Ako pa rin ba? Kapag nalaman mong malayo ako sa konseptong nakatanim sa'yong isip, Na hindi ako palaging isang magandang panaginip— Marami ang nakakubling bangungot sa aking silid. Sinasabi ko na sa'yo. Nagkakamali ka kung iniisip mong ako'y kalmado. Madalas, ako ang kahulugan ng salitang magulo at pabago-bago— May mga madilim na bahagi ang aking pagkatao. Siguro hindi mo ako maiintindihan. Kapag sinabi kong marami ang tumatakbo sa aking isipan, Na pagod na ako sa aking mga tahimik na laban— At may mga espasyo sa aking sarili na hindi ko mapunan. Baka magulat ka. Malayo ako sa mga inaasahan mo at wala rin akong balak abutin ito. Ito ang totoong ako— Hindi sa paraang nakita mo. Sa kabila ng mga nalaman mo— Ako pa rin ba? 💔
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet