Buhay ng isang Squatter sa tabi ng dagat

6 32
Avatar for Reysky
Written by
3 years ago

Bago ang lahat nais kong magpakilala sa inyo, ako nga pala si Evalyn pero ang tawag nila sa akin ay Reysky.

Sa squatter ako pinanganak ng aking mga magulang. Dito namulat ang aking mga mata sa katotohanan na hindi porket nasa ganitong lugar ka ay mahirap ka na. Ang mga tao sa squatter ay madidiskarte sa buhay halos lahat sila gumagawa ng paraan para matugunan ang kanilang pang araw araw sa buhay. Saksi ako sa mga taong nagpupursige at nagsisikap na mapaunlad ang kanilang buhay, at isa ang aking mga magulang doon. Nakita ko kung paano sila maghanap buhay, magtulungan upang maitaguyod ang amin mga pangangailangan.

Ang tatay ko ay isang mangingisda. Kumukuha siya ng mga tahong at talaba na siyang binebenta sa pamilihan. Minsan nanghuhuli din siya ng isda para pang-ulam namin. Masagana pa ang dagat noon sa laot, iba't ibang isda ang madalas na inuuwi ng aking ama. Yung mga nakikita ko sa palengke na ubod mamahal, ang tatay ko pinapana lang noon. Akalain mo na ganoon kamahal ang mga isdang dinadala ng tatay ko noon. Minsan nasama din kami sa tatay ko sa laot para maligo sa dagat. Doon ko nakita ang mga tanim niyang talaba at tahong. May mga magagandang isda din na pumapalibot sa tanim na tahong ng akin ama. Ang sarap sa ilalim ng dagat payapa ang mga isda at walang bahid ng takot kapag nilulusong ko sila. Ang ganda nilang pagmasdan.

Ang nanay ko naman ang nagtitinda ng tahong kapag may sobra dala ang tatay ko. Siya ng ang naglalako sa palengke. Ang sabi ng nanay ko kasama niya pa ang kuya ko kapag naglalako siya sa palengke sa kadahilanan na walang magbabantay dito. Madali naman nauubos ang paninda ng nanay ko pero kung hindi naman ito nabili ito ang amin inuulam.

Kung masipag ka kahit nakatira ka sa squatter hindi ka magugutom, dahil sa totoo lang marami pwedeng pagkakalitaan sa squatter. Naaalala ko pa nga noon hindi mo aakalain na ang mga tao sa sqautter meron tv, ref, microwave oven at marami pang iba. Ito kasi ang katas ng kanilang paghihirap.

Itong nasa picture, ganyan ang bahay namin noon. Sarap lang alalahanin noon kabataan ko. Sa lugar na ito ang pinakasamasayang araw ko. Kapag gusto namin maligo sa dagat, pwede kaming tumakbo at sabay na tatalon kahit na madumi pa ang dagat. Basta makaligo lang kami. Maluwag din ang aming laruan dito, bukod sa dagat may malawak na lupain na pwede kaming maglaro ng habu habulan, chinese garter, luksong baka at iba pa. Kung maari lang na hindi na kami umalis diyan, mas pipiliin kong tumira sa squatter kasi ang dami kong kalaro noon. Pero lumilipas ang araw at panahon, dumadami na din ang adik sa lugar na iyan. Kaya nagpasya ang aking mga magulang na humanap ng maayos na bahay at dito sa subdivision kami napatira.

Ibang iba sa nakagisnan ko na maingay, maraming kalaro at maraming pwedeng pagkakitaan. Noon lumipat kami, ang tahimik ng lugar. Kagagawa lang kasi ng subdivision na iyon kaya iilan pa lang ang nakatira dito. Walang akong kalaro noon kaya ang tangin naging libangan ko ay magbike at ikutin ang buon subdivision.

Kaya masaya sa squatter , nandoon na kasi ang lahat. Ang daling makaisip ng pwede mong inegosyo basta may diskarte ka lang. Walang mahirap na squatter sa taong marunong dumiskarte sa buhay at napatunayan ko ito dahil karamihan sa kanila ay may magagandang buhay na ngayon. Katulad namin nakabili ng bahay at iniwan na din ang lugar na iyon sa kadahilanan na talamak na ang adik at pwede ng ikadamay. Sayang lang sa panahon namin, dahil masaya, maingay pero payapa ang kalooban dahil ang bawat nakatira doon ay may pagkakaisa.

Sana magustuhan nyo aking kwento. Pag pasensyahan nyo na rin at first time kong gumawa at sumulat ng ganito. Gusto ko lang ishare ang naging buhay ko noon nakatira ako sa squatter. At never kong ikinahiya ito. Dahil dito sa lugar na ito, nabuo ang aking pangarap. Maraming salamat at mabuhay tayong lahat.

5
$ 0.07
$ 0.05 from @mhy09
$ 0.02 from @Vhea20
Avatar for Reysky
Written by
3 years ago

Comments

Ang galing naman sis, dating nasa squatter area pero dahil sa pagsisikap nagkaroon ng bahay sa subdivision. Walang imposible sa taong masipag at nagsisikap.

$ 0.00
3 years ago

Oo sis! Kasi sis nasa dagat ang pera noon. Nag ipon ang tatay at nanay ko. Hindi ko nga alam na may bahay na pala kami noon. Basta biglaan lipat kami. Sabi ng tatay ko habang maaga mailayo na kami doon dahil dumadami na din ang adik noon. Syempre babae ako iniiwas sa anuman pwedeng mangyare.. pero hindi ko malilimutan ang lugar na iyon. Sayang lang hindi na mababalikan kasi nasunog na ang buong lugar na iyon. At nakakatuwa lang na yung mga nasunugan nabigyan ng pabahay. Sayang lang din ang mga naipundar nila kasi wala silang naisalba. Dahil yun panahon na nasunog ang lugar na iyon, nasa ivacuation center sila. Sayang dapat dinagdag ko yan dito sa article ko. Hehe

$ 0.00
3 years ago

Mas masarap talaga mamuhay ng simple lang yong malayo kayo sa gulo sobrang saya siguro manirahan sa ganyan lugar no nakakaahon kayo araw araw dahil sa pagsisikap ng magulang mo

$ 0.01
3 years ago

Tama sis. Masarap mamuhay ng simple nakakamiss lang na ang buhay doon.

$ 0.00
3 years ago

Ako naman sa gilid nang riles dati nakatira magulo din maingay dami adik.Kaya pasalamat ako nakalipat n kmi sa maayos n lugar

$ 0.01
3 years ago

Hindi talaga mawawala ang adik sa isang lugar. Parehas tayo. Mabuti at nakahanap ng maayos na bahay at lugar. Delikado din kasi sa dati natin lugar.

$ 0.00
3 years ago