read.cash Log in
@Reysky more from that month

Good morning guys! Nag pa full tank na ako ng gasolina sa motor ko dahil bukas doble na taas ng gasolina. Kapag naubos na ang gas ng motor ko mag bibike nalang talaga ako para mamili ng amin uulamin. Grabe talaga epekto ng giyera sa Ukrain at Russia halos lahat apektado na lalo na sa krudo. Pati bilihin sa merkado pataas ng pataas. Ano na mangyayare sa mga mang gagawang pilipino na hindi nag iingktrs ang kanilang sahod. Tapos ang kaltas sa kanila ay malaki pa. Pati meralco magtataas na din ng singil ng kuryente, ano na! Mahihirapan na lalo ang mga nanay na mag budget dahil halos lahat tumataas na. Hays life talaga! Hahaha! Wala lang naishare ko lang yung mga nanaramdaman ko about sa nangyayare. Naalala ko din yun sinabi ng nanay ko kahapon. May tindahan kasi ang nanay ko sakto nagbayad ang nanay ko sa munisipyo ng 4500 para sa business permit ng maliit na tindahan. Tapos may pumunta na tauhan ng munisipyo sa tindahan ng nanay ko ipinakita naman niya ang business permit tapos sinabi sa nanay ko na every 3 months magbabayad daw sa munisipyo ng 1500 magkano lang benta ng nanay ko sa isang araw 150 minsan 200. Minsan nga wala pa. Kasi sa konti lang naman ang tao sa may amin. Kasi subd. Nakatira nanay ko. Grabe dati hindi naman ganun. Ngayon bakit naniningil na sila ng every 3 months. Kaumay na! Ayun magsasara na lng daw nanay ko eh libangan lang naman ng nanay ko ang tindahan para may magawa lang. Hays!

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.