Inggit ako! Kasi di ako makaboto. Haha! Pero ok lang ganun talaga ang life kaya pray na lang sa napupusuan kong presidente. Heto tamad na tamad akong bumangon sa aking higaan. Ayaw kong lumabas kasi alam ko ang mga tao abala sa pag alis ng bahay at pupunta sa paaralan para bumoto. Ngayon nalang ulit makakapunta ng school sana kaso na deactivate pa. Sana lang hindi lumipad ang pangalan para masabing bumoto ako. Dahil sobrang laking panghihinayang yun. Nagiisip ako kung mag kakape ba ako o ano ako lang kasi ang gising sa bahay. Ang mister ko sabi niya 6 am daw siya boboto pero ang totoo sa panaginip siguro nakaboto siya. Haha! Di daw siya excited kasi di daw siya kinuha na watcher. Ngayon lang ata siya di nakapag watcher. Sayang din kasi un sweldo na ibbgay diba. So paano nautusan na akong bumili. Balik ako later.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet