Magandang hapon! Ang haba ng naitulog, kakapanood ko ng jewel in the palace di ko namamalayan na nakatulog na ako. Dito lang ako sa youtube nanonood. Sa lahat ng korean nobela na pinalabas ang jewel in the palace ang binabalik balikan kong panoorin ang dami din kasing matutunan. Bukod sa pagluluto dapat ang hinahain sa hapag ay makakabuti sa kakain. Lalo na kung itoy may karamdaman. Hindi lang yun marami pang iba. Pati mga halaman gamot na maaring magpagaling sa mga simpleng sakit. At ang pagmamahal nila sa kanilang hari na namumuno sa kanila. Feeling ko kasi wala na tayong pagmamahal sa ating pinuno dahil sa mga desisyon niya na di nasasanayunan ng iba. Parang ganun din sa pinapanood ko. Ang dami nilang reklamo at hinain na minsan pang sarili lang nila ang pinaglalaban nila. Haha o siya napakwento lang. Pati kasi sa panaginip ko pumasok na sila. HHaha
No comments yet