September 1 na! Malapit na ang pasko. Makakakita na naman ako ng magagandang ilaw dito sa amin. Pero meron pa din covid. Sana mawala na si covid para bumalik ang saya dito sa atin. Kahit man lang makapasyal mga bata. September 1 sana maging maganda pasok mo sa amin. Basta yun lang. Hehe Good morning to all!
@Reysky in September 2021
Gatang tulingan na may kalabasa at kangkong! Nilagyan ko ng gulay gulay para kahit papaano mamakain ng gulay.. sarap neto! Mahilig talaga ako sa gata ganun nga siguro kapag bikolana. Pero di po ako doon pinanganak. Nanay ko bikolana, kaya may dugong bikolana din ako. Kaya mahilig sa mga may gatang pagkain.. Tara! Lets eat mga tropapips.
Food trip muna ako! Wala kasing dumaan na nagtitinda ng meryenda kaya naisipan kong lumabas saglit at bumili ng 20 pesos na fries. Sour cream ang pinalagay kong flavor, ang sarap kasi ng sour cream. Sana may dumaan na kaibigan na magdadala ulit ng libreng meryenda, kahapon kasi nakalibre ako eh haha..
Good night na all! Antok much na ako. Sana magising ako ng maaga bukas para malinis ko ang fan ko. Wala na kasing lumalabas na hangin. Mainit pa naman ngayon. tiis tiss muna na ako sa binubuha ng hangin ng fan ko. Basta bukas lilinisin ko siya. Bukas ulit mga katambay! Mahal ko kayo!
Sabi kailangan kong gumising ng maaga, pero ano to tinanghali na. 9:20 am. Pero kaya pa yan.! Magagawan natin ng paraan. Sarap kasing matulog kahit hindi ganun kalamig. Dito lang kasi ako nakakaramdam peace of mind kapag tulog. O siya maya nalang. Maglilinis muna ako fan. Ay mag almusal muna pala para may lakas.. good morning!
Tanghalian na! Kain tayo guys! Sopas at pritong galunggong ang ulam namin. Tara kain tayo.! Request ng bata dito sa amin ang sopas kaya pinagluto sila ni nanay!
Walk away from anything that gives you bad vibes.This is your life. There is no need to explain yourself to anyone. What's meant to be will be. Do what makes you happy and do it for the rest of your life. You are allowed to: • Say no to things that do not serve you • Walk away from toxic relationships • Be seen, speak up and be heard • Feel loved, respected and safe • Accept & love yourself again • Prioritise your own needs • Change your mind Say Yes to self-care…
Nakita ko lang na nakadapo aa halaman ng nanay ko at dahan dahan kong kinunan ng picture baka kasi lumipad agad. Bibihira na ako makakita ng tutubi, at buti may naligaw dito sa amin..
Itong araw na ito, ang daming napapabalita dito sa lugar namin na maraming namatay sa covid. Hindi din naman ako magtataka, ang dami din talagang nagkasakit dito sa lugar namin at isa na ako don. Kaso kung mahina loob mo at may dating sakit ka na. Sad to say na may namamatay. Ilan araw na akong nagbabasa basa sa fb ilan araw na din akong nakakabasa na may namamatay at ang ikinamatay daw ay covid. Ayun lang po gusto ko lang share ang mga nabasa ko at narinig na usap usapan…
Kakapos ko lang kagabi about sa mga namamatay sa covid dito sa lugar namin. Ayun may dalawa na naman akong nabasa na kakapost lang ng tiga dito sa amin. Kahapon lang halos sunod sunod sunod ang post noya ngayon dalawa agad. Hays! Kakatakot ang panahon natin ngayon. Kaya mag ingat po kayo. At ipapaalala ko lang yung may mga edad na at alam na may sakit wag na maglalabas dahil hindi biro ang tamaan ng sakit ngayon. Baka ang trangkaso na tatama sa inyo ay yan pa ang maging…
Balang araw kami naman mag anak ang maglalaro jan. Makakapagintay pa kami. Habang pinapanood ko ang pamangkin ng jowabels ko. Naisip ko someday makakasama din kami jan. Someday makakapasyal din kami kung sAan sila naglalaro.. walang masama mangarap. Pero alam ko someday makakarating din kami jan.
Don't forget we're all in a relationship with ourselves. Get to know it. Get to love it. Loving yourself provides you the opportunity to learn about yourself and when you know more about yourself, you'll live a better life. #RandomThoughts
Our dinner for today is maling for kids and paksiw na bangus for adult. Hindi kasi nakain ang mga bata ng paksiw kaya pinagluto ko nalang ng maling. Kaya tara at kumain na tayo mga tropapips! Anu ang menu nyo?
Kasabay ng pagpatak ng ulan sa amin bubong ang siyang paglisan ng akin lola. Naakkalungkot man pero kailangan tanggapin. Rest in peace lola. Mahal na mahal ka namin. salamat lola sa mahabang panahon na nakasama ka namin sa bahay. Makakasama mo na si tatay at kumpleto na kayong magkakapatid jan sa heaven. Gustuhin ko man pumunta jan sa bahay kaso anong oras na din. No more pain na lola. Malaya ka na sa mga sakit na nararamdaman mo. Baunin mo ang amin pagmamahal at pag alaga…
Napapaisip ako! Ang Lola ko namatay sa bahay. Actually sa dating kwarto ko siya nawalan ng buhay. Kahit ba namatay na kailangan iswab test. Hindi ba pwede derecho nalang sa morgue at dun ayusin ang lahat. Kapag lumabas ang result ng swab test ng lola ko may chance na icremate siya. Alam naman namin na na wala siyang covid dahil syempre 92 na lola ko at sa katandaan na din. Sana ang maging resulta ay negative para makasama pa namin siya ng hindi pa abo. Hays.. hirap naman ng…
Lunch po tayo.! Hindi nakapagluto ngayon kasi hanggan ngayon lutang pa din ako. Ganito siguro talaga kapag kulang sa tulog. Tapos ang dibdib ko ang bilis pa ng kabog.. Any way kain nalang po muna ako. Tama na muna ang pagiisip..
Hanggan ngayon inaantay pa din namin ang resulta mg swabtest ng lola ko. Para maiaayos na siya. Nakakalungkot pero kailangan tanggapin. Hindi na siya mahihirapan kasi kahit ako nahihirapan sa kalagayan niya. Mamimiss ko ang lola ko ng sobra. Sana lang mag negative siya para makita pa namin siya sa huling sandali niya dito. Magandang hapon po sa inyong lahat .
At dahil nagpositive "daw" ang lola ko sa covid, kahit hindi naman covid ang ikinamatay wala kaming magagawa kundi pumayag na icreamte ang lola ko. Nakakalungkot isipin pero walang magagawa dahil nasa panahon tayo ng pandemic. Nakakapagtaka lang hindi naman namatay sa hospital lola ko pero bkit need pa din iswabtest. At syempre sa kataandaan na din kaya pumanaw siya. Rest In Peace Lola mahala ka namin.
Good morning mga tropapips! Hanggang ngayon wala pa din gana. Pero pipilitin maging maayos ang araw na ito kasi ayaw ng lola ko na malungkot kami. Maaliwalas ang mukha ng niya nun pumanaw siya, ibig sabihin gusto na din talaga niya magpahinga. Kaya lang siguro nagtagal dahil inaantay nya pa ang mga anak na nasa ibang bansa pero dahil pandemic hindi sila makauwi. Sana matapos ang pandemic na ito para yun mga nagkakasakit at namamatay sa hospital hindi madeclare na covid.…
Ngayon oras na iccremate ang lola, yung mga tita at tiyo ko nag rerequest na ivideo ang kanyang pag creamate kasi nga nasa ibang bansa sila. Hindi na kasi nila masisilip si lola. Hindi din basta basta pwedeng lumapit kasi idineclare nila na namatay sa covid ang lola ko kahit hindi naman. Hays! Ok na din na isang taon kong nakasama at kahit papaano naalagaan ang lola ko. Mamimiss namin siya ng sobra.
Nakalibre ng meryenda! May naghatid sa bahay namin. Nakagatan ko na bago ko pa napicturan. Salamat sa nagdala at nabusog ako ng bongga.. Hindi na ako makakapaghapunan naka apat na pizza ako. Favorite ko kasi ang pizza. Haha
Sa #kmjs hindi nawawala ang nakakatakot na palabas, kahit hindi naman nkakatakot. Minsan natatawa na lang ako kapag pinapalabas ang horror episodes. At syempre hindi mawawala si Ed Caluag, ang taga hanap na nawawalang spiritu. Lodi talaga!
Ito na po ang lola ko! Pinasa lang sa amin ng tita ko. Hindi kasi namin mapuntahan dahil dinala na siya sa paranaque! Doon kasi siya ibuburol. Pero mamaya mero kaming zoom meeting para sa padasal sa lola ko. Lola nanjan ka na sa tunay mong bahay. Matagal tagal ka din nagbakasyon sa amin, wala kasing mag aalaga sayo doon kaya pinagpasyahan na dun ka muna kina nanay. Nakakatuwa lanh na bagi mawala si tatay ay naalagaan ka niya. Nakita ko kung paano ka alagaan ni tatay. Ngayon…
Blessed morning to all! Kamusta ang lahat! Ako ok naman! Malungkot pero ganun talaga ang buhay. Masaya na din kasi hindi na siya mahihirapan. Kahit nalimutan na niya kami dahil sa sakit niyang dimensia, kami hinding hindi namin siya malilimutan. Alam kong nasa mabuting kamay na siya ng ating panginoon kasama ng mga anak at kapatid na namayapa na din. Ganito sigro talaga kapag hindi mo siya mapuntahan dahil mejo malayo at basta basta pwedeng bumiyahe maliban nalang kung may…
Padasal sa lola ko kanina, now lang natapos. Dahil bawal sa bahay sa zoom nalang ginanap. Atlist kahit sa zoom sama sama pa din kami para sa lola ko. We miss you lola!
Ang aga kong umakyat ng kwarto. Wala kasi ako sa mood ngayon! Hindi ko alam kong bakit. Maaga din akong kumain kaya ngayon, nagmumukmok na sa kwarto. Baka maaga din akong makatulog, magbabawi sa ilan araw na di makatulog ng maayos. Sana lang makatulog agad.. maganda gabi sa inyong lahat.
Good morning fellas! Ang aga ko nagising kasi ang aga kong nakatulog kaya eto inom muna ng kape sa labas ng bahay, nag rerelax muna at nag iisip ng pwedeng maluto ngayon araw na eto. May mga pusang tumabi sa akin nahingi ata ng pandesal tapos kapag binigyan mo hindi naman kakainin. Pang asar lang diba!
Gatang kalabasa na may malunggay at fried chicken ang ulam namin ngayon. Mura lang kasi ang manok ngayon 112 per kilo. Kaya chicken muna ang ulam namin at sahog ng akin nilutong gulay. Favorite ko kasi gata kaya mahilig akong magluto na may gata. Tara mag tanghalian na tayo.
Dahil maaga ako nagising kanina. Nakaidlip ako ngayon. Ay hindi pala idlip kundi tulog na pala. Mahaba haba ang itinulog ko ngayon hapon. Buti nalang din hindi siya maulan kundi makulimlim. Kasi kung maulan hindi ako makakatulog ng maayos kasi maingay sa bubong dahil wala kaming kisami kaya rinig na rinig ko ang bawat buhos ng ulan aa bubong namin. Pinagppray ko din ngayon kung sakaling ituto ng tita ko kung saan namatay ang lola ko, sana wag madamay mga bata at nanay ko.…
Lets eat mga tripapips! Hapunan! Kung ano ulam kaninang tanghali ganun pa din ngayon hapunan. At syempre favorite ko ang ulam namin. At dahil mahigpit sa lugar ng nanay ko dahil ang dami din palang my case na may covid, hindi ako makakapasyal don. Antayin ko muna araw na maging maluwag sa lugar nila.
Kung kailan may bagyo hindi ako nakapag stock ng lukutuin sa ref. Ngayon maulan kailangan kong lumabas at bumili ng mauulam namin. Ano kaya masarap iluto. Masarap ang may sabaw sa panahon ngayon. Kamusta na kaya nanay ko, hindi din sila makalabas ng bahay, baha na din sa kanila. Magdamag na kasing umulan ngayon gabi. O siya akoy lalabas muna at mamimili ng mailuluto. Ingat po aa lahat ng lugar na madadaanan ng bagyo. At isa kami dun, pero alam ko mamayang hapon pa. Kawawa…
Nagwarming na ang nddrm! Sadyang malakas naman talaga ang hangin at ulan. Buti nalang nakabili na ako ng kailangan ko kanina kaya kahit hindi n lumabas ay ok lang. Sadyang napakadelikado naman talaga sa labas dahil sa lakas ng hangin na dulot nito. Sa mga dadaanan po keepsafe sa atin.
Salamat at humupa na dib ang malakas na ulan! Hangin nalang pero hindi naman ganon kalakasan. Pinatumba lang naman mga halaman dito sa harap ng bahay. Pero ok lang kaya naman ibalik sa dati. Siguro kapag mejo hindi na ganuj kalakas ang hangin. Mahirap na baka may kasabay na lumilipad na yero at madali pa ako. Meryenda na! Kaso wala sa mood mag luto mas masarap kasing humiga at manood sa netflix dahil sa malamig na panahon. Tipid na din kasi hindi ako nag bukas ng fan dahil…
Good evening mga tropapip! Nagpaturo ako sa mga frends ko dito sa noise kung paano yun sa airdrops! Meron na akong smartbch di ko lang tinuloy kasi una nagkasakit ako at pangalawa yumao ang lola ko. Nawalan ako ng gana s lahat. Dito lang ako kay noise naglalabas ng mga nararamdaman ko. At dahil ok na ako, tanggap ko na ng lahat mag grind muna ako sa mga naituro nila sa akin. Kapag nakaipon ako. Pag tuunan ko naman so dragonary. Kailangan din kasu maglabas dun para makakuha…
Good morning mga tropapips! Kamusta ang umaga nyo. Salamat at hindi na maulan, makakapag laba na ako. Actually magsasampay na nga ako, naisipan ko lang magnoise habang nagkakape. Pahinga muna konti tapos magkape tuloy ang laban. Hehe
Nakatapos na din maglaba ng biglang kumulimlim ang kalangitan. Parang nang aasar lang panahon. Ayun pinasok ko muna ang aking sinampay baka kasi biglang bumuhos ang ulan. Sayang naman ang nilabhan ko. Buti din natuyo na sapatos ng jowabel ko, kasi kahapon nabasa ng ulan. Nakapagtanghalian na ba kayo. Ako tapos na! Ulam namin mdchadong manok! At syempre pahinga na din nakakapagod din kasi ang maglaba.
Hapon na naman! Pero nakakulong oa din sa bahay. Nakakatamad na kasi magpagala gala lalo na maraming nagkakasakit ngayon. Ayaw ko na ulit mgkasakit dahil napakahirap. Bumili nalang ako ng monay at nagluto ng itlog para palaman sa monay, kesa naman lumabas at maexposed pa. Wala nman din gagawin. Yung mga tropa ko! Bahala sila haha! Basta ako hindi nagkulang ng oaalala sa kanila. Yun lang po at magandang hapon sa lahat!
Nagdala ng tilapyang buhay ang kuya dito sa amin. Dahil gabi na at nakaligo na ako hindi ko muna sila nilinis o pinatay baka lumansa ako. Kaya nilagay ko muna sila sa batya at hinayaan ko muna sila lumangoy langoy. Bukas ko na sila tataningan. Hehe Good night na din sa lahat! Hindi ako maambunan sa airdrop lagi akong nahuhuli. Inaayos ko pa kasi coinflex ko na maverify.. sumakit na kamay ko, pero hanggan ngayon di ko pa din maconnect. Haha.. pahinga ko muna kamay.
Good morning guys! Inaayos ko na ang dapat maayos! Sana maging ok ang lahat! Nakapag almusal na ba kayo! Ako kanina, pares sa labas. Bumili ako kasi parang nag cacrave ako sa pares kaya kanina lumabas ako para bumili ng pares. Sa dami ng nagtitinda ng Pares dito isa lang ang pinaka gusto ko. Kaso kahit ituro ko hindi nyo naman malalaan hehe.. basta masarap siya at hindi maliit ang beef malalaki siya. Kaya don ako nabili. O siya maglinis muna ako ng bahay..
Nailuto ko na ang bigay ng kuya ko na tilapya kagabi. Kanina naawa akong patayin sila. Pero hindi din sila mabubuhay ng matagal sa batya kaya inunahan ko na. Maiintindihan naman nila ako haha.. Sakto sa tanghalian ang pagkakaluto ko. Tara lets eat mga guys!
Luya na may kalamansi ang iniinom ko tuwing umaga at hapon, mamaya bibili ako ng honey para kumpleto na. Mainam na gamot sa naninikit na plema sa lalamunan. Mabisa ito.! Nakasanayan ko na itong inumin mula non nagkasakit ako. Try nyo din sa inyon tahanan. Magandang hapon sa lahat!
Gabi na naman, ngunit wala ka pa! Hehe! My work kasi kaya wala pa siya. Bukas pa ang uwi niya kaya malamig ang gabi ko. Hehe! Magandang gabi sa lahat! Nakakatuwa at ngayon alam ko na kung paano gamitin ang metamask, benswap at coinflex. Kailangan lang talaga maging maagap sa mga air drop na di ko magawa kasi minsan busy sa bahay! Bibili kasi ako ng computer at inayos ko ang paglalagyan kanina. Bukas na ang dating noya. Sana maayos at maganda ang pagkakapili. Sa bagay bago ko…
Good mowning mga tropawpips! Mejo puyat ako kaya tamad ako bumangon. Nakadagdag pa ang malamig na panahon. Gusto ko pa sana matulog kaso inaabangan ko ang yun dating computer set ko! Maaga kasi sila umalis sa lugar nila at 4houra daw ang biyahe. Pandesal at itlog na may chicken spread ang akin almusal. Namiss ko lanh ganitomg almusal kaya lumabas muna ako saglit at bumili. Tara kain tayo guys!
At dahil maulan daw sa bulacan., hindi muna nila idedeliver ang na order kong computer set. Baka bukas o sa Monday nalang basta maganda ang panahon. OK lang naman sa akin. Kasi Baka madisgrasya din sila sa kalye lalo na maulan at madulas ang kalsada. Pero sayang excited much pa naman ako. Haha pero ganun talaga may bagyo kasi kaya hintay hintay lang. Naghahanap din ako sa shoppe NG lagayan NG computer set ko. Sana kapag omorder ako un matibay. Para hindi sayang. Nag…
Meryenda time muna! May dumaan na nagtitinda ng binatog at ito ang naisip ko na meryendahin. Since matagal tagal na din akong hindi nakakameryenda ng binatog kaya naman tinawag ko at bumili ako. Wala pa din palya masarap talaga ang binatog lalo na mainit init pa.
Good evening guys! Gabi na pero may biyayang dumating, sakto may almusal na ako bukas. Champorado my one of my favorite. Alam talaga ng tropa kung ano ang hilig kong kainin haha.. salamat at makakatipid ako ng almusal para bukas. Sana umaraw na din bukas para makapaglaba na din dahil ayaw ko matambakan ng labahan. Mahirap kasi at need ko umalis bukas dahil may mga bibilhin akong gamit sa school. Dahil sa monday na ang start ng online class..
Good morning! Sana gumanda ang panahon dahil naglaba akk. Wala na kasing susuotin ang jowa ko kapag pumasok siya bukas. At syempre lalabas din kami ngayon dahil sunday is bebe time! Haha... May mga bagay din kasi kaming bibilhin na need dito sa bahay. At syempre nag chat sa akin ang frend ko na magpapadeliver siya ng jollibee dito. Oh diba ang saya libre tanghalian namin. Wait ko nalang mamaya at sa hindi scam haha.. have a nice day to everyone.
Dumating na yun ayuda sa amin! Hindi pala joke, totoo nga na padadalhan ako ng jollibee, pero grabe karami haha.! Pang hanggan bukas ang kainan. Salamat sa kaibigan ko na hindi nakakalimot sa akin kahit nasa malayo na siya.. thanks you lord sa blessing!
My meryenda for this afternoon is yum burger. Siguro hanggan bukas ko pa meryenda ang burger 6 pcs kasi siya tapos 2 lang kmi ang mahilig sa burger. Kung malapit lapit lang bahay ng nanay ko, baka don ko nalang dinala ang iba para makakain din sila. Gandang hapon sa inyo.
Good night mga kaibigan. Akoy antok na at nababad ako sa messenger kausap ko kasi yun nag alaga sa lola ko na naka isolate ngayon. Kasi non nagpaswab test sila siya lang un nagpositive. Sa totoo lang wala siyang sakit kahit sipon, ubo. Nakakagulat lang na mag positive siya. Samantalang ang ate ko na kasama niya na may ubo, sipon, walang pang amoy walang panlasa pero negative. Nakakapagtaka lang. Anyway ok na din un na isolate siya. Kasi sa tagal na pag aalaga niya sa lola ko…
Magandang magandang araw sa mga tropapips! Kaka tapos ko lang mag almusal at aalis muna ako, naghahanap NG desktop table. Yung mura lang sana, yun pasok sa budget. Kasi baka mashort ako hehe! Start na nga pala NG online class, sa mga study ante dito, study hard. Dahil yan ang magandamg pamana NG parents nyo at hindi mawawala o mananakaw NG sinuman. Pag igihan nyo dahil magagamit nyo yan sa future nyo. God bless sa atin lahat.
At dahil wala akong mabiling matinong mesa para sa computer ko. Nagpagawa nalang ako. Bumili ako ng mga scrap na mga kahoy at plywood at pinagawa ko sa kakilala ko dito sa amin. Nakamura pa dahil doon. Mga napagtanungan ko 1500 na pinakamura tapos di pa ako satisfied. Kaya nagpagawa nalang ako, nakamura pa ako! Magandang hapon sa lahat. Magpapahinga muna ako.
Magandang gabi sa inyong lahat mga kanoise! Ang tagal ng magdedeliver ng computer ko. Gabi na! Sa bagay di ko din masisisi mula marilao bulacan hanggan cavite ba naman ang biyahe. Ang layo ng pinag orderan ko. Mura kasi, dito sa amin mahal. Kaya naghanap hanap ako sa market ng fb. At sa kanya yun napusuan ko. Dami pang freebies. Iniisip ko paano sila uuwi eh ang layo ng biyahe nila. Hehe
Ayan na dumating na ang new computer ko. Actually kagabi siya dumatin. Tapos ni set up na din ng nagdeliver. Ang lahat naman ay gumana, natesting na din sa games at sa internet. At wala naman problema. Thank God sa another blessing natanggap ko ulit. Ang saya lang, dahil ang lahat ng naipon namin ay worth it naman. At si kuya nag deliver mabait at wala akong masabi. Kahit malayo siya talaga naman dinayo niya pa kami dito.. Bless morning sa atin lahat.
Happy lunch mga tropapips! May lunch for today is toge! Wala kasi akong maisip na mailuto kaya naman siya ang umagaw ng pansin sa akin. Kaya eto na ang akin luto. Lets eat mga tropa! Wag tayo papagutom.
Ano meron at pulang pula ang araw kanina! Hindi ko lang mapicturan kasi ang daming sagabal at kapg pipicturan ko hindi na kulay pula. Pero ang ganda niyang pagmasdan. Mainit daw kasi ang panahon kanina kaya pula ang araw. At totoo naman sobrang init kanina, hindi naman nakakapagtaka.
Magandang umaga mga tropapips! Kamusta ang umaga nyo. Ako OK lang tamang linis NG bahay. At naglalaba na din NG mga kobre kama at punda. Pinapagulong ko na sa washing wait nalang matapos para mabanlawan. Tapos na din mag almusal, bumili ako NG pares sa kanto. Ang sarap kasi NG pares nila. Napaupo lang ako ngayon mejo pahinga muna kasi kanin pa ako naglinis pati sa bakuran, mga damu damo tinanggalan ko kasi ang lago lago na. Baka may manirahan na ahas haha... Paano mga…
Good afternoon to all! Sa ngayon wala na akong magawa, kaya naman tamang higa muna ako. Sana maka idlip ako. Kasi maaga ako nagising at naglinis ng bahay. Ngayon lang din ako nakahawak ng cp sa sobrang busy kanina. Maglalaro muna ako ng dragonary para may makuha kahit papaano. Sayang din kasi ang isang araw. Sayang nga kasi tinigil ko ng ilang araw. Kasi hindi ko masyadong naintindhan kong paano. At dahil sa tulong ng mga kaibigan ko na nakilala ko dito kay noise, unti unti…
Gandang hapon mga ka tropa jan! Ano ang snack nyo ngayon.. ako yun champorado na bigay sakin. Siguro 4 days na sa ref, buti hindi nasira. Nakakalimutan ko kasing kainin lalo na nun may nagpadala sa akin san damakmak na jollibee. Yun lagi kong meryenda. Pero ngayon si champorado na. Mas masarap kapag malamig ang champorado kesa sa mainit. Mamaya na ulit..
Champorado ang aking almusal. Salamat sa biyaya panginoon! Magandang umaga mga tropapips! Napuyat ako kagabi, dahil hindi ako nakatulog, ewan ko kung bakit. Ngayon ako inaantok pero hindi pwede dahil may mga obligasyon akong dapat gawin. Kaya kailngan kumain NG marami para magkaroon NG lakas ngayon umaga. Mamaya nalang ako matutulog kapag may oras pa. Tara kain tao.. Have a nice day!
Antok na antok na talaga ako! Ang aga ko kSi nagising at hindi na nakatulog. Kumain muna ako at magpapahinga bago maligo, para pagnakatulog fresh. Nakalimutan ko pala na anniversary namin ngayon jowabels ko. Binati niya ako sa fb. Tapos ako tamang heart lang haha.. gusto ko kasi sa bahay ko siya batiin kesa sa fb. Tama na yun isa ang bumati sa amin. Haha.. wala man lang pacake si boss! Haha kahit pansit canton. Wala eh may trabaho kasi siya kaya walang ganun. Haha
Ayun buti tumila na ang ulan. Bibili kasi ang ng maiuulam mamaya. Kaninang umaga kasi hindi ako nakapagluto. Lutang kasi utak ko sa puyat. Bumawi ako ngayon hapon, pero hindi sapat. Parang hindi ko na kaya talaga magpuyat iba ang nararamdaman ko. Gusto ko lang magpasalamat kay @pamish 2 beses na niya ako naambunan. Ngayon ko lang naalala magpasalamat at talagang busy lang at un utak ko nalilimutin na. Sau miss @pamish god bless you, salamat at isa ako sa napili mo na…
Gud evening! Dinner time na, mejo nalate na sa pagkain, busog pa kasi ako. Dahil tinamad ako magluto, bumili na lang ako ng lechon manok. Ganun din naman ang gastos at wala ako sa mood magluto kaya bumili na lang ako ng luto na para hindi hassle. Kain tayo guys!
Dahil start na ang klase nun monday, lagi na akong busy para tutukan ang anak ko para sa pag gawa ng assingment niya. Online na din kasi ipapasa kaya pinag aaralan ko pa kung paano sa google class. Hindi ko lang maintindihan di ko mabuksan ang mga images sa google class, ang sakit sa bangs! Haha..
Lunch time na. Yung mga busy sa trabaho kumain muna para may laban sa trabaho. Ulam namin ngayon daing at chopsuey! Omorder nalang ako sa kakilala ko ng daing kesa sa lumabas pa ako. Busy din ako kasi nagtuturo ng assignment ng anak junakis ko. Summative exam din nila ngayon. Weekly binibigay pag tapos ng 4 days nilang klase. Kaya ngayon hapon, magtutulog muna ako. Sakit din ulo. Ewan ko ba. Baka dahil sa araw araw puyat hehe... Paano guys kain muna kayo at wag papaguto.
Gandang gabi mga kaibigan! Kakauwi ko lang dahil may hinatid ako sa bahay ng tita ko, ang masaklap naiwan ko ang cp ko dito sa bahay. Dinner time na! Ano ulam nyo.? Magluto nalang ako maling, mat gulay pa naman akong tira na naluto ko kaninang tanghali. Grabe init ngayon, yun kaliligo mo lang paglabas mo ng cr pawisan ka kaagad. Para sa baliwala din ang pagligo.. Sige guys maya maya nalang ulit. Magbabasa at mag iikot ako mamaya.
Good night noisemate! Akoy antok na, bukas maaga na naman gigising kasu maaga ang pasok ng studyante ko. Ay malu! Saturday nga pala bukas, pahinga day na pala. Buti nalang nakalaba na ako at wala na akong masyadong gagawin bukas. Mag iisip nalang ako ng uulamin at maglinis ng bahay. Salamat hayahay na bukas, natapos na din namin lahat ng assignment. Try ko nalang turuan para advance siya Monday. Total wala naman akong masyadong iintindihin. Bukas nalang ulit! At akoy…
Hello mga tropapips! Kamusta kayo.? Ako ito kakagising lang wala kasing pasok ang anak ko kaya maraming oras matulog. char lang! Kanina ko pa gusto pumasok sa noise kaso hindi ako makapasok, iniisip ko baka may inaayos ulit sa noise kaya mahirap pumasok, kaya kanina umudlip ulit ako at may pinanood saglit. Kaso habang nanonood nakatulugan ko naman. Nakapag almusal na ba kayo. Ako hindi, kaya ngayo mag timpla muna ako kape pang pagising ng diwa hehe..
Salamat at nakapasok na din ako. Kanina ko gustong mag noise kasi laging error. Nag uupdate ba ulit si noise. Ang hirap makapasok, naka isang movie na ako peri hirap pa din makapasok. Buti ngayon nakapasok na din. Nag load pa ako baka kasi net lang namin ang may deperenxa. Kaya eto napagastos pa hahah.. kamusta ang lahat..
Flex ko lang drawing ng 8years old kong anak! Namangha lang ako dahil nakikita may takent siya sa pagguhit. Nakakatuwa lang at may nakahiligan siya. Kaya naman kapag may gusto siyang ibili na color, water color, lapis at poster paint ay ibinibili ko dahil yan ang hilig niya. Hinahayaan ko lang basta trip niya. Kung kelan gabi tsaka ko naisipan maglinis kasi sinipag ako. Haha.. para bukas tanghali ulit gising ko. Mas masarap din kasing matulog ng pagod para derecho lang ang…
Good morning! Kakauwi lang galing palengke, bumili ng stock para hindu na lalabas ng bahay, minsan kasi nakakatamad ng lumabas ng bahay lalo na wala din naman ganao. Yung mga kachukahan ko busy na din sila kaya bihira na din silang lumabas. Mas ok na din mag stay sa bahay kesa magpakalat kalat sa kalye lalo na laganap ang covid ngayon. Mamaya nalang ulit at lilinisin ko muna mga pinamimi ko! Para mamaya hayahay nalang. Sa mga bibiyahe ingat nalang kayo, wag kalimutan mag…
Kung kailan naisipan mag ihaw tsaka naman umuulan! Pero ito kasi ang request ng jowa ko at anak ko kaya naman kahit umuulan sige lang ihaw, dito naman ako sa terrace nag iihaw eh kaya ok lang hindi naman mababasa ng ulan. Kayo ba ang ang ulam nyo ngayon.?
Isang masamang balita na naman ang akin natanggap. Yung tinuturing kong lola ay nacomatose. Hindi ko pa naman siya nadalaw nitong nakaraan na buwan dahil nagkasakit ako at ayaw kong makahawa. Ang sakit sa aking kaloobam na makita ang kanyan larawan nasa ganon kondisyon. Hindi ko lubos maisip na makikita ko siyang ganun. At kahot nasa bahay lang siya nakaratay, hindi ako pinahintulutan na makita siya. Humihingi ako sa inyo na ipagdasal ang lola Ising ko na sana gumaling siya.…
Dahil hindi maganda ang balitang nakarating sa akin, naglakad lakad lang muna ako dito sa subdivision ng may tumawag na kaibigan sa akin at pinakain ako dahil bday noya. Sa totoo lang pinilit ko lang kumain dahil nahihiya akong tumanggi sa grasya. Pinilit kong kumain kahit pansit lang. Sana maging ok pa si lola ising. Nalulungkot talaga ako hanggan ngayon. Lord pagalingin nyo po si Lola Ising parang hindi pa ako ready. Lord pls!!!
Hello! Good morning sa lahat! Pumunta ako sa bahay ng lola ko, pero nandun pala siya sa bahay ng kapatid niya. Ang mga kapatid niya pala ang nag aalaga sa kanya. Yung kaisa isa kasing anak niya na imbis na alagaan siya ay pinapabayaan siya. Naiinis ako sa kanya. Sana hindi nalang siya umuwi dito para hindu lagi nag iisip si lola ising. Bawal na bawal pa naman sa kanya yun. Dahil dati may history siya na may pumutok na ugat sa utak niya dati. Pero maliit lang naman kaya noon…
Happy lunch po! Until now wala pa din ulam kaya mag open nalang ako ng sardinas, hindi ko na ginisa kasi wala talaga ako sa mood magluto. Pati nga kumain wala din ako sa mood. Pinipilit ko lang baka manghina ako. Mahirap din ang walang laman ang sikmura. Naiisip ko pa din kasi si lola Ising! Sana gumaling pa siya. Kasi wala na akong kapit bahay kapag bumalik kami sa dati namin tinirhan. Siya lang kasi ang kapitbahay ko dun. Hays!!!
Good evening! Hindi pa nakakapaghapunan. Pinalagyan ko ng ms office kasi na expired ang lisence ng ms office ko. At ngayon ok na siya. Hindi na sila mag aagawan kasi may laptop na may pc pa. Ako naman masaya na sa cp kaya walang problema. Sabay kasi ang online class nila parehas umaga at same time pa. Kaya naisip ko din na ipagawa ang isa. Ngayon palang kakain, tara sabay na kayo sa akin.!!!
Nawili akong maglaro sa computer ng roblox, tinuruan kasi ako ng anak ko. Masaya din pala maglaro non. Pero syempre sa umpisa lang ako natutuwa, madali din ako mag sawa. Dati nga sa ml panay laro ko ngayon wala na. Nag sawa na din ako. Mas bet ko pa din manood ng movie kesa maglaro, o kaya magbasa ng mga magagandang kwento. Yung bang love story. Dun nalang kasi ako kinikilig haha.. So paano bukas ulit, akoy antok na. Good night na sa inyo. Sweet dreams.. mwah mwah mwah!!!
Start na ng klase nila, pero ako dito lang sa likod nya, wala kasing choice kasi malapit din ang dine in table namin hehe. Dahil sinipag din akong magluto yan ang breakfast namin. Pero yan akin yan. Sila kasi pinauna ko na dahil may klase sila. Sa ngayon habang nakain, nag iisip na din ako ng maiuulam namin ngayon tanghalian. Ano kaya ang maiuluto jehhe
Our lunch for today! May dala palang tapsi kagabi ang jowa ko, kung di niya pa sinabi na nakalagay sa ref baka hindi namin nakain ngayon. Kaya ininit ko at ito ang amin ulam ngayon. Nagluto din ako ng butter shrimp. Naglalaway kasi ako sa hipon.. Tara ho kain tayo...
Gandang hapon! Malapit na naman mag gabi at mejo naboboring ako ngayon. Walang magawa kaya tambay muna sa tapat ng bahay para makalanghap ng hangin. At isa pa nag aabang ako ng signal kung pupunta ba sa handaan. Haha! Alam ko bawal ang crowded pero alam ko din limit din ang tao sa handaan at hindi din naman iba ang nag imbita. Kaya lang nahihiya ako kasi wala akong kasama. Kaya nag aabang din ako ng makakasama. Mamaya ulit..!
Good morning! Eto na naman na pa stop over sa celphone. Wala pa akong nasisimulan gawin. Maglalaba maglilinis at magluluto pa ako. Pero nagising ako nh 8 am, pati ang studyante ko na late na din.. napasarap kasi tulog ko. Hindi din kasi ako nakakatulog ng maayos kagabi. Ewan ko ba! Ilan gabi na. Yan nga pala breakfast ko kape at tinapay na may palaman n itlog at tirang tapsi kahapon. Sayang kasi kung itatapon. Itutuloy ko muna ang aking pagkain at tsaka na ako haharipas ng…
Gatang tulingan na may kangkong ang amin tanghalian ngayon. Bumawi ng luto ngayon dahil ilan araw din akong wala sa mood magluto, tapos kahapon kumain pa sa handaan. Grabe ang pagkain sa handaan kahapon. Ang dami! di ko alam kung ano kakainin ko. Pero ang ang napusuan ko ay ang carbonara at cake. Yun lang kasi un ang favorite ko ang bihira kong makain haha.. Anyway tara kain na tayo.! Nagugutom na din ako. Dami ko din ginawa ngayon, hindi pa nga tapos maglaba. Pero pipilitin…
Yung tuyo na sinampay mo tapos biglang napatid ang sampayan ang nangyare nadumihan ulit lahat. Hays!! Balik laba na naman tuloy ako... Badtrip! Kala ko makakapahinga na ako, hindi pa pala..! Hays!
Nabuhay na ulit sila! Dati nun mainit ang panahon, unti unti silang nalusaw. Buti nalang may nabuhay sa kanila. Yun iba, talagang nalusaw at namatay. Pero nakakatuwa lang ang may natira pa. Kaso yin bigay sa akin ng lola ko! Tuluyan silang namatay.. Meryenda time na! Pero ako kape lang muna, may inaantay kasi akong bisita baka makatulugan ko kaya uminom muna ako ng kape. Sana dumating na sila kasi inaantok talaga ako hehe..
Dinner time! Fried chicken for my kids and gatang tulingan for me and my jowa. Dumating na yung bisita namin. Ayun umalis din agad, may inabot na lang na padala galing ibang bansa. Para yun sa jowa ko pinadala ng kapatid niya. Mapapasana all nalang ako. Kasi maswerte siya kasi may mga kapatid siyang hindi siya nalilimutan padalhan ng mga needs niya. At syempre maswerte din ako kasi meron din ako. Hehe.. so paano kain muna tayo...
Good morning! Egg sanwich and kape for almusal today. Start na ulit ang online class, pero ako nandito lang mesa at nakain, tinitingnan ko din ang ginagawa niya syempre baka nanonood ng youtube habang nagkakkase. Ang mga bata pa naman ngayon, mahuhusay na gumamit ng computer. Kahit sila na mag open alm na din nila. Samantalang ako pinag aralan ko pa yan bago ako natuto haha.. Any way kain muna ako. Bago maglinis ng kwarto sa taas.. have a nice day to all.!
After ng klase gumagawa na siya ng assignment para mamaya wala na daw siyang gagawin. Pwede na daw siyang maglaro ng roblox sa computer. Pag tapos niya daw mag maglaro saka siya gagawa ng assignment na isa na parang nagbblog ng kanyan gagawin. Alam na niya gagawin niya kasi mahilig siya mag video ng mga ginagawa niya lalo kapag gumuguhit siya.
Hi! Gandang hapon sa lahat! Eto nagpapaturo ang panganay ko sa math. Sabi ko ang dali lang niyan at may formula pa. Kaya tinuro ko nalang para mas maintindihan niya. Di daw kasi niya maintindihan turo ng teacher kaya sa akin nag paturo. Nag meryenda na ba kayo. Ako lalabas muna ang maghahanap ng magugustuhan. Wala kasing naglalako ngayon. Siguro dahil mainit kaya walang naglako.. paano mamaya ulit..!
Hindi na ako makapanood ng tv! Paano lagi nalang bukas ang computer. Yung isa nag oonline class. Yung isa nag lalaro pero nag oonline class din sa hapon. Buti na nga lang magkaibang oras sila. Nangyayare maghapon bukas ng computer. Wala eh kailangan. Minsan yung panganay ko dun gumagawa ng module dahil mahirap nga naman sa cp. Yung laptop ko naman ipapaayos ko pa kasi nasira ang keyboard. Pero pwede pa naman gamitin. Mahirap nga lang. Kaya ngayon ako dito nalang sa co…
Have a great day to all! Wala palang online class ang anak ko, peri may mga quizzes siyang sasagutan ngayon. Kaya binuksan ko ang computer at pinasagutan ko, kasi baka mamaya malimutan na naman niya at mawili kakalaro. Nakapag almusal na nga pala ako kanina. Bumili ako sa seven eleven kasi naglalaway ako sa sisig. Di ko na napicturan kasi mabilisan kain ang ginawa ko. Hehe.. Magluluto pa ako ng ulam at maglalaba ng uniform ng jowa ko kasi wala na pala. See you mamaya!
May nakaabang na tiklupin! Habang sinisipag, ayusin na ng ayusin para bukas linis bahay nalang. Tapos na din mga assignment at quizzes ng anak kaya makakapahinga ako sa pagtuturo bukas. At siya tamang laro ng roblox! Habang ako dito nagtitiklop. Dati kapag nagtitiklop ako tinutulungan niya ako. Ngayon nawili na maglaro sa computer. Pero alam kong magsasawa din yan. Ganyan talaga kapag bago sa paningin ng bata. Gagamitin ng gagamitin hanggan sa mag sawa. Kaya naman hinahayaan…
Happy merienda! Nadaan ko lang yun nagtitinda ng smoked burger sa pagwiwidrawhan ko kanina. Kumuha kasi ako ng sweldo ng jowa ko. Tapos umagaw ng pansin sa akin ang booth nila. Nagtry din akong bumili at hmmmm ang sarap. Sa halagang 59 pesos meron ka ng mini smoked burger, yun mini hindi ko masasabing mini kasi malaki din naman at nakakabusog siya. Monday wednesday at friday lang sila open. Every friday lang din ako makakabili kasi sweldo day.. hahah
Magandang umaga world! saturday ngayon kaya walang pasok mga bata, pahinga muna sa pagtuturo at mga tanong nila. Masakit din sa ulo. Wala pa akong maisip na almusal kasi kagigising ko lang. Hindi ko din maintindihan bakit lagi akong kinakabahan, siguro pangatlong araw na ngayon. Hindi ko alam! Sana naman walang masamang mangyare sa mga mahal ko sa buhay. Hirap din kasi ng may ganitong nararamdaman. Mamaya nalang at maghahanap muna ako ng makakain. Wala na akong stock dito sa…
Adobong manok with egg ang aming tanghalian ngayon. Wala akong maisip na mailuto ngayon, kaya yun madali lang ay swak sa bulsa. Dahil mura na din ang manok ngayon. 115 ang isang kilo. Isang buong mano na binili ko para may reserba pa para bukas. Pero balak ko din mamalengke bukas ng isda. Kasi nakakaumay din naman kapag puro manok. Tara kain na tayo at ang adobo ko ay luto. Gutom na din ako at mga alaga ko.
Magandang hapon! Ang haba ng naitulog, kakapanood ko ng jewel in the palace di ko namamalayan na nakatulog na ako. Dito lang ako sa youtube nanonood. Sa lahat ng korean nobela na pinalabas ang jewel in the palace ang binabalik balikan kong panoorin ang dami din kasing matutunan. Bukod sa pagluluto dapat ang hinahain sa hapag ay makakabuti sa kakain. Lalo na kung itoy may karamdaman. Hindi lang yun marami pang iba. Pati mga halaman gamot na maaring magpagaling sa mga simpleng…
Hi, good evening sa inyo! Kamusta ang araw nyo. Ako puro tulog, ni hindi ako nakapaglinis ng bahay. Ewan ko ba bakit antok na antok ako ngayon araw na ito. Gabi na naman at matutulog na naman ako. Pero bago yun nanonood ako ng korean nobela. Mag gogoodnight na ako at bukas kailangan kong gumising ng maaga dahil mamalengke ako. Gusto ko kasu maganda ang isda na mabibili ko dahil stock ko sila sa freezer. At tulog na din ang alaga ko kaya wala ng mangungulit sa akin. Good…
Ang aga hindi na agad maganda ang mood ko. Pang asar kasi jowa ko! Wala lang naasa lang ako sa kanya.! Hindi pa ako nag aalmusal, busog pa kasi ako. Siguro naparami kain ko kagabi at hanggan ngayon busog pa din ako. Hehe! Sarap kasi ng adobo hindi nakakasawa ang lasa. Tapos may kasamang atay at adidas. Magkakape nalang muna ako para magising ang inaantok kong diwa. Nakakainis lang hindi ako nagising ng maaga, balak ko pa naman mamalengke kaso wala na, wala na akong…
Sunday pala ngayon, hindi ko na alintana ang araw dahil nawiwili akong manood ng korean nobela. May tagalog version kasi at nakita ko lang sa fb. At dahil wala akong nailutong ulam ngayon bumili nalang ako ng lechon manok at mang tomas. Tulad nga ng sabi ko minsan nauumay na ako sa luto ko kaya minsan gusto ko bumili ng luto na. Dati kasi yung jowa ko nakakapagluto pa ngayon ewan ko ba. Simula non kumikita sa pag aagent hindi na ako pinagluluto. Haha kahit almusal na dati…
Meryenda time! Bumili ako ng monay na naghahalagang 50 pesos! Para bukas hindi na din ako lalabas para bumili ng almusal. Kasi ang anak ko ang gusto tinotoasted ang tinapay yan ang almusal niya na may palaman na egg at may milo. Ayaw nila ng rice sa umaga gusto lang nila ng tinapay. Tara at mag meryenda. Nakakagutom din kapag ganitong oras..
Dahil busog na busog ako today, hindi muna ako kakain ngayon gabi. Tatlong monay kasi ang nakain kaninang meryenda at ang bigat parin sa tiyan. Kahit naglakad lakad na ako sa labas, pero parang hindi bumaba ang nameryenda ko. Ayoko naman pilitin ang sikmura ko na kumain baka hindi na ako magising bukas. Mahirap na! Mga anak ko nalang ang pinakain ko, at bunso ko naman sinusubuan ko ko, kasi kapag di ko sinubuan ang ulam lang ang kakainin at hindi ang kanin. Mahilig pa naman…
Tamang nood muna ng kmjs. Sakto walanh nagamit ng computer kaya makakanood ako ng tv. Inaabangan din kasi nila kmjs kaya tumigil sila pag cocomputer. Napakadami lang talagang commercial, nakakaantok na din kapag puro commercial. Nakakatuwa lang ang isang guro na gumawa ng fund raisin para sa mga studyante na matatalino na ngangailangan ng laptop para sa kanilang pag aaral. Sayang din kasi ang talino nila kung may kulang sa kanilang pag aaral. Lalo na ngayon na importante sa…
Good morning! Pinuyat ako ng lindol kaninang 1.12 am. That time papikit pa lang ako kasi hindi ako makatulog. Nun inaantok na ako bigla naman lumindok, kapag lindol pa naman kinikilabutan ako, kasi siguro takot din dahil hindi natin alam pwedeng mangyare. Kadalasan kapag nalindol gabi pa, syempre mas nakakatakot yun. Buti nalang nandito ang jowa ko may kasama ako. Breakfast na tayo guys! Tinapay at kape muna. Gusto ko matulog ang bunso ko para makakilos ako. Bibili din kasi…
Tara kain tayo! Nakalimutan ko tawag sa ganitong luto.. ayun naisip ko na " Chop Suey" ilan araw na din di ako nakakapag luto ng gulay kaya ngayon naisipan ko magluto.. Busy din ako ngayon kasi naglalaba ako. Pero tapos ko kumain mag sasampay nalang ako. At tapos ko mag sampay. Matutulog muna ako. Kasi napuyat talaga ako kanina.. hanggan ngayon yun mata ko antok na antok.. so paano kain muna ako.
Gandang hapon sa lahat! Grabe init ngayon, tapos yung buga ng fan parang wala pang hangin. Kaya ginawa ko nilinis ko mejo matagal tagal ko ba din na hindu siya nalilinis kaya paka wala ng hangin na nalabas. Nag meryenda na ba kayo. Ako kasi nakalibre ng meryenda dahil may naghatid ng pansit dito sa bahay. Bday kasi ng anak ng kaibigan ko. Kaya nakalibre ng meryenda. Sakto may tinapay kami dito pwedeng ipalaman ang pansit sa tinapay.. o siya sa mga hindi pa nag memeryenda,…
Daing at tinapa ang ulam namin ngayon dinner. Namiss ko kumain nento. Matagal tagal na din hindi ako nakakabili ng daing at tinapa, basta nag lalaway ako ngayon sa kanya buti nalang may tinda sa palengke. Huling kain ko ng daing at tinapa noon nakatira pa ako sa nanay ko. Madalas kapag ganitong dinner at wala maisip na maiulam yan ang binibilu ng nanay ko. Sarap! Dami ko nakain... Busog na busog na naman ako. Hindi na naman ako makakatulog nento. Haha
Magandang umaga mga tropapips! Kamusta kayo. Ako eto, nagbabawas ng gamit sa bahay! Para lumuwag naman sa paningin ko. Nasisikipan na kasi ako. Pinagtatapon ko muna ang mga laruan na sira sira na habang tulog pa ang baby ko, kasi kapag nakita niya na tinapon ko yun, naku! Kukuhain niya ulit sa basurahan para ibalik sa bahay.. dami kasing laruan, ako yun nalulula. Yung mga tiyahin kasi nila hilig silang bilhan. Sabi ko nga wag na laruan pagkain nalang para mabusog sila. Kaso…
Ngayon lang natapos sa gawain bahay. Tapos na din magturo sa anak ko sa mga assignment niya. Para waka na kaming gagawin ngayon. Its time to rest naman. At siya gusto maglaro sa computer. Pinayagan ko na kasi tapos na naman siya sa mga assignment niya. Ako matutulog muna ako. At napagod ako ngayon araw na ito. Grabe yun napanood ko na naligo sa falls, hindi nila napansin na biglang bumuhos ang tubig sa falls. Yun masayang outing nila, nauwi sa trahedya. Kaya dapat alerto…
Good night mga tropapips, antok na naman ako.. grabe bakit kaya napaka antukin ko ngayon. Natulog naman ako kaninang tanghali. Dumating na din pala kanina ang inorder ko sa shoppee para sa online class ng anak ko, minsan kasi madilim sa pwesto niya kaya bumili ako ng ring light. At try ko din mag tiktok haha! Maganda din siya pang selpi kasi maliwanag na. Halos sabay sila na dumating ng keyboard na binili ko din sa shoppee. Para naman iyon sa laptop ko. Sira na kasi ang…
Good morning! Napabalikwas ako ng makita ko ang oras. Buti nalang marunong na pumasok sa google meet ang anak ko. Ayan pagbaba ko nagkaklase na sila. Ako naman natuwa dahik di niya ako ginising para sa pag oopen ng computer at pagpasok sa google meet nila. Siya na din nag toasted ng tinapay niya at nag timpla ng milo niya. Nakakatuwa na makita na marunong na siya para sa kanyan sarili. At mukang nakatulong ang ilaw na nabili ko. Sinipag bigla eh.! Haha sana tuloy tuloy na…
Paksiw na bangus ang ulam ko ngayon. Kung kailan nabawasan saka ko naisipan picturan at ishare dito.. minsan talaga malilimutin na ako. Bigla ko nalang maiisip at nakalimutan ko. Minsan sa kahit anong bagay nalilimutan ko. Ganito ata kapag cessarian madaling malimutan ang gagawin. Buti nalang ang pagkain hindi nakakalimutan. May lahi pa naman kami.. sana hindi ko mamana.. haha Tara kain tayo.. magandang tanghali sa lahat!
Whats up guys! Its dinner time! Actually kumakain na ako ng maisip kong ishare akin ulam..(senxa na paubos na naman haha) adobong manok again! Manok lang kasi ang mura ngayon, at need ko mag tipid dahil isang computer at isang laptop ang laging bukas ngayon. Bibili sana ako ng tulingan kaso ang mahal 240 ang isang kilo samantalang ang manok 106 lang. Tara kain tayo!itutuloy ko muna ang akin pagkain. Naantala na naman ang akin pagkain ng maisip kong ishare dito. Hahaha!
Hi! Good morning! Today is thursday! Lapit na ulit mag week end! Ang bilis ng araw! Almusal namin ngayon is pancake. Request ng anak ko. Namimiss na daw kasi niya ang lasa ng pancake kaya naman pinagbigyan ko. Sa totoo lang kaya hindi ako nagluluto, minsan kasi wala ako sa mood. Gusto ko kasi kapag nagluluto ako yun gusto ko para maganda ang kalabasan. Yun mga pangcake na niluto ko nakakatuwa lang pantay pantay sila. Wala akong ginamit measuring tools para magpantay sila.…
Lunch time! Nakasubo na din ako! Gutumers na din kasi ako.. fried chicken at pares ang amin ulam. Yun pares binili ko sa labas. Tamad na kasi ako magluto. Yung chicken anak kong panganay ang pinagluto ko. Timplanado na din naman yan at iluluto na. Pagtapos kumain magtitiklop muna ako ng mga damit. 2 days na kasi silang nakatambak sa humper ko kaya kumakaway na silang itiklop. Sa tuwing mag share ako ng picture yun pagkain ko bawas na. Tsaka ko lang kasi naiisip kapag…
Dahil di kakasya ang ulam namin na chicken, nagluto na din ako ng maling, coming na yun lucky me noodles, gusto kasi nila ng may sabaw. Sana pala nagtinola nalang ako kung gusto pala nila ng sabaw. Para isang lutuan nalang! Minamadali na nila ako at gutom na daw sila. Parang mga hindi nag meryenda haha! Ako nga busog pa, hindi malaan kung kakain pa ako o hindi na. Bahala na! Dinner mga tropapips! Gandang gabi sa lahat!