Kakauwi lang galing sa pag hatid ko sa asawa ko. Hindi na din ako nakabili ng almusal kasi wala ako sa mood kumain. Ewan ko ba umaatake na naman ang lungkot dahil nararamdaman ko hindi pa talaga ok ang lahat. May agam agam na lagi kong dapat paghandaan. Feeling ko tuloy walang for ever sa amin. Haha.. senxa ang aga kong emotera. Hays! Lord tulungan nyo po kami. Alam nyo po ang ibig kong sabihin. Sana malagpasan namin ito. Nagpapasalamat ako na nandito kayo sa amin na laging nakagabay. Upang kayanin lahat ng pagsubok na binbato nyo sa amin. Thank you Lord amen..
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet