read.cash Log in
@Reysky more from that month

Kakauwi lang galing palengke. Inagahan ko na ang punta para hindi mainit. Mamaya kasi masakit na sa balat ang sikat ng araw kaya inunahan ko na. Bumili ako ng bangus para ipaksiw. Request kasi yun ni mister. Kung maari daw durugin ko ang luya at bawang para makain din daw niya. At gagawin ko naman yun sympre. Request ng mahal ko yun eh. Bumili din ako ng pakpak ng manok. Iniisip ko pa ang gagawin sa pakpak ng manok. Naghahanap pa ako sa fb na pwedeng gawin dun. Para sa mga kids ko. O siya maglilinis muna ako ng mga napamili ko.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.