Good night mga kaibigan. Akoy antok na at nababad ako sa messenger kausap ko kasi yun nag alaga sa lola ko na naka isolate ngayon. Kasi non nagpaswab test sila siya lang un nagpositive. Sa totoo lang wala siyang sakit kahit sipon, ubo. Nakakagulat lang na mag positive siya. Samantalang ang ate ko na kasama niya na may ubo, sipon, walang pang amoy walang panlasa pero negative. Nakakapagtaka lang. Anyway ok na din un na isolate siya. Kasi sa tagal na pag aalaga niya sa lola ko ngayon lang siya nakapahinga, yun masasabing kompletong tulog. Yun hindi siya gigising sa madaling araw para magpalit ng diaper ng lola ko. 14 days siyang pahinga. Kwento din niya sa akin, hindi daw malinis ang isolation facilities kasi nun pumasok siya sa kwarto un mga basura ng gumamit don, ay nandun pa at yun bedsheet hindi pa nilabhan. Kaya ginawa niya ginawa niyan basahan at nilinis ang sahig cr at kung ano pa malilinis niya sa loob ng kwarto. Sabi ko sa kanya baka matuluyan kang magkacovid diyan dahil yun tumira jan ay may covid din at iniwan pa ang kalat jan.. buti nalang masinop ang nag alaga sa lola ko, nilinis niya ang buong kwarto na tutuluyan niya. Yan lang po! Napa chika din dito.. hehe
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet