Fourt year college ako noon ng mabuntis ako sa una ko anak. Una hindi sumagi sa isip ko na buntis ako kasi nag-aaral ako at graduating na. Pero 2nd semester na noon hindi na ako dinatnan. Iba na ang nararamdaman ko, lagi akong nahihilo, inaantok. Minsan nga kapag may klase kami tinutulugan ko ang profesor ko kasi talagang hindi ko kaya yun antok. Ang hirap din kumain kasi hindi ko alam ang gusto ko. Lagi din akong nasusuka kapag nakakaamoy ng mga pabango. Hanggan sa hindi ko na matago sa mga kaibigan ko ang nararamadaman ko at sinabi ko na din sa boyfriend ko na 2 months delay na ako.
Natatakot akong sabihin sa magulang ko na buntis ako dahil sa totoo lang strikto ang tatay ko pero napakilala ko naman ang boyfriend ko sa kanya kaso nga lang ayaw niya dahil ang gusto niya makatapos ako ng pag-aaral.
Nakagraduate ako ng walang nakakaalam na nagdadalangtao ako. Ang tanging nakakaalam lang ang boyfriend ko at mga kaibigan ko. Nagpasama ako sa isang kaibigan na magpacheck up at dun ko nalaman na 5months eksakto na buntis ako. Noon narinig ko ang beart beat niya mas lalo akong nagpursige na dapat ng malamang ng aking mga magulang ang nasa tiyan ko.
Linggo noon at niyaya ko ang boyfriend ko na magsimba, bago ako umalis nag iwan ako ng liham sa lalagyanan ng pera ng tatay ko at doon nilagay ang lahat. Pag uwi ko, hindi naman galit ang tatay ko bagkus tinanong niya pa ako kung kumain na ba ako. Wala akong idea kung nabasa na ba niya o hindi ang ginawa kong sulat. Pero bago yun nakita ko na kinausap niya ang boyfriend ko at hindi ko alam kung ano ang napag usapan nila.
Ilan araw ang lumipas sinabi ng tatay ko sa nanay ko na buntis ako at doon na ako nakarinig ng masasakit na salita pero tinanggap ko kasi pagkakamali ko naman. Lahat ng narinig ko tinakpan ko nalang ang tiyan ko para hindi marinig ng bata na nasa sinapupunan ko. Nagpakatatag ako sa lahat ng sinabi nila at inisip ko na balang araw makakabawi din ako sa lahat ng pagmamahal at pag aalaga nila sa akin. Dahil alam ko ang mga salita nila ay dahilan lang ng pagkabigla sa nalaman nila.
Hindi nakatiis ang nanay ko na tawagan ang nanay ng boyfriend ko. Para ipaalam na buntis ako at ano ang balak. Pero kung ano ano ang sinabi ng nanay ng boyfriend ko tungkol sa akin. Kesyo baka hindi sa anak niya ang oinagbubuntis ko, kesyo malandi ako at hindi ako nag aaral. Inaatupag ko daw ang paglalandi. Pero ang sagot ng nanay ko kung hindi inatupag ng anak ko ang pag aaral niya, paano siya nakagraduate at may award pa. Iyak ako ng iyak sa sinabi ng nanay ng boyfriend ko alam ko naman na ayaw niya sa akin pero wala akong magagawa kung yun ang pagkakakilala niya sa akin. Ang sama ng loob ko na wala akong ginawa kundi umiyak at dumating sa punto na nakaisip akong magpakamatay.
Kahit ano pa ang naging pagkakamali ko sinuportahan ako ng aking pamilya. Binusog nila ako ng pagmamahal kahit dito aa puso ko ay may kirot pa din. Isang araw dumating ang boyfriend ko at ang nanauy niya. Pinaliwanag ng boyfriend ko sa nanay na siya talaga ang ama. (Wala naman kasing duda dahil lagi kaming magkasama). Kaya naman namanhikan sila. At kung ano man ang napag usapan ay hindi ko din alam. Basta alam ko masaya ako at legal na lahat. Maayos na ang lahat pero bawal kaming ikasal dahil sa petition ng boyfriend ko. Masaya n din ako kasi atlist both side alam na ang lahat.
Kabuwana ko na pero wala akong nararamdaman na senyales na manganganak na ako. Hanggan sa mag pacheck up ako at sinabi ng obygeine ko na kailangan ko magpa ultrasound kasi 39weeks na tiyan ko at wala pagbabago. Noon araw din yun ay nagpaultrasound ako, at doo ko nalaman na wala na pala akong panubugan. Syempre wala naman akong idea kung ano ibig sabihin noon, ang sabi lang kailangan madala agad sa oby ko ang resulta ng iltrasound ko.
Dinala ko sa oby ko at yun na nga tinanong ako kung nagalaw pa daw ba ang baby ko sa tiyan ko, sabi ko naman opo nararamdaman ko pa naman siya. Kailangan ko na daw pumunta sa hospital at delikado na ang bata sa tiyan ko.
Dali dali kami ng ate ko pumunta sa Fabella hospital, dahil wala namn trabaho bf ko noon at ako naman fresh graduate din na wala din trabaho kaya nagpasya kami sa public hospital.
Mabilis naman akong inasikaso ng mga nurse dun, kinuha bp, timbang, height at edad ko. Tapos binigyan na ako ng gown. Pinahiga ako at chineck ang heartbeat ng bata sa tiyan ko. Mahina na ito! Dinala ako sa labor room, nilagyan ng swero at kung ano ano aparato sa tiyan ko para icheck kung ok pa ba ang bata sa tiyan ko. Hanggan sa dinala ako sa operating room at doon ako na cesarrian. Wala akong ka alam alam na ganun ang gagawin sa akin.
Nilagay ako sa recovery room na ngalay na ngalay ang aking binti, wala kasi itong pakiramdam dahil sa anesticia na naiturok sa akin. Sabi sa akin ng nurse dapat magalaw ko daw ang binti ko dahil kung hindi baka maparalisa ako. Kaya kahit ang hirap hirap ginagawa ko ang lahat para magalaw ko ang aking mga paa. Okay na kaya ko na igalaw, dadalhin na ako sa ward kung saan nandun lahat ng pasyente na bagong panganak din. Pero nagtataka ako bakit ako walanh dalang baby sila meron. Hanggan sa sinabi sa akin ng nurse na under observation pa ang baby ko dahil bukod sa sobrang payat, naninilaw pa ang baby ko. Isip ko kailangan kong magpalakas para mapuntahan ko sa Nicu ang baby ko. Para makita kung okay ba sya, ano problema dahil wala akong alam.
Kaya ko ng tumayo, kaya ko na din maglakad kaya ang nagbabantay sa akin niyaya ko sa Nicu para makita ang baby ko. Noon nakita ko siya naiyak siya na parang nagugutom kaya sabi sa akin ng bantau doon " nanay kailangan mo na siyang padedein" dahil first time ko, sabi ko nalang sa nagbabantay paano po ba kasi first time mom po ako. Binuhay noya ang baby at binigau niya sa akin. Nakaswero ang anak ko at may oxygen. Pero tinanggal ng bantay ang oxygen para makadede sa akin ang baby. Ganun pala pakiramdam kasi naaawa ako kasi sobrang liit niya kumpara sa mga katabi niyang baby. Tapos ang dami pang kagat ng lamok. Awang awa ako sa anak ko!
Ilan araw akong pabalik balik sa Nicu para magpabreastfeed sa kanya kasi sabi ng nurse yun daw ang mabisa para mas mabilis ang paggaling ng baby ko. Halos dun na din ako natambay mapaumaga o gabi. Halos hindi na ako masigurado ko lang na nasa maayos ang kalagayan ng anak ko. Mahirap din kasi kapag public hospital sa dami ng baby na may sakit dun hindi na din alam ng doctor kung sinu kakausapin at para malaman kung ano ba ang naging sakit ng baby. At dahil laman na din ako Nicu halos gabi gabi din akong nakakakita ng baby na nag aagaw buhay at namamatay. Nakikita ko din ang doctor kung gaano sila kalungkot kapag hindi nila naisasalba ang buhay ng isang sanggol.
Malakas at maganda na ang kulay ng baby ko kaya sabi sakin ng nurse na pwede na kaming umuwi. Halos dalawang linggo din kami sa hospital, nilabanan namin ang sakit niya na hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang dahilan kung bakit nasa Nicu ang baby ko. Dahil sa daming baby na may sakit at ilan lang doctor. Hindi na nila alam kung sinu uunahin. Dahil ang dami baby na mas mlubha ang kalagayan.
Sa ngayon ang First Born ko ay nasa 16 years old na ngayon daratin na august 23.
16 years sariwa pa sa aking alaala ang lahat ng nangyare mula sa pagbubuntis ko hanggan sa pinanganak ko unang baby ko. Kung paano ko nilabanan ang lahat ng sakit na narinig ko at sakit ng inilabas ko ang aking anak. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil kahit at daming nangyare, ibinigay niya pa din sa aking ang unang anak. Bawat araw na lumilipas walang araw na hindi ako nakalimot magdasal na gumaling ang aking baby at lahat ng aking dasal ay hindi ako binigo ng Panginoon. Basta manalig ka lang at ibibigay niya sayo.
Sana magustuhan ninyo ang akin kwento. Ito ay hango sa totoong buhay na nangayare sa akin noon. Salamat sa mga makakabasa! Patnubayan kayo ng Poong Maykapal.
Naaalala ko sa kanya yong Pamangkin ng Jowa ko premature naman yong baby 7months palang nailabas na akala nila hindi na gagaling dahil malakas siya umubos ng Oxygen pero sa awa ng Diyos naging okay naman siya. Sobrang Thankful mo sis kasi nagkaroon ka ng Parenst na naka support lagi sayo at isa pa yan hindi kayo pinabayaan ng anak mo ng Panginoon