motor para lmakaiwas sa trapik. Pag motor kasi…

@Reysky

Good morning! Maaga ako nagising pero ngayon lang nakahawak ng cp. Mga mag siswimming kasi mga anak ko. Yung malalaki lang. Invite kasi sila ng tita nila na dun sila mag overnight kaya naman heto todo impake sila. Bukas pa ang uwi nila kaya solo namin ang bahay. Yung bunso ko lang ang naiwan kasi di pa siya pwede dahil maliit pa. Ang pwede lang yun may mga isip na. Kape muna ako, pang pababa ng ng inis sa mister ko hahah... Kung bakit ako naiinis, akin nalang yun 😂

@Reysky

Anong oras kaya maluluto ang adobong baboy na may paa. Mejo late ko na kasi napakuluan. Mabusisi din kasi ang pag tanggal ng kuko at balat ng paa. Pero panigurado ako kapag naluto ito. Mapapadami kain ko hahah. 3 lang kaming kakain sa bahay dahil 2 anak ko nasa bahay ng tita nila at duon mag siswimming. Bonding sila ng mga pinsan nila. Sana all nalang. Magtitinda nalang ako baka sakaling kumita pa ako haha

@Reysky

Luto na ang adobong paa na may pork. At heto na ako mapapasabak na sa kainan. Tapos na din kumain ang bunso ko kaya ako naman. Wala akong kasabay kasi ang mister ko tulog pa ayaw kong gisingin kasi magdamag na trabaho. Mamaya nalang siguro siya kumain kapag gising na siya. Kaya ako muna ang aatake dito sa niluto kong adobo. Iba talaga kapag may paa. Nakakaganang kumain haha

@Reysky

Parang kanina lang grabe tirik ng araw ngayon naman makulimlim at parang nagbabadya na uulan. Mukang malakas toh! Parang isang malakas na buhos ito. Meryenda time na din pero walang makain haha. Walang maisip kasi wala din pera haha! Hirap ng walang pera kahit gusto mo kumain pero di mo magawa kasi nakabudget na ito. Hays! Paano na ang susunod na mga araw haha

@Reysky

Hindi ako nagkamali na uulan ng malakas oag tapos kumulog at kumidlat. Ang panahon sala sa init sala sa ulan hahaha! Patay na naman ang negosyo ko. Malakas pa naman kapag ganitong oras kasi ganitong oras lumalabas ang mga tao kapag linggo. Hays! Hindi pa ako nakakakota pero ok na din atlist kahit papaano may benta na. Kape nalang naisip kong meryenda wala ito ang mura haha

@Reysky

Heto ang ayaw ko ang umuulan ng malakas. Nadedepress ako kapag ganito ang panahon. Di ko kasi alam kung bubuhos na naman ba ang tubig sa kusina naman o tutulo lang. Minsan kasi kapag sobrang lakas ng ulan. Grabe din ako maglimas ang dami kasing natulo lalo na din sa terace. Marami din nababasa. Hays! Hirap ng mahirap walang pang paayos ng bahay haha

@Reysky

Kagigising lang heto nasa higaan pa. Napasarap tulog. Sinamantala ko na dahil walng pasok nga bata. Bukas may pasok na at dere derecho na ang gising ko na mula 3:40 am hanggan malaan kung makakaidlip ng hapon. Bibili muna ako ng kape sa kapit bahay. Para magising na ang katawan ko lilinis muna ako ng bahay kasi magulo at makalat gawa ng umulan kagabi. Ayun bumaha nga dahil umagos na naman ang tubig sa kusina. Hahah sana hindi na muna umulan. Nakakaumay mag limas.haha

@Reysky

Heto ang napapala ng tanghali magising ang ulam ay hotdog at itlog. Pero ok lang masarap naman ito. Tsaka minsan lang naman mag ulam ng ganito. Namiss ko din mag ulam ng ganito. Kadalasan bunso ko lang ang nakain nento maarte kasi sa ulam. Kaya ngayon gumaya ako sa kanila hehe. Tara kain tayo guys!

@Reysky

Bonding muna kami ng bebe ko! Nakauwi na din ang mga anak ko galing sa bahay ng tita nila. Nagbakasyon sila mag pipinsan at ang foods nila libre ng tita nila. Kami naman ng bebe ko ang laging iwan di pa kasi siya pwede dahil alagain pa. Yun malalaki lang daw muna. Maya maya lang susundo na kami kay mister dahil holiday halfday lang sila ngayon. Makakapahinha siya dahil pumasok siya ng masama ang pakiramdam. Ngayon tirik ang araw. Mamaya kaya baka katulad din ng kahapon haha

@Reysky

Meyenda time! Nanlibre ng tasty ang mister ko. Palaman century tuna na may mayonaise. Nabalatuhan daw siya ng katrabaho niya dahil nanalo sa sabong. Kaya yun binalato sa kanya ibinili niya ng tinapay at palaman. Busog na si tummy baby. Ang init ng panahon ngayon kaya naman heto gusto ko nakatapat sa electricfan. Mas gusto ko na mainit kesa sa maulan. Kalungkot walang makitang tao. Wala pang costumer haha

@Reysky

Tamang celpi sa labas. Sarap lang tumambay kapag ganito ang panahon walang ulan na mag aalis sa kin dito. Walang taong magmamadali dahil nababasa sila at walang tao na hindi tatambay sa labas. Atlist diba may nakikita ako dito kesa sa loob ng bahay puro cp lang. Natatamad ako kumilos kasi basa lagi ang kusina tapos mga bata pabalik balik pa kaya nangayyare nagpuputek ang sahig. Nakatuyo din ng mga basahan. Kasi matindi ang sikat ng araw ngayon. Ready na ulit pang punas kapag…

@Reysky

Naihatid ko na ang studyante ko pati na din si mister. At habang inaasikaso ko sila nagpaikot na ako ng nilabhan ko. Para mamaya sasampay nalang. Sa ngayon chill muna at mejo napagod ako kakaikot sa mga ginagawa ko. Pag ok na ako. Magsasampay na ako. Sayang sana paka kahapon ako naglaba kasi maganda ang panahon. Di tulad ngayon na makulimlim. Mga towel pa naman ang nilabhan ko. Hays!

@Reysky

Matutuyo kaya ito? Wala kasing araw ngayon. Nag check ako sa weather forcast may paparating palang bagyo. At hetong si habagat rumaragasa sa ating bansa dahil na din sa paghatak ng bagyong paparating. Mahina na naman ang negosyo ko nento. Sana ganyan lang siya wag uulan kasi malulungkot na naman ako dahil babaha na naman sa kusina ko. Ngayon ko palang siya nakitang tuyo tapos heto na naman. May kasunod pa pala yang mga nilabhan ko. Mga short naman. Kasi mga nabasa sa cr kaya…

@Reysky

Yung iba iba ulam namin. Sa bunso ko yun hotdog, sa panganay ko fried chicken sakin yun fried siomai. Diba basta makakain lang ng maayos at masunod lang ang gusto nilang ulam syempre pati ako. Yan ang sanhi ng wala ng budget kanya kanya ng ulam haha

@Reysky

Ang lagi kong kasama sa umaga. Umaga palang stress na! Bukod sa stress antok na antok pa ako. Napuyat kasi ako kagabi dahil biglanh umulan. Nagising ako sa ingay dahil walang kisami ang amin bubong kaya bawat patak ng ulan ay rinig na rinig ko. Paano pa kaya kung may pasok na itong bunso ko. Edi lalo na ngarag ako. Dati kasi ang mister ko di naman nagpapahatid sakin, mura pa noon ang trike, ngayon kasi hindi na at syempre di na din siya nag 7days kaya hatid sundo ko siya…

@Reysky

Creamy pork steak Napanood ko lang sa youtube. Madali lang naman siyang gawin kaya ginaya ko na din. Total wala naman akong maisip na maiulam kaya nagpasya ako na yan ang lutuin ko. Di ko lang alam kung magugustuhan ng mga junakis ko na maaarteng kumain. Basta ako nagluto ako at ayan amin ulam ngayon. Hanggan hapunan na nga pala siya. Hehe

@Reysky

Maaga nagising akin bunso. Sasama daw siya sa paghatid sa ate niya. Nakita niyang kumakain ang ate niya kaya naman nagpaluto din siya ng gusti niyang almusal. Sabay sila ng ate niya kumakain ngayon. Ako naman, kape at panndesal sapat na. Di kasi ako kumain kagabi kasi nabusog ako sa aking na meryenda. Tara almusal tayo guys!