5:13 pm pero ang taas pa din ng araw. Kaya di makakapagtaka kahit ganitong oras ay mainit pa din. Buti nalang mahangin kundi sobrang maalinsangan ang panahon. Baka hindi ko na maisip lumabas at tumapat nalang sa fan. Hanggan ngayon may sinat pa din ang bunso ko. Bukas paapcheck up ko na ang kanyan ihi at dugo. Para malaman ang sanhi kung bakit siya nilalagnat. Ngayon lang kasi nangyare ito, dati kapag nilalagnat 1 day lang ngayon inabot na ng 2 days. Bukas pang 3 days na kung lalagnat pa. Kaya sana bukas mawala na lagnat niya. Kahit sakin nalang lumipat ok lang wag lang sa bunso ko.
No comments yet