Fourth year High School na ako ngayon at may isang babae na pinaka ayaw ko sa lahat. Bukod kasi sa baduy siya, hindi din siya kasing ganda ng mga babae na nakikilala at pinapakisamahan ko. Ayoko ngang dumikit sakanya kahit tingin hindi ko siya matignan. Ayoko kasi talaga sakanya, hindi ko siya kayang titigan ng matagal sa mukha kahit kapag tinatawag kami ng aming guro para mag bigay pahayag sa harapan. Sabi nila, may gusto daw sakin yung babaeng yun. Sabi ko naman "Eh, ano naman kung gusto niya ako, hindi ko naman siya gusto". Nung mga oras na sinabi nila 'yun sakin, alam ko na...Matagal na. Bukod kasi sa lapit siya ng lapit, tingin siya ng tingin sa'kin, tat kung ano-ano ang binibigay niya sa'kin dahil pagbukas ko nalang ng bag ko may mga chocolates candies, flowers, at teddy bear palagi.
Isang araw, may gustong ipakilala sa'kin ang mga magulang ko. Kung babae yan tatanggi ako at tama nga ang hula ko dahil babae nga ang nais ipakilala nila sakin. Tatanggi na nga sana ako pero ang Mama ko na mismo nagsabi, "Pag dika sumipot sa oras at araw na 'yun sinasabi ko sa'yo, Wala kang baon ng dalawang linggo". Kita niyo na? Ganyan kahigpit ang magulang ko pag aayaw ako sa gusto nila. Kilala na kasi nila ako alam nila na hindi ako papayag at aayaw ako sa gusto nila. Umirap nalang talaga ako sa kawalan dahil hindi naman ako pwedeng hindi sumipot doon dahil kailangan ko ng baon para sa project. Puro kasi ako aral, at barkada 'yun lang gusto ko. Ah! May gusto pala akong babae o may jowa ako. Kabaligtaran siya nung babaeng ayaw ko. Bukod kasi sa Matalino, Mabait, Maganda, Masipag, Matulungin, lahat lahat ng katangian na gusto ko asa kanya na. Alam naman ng lahat na may jowa ako pero ang nakakainis kasi inaasar parin nila ako dun sa babaeng 'yun.
Dumating yung araw na kinaiinisan ko, pinagsuot pa ako ng pantalon at magandang damit, binilhan pako ng bagong sapatos kahit meron parin akong sapatos, tapos bulaklak? Napatingin ako sa binigay ng Mama ko sa'kin at sinabing, "Pati ba naman 'tong mabahong bagay na'to ipapabitbit mo sa'kin Ma?" . Tumingin lang siya sa'kin ng masama kaya wala na akong magagawa 'Ano pa nga ba?' .
Pagdating na'min sa kung saan, bumaba kami ng Tricycle. Hindi naman kasi kami mayaman. Simpleng pamumuhay lang pero masaya dahil puno ng asaran namin ni Mama pero mas nangingibabaw ang pagmamahal namin sa isa't-isa. Nag-iisa lang naman akong anak kaya hindi ako nakukulangan sa mga bagay na gusto ko dahil binibigay naman nila kahit hindi ko kailangan pero may mga oras at araw din namang kakailanganin ko ang mga bagay na 'yun. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, teka? Diba ito yung Barangay kung san nakatira yung jowa ko? Napalunok ako at tumingin sa paligid kung may nakakakita ba sa'min o sa'kin dito na kakilala ko at nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala. 'Buti nalang! Badtrip kasi si Mama at Papa hay'.
Kumatok si Papa sa pintuan at habang inaantay na'min ang may-ari ng bahay ay inaayos nila ang kanilang mga sarili. Tumingin din sa'kin si Mama at inayos ang damit ko at pati na rin ang hawak kong bulaklak "Ayusin mo Anak ha?" Isa pa sa pinaka ayaw ko sa lahat ay yung plastik na ngiti ni Mama sa'kin tila nang aasar ba? Hay nako. Bumukas ang Pintuan ng bahay at naglakad ang isang babaeng kasing edad ni Mama hindi pa lamang siya nakakarating sa pwesto na'min ay nakangiti na siya, "Maraming Salamat, Mare at sumipot kayo." At doon na nga sila nag tuloy-tuloy ng kwentuhan. Pagdating namin sa loob, nilibot ko ang paningin ko. Unang-una mong makikita pag bungad sayo pag pasok ay ang mga larawan sa may lamesa kaya napadako ang tingin ko 'don. Puro larawan ng isang batang babaeng nakangiti at masayahin titignan ko pa sana ang iba pero bigla akong tinawag ni Mama para umupo. Habang naka-upo ay ipinakilala ako ng aking mga magulang sa Babae kanina. Alam niyo na, palaging papuri kapag may kumare ang mga magulang na'tin kaya nagpapasalamat nalang ako sa mga papuri nila sa'kin kahit alam ko naman na yun. Ilang sandali lang at Dumating ang asawa nung babae. Ibibigay ko sana ang bulaklak sa kumare ni Mama pero kinurot ako sa Tagiliran kaya napamura ako ng konti sa isip ko at plastik na ngumiti kay Mama. Bumulong sa'kin si Mama ng, "Hindi sakanya yan, para sa anak niya yan baliw."napairap nalang ako sa kawalan apaka arte ng mama ko promise.
Maya-maya ay biglang bumukas ang Pintuan, hindi ako nag-abalang tignan ang kung sinong pumasok dahil umiinom ako ng tubig, nauhaw ako bigla eh sabay ng pagtingin ko sa pumasok ay tila nasamid ko ang iniinom ko kaya nailabas ko ang tubig at napaubo ako. Patuloy parin ako sa pag-ubo at tila nawalan ako ng hininga sa nakita ko at nung medyo umookay na ako ay pinilit kong masalita at tumingin kay Mama "Ma?" Pero tila parang wala siyang naririnig at nakatingin lang sa babaeng pumasok at lumapit sakanya. "Happy Birthday Iha!" Nakangiting bati niya sa babaeng pumasok
Kung nagtataka kayo kung sino 'yun siya lang naman yung babaeng pinaka ayaw ko. Gusto kong mainis pero napatingin ako sa Cake na nilapag ng mama ni 'I hate that girl' Birthday niya naman kaya mag babait-baitan tayo di naman kasi ako ganun kasama. Teka, Paano nga pala nagkakilala mga parents ko at parents niya? Isa pa, alam ata ni Mama na ayaw ko sa babaeng to. Kaya napakunot ako ng noo pero gaya ng sabi ko, papalampasin ko muna 'to mamaya ko na aalamin kakausapin ko si Ano nga ulit pangalan nung babaeng pinaka ayaw ko? Ah basta yung babae na 'to. Kaya pagkatapos naming kumain, tumingin ako kay I hate that girl dahil alam kong nakatingin siya sa'kin at nakangiti, "Tara sa labas." Ilang letra, ilang salita 'yun? Pero sapat na siguro sakanya dahil nakangiti siya ng may pagkalawak-lawak pero bago pa man din ako makakatayo ay hinawakan ako ni Mama sa kamay at tinuro niya ang bulaklak na asa tabi ko gamit ang mga mata niya at nakikiusap na ibigay sakanya 'yun. Napapikit ako ng madiin at kinuha ang bulaklak at binigay kay I hate this girl "Happy Birthday" yun lang sinabi ko at binigay ko sakanya yung bulaklak at tinanggap niya naman 'yun ng nakangiti kaya umiwas na ako ng tingin at umupo. Nalipat ang attensyon ko kay Mama ng bigla siyang magsalita "Kelan ang Kasal?" Bigla akong napakunot ng noo at tumingin kay mama at ganun din siya sa'min ni I hate this girl. Bakit may Kasal na binabangit 'to? Wag mong sabihing.... Tatayo na sana ako kaso eto nanaman ang hawak sa kamay ng madrasta kaya "Wala sa usapan yan Ma." Saad ko ng kalmado kasi ayoko namang mambastos sa harap ng ibang tao at ayokong bastusin si Mama kahit ganyan siya sa'kin. "Akala ko ba sinabi mo Pa?" Tumingin si Papa sa'kin at kay Mama ng nagtataka 'Alam ko na kinukumbinsi nanaman ni Mama si Papa jusko'.
Nung araw na 'yun wala akong nagawa kundi pumayag sa kasal na sinasabi nila. Bakit? Malamang kontraldo nanaman ako ng Parents ko pag di ako pumayag. Naka ready na lahat sila na mismo nagbalak. Inis na inis ako sa araw na 'yun pero wala akong magawa. Tumingin ako kay I hate this girl na nakatunganga lang sa kawalan jusko. Naramdaman niya ata na nakatingin ako sakanya kaya ngumiti siya sa'kin pero diko yun pinansin at sininyasan siyang lumabas nauna akong lumabas at sumunod naman siya ilang sandali. Doon kami sa may Bodega nagtatago para di kami makita nakatalikod lang ako sakanya "Kumbinsihin mo Parents mong wag ituloy ang kasal please." Pag mamakaawa ko ayoko kasi talaga maikasal sakanya eh as in ayoko talaga bukod sa mas gusto kong eenjoy ang High School life ko at may girlfriend din ako. Narinig kong may humihikbi kaya tumingin ako sakanya, aminado akong gwapo ako pero diko deserved ang mga luhang yan kaya "Wag kang umiyak. Alam kong gusto mo ako pero hindi natin mapipilit yung.." tinuro ko yung puso ko "May girlfriend ako at alam mo naman siguro 'yun."
Pagkatapos ng araw na 'yun di ko na siya nakausap pa. Ilang araw din siyang hindi pumasok at hindi ko maitatangi na nag-aalala ako. Hindi ako pinapansin ni Mama at Papa at lagi silang wala sa bahay lalo na si Mama. Ano kayang nangyari? Di naman siguro sila busy lagi sa work diba?
Isang araw, pagpasok ko ng classroom nagulat ako. Ako palang kasi ang tao sa classroom at si I hate this girl. Yung kaba ko at yung pag aalala nawala dahil sinalubong niya naman ako ng ngiti pero napansin kong nakajacket siya eh hindi naman malamig at yung labi niya may liptint? Hindi naman siya gumagamit ng ganun ah. Pero hindi ko nalang pinansin at umiwas ako ng tingin pero umalis siya sa upuan niya at pumunta siya sa pwesto ko nagulat ako dun kasi hindi lang yun ang ginawa niya kundi pagka upo ko ay nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Kaya napatitig ako sa mga mata niya at masasabi kong hindi ko mabasa ang mga mata niya pero napahanga ako sa kulay netong kulay brown at napatingin din ako sa mga labi niya kaya napalunok ako dahilan para ngumiti siya kaya binalik ko ang attensyon ko sa mga mata niya at umiwas ng tingin at napakunot ng noo at inilayo ko ang ulo niya gamit ang isang daliri ko "Sira kaba? Baka may makakita sa'tin." Dahilan para mapalinga-linga siya sa paligid "Wala namang tao ah. Tss ah nga pala, gusto mo mag absent?" Tanong niya sa'kin kaya nagulat ako at tumingin sakanya good influence ba'tong binigay ng mga magulang ko o bad influence? Kaya napatampal ako sa noo ko at umiling "Bala ka mag aabsent ako ngayon. Gusto ko maglibot. Itour mo ako sa mga ayaw mong mga lugar tutal naman ay ayaw mo sa'kin." Napatingin ako sakanya, yung pag aalala ko biglang nawala dahil nagbubulakbol pala 'tong isang to. Kaya napatingin ako sakanya ng masama at di umimik "Oh. Chill, kung ayaw mo di naman kita pipilitin." Sabi niya habang nakangiti at tumalikod na "Pero kung gusto mo naman akong samahan eh, mag aantay lang ako sa playground ng Elementary." Pagkatapos niyang sabihin yon ay umalis na siya at naiwan akong mag-isa sa classroom sabay sabay na nagdadatingan ang mga kaklase namin at heto ako't hindi mapakali pinagiisipan kung pupunta ba o sasama sakanya o hindi. 'Ngayon lang naman kaya sige na'. Naiinis ako sa sarili ko kasi bigla ko nalang namalayan na tumatakbo na ako dala dala ko ang bag ko at dinala ako ng mga paa ko sa may playground ng kung saan siya ay naglalaro sa swing pinagmasdan ko siya na naglalarong mag-isa tila bigla akong napatigil at napatitig sa masaya niyang mukha. Nakangiti siya habang naglalaro at dinadama ang hangin tumingin siya bigla sakin kaya nawala ang tingin ko sakanya at napalitan ng kuno't noo. Tinigil niya ang paglalaro sa swing at kumaway sa'kin at tumakbo papalapit sa'kin "Sabi na eh haha so san mo ako dadalhin?". 'Kahit saan kung san ka masaya'. Napairap ako sa naisip ko at nagisip kung saan ba ang pinaka ayaw ko sa lahat at tumingin sakanya "Tara" yaya ko sakanya
"Dito?" Gulat na sabi niya sakin. Tumingin siya sa paligid at ngumiti, hindi ba siya natatakot kasi dinala ko siya sa sementeryo? "Bakit ayaw mo dito? " Bakit ngaba? Wala namang dahilan dinala ko lang siya dito kasi akala ko natatakot siya. "Ayoko dito kasi dito maraming mga malulungkot na ala-ala. Kung san hinahatid yung mga tao na mahal natin sa buhay sa kahuli-huliang araw na makikita natin sila. Ayoko dito kasi natatakot ako.." nakatingin lang ako sakanya habang sinasabi yun 'Na baka mawalan ako ng isa sa mahal ko sa buhay ko.' Tumingin ako sakanya ng bigla kong narinig na sumisinghot siya umiiyak ba siya? Pero nakatalikod lang siya sa'kin at pinupunasan ang mga luha niya pagkatapos ay tumingin siya sa'kin ng nakangiti at sinabing "Gusto kong Iukit ang pangalan mo sa punong yan." Turo niya sa punong nasa tabi ko kaya napatingin naman ako sa puno at sakanya na kumuha ng batong pang-ukit at inukit niya ang pangalan ko tinitignan ko lang siya habang ginagawa yun.
"Bakit mo inukit yung pangalan ko don? Baka magmukhang patay ako at don nilibing" natawa siya dahil sa sinabi ko at sinabing "Patay na patay ka naman sa'kin eh" minura ko siya sa isipan ko dahil sa sobrang hangin niya jusko kababaeng tao diba siya nahiya? Pero napailing nalang ako. Ilang minuto ay walang umiimik sa'min at Hawak ko lang ang strap ng bag ko samantalang siya'y wala siyang dala. "Bakit wala kang dalang bag nung pumasok ka?" Napansin kong nagulat siya dahil sa tanong ko pero ngumiti din siya agad "Tinamad akong magdala." Luh. Nagulat ako at napangisi nalang ako sa cool side niya at napakagat ng labi. Napatigil siya sa paglalakad at tumingin sa gilid kaya napatingin din ako sa tinitignan niya at nagulat ako sa nabasa ko 'Motel?' kaya agad agad akong napatingin sakanya at umiling "Tara na, Uuwi na tayo. Isusumbong pa kita kay Mama." Hinala niya ang damit ko kaya napalapit ako sakanya "Ikakasal naman na tayo kaya tara don. Ayaw mo don diba?" Napamura ako dahil sa sinabi niya "Sabi ko idadala mo ako don sa mga lugar na ayaw mo at base sa mukha mo ayaw mo pumasok don kaya tara don." Hindi ko alam kung seryoso ba tong kasama ko pero hinihila niya ako kaya wala akong nagawa. Sa una ayaw nila kaming papasukin dahil Minor pa kami pero nung ako na nagsalita na wala silang pame sa gagawin namin ay ayun nga wala naman silang nagawa. Yung kasama ko naman magbabayad eh, libre din kaya okay lang sisiguraduhin ko lang talaga na walang mangyayari saming dalawa. Dahil kahit ganito ako, aba.. may respeto parin ako sa babae 'no.
Pumasok kami sa kwarto. Napapalunok at napapakamot nalang ako sa kalokohan ng isang 'to. Binaba ko ang bag ko at napabagsak sa kama dahil sa pagod. Di kasi kami sumakay sa kahit ano at naglalakad lang habang nag aasaran. Napadilat ako ng mga mata ko ng biglang may dumagan sa'kin at napalunok. 'No. Wag mong balaking humarap' ano bang nangyayari kay I hate this girl at ganyan diya umasta ngayon? Nakadroga ba siya? Kaya napabalikwas ako ng bangon at humarap sakanya dahilan para mahalikan ko siya.
Sa susunod na araw wala nanaman siya. Naiinis din ako sa sarili ko kasi lagi ko siyang hinahanap, nagising ako kinaumagahan nun na wala na siya sa tabi ko. Gusto ko sana magtanong sa magulang niya kung umuwi ba siya? Hindi ako mapakali parati dahil nag aalala ako. Pano kung nabuntis ko pala siya at di na nagpakita? Tinatanong din ako palagi ng barkada ko at ng girlfriend ko kung napapano ako pero sabi ko wala lang naman may iniisip lang ako at yung babaeng yun. Jusko baka may alam ang mga magulang ko kaya napag desisyonan kong sundan sila mamayang gabi. Buo na ang pasya ko kaya pagsapit ng gabi nakabihis na ako at nagpaalam akong mag oovernight sa isa sa mga tropa ko tutal naman ay walang pasok bukas at pinayagan ako ng mga magulang ko. Pero ang totoo, nakatago lang ako sa puno sa tapat ng bahay na'min. Kasabwat ko si Manong driver ng taxi na asa malayo nireserved ko siya para lang sundan sila. Kaya pagkaalis nila Mama ay sinundan ko na sila.
"Hospital?" Basa ko sa letrang nakaukit sa taas ng building kung san ako nakatayo at tumingin kela Mama na papasok ng entrance ng Hospital kaya dali dali akong tumakbo para maabutan sila at itanong kung saang room sila pupunta. Pagkatanong ko sa Nurse na andon ay dali dali akong sumunod at habang sinusundan sila ay tila bumibilis ang tibok ng puso ko at ramdam ko din ang kaba ko. Bakit ganun? Parang ayoko na ituloy gusto ko na umuwi at baka kung ano pa itong kaba ko. Maglalakad na sana ako para magback out pero may parte sa'kin na gusto ko malaman kung bakit. Kaya naglakad ako patungo sa pintuan at hahawakan ko na sana ang Door Knob ng biglang magbukas ang pintuan hindi iyon ang mas nakakagulat dahil ang mas nakakagulat ay ang babaeng pinaka ayaw ko sa lahat ay nakahilata sa kama at andaming naka kabit sakanyang kung ano-ano. Tila nanlambot ang tuhod ko at napa upo ako sa sahig sa nakita ko pero ang mas nakakamura ay hindi ko namalayan na pumapatak na mga luha ko sa sahig. Pinilit kong tumingin sakanya pero iniwas niya lang ang tingin sa'kin na umiiyak.
Yung labi niyang maputi na, yung mga ngiti niya palaging nakikita ko ay napalitan ng lungkot at sakit. Gusto kong mag-wala sa mga oras na'to. Nahulog na ako eh, nahulog na yung puso ko sakanya. Pero bakit ganito? Bakit? Bakit ako pa yung pinili niyang masaktan? Halos hindi ako makahinga at tila lahat kami sa kwarto pati ang Nurse na nag aasikaso sakanya ay napaiyak na din. Tumingin ako sakanila isa-isa at sa huli ay sakanya at napailing ako at tumalikod sinuntok ko ang pader dahil nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi bakit ganun? Andami kong gustong sabihin pero puro iyak lang yung lumalabas at may mga yakap akong naramdaman at ang mas kinabibigla ko, Si Mama ang yumakap sa'kin at pagtingin ko sa paligid nasa Kwarto na ako.
"Ma, Panaginip lang ba ang lahat ng nangyari?" Tumingin ako sa itaas at pinapakinggan ang hikbi ng Mama ko "Anak, sabi naman niya sa'yo diba? Kalimutan mo na siya.. Sapat na 'yung kinasal kayo." Napailing ako sa sinabi ni Mama dahil paano ko kakalimutan yung taong nagmahal sa'kin? Paano ko kakalimutan yung kauna-unahang babaeng naglakas loob na mahalin ako kahit ayoko sakanya? Paano ko siya kakalimutan kung nangako akong siya lang ang huling babaeng minahal ko kahit hindi ko naparamdam sakanya ng sobra-sobra. "Ma, pwede bang wag nalang magmahal ng iba? Kahit wala na siya...kahit tumanda akong binata sa paningin ng iba..siya lang mamahalin ko ma." Tanging iyak lang namin ni Mama ang naririnig sa kwarto ko.
Nakatunganga lang ako sa kawalan at nakatitig sa isang malaking kahon. Tumayo ako at pumunta doon binuhat ko ang kahon at nilagay sa kama ko. Umupo ako sa kama at binuksan ko ito. Napangiti ako sa laman, mga Teddy bears, lagayan ng chocolates at mga pekeng bulaklak inipon ko lahat ng binibigay niya sa'kin. Hindi ko alam pero siya lang kasi ang kauna-unahang babaeng nagbigay sa'kin ng mga ayaw ko na nagustuhan ko dahil sakanya. Hinawakan ko ang isang teddy bear at aksidente kong napindot at nagulat ako ng mag-salita ito ng 'I love you' at boses niya pa. Tumulo nanaman ang mga luha ko sa mata at pinindot ulit ng isa pa 'Please open the Zipper' tinignan ko sa likod at may zipper nga kaya binuksan ko ito at mas lalo akong nagulat sa nakita ko mga picture namin nung bata pa.
This is the last teddy Bear that I will give to you so please take care of my baby. Importante sakin to. Bigay mo to nung bata tayo eh, hindi mo iyon maalala kasi naaksidente ka. Sabi mo sakin papakasalan mo ako, pero bakit nag girlfriend ka ng iba? Ang daya daya mo. Sorry, kailangan kong ibigay sayo yung puso ko. Kaya ako na mismo ang umako sa sakit mo sa puso. Nagkapalitan tayo 'eh, pero desisyon ko naman kahit di sang ayon ang parents mo sa ginawa kong desisyon kaysa naman makikita kitang nahihirapan. Hindi ko kakayanin 'yun. At least, siguro sa pagdating ng mga araw pag nabasa mo'to wala na siguro ako sa tabi mo. Pero, alam ko ramdam kong kasal na tayo 'nun. Bakit ba? Nangangarap akong ikasal sa'yo eh. Dati-dati di ko 'yun pangarap pero dahil nga nagbago ka naging pangarap nalang ang lahat.
Kapag dumating yung araw na mabubuhay ulit ako sa mundong 'to, sana mabago ang ending, yung magkakaroon naman tayo ng pamilya. Yung masaya tayo dahil natupad lahat ng pangarap na'tin sa isa't-isa. Sana, sa susunod na buhay na'tin... Ikaw parin at ako.
Wish ko, ingatan mo ang puso ko. Ingatan mo ako kahit wala na ako sa tabi mo ha? Lagi mong pindutin yung teddy bear kasi andon yung words na gustong-gusto kong sabihin sa'yo palagi. Mag iingat ka, Mahal na mahal kita.
-Rea.
Nanatili lang ako sa kwarto magdamag habang nagflash back lahat ng nangyari noon sa utak ko. Hindi ko alam kung san ako magsisimula. Ngayong naging patibong ang lahat hindi ko alam kung san paba ako kakapit? Hindi ko alam at dahil naiinis ako sa sarili ko dahil sinaktan ko ang babaeng mahal ko at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kaya
I end my life with knife. I kill myself and the last words that I hear before I die
'I love you.' and I smile.
End of the Story.
She is that girl I have most *** I ended my life with knife, I kill myself and heard a sound I love you and smile. End of story.
This is what I understood lol and I am like who said that I love you 😎😎😎😎😎😎