Ensaymada ang meryenda ko ngayon. Bumili ako sa bakery sa palengke kasi nagugutom talaga ako. Haha! Tsaka nag crave ako sa ensaymada kaya sumaglit ako sa bakery para bumili. Mejo buhol buhol ang sasakyan dahil uwian na ng mga nagtatrabaho. Pero ang asawa ko papasok palang. Sana di siya matraffic para hindi siya malate.haha
@Reysky in March 2022
Ang aking hapunan ang gisadong mani. Isang linggo na din yan nasa bote. Inuunti unti ko kasing kainin. Kapag di ko feel kumain ng kanin, ang mani ang pinapapak ko. Marami na akong binili na mani mga dalawang bote ng goya haha.. gusto ko kasi may nakukot lalo na pag nanonood ako ng movie sa netflix. Ayun! Share ko lang. Dinner na kayo. Ako ito nalang kakainin ko. Jehe
Kape muna habang nag iisip ng uulamin namin ngayon. Masarap kasi mag isip ng may hinihigop na mainit na kape. Lahat ng naiimagine na food na kayang lutuin ay magagawa ko. Kaso budget lang ang problema haha.. kasi naman sa makakarating ang 900 pesos na sahod ng asawa ko. Papaabutin ko pa ng 5 days yan. Hays sakit sa ulo. Anyway buti nalang may noise at pwede mag bawas sa ipon. Kapag naubos na si 900 sungkit muna sa naipon kahit 500 kaya na sgro yan. Makakaabot na! May stock…
Dumating na un order kong sobrero galing sa shoppee. Ang cute lang niya. Dalawa yan binili ko yun isa mas malaki jan. Para takip sa mukha ko lalo na ngayon mainit na sa labas. Nafefeel ko na din ang summer. Kasama ng salbabida na yan sa order sa shoppee. Yun bunso ko pinahanginan ko na agad sakin. At yan katabi niya sa higaan excited na din may swimming haha. Ako din excited kaso nxtweek na para kasama namin ang pamilya ko. Hehe
Good night mga kaibigan! Akoy antok na. Di kasi nakatulog ng hapon, kundi humigop pa ng kape. Ewan ko ba naadik na naman ako sa kape. Gusto ko sana isang beses sa isang araw kaso nangyayare 2 beses sa isang araw. Nawawala kasi ang stress ko kapag nakakahigop ako ng kape. Sana makatulog na din ang bunso ko para walang storbo sa pagtulog ko hehe.. bukas ulit mga kanoise. Salamat sa inyong lahat.
Katatapos lang magsumba kasama ang mga new frends ko. Hanggan ngayon pinag uusapan nila ang aqua sumba, sayang at hindi ako makakasama. Mahirap naman kasing mag sumba sa pool ng may kasamang bata baka malingat lang ako nalulunod na pala. Haha..kaya dito nalang ako sa bahay magsusumba ng alone. O kaya mag jumping rope ako, binili ko sa shopee kahapon lang din dumating. Iniisip ko kung mag break fast pa ako o hindi. Nawalan na naman kasi ako ng gana sa buhay, kahit ang…
Kangkong nalang ang kulang sa niluluto kong sinigang na manok. Makakahigop ulit ng maasim na sabaw. Mukang yung calorie na naburn ko sa pagsusumba ay maibabalik ko na naman haha! Wala eh! Sinipag ako magluto kaya heto kahit low budget basta maisipan ko magluto, magluluto ako ng maiibigan ko. Yummy sinigang na manok hehe!
Sinigang na manok at ang tira namin pritong isda kahapon ang ulam namin ngayon tanghalian. Tapos na kami kumain, flex ko lang kung ano ang hinain ko sa amin hapag. Nabusog na naman ang akin tiyan. Sarap kasing kumain ng salo salo ang pamilya. Kahit na may konting problema. Pero pinagdadasal ko na sana matapos na ito. Nag iisip din kami ng asawa ko na pwede ibusiness. Ano kaya maganda noh! Ayaw kasi namin masayang ang binigay na pera ng kanyang tatay para ipuhunan sa…
Namulaklak na ang nabiling kong halaman. Hindi ko alam tawag dito natuwa lang ako nun nakita ko ito sa palengke at mura pa ito. Wala kasi akong halaman na namumulaklak. Namatay na kasi ang tanim kong portuluca. Hindi ko kasi naalagaan. Pero may balak pa akong bumili basta may madaan lang ako. Hehe
Favorite food namin ng asawa ko kapag napapadaan kami dito habang nag bibike. Ito na ang pinaka almusal namin. Masarap po yan dinakdakan at may kasamang sabaw ng pares. Dinadamihan namin ng bawang dahon nh sibuyas para mas lalong sumarap. Ngayon nandito na kami sa bahay at nagappahinga. Kaso nag iisip ng uulamin pra ngayon tanghalian. Ano kaya ang mailuto.hehe
Lunch namin kanina, ginisang sardinas at pritong maling at itlog. Dahil sa pagod sa pagbibike nakatulog ako pagkauwi namin. Nagising ako 10:45 am na kaya nag decide ako na magluto nalang ng sardinas, maling at itlog. Mas marami pa silang nakain kapag ganyan ang ulam haha.. mas bet talaga nila un ulam na mabilisan iluto. Sa ngayon hugas plato na ako at konting pahinga bago ko gawin ulit ang challenge na nakita ko sa tiktok. Hehe
Good afternoon mga kanoise. Its meryenda time! Nagtimpla ako ng kape at bumili ng turon sa labas. Trip ko kasi ang turon ngayon at ewan ko ba, adik na adik ako sa kape ngayon. Haha! After kong mag meryenda magluluto na ako ng babaunin ng asawa ko. Ang balak ko sisig na maraming sibuyas at siling green, yun kasi ang gusto niya yun maraming sibuyas at sili. Masarap din naman kasi kapag maraming sibuyas at sili nakakaganang kumain haha. Maari lang ulamin ko nalang kesa ipabaon…
Breakfast! Scramble egg, pandesal, cheese whiz and kape! Yan ang almusal namin ngayon ng akin baby na maaga nagising. Humingi kasu ng pagkain sa akin, kaya naman bumili ako sa labas ng pandesal at ng scrambled ng egg yan kasi ang gusto niya. Una niyang naubos ang milk niya kaya ngayon kumakain ng tinapay na my pala egg. Ngayon na nga pala ang aqua zumba namin. Kaso sa kasamaan palad di ako makakaattend wala kasing magbabantay sa maliit ko huhuhu! Pero ok lang, mahalaga…
Tamang chill muna kami. Salubong daw sa bday ko bukas. Ok lang kasi libre naman haha. Tska konti konti lang muna ang akin iinuman dahil bukas baka mag bike kami ng asawa ko bukas. Kaya moderate lanh ang inom ko ngayon.
Good night everyone, tapos na kami mag inuman. Nakatulog na din bunso ko. Pag akyat sa taas tulog agad. Napagod kakalaro kanina. Bukas bday ko na haha! Madadagdagan na naman ang edad ko. Akala ko kapag umidad ako ng 30's hindi na ako mag iisip. Yun tipong iisipin ko nalang kung paano sila aalagaan. Pero mali pala ako. Parang bumalik ako sa age ko na 23 hahaha.. masakit pa din pala. Ayun tulog na bunso ko. Ako din matutulog na ako. Goodnighy sa inyo. Sweetdream!
Taho ang akin breakfast ngayon. Isang linggo na din di nakakainom ng taho lagi kasi siyang late dumatin. Marami kasi siyang dinadaan bago pa dito sa lugar namin. Pero ngayon dito muna inuna niya kaya nakabili ako ng taho. At dahil birthday ko ngayon. Di muna ako maglalaba. Chill ko muna ang sarili ko. Gusto ko maging masaya kahit ngayon araw lang. Hahaha.. Happy birthday to me! Thank you Lord sa panibagong taon ng aking buhay! Thank you Lord sa paggabay sa akin. Kahit hindi…
Ulam namin ngayon ng inihaw na tilapya. Sinamahan ko ng talong at okra para may gulay na kasama. Naku mapapadami na naman ang kain ko nento sayang ang tinanggal kong calorie kanina haha. Ok lang kasi pagbgyan na ang may bday. Kainin muna ang mga gustong kainin. Bawi nalang ako mamayang hapon mag exercise ulit ako hehe..
Ang aking hapunan! Haha sarap ng hapunan ko. Alak at tortillos. Gusto ko lang magwalwal! Hahaha!! Sarap mag inom kasama ang sarili ko. Kakwwntuhan ko din sarili ko. (Baliw na ba ako hahah) anyway ganito talaga pag lonely people. Mas gusto kasama alak kesa sa ano pa man. Haha! Araw arawin ko na ito hanggan sa masira na ang laman loob ko. Haha! Malaman yan pag nagkasakit ako. Walang mag aalaga sakin. Kasi wala akong kwentang tao. Walang silbi sa lipunan. Isang palamunin sa…
Nakakaaapt na bote na ako! Sarap pala maging manhid noh! Yun tipong wala ka ng pakielam kasi wala ka ng pakiramdam haha.. baka maging alak is life na ako kapag ganito ang pakiramdam. Ayoko na mag sumba at mag exercise. Wala na silbi yan sakin. Bakit pa! Hahaha Maige pa maging unhealthy kasi nakakain mo gusto mo di ka pa pagod. Hayahay ang buhay! Senxa na kung nega ako. Hayaan nyo lang ako. Ganito talaga kapag nasasaktan. Hindi lang emotionaly pati na din phisacally. Hahaha.…
3 nalang tinira ng anak ko sa akin. Sa lahat ng flavor ng dunkin donut itong butter choco ang pinaka favorite ko. Masarap kasi at mejo crunchy sa akin pag nguya. Minsan lang kasi ako makabili ng dunkin donut, kaya lang ako nakabili kasi may nilakad kami ng asawa ko sa mall. Naghahanap ng mapapadalhan ng bagahe dahil ang ate ng asawa ko gusto ng mga chichirya na galing pinas. Kaya ayun nagtanong tanong kami. At nakita ko si dunkin donut at bumili na din hehehe.
Good morning! Kakauwi lang galing sa pagbibike, may bagong lugar na naman akong napuntahan pero malapit lapit lang din. Di kasi kami pwede lumayo ng asawa ko kasi walang kasama ang mga anak ko. Siguro isat kalahating oras din kami nagbike! Nakakagaan talaga ng pakiramdam kapag nakakaapgbike or any exercise na pwede mong gawin. Minsan nga kapag nalukumbay ako dinadaan ko nalang sa tiktok haha. Anyway! Almusal po tayo padesal po ang amin nabili. Maige at nakaiwas sa pares hha!
Naglalambing bunso ko kasu nagising siya ng wala ako sa tabi niya. Nagsumba kasi ako ngayon. Di kasi ako nakapagsumba nun last monday dahil nag bike kami ng asawa ko. Sympre mas gusto ko kasama ang asawa ko dahil minsan lang kami mag bonding. Sinusuportahan niya kasi ang aking pag eexercise para pumayat kahit konti hahaha. Konti ayoko ng sobrang payat. Baka magmukhang adik na naman ako. Ahha.. Pagtapos namin magsumba nkalibre kami ng almusal dahil isa sa mga sumba member ay…
Sopas na maraming chilli garlic. Ang sarap yan ang hapunan ngayon. Wala munang rice dahil nun isang gabi tatlong malalaking tortillos ang akin kinain. Na stress kasi ako ayun ang stress reliver ko haha.. lalo na kapag malungkot ako. Yung tortillos ang karamay ko. Kanina nag jumping rope din ako. Nag bawas ako ng calorie ko. Mga 30 minutes din ako nag jumping rope. Sarap lang sa pakiramdam. Hehe.. Tara kain tayo guys!
Corn beef, fried egg at sinangag for lunch na dapat ay almusal. Aalis kasi kami mamaya kaya naisip kong ifriedrice ang natitirang kanin namin para hindi na ako mag saing. Para wala din masayang na pagkain kung aalis man kami ng bahay. Pupunta kasi kami sa nanay ko dahil bukas may swimming kami. Sabay sabay na ang bday celebration dahil madami kaming may bday ng march. Tara lets eat na po. Bawas na po kasi nauna na un panganay ko hehe
NakaPsyal din sa bahay ng nanay ko! Dito kami matutulog dahil bukas may swimming kami. Pinagsabay sabay na kasi namin ang bday celebration namin. Bday ng asawa ko, nanay ko, pamangkin at ako. Diba dami namin. Sayang lang wala ang tatay ko, masaya sana kung nandito siya. Kaso wala eh maaga siyang kinuha ni Lord. Kailangan na daw siya sa langit hehe. Ayun excited ang mga bata bukas, mga bata talaga ang excited sa swimming ako naman sakto lang. Masaya kasi kasama ko ang pamilya…
Nakahanda ang amin dadalhin para sa outing ng pamilya. Isang putahe nalang ang inaantay maluto at aalis na din kami. Ang mga bata ay gising na din. Ok na lahat sasakyan nalng ang kulang. Malapit lang naman ang amin pggswiswimingin kaya ok lang kahit trike lang amin sasakyan. Pero hindi talaga ako excited haha. Ewan ko ba. Tapos puyat pa, parang namamahay ako sa bahay ng nanay ko haha..
Good morning guys! Nag pa full tank na ako ng gasolina sa motor ko dahil bukas doble na taas ng gasolina. Kapag naubos na ang gas ng motor ko mag bibike nalang talaga ako para mamili ng amin uulamin. Grabe talaga epekto ng giyera sa Ukrain at Russia halos lahat apektado na lalo na sa krudo. Pati bilihin sa merkado pataas ng pataas. Ano na mangyayare sa mga mang gagawang pilipino na hindi nag iingktrs ang kanilang sahod. Tapos ang kaltas sa kanila ay malaki pa. Pati meralco…
Galunggong at ginisan toge ang ulam for tonight! Ayun umulan na nga ng bongga dito sa lugar namin. At sobrang lakas ng ulan, yung kusina namin binaha na din ng sobra. Paano pa kaya pag nagtag ulan kailangan na maapayos ang alulod ng kusina kundi kada ulan parang naulan na din sa kusin. Hays kakaumay pa naman kapag may natulo sa kusina. Dibali sana kung tulo lang eh eh hindi! Any way kain tayo guys! Yan ang ulam namin ngayon. Sinipag magluto kaso ayun muntik ng malagyan ng…
My own version nh chilli garlic. Wala kasi akong magawa kaya bumili ako ng marming sili at bawang at isa isa kong binalatan ang bawang at nilagay ko sa akin nabiling blender sa shoppee kasama ang siling pulang. Kapag gusto ko ng maanghang sa akin ulam o kahiy anong pagkain yan lang ang akin ilalagay. Ewan ko ba at naadik ako sa chilli garlic hahaha.
Ngayon lang magtatanghalian. Ngayon lang kasi nagutom. Nawili akong manood ng tiktok. Naghahanap ng maisasayaw haha. Kahapon lang ako nag post sa fb ng sinayaw ko sa tiktok ang dami na ng comment. Paano hindi naman talaga ako ng titiktok. Malungkot lang ako, kaya napa tiktok ako. Pinapasaya ko sarili sa pagtitiktok haha. Bukas sumba muna ako. Para may makita naman akong tao. Hahaha tara kain guys!
Maliwanag pa pero nagpaparamdam na si buwan! Ang liwanag niya! Sakto nakatambay ako sa labas kanina at napansin ko ang liwanag ng buwan. Ang tumal ng taong dumadaan ngayon sa lugar namin. Anong meron ngayon. Nasa resort o beach ba ang mga tao ngayon. Wala eh matindi na din ang init ng panahon ngaun. Kahit ako naiinitan na. Yun makapal kung kumot itatago ko na. Di na akma sa panahon ngayon haha
Flex ko lang kung gaano kasaya ang baby ko nun nagswimming kami nun sunday. Ngayon ko naisip na ishare sa noise. Ang sarap maging bata ulit. Kasi sa simpleng bagay nagiging masaya na sila. Kapag gusto nila maglaro, maglalaro sila. Wala silang iniisip na problema kundi paano sila maglalaro. Kaya ako, kung maibabalik ko lang ang panahon na bata ako, gusto ko talagang balikan. kasi masaya noon eh! Kahit may pamatpat si tatay dahil na nakauwi atlist masaya akong nakapaglaro sa…
After mag dinner ito naman ang akin lalantakin. Ice cream stick. Namiss ko kumain nento. Nabili ko ito sa tindahan ng hipag ko. Di ko alam may tinda na silang ice cream kakatuwa naman. Malapit na un bilihan ng ice cream. Ulam nga pala namin inihaw na liempo, tira pa yan nun swimming namin. Di ko na napicturan kasi gutom na haha! Ubusin ko muna ang ice cream. At mag huhugas na din ng plato. Haha
Pansin ko lang kanina ang araw ay namumula kanina. Namangha ako sa kanyan angkin ganda. At tunay naman mapapansin mo ang namumulang kulay ng araw. Dinner time na! Dito kami sa labas kakain. Sa labas lang po ng bahay hindi po sa resto hehe.
Isa sa mgA challenge sa tiktok na ginagaya ko. Isang uri ito ng exercise. Nung una ko itong ginawa sumakit ang Ang aking hita at binti, senyales na tumalab ang paggaya ko dito. Limang araw ko na siyang ginagaya, ngayon ay hindi na sumasakit ang akin hita kaya naman dinagdagan ko ng oras o ibang galaw para mas maiprove ang akin gustong mangyare. Good night na din sa inyo, masakit din kasi ang aking katawan, siguro kakasayaw sa pag gaya tiktok. Bukas may sumba naman. Another…
Try ko lang itong free facial mask na kasama sa binili ng mister ko sa shoppee! First time ko lang maglagay ng ganito sa face ko, sarap pala sa pakiramdam. Malamig sa face! Sana pag alis ko ng facial mask maging kamukha ko si marian rivera hahah! Ambisyosa lang haha! Sympre joke lang yun! Haha! Ano kaya mangyayare sa face ko. Haha! After 20 minutes malalaan! Hahah
Nagbike ulit kami ng Mister ko, at dito sa lugar na ito maraming nagbibike! Maganda din ang lugar na ito sa mga nagpapraktis magbike para kung sakaling pang malayuan na ang kanilang pupuntahan mas matibay na ang kanilang tuhod at binti. Ang ganda din ng makita ang pagsikat ng araw na karamihan dito ay nakaupo at tinataapt ang kanilang likod sa pagsikat ng araw dahil sa nakukuhang bitamina dito. Kapag nakarating na kami dito sa lugar na ito. Naglalakad lakad muna kami at…
Good morning guys! Inihaw ko ang nabingwit ng anak ko kahapon. Isinama kasi siya ng pinsan niya sa ternate para mamingwit ng isda. Yan kasi ang libangan ng pinsan niya kapag restday sya sa work. Isinama niya ang aking panganay at yan ang nahuli niya. Nakalibre kami ng uulamin ngayon. Hehe!
Dahil bday ng mister ko, instead na magluto ako, kumain nalang kami sa labas. Hindi sa di ako marunong magluto. Ayaw ko lang talaga mapagod kasi gusto ko mas ma enjoy namin ang bday niya ng walang napapagod. Masaya naman kami kahit kami kami lang. After nyan itutuloy ko ang mga naiwan kong labahin haha.. need ko na kasi maglaba kasi di ko napansij na kabundok na pala labahan ko kaya magbabawas muna ako.
Ang aking meryenda ngayon hapon ay lumpiang toge at sukang maraming sibuyas at sili. Kahit mainit ang panahon ito ang hinahanap hanap ng aking sikmura, ewan ko ba. Adik na adik ako sa lupiang toge, o kya toge. Di ako buntis ah kasi malabo ng mangyare yun haha! Baka namiss lang ng panlasa ko ang toge lalo na kung may ganitong sawsawan. Mapapa ummmmm ka nalang sa sarap! First bite, thank you Lord!
Parang ang sarap ulit mag swimming! Lalo na sa ganitong panahon na ubod ng init. Ramdam na ramdam ko na summer na talaga! Sarap magbabad sa tubig nento. Yan yun last swimming namin nun march 14, wala kaming matinong picture kasi syempre enjoy namin ang tubig. Haha Alam ko kasi na matatagalan ulit makapag swimming. Sana may mag aya ng swimming para makapagswimming ulit! Haha! Sarap talaga maging bata, kasi wala silang iniisip na babantayan basta alam nila maliligo sila…
Good night mga kaibigan, tulugan na po tayo! Pwede bang wag ng matulog kung gigising din naman haha..o kaya wag ng gumising kung matutulog din naman. Haha! Umandar na naman ang utak ko sa walang kakwenta kwenta. Minsan na nga lang umandar sablay pa. Pero sana umandar sya yun tipong makakatulong sa pamilya. Feeling ko kasi wala akong kwentang tao kapag nasa bahay ka lang at cp lang ang hawak. Haha! Minsan napapaisip ako bakit na imbento pa ang ganito. Pero ok na din naman…
Pero bakit parang ako lang ang nagkamali at may kasalanan! Di ba pwesde sisihin mo din sarili mo dahil sa damage na ginawa mo sakin!
Magandang umaga mga kaingay! Maaga nagising kasi nagpahatid ang asawa ko sa sakayan para hindi na siya mag trisicle. Mahal din kasi ang pamasahe at mejo malayo layo din kung lalakarin. May sumba day nga pala ako ngayon kaso ang bunso ko gising na kaya naman isasama ko nalang malapit naman ang lugar kung saan ako nag susumba, at safe naman dun. Nauuso din kasi dito sa lugar namin na may taong kakatok at sasaksakin ang bata! Kaya kami dito lagi naka lock ang pintuan at gate.…
Kakauwi lang galing sumba! Pagtapos mag sayaw picture picture na muna! Ito na yun pahinga namin! Masaya ang magsumba! Kaso imitado lang kasi may obligasyon sa bahay. Baka sa saturday last sumba ko na o kaya hindi na ako aattend. Magbayad lang ako para may pangdagdah sila sa instructor na nagtuturo samin. Ayun! Last na ito nakakalungkot lang. Ganun talaga kapag may obligasyon. Hehe..
Halo halo sa mainit na panahon. Summer na summer na talaga! Sobrang init sa labas di ko na keri! Kaya ito bumili na muna ako ng halo halo! Sinuong ko na yun inig basta makabili ng halohalo. Sa bagay malapit lang naman ang bilihan kaya sumaglit na ako. Ilan araw na dib masakit ang likod ko sa di ko maintindhan kung bakit. Nakakaumay na sa sakit d ko alam kung ano dapt kung gawin. Hays!
Bumili ako ng bombilya kasi ayaw ng umilaw ng nakakabit sa kisami namin. Ito kinakabit ko na para magkaliwanag na ang kwarto namin. Ilan linggo na din kasing walang ilaw kaya naisipan ko na bumili kasi di ko na kaya maglinis sa tanghali dahil ubod init na. Ganitong oras ko na lilinisin ang kwarto namin para hindi mainit. Sumasakit kasi ang ulo ko sa init ng panahon ngayon. Ewan ko ba. Kanina nga amg bunso ko nahipo ko na may sinat kaya naman pinainom ko na din ng gamot.…
Sinigang na Manok ang dinner ngayon. Nakapag post din ng ulam. Kasi minsan nakakalimutan kong mag post kasi yun cp ko hawak ng bunso ko o kaya naka charge. Kaya nag kachance na ishare ang ulam namin ngayon. Ngayon lang makakapag dinner kasu ng bike pa kami ng asawa ko. Nag hanap nh tinapay na swak sa panlasa niya. Ako naman bumili na din para bukas ng umaga mag almusal. Para di na ako lalabas para bumili ng almusal. Tara lets eat sa mga di pa nakain. Sabayan nyo kami.
Share ko lang itong nakita ko sa pinaapnood ko. Screenshot ko! Sarap sana magpunta sa ganitong lugar para makapagrelax at makapag isip isip ng mga bagay bagay na nangyayare. Masyado na kasing toxic ang mundo kaya kung may gusto akong puntahan yun ganitong lugar. Feel ko kasi kaapg ganito malapit ka kay God. Yun tipong lahat ng gusto mong sabihin sa kanya masasabi mo, kasi ang lapit mo sa kanya. Hays! Kailan kaya makakapag over night tapos inaabangan mo yun pag lubog ng araw.…
Good morning Guys! Breakfast ko ngayon kape at di ko alam ang tawag dito. Basta may asukal at margarine sa ibabaw na may palaman na munggo. Hehe! Nakita ko lang kahapon ito nun nag bike kami ng asawa ko. Ilan araw din akong di nag aalmusal sa kadahilanan na di ko trip mag almusal. Ewan ko ba kasi minsan naghahanap ng ibang lasa ang dila ko. Kaya ngayon baka nahanap ko na haha . Tara! Kain tayo!
Chopsuey! Kaso kulang sa rekado. Mahal kasi ng ibang rekado katulad ng brocolli at cauli flower. Wala din chicharo masarap sana kung kumpleto rekado. Pero ok lang yan. Basta importante may ulam sa hapag kainan. Sa mahal ng bilihin ngayon kailangan yun abot lang ng bulsa ang bibilhin. Para may kinabukasan pang kakainin. Hehe! Lets eat mga guys .
Almusal sa umaga, meryenda sa hapon. Kahit mainit ang panahon sige pa din sa paghigop ng kape. Tamang tulala habang nahigop ng kape habang may nangbuburaot sa akin tabi. Haha. Pero ayos lang kesa naman walang kasama at tahimik mas malungkot yun. Nag memeryenda na kami ngayon sa mga anak ko bans na may palaman na nutella akin naman un nabilinko kagabi. Kaya tara kain tayo.
Palubog na ang araw. Maggagabi na naman. Ano kaya ang maiulam ngayon! Anyway, maganda talaga pagmasdan ang paglubog araw, ang liwanag na nagpapaalam na kailangan na niya magpahinga. At ganun din ang ating mga katawan lupa na maghapon na may ginagawa at nagiisip. Pero nagiisip pa din ng ipapartner sa ulam na gulay namin. Kaya naman kung ano ano na naman ang naiisip ko. Haha!
Goodnight noisemate! Antok na ako.! Masaklap nagkasakit pa bunso ko. Tapos dagdagan mo pa ng konting pagtatalo about past. Yung magulo na ang mundo tapos makikisali pa kami. Haha. Kaya nangyare pati kami magulo na din. Dami kong gustong ikwento pero wag nalang. Akin nalang yun. Lagay ko nalang sa isip at puso ko. Total ako lang din naman nakakaintindi sa sarili ko. Parang loka lang.! Sana gumaling na ang bunso ko. Tinatanong ko kung ano masakit sa kanya, ang tinuturo ulo…
Hirap talaga kapag may sakit ang anak. Lahat na tinanong ko kung ano masakit sa kanya ang isasagot wala. Pero mainit ang katawan niya. Hays! Sana ako nalang tinamaan ng lagnat atlis sakin walang mag aalala kung may sakit ako o wala. Kasi wala naman mag aalaga sakin kundi sarili ko lang. At alam ko paano ko papagalingin sarili ko. Eh kapag bata, wala! Iiling lang. Kagandahan lang malakas siyamg kumain at makisig kahit may sakit. Sana gumaling ka na para hindi nag aalala si…
Sad saturday! Bukod sa may sakit ang akin bunso, nagkaroon pa kami ng tampuhan ng akin mister. Kung ano yun sympre amin nalang yun. Kaya wala ako sa mood kumilos para magluto ng amin kakainin dahil sa nararamdaman ko. Pero ayokong lamunin ako nito dahil paano ang mga anak ko. Kaya naisip ko na mag delata lang muna kami dahil kaapg nagluto ako, baka di nila magustuhan ang lasa. Hays! Minsan talaga lahat naapektuhan kapag nagkakatampuhan.
5:13 pm pero ang taas pa din ng araw. Kaya di makakapagtaka kahit ganitong oras ay mainit pa din. Buti nalang mahangin kundi sobrang maalinsangan ang panahon. Baka hindi ko na maisip lumabas at tumapat nalang sa fan. Hanggan ngayon may sinat pa din ang bunso ko. Bukas paapcheck up ko na ang kanyan ihi at dugo. Para malaman ang sanhi kung bakit siya nilalagnat. Ngayon lang kasi nangyare ito, dati kapag nilalagnat 1 day lang ngayon inabot na ng 2 days. Bukas pang 3 days na…
Birthday ngayon ng kapit bahay namin na pinsan ng aking mister. Nagpaluto ng liempo at inihaw na bangus. Sarap ng amin hapunan dahil libre na naman. Haha! Hindi na din kami nagsaing sa kanila nalamg din kami kukuha ng kanin para sulit na sulit sa tipid. Bukas aalis kami ng bunso ko dahil papacheck up ko. Kasi pabalik balik ang kanyan lagnat. Ngayob masigla na. Mamaya inaapoy na naman ng lagnat. Sana gumaling na ang bunso ko. Kasi nag aalala ako.
Nood muna ng kmjs, hindi pa kasi ako inaantok! Yun bunso ko nagpapahinga na. Sana bukas di na siya lagnatin. Lagi ko din pinaapinom ng tubig para di ma dehydrate. Buti nainom naman kahit paunti unti. Bukas lunes na, pasukan na naman ng mga bagets ko! Di naman ganun kaaga kaya pwde na. Pero ang panganay ko sasama sa swimming ng mga pinsanin niya. Mamimiwit din sila kasi sa beach sila mag swimming. Na share ko lang. Paalam na din at pagtaops ko manood tutulog na ako. Kasi…
Nakapagpalinis din ng kuko after 2 yrs haha! Ngayon lang kasi ako niyaya ng asawa ko magpalinis ng kuko kung hindi pa siya nagkaroon ng ingrown. Naisama niya pa ako. Hindi kasi ako mahilig magpalinis ng kuko kasi nanghihinayang ako sa ibabayad ko. Ginagawa ko, pinuputulan ko nalang ng kuko para luminis at mawala ang dumi. Sarap sa pakiramdam na matanggalan ng dumi sa paa. Pinalagyan ko na din ng kulay para sulit ang ibabayad. Meryenda na mga kanoise. Mamaya na ako mag…
Pacheck up ko na ang bunso ko at ang resulta ay mataas ang bacteria sa urine. Inshort may U.T.I siya. Mahilig kasing uminom ng soft drink kahit ayaw kong painumin makikita ko nalang may iniinom na. Ngayon bawal muna siya sa softdrink at mga junk food. Hanggat maari ipagbawal na sa mta bata ang ganyan uri pagkain dahil hindi nakakabutinaa kalusugan nila. Mejo ok ok na din siya. At hindi na nilalagnat. Siguro kakapainom ko ng tubig. Sigro nabawas bawas at naiihi niya ang…
Pasalubong ni Mister ang aking almusal ngayon ang Beef Pares. Binili niya ito sa favorite namin kinakainan. Hindi ko kasi siya masundo dahil may sakit ang amin bunso. Pero ok na naman siya di na siya nilalagnat. Malaking tulong din ang tubig. Basta wag mo lang siyang kakalimutang painumin ng painumin siya. Taka kain tayo ng Pares. Masarap ito...hehe
Ang aga kong ginutom, kaya naman naghanap ako ng makakain sa ref. Nakita ko may cake, naalala ko kahapon may nagbigay ng cake at spagetti kasi bday daw ng anak niya. Haha. Another blessing na dumating. Di na talaga ako papayat.! Hindi kasi mahilig sa cake ang mga anak ko maliban sa bunso ko kaso bawal pa siyang kumain niyan kaya naman naisipan kong kainin at ubusin na bago pa niya makita. Naggagamot kasi siya kaya bawal muna sa matamis at maalat na pagkain. Hindi ko na…
My own version ng Chilli Garlic. Isa yan sa nagpapagana ng amin kain kaya hindi na pumayat payat. Kapag naglalagay kasi ako nyan sa pagkain ko hindi ko maiwasan magdagdag ng rice sa plato ko. Tsalap naman talaga kasi ng maanghang di ko maipigilan. Tapos natuwa pa akong gumawa ng sarili kong Chilli Garlic kaya kahit do na ako bumili sa labas gumagawa nalang ako kasi mura lang at marami akong nagagawa hehe. Pang matagalan din naman. Hehe
Ginutom ang bata kaya naman humingi ng tinapay at nagpalaman ng nutella. Iniisip ko anong oras kaya makakatulog ito kasi chocolate ang naipalaman ko sa tinapay niya. Sa bagay yan lang naman ang trip niyang palaman kaya wala din akong choice. Ako naman antok na! Ewan ko ba lagi akong inaantok di naman malamig ang panahon, mainit naman! Wait ko pang matapos kumain ang bunso ko, after kumain akyat na kami sa taas at ako naman ay matutulog na. Matutulog naman ang bunso ko kapag…
My Breakfast! Bigay pa yan nun isang araw walang gustong kumain kaya ininit ko at ako nalang kumain. Hindi kasi mahilig sa spagetti ang mga anak ko, kami lang ng mister ko ang mahilig sa spagetti sayang kasi kaya ininit ko na at inalmusal. Mas bet kasi ng mga kids ko ang tinapay kahit sa gabi tinapay pa din sila. Nakaapgsalang na din ng labahin at yun motor ko dadalhin ko pa sa pagawaan. Hays ang init pa naman!
Nakunan ko ang bahaghari kanina. Ngayon ko lang naipost kasi kakauwi ko lang ng bahay. Hindi naman ako nagloload at may internet naman kami sa bahay. Hindi naman din ako masyadong nagtatagal sa labas kaya di ko na naisipan pang magload. Linis muna ako ng bahay dahil ang dumi na. Haha! Masyadong maalikabok ang panahon ngayon kaya kahit anong linis mo maya maya maalikabok pa din. Magaling na din ang bunso ko. Pero tuloy pa din ang pag inom ng antibiotic para mawala na ang…
Wala sa mood mag dinner ngayob. Kaya pinauna ko nalang ang mga anak ko. Ewan ko ba inaatake na naman ako ng lungkot. Ginagawa ko na nga lahat ng pwedeng magpasaya sa akin peri ewan ko ba ito ako ramdam ko naman. Para feeling ko ako na yun may pinakamalaking problema na di na masosulusyunan pero kapag nagbabasa ako hindi naman. Grabe lang siguro ako mag isip na feeling wala ng solusyon pero meron naman. Hays! Basta malungkot ako ngayon!