Good night mga kaibigan. Sawa na manood ng movie kaya tutulog nalang ako. Sana bukas di na maulan kasi balak ko maglaba dahil tumatambak na naman siya. Ilan araw na din kasing masama ang panahon. Di ko alam kung may bagyo ba o sadyang tag ulan na. Parang ang aga naman. Ngayon ko palang ninanamnam ang summer, at ayaw ko talaga ng maulan na panahon. Tuloh na din ang mga junakis ko at mister ko. Ako nalang ang gising. Hays! Lord thank you sa araw na ito. Malungkot man pero sinusubukan pa din maging masaya sa kabila ng mga isipin. Sana matapos na unos. Kasi ayaw kong masanay ng ganito. Ayaw kong magising. Pero Lord kung loloobin mo wala na akong magagawa kundi tanggapin nalang. Bigyan nyo nalang ako ng tibay ng loob upang makayanan ang lahat. Sorry sa lahat ng nagawa kong kasalanan. Patawarin nyo po ako. Amen.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet