read.cash Log in
@Reysky

@Reysky in January 2022

@Reysky

Good morning Earth! Kamusta ang january 1 2022 nyo. Ako eto may hang over, nag inom kami magkakapatid sayang lang kulang ng isa kasi yung ate ko nasa ibang bansa hanggan video call lang kami. Ang saya ng new year namin ngayon bukod sa busog, masaya kaming nag kwkwentuhan ng mga nakaraan namin. Yung mga masamang nangyare sa amin, tinatawanan nalang habang napag uusapan. Mamaya naman pupunta kami sa tatay ko. Dadalawin namin ang kanyan puntod, syempre hindi namin siya hindi…

@Reysky

Habang na biyahe papuntang sementeryo naisipan ko kunan ang kalangitan. Paiba iba kasi ito. Minsan iinit minsan kukulimlin. Katulad niyan natakpan ng kalangitan ang ulap na nakapagpasaya sa akin. Kasi hindi ako maiinitan dahil nga nakamotor kami. At ang kagandahan malamig ang simoy ng hangin. Kaya naman hindi ako nainitan at hindi sasakit ang ulo ko. Kapag nasobrahan kasi ng ng init kahit nakahelmet ako feeling ko natagos ang init sa ulo. Thank you Lord at magandan ang…

@Reysky

Habang nakatambay sa puntod ng tatay ko, napansin ko ang kalangitan na parang alon ang ulap. Nagandahan lang ako. Ang lamig ng hangun ngayon, siguro mas malamig ngayon sa tagaytay sarap magtulog ng magtulog ngayon. Bukas balik pag pipintura kami ng bahay sana matapos na.

@Reysky

Grabe ang tiyan ko! Di ko alam kung nilamig ba o ano. Kasi di ko maintindihan. Yun kinain kong cup noodles sinuka ko lang. Ang sama sama ng tema ng tiyan ko. Di ko alam gagawin. Uminom na akong ng maligamgam na tubig pero sinuka ko pa din. Hays!! Sama talaga ng tiyan... Feel ko nilamig maige.

@Reysky

Kape kape muna sa malamig na panahon. Buti nalang ok na ako. Hindi na masakit tiyan ko. Iniisip ko baka napasukan ng masamang hangin ang tiyan ko kagabi kaya ito ok na ako. Maglilinis ulit kami sa kabilang bahay, sana matapos na namin magpintura dun oara makalipat na. Maluwag kasi dun sa kabilang bahay kaya mas gusto ko dun. Kaso kailangan lang pinturahan para gumanda ganda sa paningin ko hehe.. napabayaan kasi yung bahay na un simula nun umalis kami dun. Kung bakit kami…

@Reysky

Late ko na naisip na ishare ang amin ulam, sinigang na manok! Kumain muna kasi kami dahil na din sa pagod kakapintura ng bahay. Next na ishashare ko ang mga nagawa namin sa lilipatan namin na bahay. May kalakihan kasi yun bahay kaya hindi basta bsta matapos ng 2 araw ang pagpipintura. Pero konti nalang matatapos na din yun at makakalipat na kami.

@Reysky

Salamat at makakapagpahinga na dib. Sobrang nakakapagod ang magpuntura plus pa ang masaway sa mga junakis kong makulit. Konting kembot nalang matatapos na ang pagaayos sa kabilang bahay. Bukas magkakanvas kami ng renolyom, gusto ko sana ipa tiles kaso, cant afford. Dahil malaki ang bahay, gagastos ng 45k sa pag papatiles. Wala kaming ganun halaga. Magiipon muna! Sana this year makaipon para mas mapaganda ang bahay na titirhan namin. Pahinga muna ako guys! Sakiy ng kamay at…

@Reysky

Akoy magpapaalam na muna, dahil bukas pasukan na ng akin mga studyante. Kailangan na naman gumising ng maaga para makapag prepare ng breakfast nila. After non iiwan ko muna siya para maghanap ng magandan ilalagay ng renolyom sa amin sahig. Para maging maayos at kaaya aya ang amin sahig. Sana makahanap ng mura mura kasi di din ata biro presyo ng renolyom. Good night na sa lahat. Talagang pagod ang katawan ngayon. Tapos ang tiyan ko parang nag aaburoto na naman.

@Reysky

Tapos na kami magpintura sa loob ng bahay, mga grills naman naman susunod. Nakakapagod din pala ang magpintura, kala ko easy easy lang. Enjoy nga lang kapag nag pipintura. Katulong ko din ang mga anak ko. kaya yun pintura namin parang ewan lang hahaha. Basta napinturahan. Pinakamahirapn pinturahan ang kisami, nakakangalay sakit sa leeg sa nakakangalay sa braso. Ang taas kasu ng kisami kaya nakakangalay. Maya maya hahanap na ng renolyum sana makahanap ng mura mura..so panoo…

@Reysky

Yung asawa mong umandar na naman ang pagiging kuripot. Hindi naman parasa sakin yun sinsabi ko para din naman sa bahay nila. Ako lang nagsasabi sa ikagaganda ng bahay nila. Ewan ko ba. Naturingan nasa ibang bansa, pero bakit ganun maayado nilang tinitipid bahay nila. Yung ibang bahay nag gagandahan na. Bahay nalang nila ang napaglilipasan ng panahon. Paano kapag nag bakasyon sila. San sila titira sa hotel. Hay naku bahala sila. Bahay naman nila yun. Kakatamad tuloy!

@Reysky

Tulugan na po! Antok na din po ako. Nakakapanghina kasi ang pagtatae. Uminom na din ako ng gamot sana bukas ok na ako kasi kahit wala akong ginagawa ngayon nanghihina ako. Kaya sabi ko sa asawa ko tigil muna sa pag aayos ng bahay dahil masama na naman ang tiyan ko. Uminom na ako diatabs at uminom ng gatorade kaso sinuka ko lang ang gatorade parang ayaw tanggapin ng sikmura ko. Pag hindi ako omokey. Mag papacheck up na ako kasi di ko kaya. Para di madehydrate inom nalang AK…

@Reysky

Pinaayos namin ang mga saksakan ng mga appliances kasi mga nakalaylay na ang mga saksakan. Delikado para sa mga bata baka magsaksak tapos makuryente pa. Pwede ng tirhan. Waitin nalang sa paglipat ng internet kasi di pwede na walang internet ang mga bata dahil may online class pa. Bukas try namin ilagay ang renolyum sa mga kwarto. Binasa ko muna kasi ang sahig dahil sobrang maalikabok. Kaya bukas na ang renolyum. Sa sala hindi muna daw lalagyan kasi baka daw magkatrabaho…

@Reysky

Konti nalang matatapos na ako sa labahin ko. Nagbawas kasi ako ng labahin ko haanggat ok pa pakiramdam ko. Sana magtuloy tuloy na, sana hindi na ako magtae hirap kasi yun pabalik balik ka sa cr. Tapos nakakapang hina. Kaya ginagawa ko kain ako ng saging para hindi sumakit ang tiyan ko. Konti nalang matatapos na ako at makakapaghinga na. Nakapag lunch na dun kami. Buti habang naikot ang labahin ko nagluluto na din ako ng ulam namin. At eto nakatapos din. Mamaya ko nalang…

@Reysky

Isda at gulay muna tayo ngayon mga kaibigannilan araw din puro karne ang nasa hapag. Kaya ito amin ulam ngayon. Nakakamiss din kumain ng galunggong buti kaninang umaga may naabutan pa kaya ayun pinakyaw ko na haha.. Lets eat mga kaibigan. Guyom match. Ngayon lang makakbawi sa pagkain.

@Reysky

Dilat na dilat pa ang kanyan mata pero ako antok na antok na. Nood muna daw siya youtube pang paantok daw. Ako naman naisipan ko magbasa at post na din dito. Magpapaalam na din at bukas maaga pang magigising. Susunduin si mister at mag prepare ng almusal ng anak kong may online class. Nag rerequest kasi siya ng tasty at mag fried ng egg, yun daw ang gusto niyang kainin. At dahil ok na ang tummy ko, di na din ako nagtatae. Balak kong mag oat meal, start ng diet ko. Next time…

@Reysky

Gulay gulay muna para humaba ang buhay. Gatang kalabasa na may malunggay at fried tilapya. Request ni mister ang gatang kalabasa at ako naman nag ccrave sa tilapya. Nakain naman ang mga anak ko niyan kaya no problem naman sa kanila. Kaya busog lusog na naman tayo nento. Pero konting rice lang muna ako kasi need mag bawas ng timbang. Nun mga nakaraan di maiwasan kumain ng masasarap at talagang di maiiwasan dahil sa holiday at minsan lang naman makakain ng ganun pagkain. Kaya…

@Reysky

Nap time na kami, yakap yakap niya si coco melon, himala at pinansin niya. Dati pakalat kalat lang ngayon yapos yapos na niya si cocomelon. Yung ibang toys niya kasi nilagay ko na sa kabilang bahay para wala ng pakalat kalat kaya ngayon sila na ang close ni cocomelon. Next week na ako pupunta sa site ng brand ng internet namin para mapalipat na sa kabilang bahay. Kasi yun nalang ang inaantay namin. Tulog muna kami kasi maaga ako nagising at tapos na din sa mga naiwan na…

@Reysky

Habang nasa magandang pagkakatulog ako ng may tumawag sa amin bahay at inaabot isang plastic na ito. Sabi sa akin pasalubong mula sa isang kaibigan. Kakatuwa at alala akong bigyan ng di ko inaasahan. May damit sabon tooth paste at chocolate na nakalagay. Agad akong nagpasalamat sa kanya sa mga binigay niya sa akin. Di talaga nakakalimot sa akin kahit na nasa ibang bansa siya. Minsan nagpa deliver ng jollibee ngayon ganito naman. Kakatuwa lang ishare sa inyo.

@Reysky

Di na siguro ako mag didinner dahil busog pa ako. Kumain kasi ako ng tuna mushroom kariman na nabibili sa ministop. Nabusog ako doon! Mga anak ko nalang muna ang papakainin ko dahil panigurado sila ay gutom kakalaro sa labas. Dito kahit level 3 hindi namin ramdam dahil malaya pa din nakakalaro ng basket ball at nakakalaro ang mga bata sa play ground. Wala naman akong nababalitaan na may sakit dito sa amin lugar kaya siguro hindi pa naghihigpit. Papakainin ko muna ang mga…

@Reysky

Good night mga kaibigan. Antok na ako! Maaga na naman gigising bukas. Nakakatamad pa naman bumangon dahil sarap matulog dahil malamig ang panahon. Mga anak ko tulog na din kaya ako matutulog na din. Sana sipagin ako bukas kasi may aayusin ako. So paano mauuna na ako at di na kaya ng powers ko ang pgpikit ng mata ko. Good night at god bless!

@Reysky

Magandang umaga mga tropapips! May natira pa akong barya sa mga naipon ko. Diyan ako nakuha kapag may nangangaroling sa akin. Sa ngayon tuloy ko nalang ulit ang ipon ko, pero kung wala na talagang madukot, atlist may madudukot ako kahit barya siya. Malapit na din ang fiesta dito, pwede na siguro ang spaghetti ang handa. Di din naman ako nag iinvite kasi dahil minsan ako yung invited hehehe.. sayang lang wala na naman karakol na magaganap dahil nag higpit na naman sila. Hays!!

@Reysky

Sopas sa malamig na panahon. Matagal ng request ng anak ko ang sopas sa akin. At dahil wala na din akong maisip na mailuto at may pasta naman akong na stock, niluto ko lahat. Masarap din kasing humigop ng sabaw ngayon para mainitan ang sikmura. Di na nga ako nainom ng malamig na tubig dahil malamig na din ang tubig mula sa container. Ewan ko ba ang mga anak ko gusto ng malamig, ako naman ayaw ko kasi parang hindi nakakabusog kapag malamig ang tubig na naiinom ko. Waitin ko…

@Reysky

Dumating na ang order kong bananaque at turon. Banana que lang napicturan ko kasi ito un una kong nahawakan. Na miss ko kumain nento. 3 weeks din silang hindi nag tinda dahil umuwi sila ng probinsya at holiday din. Tapos kahapon wala pa silang mabilan ng saba puro hilaw pa daw. At ngayon di ko na pinalagpas at nag comment ako sa post niya para naka order lang sa tinda niya. Enjoy ko muna ang akin bananaque, kain muna ako.

@Reysky

Wala sa mood, nagkulong lang ako sa kwarto. Ang panganay ko na ang nagpakain sa bunso ko. Gusto ko lang mapag isa at nag iisip kung anong nagawa ko. Basta nalang tumulonluha ko at ang nararamdaman ko hindi ko alam kong ano. Nakakaisip ako ng hindi maganda kaya eto pinost ko nalamg dito para mabawasan ang sakit na nararamdman ko. Nakaka depress lang. Hays!

@Reysky

Good morning, ang aga nagising ng bebe ko. Nagugutom na daw siya. Sabi ko lulutuan ko siya ng pansit canton, ok daw sa kanya. Ginigising ko na din si ate para sabay na silang mag breakfast. Ganda ng gising ng bebe ko may pa kiss pa yan sa akin. Hehe

@Reysky

Paksiw na bangus. Isda muna kami ngayon mag asawa dahil nauumay na talaga ako sa manok. Kahapon nga sopas lang kinaib ko tapos kagabi di na ako kumain. Need ko na magbawas ng timbang dahil dami ng damit na di kasya sa akin. Ayoko naman bumili ng oversize na damit dahil di ko feel. Kain na tayo guys! Nakakagutom na din hehe.

@Reysky

Ngayon lang ulit nakapag ingay dahil naimbitahan sa bday. Dun na kami kumain ng mga anak ko para makatipid. Sakto kasi wala din akong luto ngayon. Kya dun nalang nangingain. Konti lang kinain ko kasi diet na nga ako. Nahiya lang ako sa may bday kaya kumain ako. Sunod nento fiesta naman ng nazareno. Sunod sunod ang handaan. Pero easy lang ako. Basta diet na ako ngayon. Hehe

@Reysky

Tinanghali ako ng gising kaya maling at egg muna ulam namin. Wala kasing pasok at walang alarm ang gumising sa akin. Pero ok lang basta gusto ng mga anak ko ulam oks na sa akin. Karakol na sana ngayon dito sa lugar namin at dahil kasama kami sa level 3 walang mangyayareng karakol. Sad ng fiesta ngayon dito sa amin. 2 taon ng ganito. Sana next year mag back to normal na.

@Reysky

Wala na yung nagsasayawan sa karakol, iginagala nalang ang poon ngayon para makita ng mga tao. Dati 12 pm palang marami ng taong naghahanda para sumayaw, pero ngayon wala na. Puro motor cade nalang muna para makaiwas sa sakit na covid. 2 yrs ng malungkot ang amin fiesta dahil sa pandemic. Sana manumbalik na ang saya sa bawat lugar.

@Reysky

7:25 palang pero inaantok na ako. Di pa ako pwede matulog dahil ayoko pag gising ko magulo bahay. Masisira agad ang araw ko. Kaya maglilinis muna ako bago umakyat ng bahay. Nawili din akong manood ng movie dahil wala akong magawa kanina. Dahil di naman ako pwede maglinis ng bahay habang nagkakalat ang anak ko. Kaya ngayon lang oras ko sa paglilinis. Dinner na mga di pa kumakain ako kasi di na nag didinner, buo ang loob ko na mag diet. Bukas na ako kakain. Mas kailangan ko…

@Reysky

Good morning! Almusal muna tayo mga kaibigan. Bumili ako pandesal at kape. Hinahanda ko ang tiyan para mamaya. Dahil maraming bahay ang makakainan. Fiesta ng poonh Nazareno. May dumaan na banda atlis kahit sa Ganon ma feel namin na fiesta ngayon. Sana mamaya may paturo kahit pailaw nalang. Isa kasi yun sa bumubuhay ng saya ng kafiestahan dito. Kain muna po tayo..

@Reysky

Dahil fiesta ngayon, di mawawala ang inuman. Waiting aa poong nazareno habang nag iinuman. Mejo tipsy na ako at enjoy. Ngayon ko lang ulit na experience ang ganitp ang maenjoy habang kasama ang mga kaibigan. Nakakatuwa din naman ang asawa ko hinayaan niya ako mag enjoy sa kabila ng ilan taon ko akong mas gusto sa loob ng bahay. Ok lang lang daw akong mag inom pero wag magpapakalasing. Hehehe. Mejo tipsy na.. minsan lang naman. Hehe

@Reysky

Prusiyon kagabi. Viva poon Nazareno Inabangan ko talaga ang prusisyon kagabi, motorcade nalang ginawa at ung iba ay tagahila ng poon Nazareno. Kahit sa ganitong paraan makita at masilayan ulit siya.

@Reysky

Good morning. Feeling ko wasak na ako. Wasak na wasak! Di ko alam kung paano kung bakit? Pero ang hirap pala. Yung sakit parang bumabalik lahat. Kailangan ko ng ihanda ang sarili ko. Sa mga pwedeng mangyare sa mga susunod na araw. Yung mga tawa at saya kahapon napalitan ng sakit at pighati. Alam ko Lord sinusubukan mo ulit ako. Pero alam ko na di mo ako pababayaan. Kailangan kong magpakatatag hindi para sa pamilya ko kundi para sa sarili ko.

@Reysky

Lunch time na, dahil fiesta kahapon. Kaliwat kanan ang handaan pero syempre nag choose lang ako isang place na pupuntahan para makifiesta kundi s bahay ng ate ng jowa ko. Masarap kasi ang luto ni ate kaya mas bet ko dun kumain. Marami akong naaalala kaoag fiesta dito sa amin lugar. Mga masasaya at nakakaaliw na na pangyayare. Wag na nga munang balikan kasi natatawa lang ako. Kain muna tayo guys. Mas masarap talagang sariwain ang masasayang bagay.

@Reysky

Lumabas ako ngayon hapon. Napansin ko parang ang lungkot ng panahon. Walang kahangin sa labas, makulimlim at bihira ang tao. Parang umaayon ang panahon sa nararamdam ko. Malungkot din. Kaya sabi ko sa anak ko umuwi na kami at parang hindi ko kayang makita at lalong maramdaman ang kalungkutan ang naramdaman. Lord alam ko nakalimot ako sayo. Pero Lord alam kong may dahilan ang mga nangyayari ito. Lord sorry alam nyong marami akong pinagsisihan sa mga pagkakamali ko. Alam mo…

@Reysky

Hi guys, good morning. Ayun hindi pa din nag aalmusal. Walang ganang kumain. Walang gana sa lahat. Parang gumuho ang mundo ko sa mga narinig ko. Hays! Sakit lang! Ingat sa lahat. Mahal ko kau.

@Reysky

Pa scroll scroll lang muna dahil ang utak ko ay blanko. Blanko blanko blanko. Di makapag isip ng tama. Kung paano ipapaliwanag ang lahat. Paano ko sasabihin wala naman talaga. Wala wala wala. Hayss! Hirap sa kalooban!

@Reysky

Nakapagtanghalian na ba ang lahat. Ako hindi pa. Hindi dahil wala pa aking luto kundi dahil wala akong ganang kumain. Wala talaga akong gana sa lahat ng bagay. Paano ko ba sasabihin. Di ko din alam!

@Reysky

Gabi na pero yung pakiramdam ko mabigat pa din. Gumagaan lang kapag may nababasa akong nakakaintindi sa akin. Ang hirap kasi ng walang makausap. Yung di mo masabi. Ayaw ko na din magtiwala pa sa iba dahil minsan yun din ang ikapapahamak ko. Hays! Lord kayo lang po nakakaalam ng sakit na nararamdaman ko.

@Reysky

Halos 24 hours akong hindi kumain kundi puro tubig lang. Nanginig ang katawan ko dahil hindi ko na kinaya na walang laman ang tiyan ko. Kaya naman kumain ako ng tinapay para mawala ang panginginig ng katawan. Narealize ko na bakit ko gugutumin ang sarili ko sa isang problema na hindi ko naman ginawa. Kaya ngayon napag isip isip ko kakayanin ko kunh ano man ang kahahantungan nito. Laban lang wag susuko.

@Reysky

Naging busy ako ngayon hapon. Ayaw ko kasi mgkulong sa loob ng bahay ayaw ko masira ang ulo ko sa kakaisil sa problema. Alam ko hindi pa ito ang time para magkaintindihan kami. Siguro dadatin din ang panahon. Sa ngayon gusto ko lang enjoyin ang buhay ko. Hindi na ako bata, nagkakaedad na din ako. Ngayon ko pa ba pababayaan ang sarili ko. Kasama ko si lord alam niya ang kahinaan at kalakasan ko. At alam ko mahal niya ako. Hindi hindi niya ako pababayaan.

@Reysky

Magandan nga ba ang morning ngayon.? Di ko alam kung para sa akin Hindi. Yung gusto mo lang maging masaya pero hindi mo magawa. Di ko alam bakit unfair ang mundo. Hindi ako perpektong babae, nasasaktan nadadarang at natutukso din. Pero paano na nagawa mo lang lahat yun dahil nag aantay ka lang at mga nararamdaman mo na di ka na sigurado sa relation iyon. Na nag iintay ka nalang bumitaw ka kasi iba yun nararamdaman mo. Nagkamali ako, oo nagkamali ako! Pero sa mga pagkakamali…

@Reysky

Paano nga ba maging masaya ulit. Sabi ko sa sarili ko na ok na ako at kaya ko ng kumain. Pero hindi pa din pala. Hindi pa din kaya ng tiyan ko. Haha.. Haha masaya nga ba ako. Sarap lang mag hahaha kapag masakit na ang nararamdaman mo. Paano ba lumabas. Gusto kong lumabas. Gusto kong sumigaw. Sumigaw ng sumigaw hangan sa mawalan na ako ng hininga. Hangganh pumikit ang mata ko at at di ko na makiya ang mundo. Ang sakit sakit! Bakit ang sakit? Ikaw lang ba may karapatan…

@Reysky

Tanghalian na, pero di ako nakapagluto ng ulam. Wala kasi akong naisip kanina. Pero pinabili ko anak ko sa labas ng maling at yung nalang ang pinaulam ko sa kanila, sana bukas magkaroon na ako ng mood magluto. Kakaawa anak ko kapag lagi akong ganito. Hays! Buhay! Hirap kasing kumilos kapag ganito. Hays!

@Reysky

Magandang hapon.! Paano nga ba ako mag sisimula sa ipopost ko! Pero salamat sa mga comment nyo sa post ko. Ang sarap lang sa pakiramdam. Atlist ngayon nasabi ko na lahat. Wala na akong itatago pa. Nasabi ko na lahat ang gusto kong sabihin, at magaan na sa kalooban ko. Niloob ito Lord para mas tumibay ang pagmamahal kesa aa galit na mararamdaman naman. Lord thank you. Binigyan nyo ako ng lakas at pinatibay ang amin samahan. Kayo na po bahala sa amin Lord. I love you Lord 🙏

@Reysky

Bakit ganun? May kirot pa din sa dibdib kahit alam sa sarili mo na ok na lahat. Bakit ang sakit pa din. Bakit yung puso ko may kabog pa din. Yung gusto mo pumikit pero di ka makapikit. Yung tipong gusto na ng mata mo na ipahinga pero bigla kang mapapadilat. Na totoo pala ang lahat ng ito. Totoo na pala na ito kasi nasasaktan ka na naman. Hanggan kailan ba. Hanggan kailan ko ito daldalhin.😔

@Reysky

Share ko lang ang aking menu for today ang Pininyahan manok. Ayun medyo sinipag akong magluto dahil ilan araw na kaming delata at itlog ang ulam. Kung di delata fried naman. Nag try lang ulit akong magluto nito para maiba naman. Sana magustuhan ng nga anak ko ang niluto ko kasi ngayon lang sila kakain ng pininyahan manok. Happy lunch sa lahat Thank you God sa nga biyayang pinagkakaloob mo sa amin. Sa walang sawang pag gabay sa min. Sa walang sawang pagmamahal na pinaparamdam…

@Reysky

Good afternoon. Yung dibdib ko ang lakas pa din ng kabog kahit alam kong ok na. Pero ang puso ko parang nagsasabi na ok na. Panalangin ko lang sana maging ok na ang lahat. Dahil kami nagpapakatatag maige sa binigay na pagsubok na binigay sa amin. God kaw na po bahala, isinusuko ko na po lahat na pwedeng mangyare sa amin. Kayo lang po ang nakakaalaman at tatanggapin ko po ng maluwag ang possible mangayre sa amin. Thank you God! Amen

@Reysky

Tahong ang ulam namin for today, request ni hubby. Namiss na daw niya kumain ng tahong kaya naman nilutuan ko na. Sa nga kids ko naman inihaw ng tilapya. Di pa ako nakapag ihaw nawili na naman kasi ako manood ng movie. Mag iihaw muna ako..

@Reysky

Kalat kalat na naman sa bahay! Kapag may nahahawakan na gamit hagis dito hagis dun. Anak ko talagang bunso siya ang tiga kalat ng pwede niyang ikalat. Mamaya ko na yan lilinisin dahil di pa yan tapos mag kalat. Mag tutulog muna ako at napuyat ako kagabi kakaabang ng balita dito sa lugar namin. Next ko na lang ichika kapag ok na hehe

@Reysky

Good evening noisemate! Gabi na naman, bukas maaga na akong gigising kasi may pasok na ang asawa ko. Hays! Katamad pa naman bumangon sa madaling araw kasi kasarapan na ng tulog toh. Kumain na ba ang lahat, kami hindi pa, nagmeryenda kasi kami kanina sa labas at hanggan ngayon busog pa kami. Baka maya maya na kami kumain, papahupa ng ng busog. Hehe..

@Reysky

Natulog ng gabi, magigising ng mainit ang ulo. Hay naku bata ka bakit masyado ka ng nag iinarte ngayon. Sa susunod wag kang matutulog ng alanganin oara di mainit ulo huh. Nailigpit ko na lahat ng kalat mo. Magtitiklop nalang sana ako kaso naglalambing ka at gusto mo ako katabi. Sige pagbigyab kita. Hehe. Dahil love na love ka ni mama.. kayo lang ang buhay at kalakasan ko. Dahil sa inyo nandito pa din ako lumalaban. Salamat sa guide ni God para sa pamilya natin. Mahal niya…

@Reysky

Parang araw araw akong pinaparusahan ng nakaraan. Hindi ba pwede na kalimutan nalang at magsimula nalang ulit. Wala eh! Somosobra na ang sakit!

@Reysky

Luha Bakit nga pa lumuluha ang isang tao. Dahil ba ito ay nasasaktan. Masaya Inaantok kasi humukab. Pero ano va talaga ang dahilan ng pagluha ng isang tao. Kadalasan itoy nasasaktan. Mas maraming luha ang naibubuhos ng luha kalag tayo ay nasasaktan. Katulad ko, lumuluha dahil nasasaktan. Bakit ganun parang ako yun talo. Nilalabanan mo pero kahit anong laban mo talo ka pa din. Senxa na ho ah! May pinagdadaanan lang po!

@Reysky

Paano nga ba maging masaya? Paano masasabing na kahit tumatawa ka ay masaya ka. Paano mo masasabi na bawat ngiti sayong labi ay masaya ka. Masaya ako kasi kapiling ka Pero yung sakit na dulot naibigay ko sau at sakin ay nagpapalungkot ng atin magandang pagsasama Paano ba maibabalik ang masasayang mga bagay na atin pinagsaluhan Kung lagi nalang tayo lilingon sa nakaraan Hindi ba pwedeng isipin nalang natin ang maliligaya kung paano tayo nagsimula. Patawad ang salitang…

@Reysky

Share ko lang ang nasaksihan sa pagtingala sa kalingitan. Isang maliwanag na buwan na binalot na alon alon na ulap. Napakasarap tingnan lalo na kung ganito lagi akong napapaisip sa mga bagay bagay na nangyayare sa min buhay. Share ko lang, umalis akong mag isa sa bahay, naglakad lakad ako kunh saan bihira lang ang taong dumadaan. Nilakad ko yun at di ko namalayan na nakarating na ako sa ountod ng aking ama. Dun ako umiyak, binuhos ko yung luha na di ko mailabas. Gumaan ng…

@Reysky

Late lunch! Tagal kasing palambutin ng pork kaya nalate kami kumain. Late din ako namalengke kasi nalate din ng gising. Minsan kasi hanggat maaari ayaw ko na magising lara maibsan lang ang sakit nararamdaman ko. pero dahil hindi pwede mahina sa paningin ng mga anak ko. Pinipilit kong hindi ipakita ang sakit na nararamdaman ko. Ganun talaga. Feeling ko talo talaga ako. Pero ok lang alam ko si God may dahilan siya bakit nangyayare ito. Sana makayanan namin ito. Tara kain tayo…

@Reysky

Kakatapos lang maglaba, at heto makachat kami ng asawa ko. Breaktime niya kasi kaya, usap muna kami. Pagtapos namin mag usap, iidlip muna ako kasi 3:30 am palang gising na ako. Pero natulog ako saglit. Dumating na dib kasi kalaro ng anak ko. Kaya makakapahinga ako. Sila magkakalat sa baba ako tulog muna sa taas. Haha.. laro muna sila. Di naman sila lalabas ng bahay. Nga lang asahan ko na pagising ko sabog ang bahay hahaha. Idlip muna ako !

@Reysky

Pagkatapos matulog at pagbaba ko di ako nagkamali na sobrang kalat sa bahay. Naligpit ko na ang ibang toys, magwawalis at mag mop nalang ako para malinis ang bahay. Para pag uwi ng asawa ko maaliwas ang madadatnan niya. Sa totoo lang ilang araw din akong walang ganang kumilos. Ang labahin ko natambak ng sobra. Ang kalat na ipon na din. Wala kapag pinasok ka ng problema minsan mawawalan ka talaga ng gana. Sa ngayon pinipilit kong bumangon at ayusin ang mga nasira. Magiging…

@Reysky

Happiest moment bago mag end of 2021. Nagpaplano naman kaming mag Baguio this year. Sana lang matuloy! Isa kasi yan sa pangarap ko ang makapunta ng Baguio. Basta sama sama lang kami mag eenjoy na pamilya. God lagi nyo po kaming gabayan sa tamang landas na tinatahak namin. Kayo po ang amin sentro upang mas mapatatag ang amin pag sasama. Di man kami nakakapasyal sa inyong tahanan, pero ang puso namin ay nasa inyo. Patawarin nyo po kami kung minsan nakakalimot kami sa inyo…

@Reysky

Good morning! Ang aga ko nagising. Maaga kasi pasok ni jowa kaya need iprepare mga babaunin niya pati damit na susuotin niya. Pag alis niya iidlip muna ako dahil antok pa ako. Kailangan lang talaga na gumising ng maaga para maiayos ang lahat. Nag iisip din ako ng maalmusal ngayon umaga dahil ihahatid ko pa siya ,nabili na din ako ng almusal ko para mamaya di na ako lalabas. Kailangan ko din kumain kasu may zumba session din kami mamaya. Kaya dapat makaidlip ako kahit konti.…

@Reysky

Hindi na ako nakapag zumba dahil biglang umulan. Sayang naman naka out fit na ako. Masaya pa naman zumba at talaga naman nakakaaliw. Nakakalimot kahit papaano. At isa nakakapag papawis ako. Sayang lang talaga at umulan. Dito ko nalang ituloy sa bahay hanap ako ng maisasayaw.

@Reysky

Lunch time na mga kanoise. Kain tayo! Toge at fried chicken ulam namin. Ayun unti unti na akong sinisipag kasi omookey na din ang sitwasyon. Dapat talaga kalimutan na ang nakaraan dahil kung mabubuhay kami sa masamang nakaraan walang mangyayare lagi nalang kami may agam agam sa bawat isa.

@Reysky

Antok na antok na ako. Di kasi ako nakatulog ng hapon. Napapapikit na dib ako. Iba kSi trio ng panganay ko at ang pinsan niya. Mag joggingg ng ganitong oras dito sa loob ng subd. Namin. Pati isa kong anak sumali ba din at yun nakaporma na. Di pa kami nag didinner. Paguwi kasi ng asawa ko nakatulog na. Pero gigising pa yan para kumain. Nagpahinga lang dahil dami daw nilang gawa. Dinner na kayo guys kami maya maya na. Nag meryenda din kasi kami.

@Reysky

Adobo for dinner! Ngayon lang kami kakain, ngayon lang kasi gumising si hubby! Ang mga anak ko naman ngayon lang natapos mag jogging kaya ito prepare na din ng makakain. Favorite ko sa adobo yun ribs kasi gusto ko yun sinisimot un buto tapos sinisipsip. Kaya tara na at kumain sa mga hindi pa kumakain. Wag tayo magpagutom wag nyo ako gayahin hehe.

@Reysky

Kakauwi lang galing sa pag hatid ko sa asawa ko. Hindi na din ako nakabili ng almusal kasi wala ako sa mood kumain. Ewan ko ba umaatake na naman ang lungkot dahil nararamdaman ko hindi pa talaga ok ang lahat. May agam agam na lagi kong dapat paghandaan. Feeling ko tuloy walang for ever sa amin. Haha.. senxa ang aga kong emotera. Hays! Lord tulungan nyo po kami. Alam nyo po ang ibig kong sabihin. Sana malagpasan namin ito. Nagpapasalamat ako na nandito kayo sa amin na laging…

@Reysky

Sabaw ng adobo at boiled egg sapat na para sa kanya. Mahilig kasi siya sa boiled egg. Marami siyang nakakain kapag ganyan ang ulam. Lalo na kapag hotdog. Pero nakain din siya ng ibang pagkain di nga lang katulad ng ganyan ulam. Habang nakain siya nanonood siya ng youtube. Ewan ko ba nasanay kasing habang nakain nanonood. Pero pagbigyan na kasi bata. Mawawala din yan kapag lumaki laki na. Hehe

@Reysky

Hindi po ako highblood gusto ko lang uminom ng pineapple juice. Nag crave lang bigla. Tsaka sobrang busog ako ngayon, hindi sana ako kakain kaso ang asawa ko hindi kakain kapag di ako kumain. Haha.. sabi ko nga diet ako. Sa tanghali kasi ako nakain ng marami,kung baga binubuhos ko na kapag tanghalian. Kaso wala eh! Ayaw pumayag na di ako kakain haha. Balak ko pa naman mag pares bukas kasi namimiss ko kumain. Bukas zumba time na. Sana hindi umulan para makapag zumba. Open…

@Reysky

Kakauwi lang galing zumba, kasama ang bunso ko. Ang aga niya kasing nagising kaya kanina sinama ko na. Marami naman siyang nakalaro sa court hindi naman niya ako ginuli sa pag zuzumba ko. Kamusta na kaya ang asawa ko. Hays! Sana malagpasan namin ang mga problemang binibgay sa amin. God patawarin nyo po ako sa kasalanan ko. Pinagsisihan ko po yun. 😢

@Reysky

Nakalibre ng tanghalian, na invite kasi ako sa binyag ng pinsan ng asawa ko. Kaya pumunta ako don at nakikain. Dahil tulog pa mga anak ko nag balot na din ako. Haha. Di na ako nahiya kasi di naman iba yung nag invite sa akin, at malapit din naman ang bahay sa amin. Nabawi ko na un pagod ko sa pagsusumba napakain ng marami haha..

@Reysky

Good morning guys! Its sunday, mag bibike sana kami ngayon ng asawa ko pero di natuloy. Parehas kasi kaming nakainom kagabi. Parehas mejo nalasing haha. Anong oras na din natulog, kaya ngayon lanh nagisin. Hindi ko tuloy alam kung ano ang amin kakainin ngayon dahil tanghali na at wala pa akong stock sa ref. Hindi pa ako makabangon ng higaan kasi sarap pang matulog. Pero pinipilit ko na din idilat ang aking mga maya kaya ito mag post muna. Saya lang kagabi. Sana walang…

@Reysky

Katatapos lang magpapawis, nag sumba kami ng mga kaibigan ko. Sarap sa pakiramdam kapag napagpapawisan, nakakatanggal din ng stress sa katawan. Nailalayo ako sa mga isipin ko pansamantala. Nagiging masaya ako. Nakakalimot kahit saglit lang. Malaki ang naitutulong ng zumba sakin. Kung pwede nga lang araw araw, araw araw kong gagawin. Kaya lang pag may pasok na di na ako makakapag sumba. Dito na lang sa bahay. O kaya sa hapon. Paano mamalengke pa ako. See yah later.

@Reysky

Ang ingay na naman sa bahay, nandito kasi ang kalaro ng bunso ko. Kaya ayan sobrang ingay. Pero ok lang basta wag lang magbabato ng anuman bagay kasi baka may mabasag, yare ako niyan sa asawa ko hehe.

@Reysky

Calm lang ang kalangitan ngayon. Parang ang puso ko ngayon, calm lang muna. Ilan araw din itong nasasaktan at nanghihinayang sa mga nangyare itong mga nag daan araw. Walang araw na di ka napapaisip at nanghihinayang. Pero salamat kay God at pinahupa nya ang unos na dumating aa buhay namin. Alam ko na di kami pababayaan ni God. Dahil lahat tayo mahal ni God.

@Reysky

Tortang talong, tinda ng kapit bahay namin, binili ko kahit may ulam kami. Ang bagi at bigla akong nag crave sa tortang talong. Kahit sinu kapag naamoy mapapabili talaga. Sa halagang 25 pesos sulit na sa akin. Tara guys kain tayo.

@Reysky

Nagluto ako ng pancake, di ko na napicturan kasi sinungaban na agad ng mga anak ko. Ang bilis pang naubos. Nalingat lang ako ubis na agad. Kakatuwa mga anak ko akala mo ngayon lanh nakakain ng pancake. Favorite kasi nila lalo na may syrup na chocolate. Di na ako naktikim eh, gusto ko din sana kumain kaso kulang pa sa kanila. Hahaha.. Hapon na naman, wala yun kalaro ng anak ko. Nag pavaccine kasi ang tatay niya kaya hindi makalabas kasi ramdam na daw un turok ng vaccine kaya…

@Reysky

Ito yung huling picture ng tatay ko sa dati naming bahay. Kasama niya ang aking asawa. Jan palang alam na namin may sakit siya. Pinilit niya lang umuwi ng bahay dahil gusto niyang umattend sa bday ng anak ko. Ito yung huling kita ko sa kanya na nakakalakad pa siya. Nakakamiss lang talaga na may tinatawag kang tatay at handang makinig sa anuman hinain mo sa buhay dahil may magpapayo sakin. Ngayon, dinadalaw ko na lang siya sa kanyan puntod. Kapag malungkot ako napunta ako sa…

@Reysky

Good afternoon guys! Laba laba muna ako ngayon, actually kanina pa ako nag start kaya ngayon lang ako nakapag post. Natambak na naman kasi ang labahan ko. Sa dami ng iniisip, napapabayaan ko na ang bahay at mga dapat labhan. Hindi kasi ganun kadali maresolba agad agad ang prblema, may mga proseso pa din. Pero need tanggapin at unawain. Sa tulong ng Ating Panginoon alam kong unti unti niyanh ipapaliwanag kung bakit nangyayare ito. Thank You God di mo pinababayaan ang aking…

@Reysky

Adobong Paa Pang tanggal stress ko. Kaya dinamihan ko luto, para kapag malungkot ako may ngangatain ako. Tsaka nag crave din ako sa adobong paa. Malambot ang pagkakaluto ko jan. Yung tipong naiiwan ang laman sa buto kapag kinagat mo. Sarap! Tara kumain tayo. Hehe

@Reysky

Ngayon lang ulit nakapag post dito sa noise. Umalis kasi kami kaninang madaling araw at ngayon lang nakauwi, pumunta kasi kami ng Quezon dahil biglaan pinatawag ng tatay nila ang asawa ko at hipag ko. Dahil may ibibigay daw sa kanila. Buti nalamg dali namin ang amin vaccination card dahil may mga checkpoit at yun ang hinahanap. Kakaiba na ngayon, dahil di na liscense ang hinahanap nila kundi ang vaccination card. Ayun habang nabiyahe kami. Wala talaga akong matinong kuha ng…

@Reysky

Kakatapos lang magligpit ng pinagkainan namin. Pero wala pa din ako sa mood kumilos ara mag linis ng bahay. Nanlalata kasi ako. Halos 2 hours lang din kasi ang naitulog ko kaya, latang lutang ako. Kamusta ang buhay buhay natin. Alam ko lahat tayo dito ay may kanya kanyang problema, pero laban lang di tayo pababayaan no God. Good evening to all..

@Reysky

Good morning! My breakfast for now Tuna Kariman. Binili ng husband ko sa ministop. Actually di ko inaasahan kasi nga may bibingka pa ako dito sa ref. Yung bibingka bigay naman ng tiyahin ng asawa ko kahapon. Sayang lang di ko na share kasi busy kami kahapon. May masinsinan pa din kaming pinag uusapan ng asawa ko. In time, siguro matatanggap din namin ang nangyare at pagsubok na dumagok sa min. At alam ko ito ang mapagpapatibay ng amin samahan sa tulong ng ating Panginoon.…

@Reysky

Happy lunch eating mga kanoisemate. Prep ko ngayon Fried Galunggong. Meron din akonh niluto na gulay pero di ko na napicturan. Chopsuey nga pala siya.. Gulay naman tayo ngayon kahapon adobong paa, dami kong nakain halos ako na ata umubos ng paa kahapon. Ngayon naman dadamihan ko kain ng gulay tapos konting rice lang. Diet kasi ako ngayon. Hahaha.. matagal tagal pa ang aking lalakbayin sa pagpapayat at suportado naman aking asawa ko. Inorder pa ako sa shoppee ng gerder para…

@Reysky

Kape at ang Tirang Bibingka kahapon. Meryenda ko ngayon, baka masayang at wala ng kakain. Ang sarap talaga ng bibingka. Di nakakasawa.. bigay lang toh ng tita ng asawa ko. Pasalubong sa kanila. Pinapunta nila kahapon at binigyan mg pera pang pagawa daw ng bubong. Tapos ang kapalit bibingka, masarap kasi ng bibingka sa lugar nila. Malasang malasa talaga. So paano baka lamigin pa ang akin kape at akoy kakain muna.

@Reysky

Nabigyan na naman ako ng bagong axie! Pero hindi ako ang maglalaro kundi ang anak ko. Siya lang kasi ang matsaga sa ganito. Ako receive lang ng receive ng binigay na scholar. Sayang din kasi another income kahit mababa ang slp, hodl lang. Basta ipon ipon muna.

@Reysky

Kain po tayo! Lunch time na mga kanoisemate. Nagluto po ako ng Pochero, request ng akin mga anak. Namiss na daw kasi nila ang lutong pochero. Buti nalang nasa mood ako magluto, kasi noon nakatmraan linggo puro delata kami halos. Dahil sa bigat ng akin dinadala. Pero ngayon unti unti na namin natatanggap at nagiging ok na din ang amin pagsasama. Mas lalong kong nararamdaman ang pagmamahalan namin sa isat isa

@Reysky

Naidlip ka lang saglit, tapos pagising mo ubos na ang toothpaste at shampoo. Napag laruan kasi ng bunso ko habang naliligo. Jusko, tinitipid ko nga tapos maabot lang, ngayon lang nangyare toh na napag laruan ang toothpaste nagsawa na ata sa mga toys niya. Hay bata nga naman ang maisipan gagawin kahit alam nila magagalit ako. Hays..

@Reysky

Gisadong mani with maraming bawang. Taon na din siguro ako nun huli akong kimain nento. Parang nawala kasi sila nun nagkapandemic. Nun sinundo ko asawa ko. Nadaanan namin siya at niyaya ko ang asawa ko na bumili ng mani. Nah request na din ako sa nagtitinda na damihan ang bawang. Favorite ko kasi ang pritong bawang. Sarao lalo na't crunchy. Bumili ako sa halagang 20 pesos. Sulit na sulit at dahil wala ang anak ko wala akong kahati hehe..

@Reysky

Ang ganda ng ulap sa parteng silangan. Yung madilim na pero yung ulap maliwanag pa din. May konting lightning pero hindi naman nakakatakot tingnan. Nakakatuwa lang pag masdan. Minsan mamangha ka nalang sa ibat ibang awra na pinapakita ng kalangitan, na nagpapakalma ng mga iniisip sa araw araw. Kaya ako, minsan napapatingala nalang doon nakikiusap na sana matapos na ang unos sa mga dumadating sa amin. Minsan kasi nakakalimot tayo kapag nandun tayo sa kalagitnaan ng kasiyahan.…

@Reysky

Good night na sa inyong lahat. Akoy pagod, at masakit ang buong katawan. Siguro sa kakaexercise at sumba. Ngayon lang ata tumalab ang sakit ng katawan. Ang mga mata ko hinahatak na din pumikit pero bago yun gusto ko muna mag good night dito. Dalangin ko din na sana matapos na ang unos. Feeling ko para kaming dinapuan ng sakit na hindi agad malunasan. Sana maging ok na lahat. Good night ang sweet dream sa lahat.

@Reysky

Kakauwi lang galing sa pagbibike, kasama ko ang aking asawa. Bonding ulit kami sa pagbibike. 5 am palang umalis na kami. Marami kaming napuntahan at isa na ito. Natuwa kasi ako dahil ngayon lang ulit ako nakakita ng hamog o fog. Ang lamig at sarap pagmasdan ang mga lugar na napuntahan namin. Sobrang nag enjoy ako sa bonding namin dalawa. Kung pwede lang araw araw namin gawin ito pero hindi pwede dahil may trabaho din ang asawa ko. Baka sa next sunday ulit. Balikan namin ulit…

@Reysky

Dumalaw kami sa puntod ng tatay ko. Napansin ng aye na may umuusok don. ( Makikita niyo sa picture) sabi ng ate ko may kinicrimate daw kapag ganyan. Dahil memorial garden din kasi yun. Masaya kaming nagkakainan ng akin pamilya kasama ang aking mga kapatid, pamngkin at nanay ko. Kasi bihira lang kami pumunta sa puntod ng tatay ko. Pero sila every sunday nadalawa sila. Di pa kami completo nyan. Kasi kuya nabiyahe pa ng ng trike at ang isang ate ko nasa ibang bansa. Siguro nun…

@Reysky

Natuwa lang ako sa pusang ito. Meron kasing ipis jan nilalaro niya. Hanggan sa matumba at nakatakas ang ipis. Pero hinabol niya ito at laro niya. Hanggan sa napatay niya ang ipis haha

@Reysky

Paano nga ba maging masaya Sabi nila kapag kontento ka na sa buhay na meron ka ngayon ay kontento ka na. Tama naman iyon! Pero bakit ganun, kontento ka naman pero bakit hindi ka pa din masaya? May mga iilan bagay na minsan nagpapagulo sa atin isip, kahit masasabi mo na kontento ka na sa buhay mo may mga nakaraan na pwede magpagulo sa buhay na alam ngayon ay masaya ka na. Sa mga nakaraan, hindi lahat kaya mong iopen sa partner mo dahil alam masakit ito sa part niya. Masaya…

@Reysky

Kakatapos lang umiyak. Minsan hindi ko na din kaya magkunwaring masaya. Pero pinipilit ko para sa mga anak ko. Gusto mong kumain pero hindi ko malunok ang pagkain. Hirap na hirap na ako. Gusto ko ng sumuko at bumigay.