Lalaboy kami ngayon pero parang walang masaya. Walang excited! Kahit ako hindi excited. Gusto kong sumaya pero nakakaramdam ako ng lungkot. Ah ewan ko ba! Napapaisip ako, minsan nagtatanong. Minsan sinasabi na wag na kaya. Hirap intindihin noh! Kasi mahirap talagang sabihin. Hindi kasi lahat ng nararamdaman pwede mong ishare. Basta si Lord nalang bahala. Sa kanya naman ako kumakapit eh!
@Reysky in May 2022
Happy ang dalawang chikiting dahil happy sa mc donald na nabili nila. Pero yung order namin waitin pa. After namin kumain sa mc donald next na pinuntahan namin ay peryahan, para na din kaming nag star city dahil dami din rides na ba meron sa peryahan. Nakakatuwang makasakay ulit sa peris wheel sigro nun college pa ang huling sakay ko jan. May naalala lang ako pag peryahan ang usapan. Masaya na malungkot. Marami din kasing nangyare noon kapag peryahan ang pinag uusapan.…
Breakfast namin ngayon pancit canton at bonete. May naglalako kasi ng bonete kanina kaya bumili ako, masarap ang bonete niya lasang garlic. Nakakamiss din kumain ng pancit canton pero ibang brand ang niluto ko yakisoba na hot and spicy. Tiyak wala akong kasalo dito. Kasi ayaw nila ng maanghang. pero nagluto ako ng para sa kanila yun lucky me naman. Yun naman na brand ang gusto nila ako ayoko hehe.. tara kain tayo ng break fast.
Late lunch! Masakit kasi ang ulo kaya late naka pagluto ng ulam ngayon. Itulog ko muna ang sakit ng ulo kanina para kahit papaano mawala ng konti. Ayoko kasi uminom ng gamot at baka makasanay ng katawan. Tubig lang ako ng tubig at itinulog ko ng konti. Buti nalang nakaramdam ang panganay at siya na ang nag saing ngalang ang sa ulam di niya alam kaya nun nagising ako nagluto agad ang fried chicken at mga tirang pagkain kahapon ay akin ininit para walang masayang. Tara kain…
Kuha yan kahapon nun umalis kami nag pacheck up ang mister ko at ako naman pumunta sa munisipyo dahil gusto ko malaan bakit na deactivate at di ako pwede bumoto. Dalawang beses pala ako hindi bumoto. Pero alam sa senatorial bumoto ako pero sa local hindi dahil kapapanganak ko lang non, at mejo may tampo ako sa barangay. Pero ok na din di bumoto atlist d hussle pumila at di ako maiinitan. Mainit pa naman ang panahon ngayon. Pag dadasal ko nalang na sana manalo ang gusto kong…
Dahil walang magawa at walang makalaro ayan hawak na naman niya ang cp niya. Ganyan ang libangan niya ngayon. Kasi mga laruan niya nilagay namin sa kabilang bahay kasi masikip na. Pero mamayang hapon naman pinalalabas ko siya para makalaro. Lunch time na pero wala pa din gana. Ang sad lang ng feeling ko ngayon.
Tahimik na naman ang kalye dito sa amin! Walang batang naglalaro. Puro sasakyan lang dumadaan peri madalang. Mainit at maalinsangan pa din kahit hapon na. Ang bunga ng hangin mainit din kaya kahit bagong ligo ka pagpapawisan ka din agad. Pero dahil summer, namanamin na din dahil kapag nag tag ulan mas malamang na di ka makakalabas. Hehe
Friday is munggo day! Pero pwede naman any day kung gusto mo ng munggo ako kasi natapat lang ng friday kaya nagluto ako ng monggo. Request din kasi ng akin mister. Wala na akong nilagay na sahog yun daw ang gusto niya. Basta trip niya lang ang munggo. Sa mga kids ko naman fried chicken, pero nag sasabaw naman sila ng munggo kaya okay lanh din mag fried chicken. Paluto palang ang chicken pero ang munggo ko luto na kaya wait nalang namin maluto ang fried chicken.
Naka pag night swimming kagabi, mas masarap talaga maligo sa gabi kasi konti lang tao at hindi masakit sa balat. Kapag day kasi asahan mo na mangingitim at masakit sa balat at maraming tao. Halos solo namin ang resort, may iilan ilan man pero mas ok ang ganito. Nakapag enjoy ka sobrang nabusog pa sa pagkain. Dahil wala kang gagawin kundi maligo at kumain haha..
Nasira ang gripo ng amin lababo, buti nalang day off ng asawa ki kaya naman inayos namin dalawa. Madali sana kung may gamit kaso kulang kulang ang gamit namin! Kaya ang panganay ko inutusan ko na manghiram ng gagamitin dito. Sa awa naman ni lord sigro mga isat kahati namin natapos ito. Mejo makipot din ang pag iikutan ng turnilyo kaya mahirap at nakakangalay. Salitan kami ng mister ko. Kapag tulong tulong madaling matatapos ang gawain.
Inggit ako! Kasi di ako makaboto. Haha! Pero ok lang ganun talaga ang life kaya pray na lang sa napupusuan kong presidente. Heto tamad na tamad akong bumangon sa aking higaan. Ayaw kong lumabas kasi alam ko ang mga tao abala sa pag alis ng bahay at pupunta sa paaralan para bumoto. Ngayon nalang ulit makakapunta ng school sana kaso na deactivate pa. Sana lang hindi lumipad ang pangalan para masabing bumoto ako. Dahil sobrang laking panghihinayang yun. Nagiisip ako kung mag…
Gumawa ako ng palaman di ko alam tawag dito pero mayonaise na may century tuna na binudbudan nh cheese. Maiba naman. Bumili din ako ng tasty. Dahil di ako nalabas ng bahay puro kain ang ginagawa ko. Mainit din kasi kaya stay at home muna kamusta naman kaya ang mga bumoto. Sana di kayo nainip sa pila hehe. Mister ko mamaya pa ata boboto mga 6 pm daw para hindi mainit at wala ng gaanong pila. Mainipin kasi ito.! Tsaka baka daw may humabol natanggap daw siya chariz lang! Haha..
Bagong pilipinas bagong mukha, may prinsipyo may isang salita, kaibigan mo kaibigan mo.... Yan talaga ang tumatak na kanta sa akin ngayon halalan. Sarap pakinggan! Isa din ang ang kanta ng 2 bata na agila at tigre.. kaya nun election kapag tinatanong kung sinu ang iboboto ang isasagot sakin. Si agila at tigre haha. Alam na this! Ayun nga winner na talaga si BBM. Sobrang laki ng ng lamang niya. Imposible na sigro madaya pa.
Lasagna ng Greenich, nanakain din sa wakas. Tagal kitang pinagpapantasyahan dahil laging kapos sa araw araw. At ngayon may nanlibre sa akin. Sarap talaga ng lasagna. Gusto ko pa sana ng isa kaso kapal na ng face ko kapag humiling pa ako. Nilibre na nga tapos dadagdag pa.haha
Good morning mga kanoise! Bagong umaga bagong pag asa ang kakaharapin natin ngayon. Maaga ako gumising dahil maaga ang pasok ng mister ko. Actually kanina pa ako gising inuna ko lang magluto ng babaunin ng mister ko. At dahil tapos na ngayon eto naisipan ko mag post ngayon. Kaso wala naman din ako maisip. Sana nawawalang ng pag asa, laban lang! Ako kasi nawawalan ng pag asa pero pilit lumalaban. Kasi mahal ko ang pamilya ko. Basta kaya pa ng katawan at isipan, laban lang wag…
Dito nagpunta ang hipag ko nun nagbakasyon sila sa funta fuego. Sayang di kami nakasama kasi sympre sa meron lang yan lugar na yan. Di namin kaya mag labas ng 20k para magbakasyon lang jan. Tama na sa amin sa tabi tabi na pool or sa crowded na beach. Ok na yun basta may tubig talo talo na at nakakapag enjoy naman ang bata. Pero balang araw makakarating din ako sa mga ganyan kagandang lugar. Di ako mawawalan ng pag asa at hanggan may buhay ako kakayod ako para makaipon at…
Kumain ako ng pares sa labas kanina. Dahil nag ccrave ako sa lasa nito. Kaso nun kumakain na ako, matigas pa ang beef nito. Pinagtyagaan ko na din at dinamihan nh bawang at spring onion, soysauce at kalamansi, nilagyan ko din ng chilli oil para may palo sa anghang. Buti nalang matibay pa ang ngipin ko at kaya ko pang nguyain. Kahit matigas, napakasarap pa din ng pares pero dapat moderate lang ang kain dahil baka bigla nalang manigas hehe
Hindi maintindihan ang panahon ngayon. Iinit tapos biglang uulan kaya naman ang sinampay ko labas pasok din aa bahay haha. Maulap siya, minsan bigla din kukulog kaya ang mga anak ko pinatay nila ang computer nila sa takot na baka tamaan ng kidlat. Wag nyo nalang pansinin ang mga kawad kasi kawad ng mga internet yan at kuryente. Pero karamihan jan kawad ng internet o cable. Pero kahit makulimlim sadyang mainit pa din ang panahon lalo na kung uulan sadlit tapos ayan na naman…
Sunday Sunday is family day pero nangyayare magkakasama kami sa loob ng bahay pero wala ng bonding! Tulog dito tulog doon, sa ngayon ayaw ko muna matulog kasi nasakit na likod ko. Wala naman akong labahin dahil konti palang. Kakalaba ko lang ng isang araw. Natiklop ko na din sila. Ang boring sa bahay kaya kahit gusto ko magluto feeling ko walang kakain kasi lahat sila nakahiga at nag ccp. Maya maya mga tulog na. Kakaumay kaoag ganito. Dami na ngang isipin tapos lalo ka pang…
Lord i need job! Wag nyo naman akong ireject. Gusto ko ko pong kumita para sa mga anak ko. Nahihirapan na ako! Plss Lord!!!
Wala na akong maisip na lulutuin kaya nanood ako sa youyube na madaling lutuin at afford sa budget. Nakita ko Chicken Curry kaya ito na naisip kong lutuin. Meron din naman akong stock na chicken aa ref kaya bumili nalang ako ng gata, curry, patatas, karots at bell pepper. May bawang at sibuyas naman akong stock kaya pwede na yun mga nabili ko. Sana lang magustuhan ng mga anak ko ang luto ko. Medyo not feeling well ako ngayon. Masakit kasi likod at puson ko. Ewan ko ba!…
Maulan na hapon sa lahat! May meryenda na ba kau? Ako wala pa! Tinatamad akong lumabas inshort walang budget sa meryenda. Gusto ko sana dumayo sa fiesta kaso wala akong kakilala hahaha. Kakahiya naman kung papasok ako sa bahay bahay tapos di naman ako kilala. Anyway katamad din lumabas kasi bukod sa di nga mainit, umuulan naman. Buti nalang hindi ganun kalakas kundi baha na naman ang akin kusina. Maglilinis na naman ako ng wala sa oras. Di ko na pinicturan kasi tinatamad…
Ngayon lanh nakasilip sa noise kasi nawili manoon ng movie. Dami ko kasing lungkot sa katawan kaya sa movie ko nalang binaling. Sayang nga din di ko na flex ang nilutong kong pork steak ang ganda pa naman ng pagkakaplating ko. Wala eh gumana na naman ang imahination ko. Ayun dami nakain ni mister at pati ang anak ko. Bihira kasi ako magluto ng porksteak. Kahit wala pa un sweldo ng asawa ko basta matripan ko kahit medyo may kamahalan gagawin ko. Pagkain naman kasi yan. Sabi…
Break fast namin ngayon pancit canton at kape sa mga kids ko milo naman. Wala kasi akong maisip na break fast kaya nagluto ako pansit kanton yun akin nilagyan ko ng maanghang, masarap kasi kapag may spicy eh. Tara kain tayo ng break fast. Tapos kumain tulog ulit haha
Ito ang pabaon ko sa asawa ko, dinakdakan. Actually isa yan sa gusto kong kainin kasi masarap siya. Una ko siyang natikman sa mga kainan sa paresan. Kasama siya sa mga menu na pwedeng pagpilian. Dati kapag nagbibike kami at magpapahinga napunta kami sa paresan pero ang dinakdakan ang amin inoorder. Ngayon kasi di na kami nakakapagbike simula noon umuwi ate niya galing abroad. Pero pabalik na din sila kaya sana makapagbike kami. Sarap po niyan. Try nyo din pong gawin sa bahay…
Maulan na hapon sa inyo! Di ko alam bakit maulan. Ang lungkot tuloy sa bahay di makalabas. Naboboring na ako. Puro movie nalang sa netflix ang pinapanood ko. Tapos nag aalala pa ako dahil di ko nailagay yung payong sa bag ng asawa ko. Baka magkasakit na naman yun. Jusko! Bakit ba kasi maulan. Alam ko summer pa pero bakit ngayon maulan na agad. Hays! Buti pa bunso ko walang iniisip! Pachill chill lang habang nanonood ng youtube sa cp niya. Ako eto sinasabhan ng tanga ang…
Good night mga kaibigan. Sawa na manood ng movie kaya tutulog nalang ako. Sana bukas di na maulan kasi balak ko maglaba dahil tumatambak na naman siya. Ilan araw na din kasing masama ang panahon. Di ko alam kung may bagyo ba o sadyang tag ulan na. Parang ang aga naman. Ngayon ko palang ninanamnam ang summer, at ayaw ko talaga ng maulan na panahon. Tuloh na din ang mga junakis ko at mister ko. Ako nalang ang gising. Hays! Lord thank you sa araw na ito. Malungkot man pero…
Ang aking pabaon sa aking Mister. Nagtataka kayo bakit sa lagayan ng icecream nakalagay. Jan kasi gusto niya. Mas marami daw malalagyan kesa sa literal na baunan. Tsaka ok na daw jan kesa bumili pa ng baunan. Ayaw mag baon nun ng may sabaw baka daw kasi matapon at madalas prito o kaya may sarsa ang ulam niya. Bukas isip na naman ako ng babaunin niya. Baka kasi nagsasawa na tulad ng feelings niya. Haha char! Good morning to all!
Hindi ko mailabas ang aking sinampay dahil nagdidilim na naman ang kapaligiran. Actually umulan na siya kanina. Di ko tuloy alam saan ko isasampay dahil puno sa isang sampayan ko at ito may natira pa. Nakapagtanghalian na kami nagluto lang ako ng hotdog at itlog kasi naglaba ako. Wala na akong oras para mag isip ng amin kakainin. Ok naman sa mga bagets ko. Wala naman reklamo. Maliban sa panganay ko na hindi nakain ng hotdog haha! Kaya itlog nalang inulam niya. Bawi nalang…
Dumayo kami ng kainan sa bahay ng hipag ko. Tuyo, pritong itlog, bagoong, fried na talong at inihaw na tenga. Dami ko na naman nakain ngayon araw na ito. Kanina nag meryenda ako ng shawarma dahil nilibre ako ng panganay. Kumikita na kasi siya sa kanyang paglalaro. Yung iba nakatabi sa gcash yun iba may cash siya. Sarap din naman ng libre ng anak tunay na mabubusog ka. Sayang lang di ko napicturan kasi natakam din ako. Lalo na ang hapunan namin kanina. Grabe sobrang busog,…
Pabaon ko sa mister ko ang porksteak, mga ganyan kasi ang trip niyanh baunin. Di ko pa nilalagay sa baunan niya kasi mainit pa. Ang almusal naman niya paksiw na bangus di ko na napicturan kasi ayoko na pumunta sa kusina haha. Tinatamad na ako. Sana mag 24 na. Para swimming na. Dun ko nalang ibubuhos lahat ng nararamdaman ko. Magpapakasaya ako sa tubig. Haha. Sabay inuman ko ng gin sarap hooooo! Ilan araw pa ang iintayin ko. Haha
Nabigyan ako ng hipag ko ng ulam na munggo. Sakto, fried chicken ang ulam namin may maisasabaw ang mga anak ko sa kanin. Nanonood din ako ng seagame mpl, suporta sa ating mga kababayan na magaling maglaro ng mobile legend. Dati ko din nakahiligan maglaro ng ml pero ngayon tinamad na ako. Kahit ano kinatamaran ko na. Minsan nga pati sa pagpopost dito sa noise natatamad din ako. Wala eh! Malungkot ang buhay ko. Parang wala ng buhay. Hahah. Pero tuloy lanh basta para sa mga…
Nag aya mag samyup ang hipag ko dahil nagpakain ang kapatid nila na nasa Alaska. Kaya eto nakalibre na naman ng hapunan. Nilulubos lubos na namin dahil hanggan katapusan nalang sila ng May, babalik na sila ng Kuwait. Sa december uuwi ulit sila dahil kasal naman ng nagpakain ngayon. Grabe di na ako makahinga sa kabusugan. Yung gusto mo pang kumain pero hindi na kaya ng sikmura ko. Kasi nga bihira lang ito kaya nilubos lubos ko na. Di na ako nag rice, ang ginawa ko yun dahon…
Good night everyone! Kakauwi lang namin galing sa bahay mg hipag ko. Di kami makauwi uwi dahil panay panay ang ulan. Pero di naman kalayuan ang bahay namin kaya ok lang. Nakipagkwentuhan din ako sa hipag ko kasi nag oonline selling siya sa kuwait. Dami nga namin nareceive na pasalubong na damit, bag at kung ano ano pa. Magaganda at branded pa. Sabi niya mura lang daw niya nakukuha yun mga paninda niya kapag binebenta niya di din ganun kamahal. Ayun di ko alam kung…
Bumaba ng konti ang bill ko sa tubig. Sa gcash na ako nagbabayad para hindi hussle sa pila. Kahit sa kuryente at net ko sa gcash ko na binabayaran. Wala din naman kaltas kaya okey lanh di pa ako napagod pumila. Dati nun malaki pa kinikita ko dito sa noise, sa coins.ph ko nalang binabayaran. Ngayon kasi ilan buwan bago ako makaipon. Pero ok lang ganun talaga ang life. Atlist kahit papaano meron pa din naman kaya hindi na masama. Importante nagkakaroon ka ng kaibigan dito. sa…
Meryenda ng mga junakis ko. Yan palanh ang naluluto ko. Pero gusto na kainin. Sabi ko mamaya na kapag naluto na lahat para walang lamangan. Di na sila makapag antay kapag pancake ang meryenda nila. Buti nalang bumili ako sa grocery kaya may pang meryenda sila. Mukang uulan na naman, sana mamayang gabi nalang kapag nakauwi na ang asawa ko mababasa na naman sa ulan yun. Baka magkasakit. Kagagaling pa naman gawa ng nabasa din sa ulan.
Luto na ang akin adobo, pwede na maghapunan. Kapag wala akong maisip na iluto wala na talaga akong choice kundi ang adobo. Sa bagay di naman nakakasawa ang adobo dahil malasa naman ito. Mga anak ko kahit araw araw nila ulamin walang problema basta alam nila na ako nagluto. Kaya tara na at kumain. Sabay sabay na tayo.
Sad evening! Ewan ko ba! Lagi nalang ako nakakaramdam ng kalungkutan kahit kontento naman ako sa buhay ko. Siguro nga may kulang, alam ko naman yun kulang pero hindi ito bagay. Okey na sana ang lahat pero biglang naglaho. Sabi ko pa naman kay God dati wala na akong mahihiling kasi masaya ako sa kung anong meron ako. Pero ayun biglang naglaho. Ganun talaga ang buhay hindi laging para sau. Kukunin at kukunin yun kaligayahan na iyon. Kailangan lang tanggapin at unawain. Good…
Happiness is a choice. Tama naman po tayo ang gagawa ng ikaliligaya natin sa araw araw. Kung magpapadala tayo sa mga problemang dumadating sa ating buhay, magiging malungkot nalang tayo. Pero kung pipiliin natin maging masaya sa kabila ng problemang dinadala natin, magiging magaan ang bawat problemang pasan natin. Dahil ang problema hindi yan tinatambayan kundi ni reresolve yan. Good morning!
Kulitan with my bebeloves! Nagpapalambing lang sakin pag kagising niya. Yakap agad sakin. Tapos ayun selpi daw kami. Sabi ko anak ang ganda ata ng gising mo. Sabay ningitian ako. Ano kaya makain, tamang kain ako ngayon dahil malapit na dumating ang buwanan dalaw. Ganito ako parang laging naglilihi haha. Anyway lalabas muna ako para bumili ng mailuluto. Gandang morning to all!
Siningag at tirang adobo na ulam namin kagabi ang akin lunch. Wala na kasi kakain niyan kaya ako nalang kesa sa masayang. Aba masarap naman ang adobo ko lalo na kaoag nilalagyan ko ng chilli garlic. Mas lalong nakakaganang kumain. Mga anak ko ayaw pa kumain, bahala sila basta ako nagluto ako kakain nalang sila. Yung mister ko kasi kasama ng ate niya kaya sa labas na sila kakain kasama ng bunso ko. Kaya yung mga malalaki ko bahala sila. Malalaki na sila para subuan pa.
Bumili ako ng table clip fan sa shoppee. Siguro naman hindi ito malakas sa kuryente. Malakas din naman at maiibsan ang init na mararamdman. Dalawa ang binili ko, yung isa sa table ng anak ko kasi lagi din siyang naiinitan lalo na ang kanyan pc. Ilan fan na din kasi ang nasira samin kaya nag try akong bumili ng ganito. Sana magtagal siya. Mura lang siya sa shoppee 130 ang isa tapos free shipping pa. Kesa bumili ng may tatak ito nalang may hangin din naman nalabas.
Kakatapos lang bumuhos ng ulan. Kaya naman magbabanlaw na kami ng bunso ko. Naligo kasi kami sa ulan. Di ko na napicturan kasi baka mabasa ang cp ko. Kaya naisip ko pagtila nalang. Tutal nakapagpunas na naman ako ng kamay kaya ready to post na ulit. Sarap talaga maligo sa ulan. Yun mga halaman ko naayos ko at natanggalan ko ng mga ligaw na damo. Nakapagtanim din ako kasi yun iba makapal na kaya binawasan ko at nilagay ko sa ibang paso. Magbabanlaw muna ako at tsaka ako…
Kmjs na! Watch muna ng tv at sa gabi ko lanh nabubuksan ang akin tv. Dahil nagtitipid ako sa kuryente. Ito lang din kasi ang libingan ko kaya nood muna ako. Tsaka tuwing kmjs ko lang nabubuksan ang tv ko. Sa fb kasi dun na lahat napapanood. Pero dahil gusto updated ako inaabangan ko nalang sa tv. Ang dami ko na naman nakain ngayon hapunan. Pati bone marrow natikman ko. Bigla akong nahilo nun kinain ko un haha. Baka bukas di na ako magising haha
Nagluto ako ng tapa at fried egg pang baon ng mister ko. Ang almusal naman niya yung adobo na natira. Sayang kasi king di mauubos. Masarao naman ang adobo lalo na kilung tumatagal lalong nanonoot ang lasa. Mamaya mag eexercise ako kasi matindi ang aking mga kinain kagabi. Sinigang na bulalo. Kinain ko yun bonemarrow, masarap siya at nakakahilo nga lang. Haha! Di ko na nakokontrol ang kinakain ko. Minsan lang naman eh kaya sagad sagarin na.
Pancake for breakfast to my kids! Nagpaluto ang bunso ko ng pancake at yun daw ang aalmusalin niya. Last pancake na stock ko na yan. Matatagalan na naman akong makakapagluto ng pancake. Wala na kaming extra income nagsarado na. Nakadepende nalang ulit ako sa sweldo ng asawa ko at sa upa sa lupa. Kailangan talaga makapag isip pa ng pagkakakitaan dahil mag grade 11 na ang panganay ko. Mejo mabigat bigat na ang tatahakin ng anak ko. Sana makayanin namin mag asawa.
Akala ko uulan, ready na ulit bali kaming maligo. Kaso naudlot pa. Puro kulig at kidlat lang. Haha! Bukas na ng hapon ang swimming namin. Makakain na naman ako ng pangpabata. Sabi ng asawa ko natakot daw siya nun kumain ako ng bone marrow sabi ko ngayon lang naman ako kakain nyan di naman araw araw. Kaso mo sympre nagkakaedad na kaya mejo kinabahan asawa ko. Pero di ko na uulitin kumain non kasi nahilo ako haha! Baka nga iyan ang akin ikamatay kaya kanina nag papawis ako…
Tuyo at ginisang siomai ang amin hapunan. Kasarap naman talaga ng sabaw na nagawa ko. Swak na swak sa maulan na panahon. Tunay naman mapaparami ang kain mo sa tuyo na nakahain at hihigop ng sabaw na siyang nakakapagpainit ng sikmura. Naku ito na naman ako at bondat na naman! Bukas na ang swimming excited na ako haha
Ito yung kauna unahan nabili ko sa kinita ko sa noise ang eletric kettle. Kaya ito ang akin binili dahil mahilig akong magkape. Para madaling maginit. 2nd na nabili ay elctricfan nandun siya sa taas, yun ang ginagamit namin sa gabi. Yun ibang kinita ko. Binigay ko sa nanay ko at pinangbili ko ng foods namin. Simula nun nawala ang heart tips di na ako naglalabas sa kinita ko kasi simula ang ibalik ang ft .20 sa isang araw ang akin nakukuha. Pero ok lang naman. Tamad na din…
Overnight swimming! Waiting pa sa mister ko kasi galing pa siyang work. Sympre di naman pwede na di siya kasama kapatid niya ang nagpaswimming at malungkot kapag hindi siya kasama. Magaling kasi magpatawa ang mister ko kaya gusto nila kasama siya. Konti oras nalang at dadatin na siya. May biglaan meeting din kasi sila. Di ba pang asar lang. Hehe..
Swimming time Private pool ang kinuha ng hipag ko para wala daw kasamang ibang tao. Para ma enjoy din ng mga bata. Tsaka para hindi pahirapan kapag inantok na ang gusto matulog. Malawak at talaga naman madami kang matutulugan kung sakaling maoagod kakalangoy. Ang dami din foods na sobrang busog ko. Feel ko huling swimming ko na to. Dahil di na ako makahinga sa kabusugan. Hahaha;!. Ayoko nga kumain lalangoy na lang ako ng maexercise ang tiyan ko. Good night sa mga antok na…
Pagod pero ang dami pang gawain na di pa natatapos. Umalis kasi ako ng bahay dahil pumunta ako saglit sa bahay ng nanay ko para kunin ang slacks at polo dahil bukas graduation ng anak ko. Kesa gumastos humiram nalang ako ng polo at slacks sa nanay. Saglit lang naman gagamitin kaya sinadya ko na doo. Lalabahan ko muna ang polo kasi mejo matagal nakastock sa kabinet nag iba na din ang kulay. Pero ang katawan ko parang ayaw pang kumilos dahil pagod pa dahil sa swimming kahapon.…
Hindi namam masakit sa akin na puro pending at walang napasok sa wallet ko na bch. Kasi matagal na din akonh hindi naglalabas ng kita ko dito. Hanggan sa lumiit nalng ng lumiit ang mga naipon ko haha. Pero ok lang. Naging malaki na din naman napakinangan ko sa noise kaya masaya na din ako. Marami rami na ako nabili na pambili at naibayad sa bills. Kaya nag papasalamat ako kay noise na walang sawa na magbigay kahit sa simpleng post. Sadyan bumaba lang talaga any bch kaya…
Good morning mga kanoise. Kamusta? May gising na ba? Everyday laging maaga ang gising kasi need magprepare ng baon ni mister. Minsan nakakapagod ng gumising ng maaga peri kailangan. Mamaya maaga din kaming aalis dahil graduation na ng anak ko. Wala naman siyang honor, ayaw niya kasi galingan sa klase mas gusto nyo kumita online. Pero masaya siya na nakapasa siya. Kasi di naman daw siya katutok sa pag aaral. Sa tingin ko di naman nakikita sa grade ang pag unlad ng isang tao,…
Good morning. Break fast tayo! Kailangan kumain kasi baka mamaya walang mabilhan na pagkain sa pupuntahan namin. Di ko nga din alam kung san lugar gaganapin graduation kaya ginawa ko ni google map ko nalang. Naway makarating kami ng maayos sa graduation ng anak ko. Hindi ko nga pala makakasama ang akin mister dahil may trabaho siya. Di na siya pwede mag absent kasi ang dami na niyang absent. Sayang lang ay di siya kasama. Anyway eenjoy pa din dahil araw ng anak ko ito sa…
Thank you Lord at nakatapos na ng grade 10 ang panganay ko. May 2 years pa siyang tatahakin at pagsusunugan ng kilay. Sa totoo lang ayaw na niya mag aral ng college, gusto na niya mag negosyo pero di ako pumayag sabi ko nalang mag aral siya ng management at kung may negosyo siyang itatayo susuportahan namin. Mas gusto niya kasing kumita, nahawa na sa mga pinsan niya na may kinikita at negosyo. Kung saan siya kukuha ng kapital, sa kanyang lolo na mahilig din mag negosyo.…
Hindi ko na isinampay ang aking nilabhan kasi biglang umulan ng malakas. Hindi ko nalang inalis sa dryer at bukas ko nalang ng umaga isasampay. Kasi sa umaga lang naman madalas maaraw tapos kapag hapon maulan na. Mejo boring na ako dito sa bahay dahil hindi makalabas at walang magawa. Inaatake na naman ako ng kalungkutan ko na dapat ay maging masaya ako. Ewan ko ba! Basta kapag umulan nalulungkot ako. di kasi malabas ng bahay. Sana mamaya may ganap. Waitin pa din. Wag…
Napasilip ako sa wallet ko, alam ko hindi naman ako nag wiwidraw bakit nawala laman ng wallet ko. Tiningnan ko sa transaction nandun naman siya . Ano kaya nangyare bakit naka hold pati yun sa wallet. Pati ako naguguluhan. Dahil ba sa biglang bagsak ng bch. Sa bagay di ko pa naman siya kukunin pero sana maibalik para hindi mangamba. Kasi sayang naman. Ilan buwan ko yan pinag ipunan.
Happy lunch sa lahat! Pancit canton ang lunch namin dahil tanghali na sila nagising at ako naman ay naglaba. Nag bawas na kasi ako ng labahin ko kasi di ko naman sila lahat masasampay dahil maulan at di makasampay sa labas. Ang mga kumot at kobre kama ko di ko malabhan dahil wala akong pagsasampayan dito sa loob. Importante may nalabhan at nabawasan. Bukas mga short naman ang akin lalabhan. Basta matuyo lang ang sinampay ko ngayon. Hindi na din ako kumain kasi busog pa naman…
Maulan na hapon sa lahat! So bored na naman ang hapon ko ngayon. Hindi makalabas ny bahay puro cp at nood na naman sa tv o youtube ang gagawin. Di na makalabas ng bahay para makapaglakad lakad man lang. Maloloka na naman ako nento. Hays! Nakakawalan gana din kumain kaoag ganito. Wala ng makita kundi 4 na sulok ng bahay. Sakit na ng dibdib ko para gusto ko muna magpakalayo layo.
Akala ko di na ako makakalabas ng bahay. Ayun nun tumila ang ulan nag aya kumain sa Vermosa ang hipag ko. At isa yan sa na order ko mix na may small crab, kalamares at iba pa. Ang sarap niya lalo na kunh isasawsaw sa suka. Ang crunchy bawat kagat. Pagbumalik na sila sa kuwait wala ng manlilibre ng pagkain. Matatagalan bago ulit makakain sa ganitong place. Kaya naman sinulit na namin ang pag order ng food. Mag good night na din ako at antok na din ako. Salamat sa Diyos sa mga…
Break fast! Pizza na tira nun isang araw at kape na mainit. Ngayon lang namin nainit ang tirang pizza nun isang araw. Masarap pa din mas sumarap kasi naging crunchy na yun tinapay. Mister ko nga pala ang nag init nagtimpla ng aking kape. Tinawag nya lang ako nun kakain nalang. Sweet ng mister ko ngayon. Bumabawi ata sakin. Kain tayo mga kanoise.!
Tanghalian na pero wala pa kaming luto. Busog pa kasi sa kinain namin na pizza. At baka mamaya mag aya na naman kumain sa labas kaya naman di na ako nagluto. Last day kasi ng hipag ko dito sa Pilipinas, babalik na ulit sila sa kuwait. Mahigit isang buwan kaming halos libre ang kain dahil lagi nag aaya kumain sa labas o kaya dito sa bahay ng hioag ang mag kainin. Di ko na nga maiflex kasi nakakalimutan kong picturan. Basta kain kung kain haha.. Diet ko nga sira na eh. Bukas…
Napatambay na naman sa Vermosa food stop! Naisama na naman akong kumain dito. Grabe ang busog ng tiyan ko. Parang hanggan bukas na un kinain ko. Sayang kasi libre, kaya ginawa ko turo doon turo dito. Ang mamahal pa naman ng pagkain pero sabi ok lang basta pili lang daw kami. Kaya ako pumili ako ng bulaklak, pusit, tempura at sisig. Lahat yun naubos ko haha. Di naman ako nag rice kasya ok lang. Sarap kasi eh haha..
Sobrang sakit ng ulo ko! Siguro dahil sa ubo at sipon. Paiba iba kasi ang panahon ngayon. Iinit tapos biglang uulan. Ayun, tinamaan na nga ng sipon. Kapag tubig pa naman ang nalabas sa ilong mas masakit sa ulo. Kaya ito nakahiga lang ako dahil sama talaga ng tema ko. Sumabay ang ang lungkot na nararamdaman ko. Minsan napapaisip nalang ako hanggan kailan kaya. Kailangan na bang sukuan o patululoy pa din ba. Hays! Hirap talaga magdesisyon. Kailangan buo ang loob mo kaoag…