Tanghali Na Naman

0 17
Avatar for Rena
Written by
4 years ago

Magandang tanghali po sa ating lahat mga kabayan. Isang mapagpalang araw sa ating lahat. At akoy narito na na naman sa ating tambayan. Kahit ang sikmura ko'y kumakalam na at nanghihingi na ng pagkain ang mga alaga ko sa loob ng tyan, heto akoy magsusulat muna para maipasa ko dito sa ating munting pagkakakitaan.

Tanghali na naman akong nagising sa kadahilanan na lage akong nagpupuyat. Datapwa't wala pa namang pasok kaya sinagad na hanggang umaga ang pag gamit ng selpon. Kung di ko ma wari'y wala na sanang tulugan pero hindi kakayanin nitong tamlay at malumya kong katawan.

Biglang napalabalikwas tila may pumapatak sa bubungan. Mga patak ng ulan na kay laki na parang mga butil. At hay, nakalanghap na naman ako ng sariwang hangin na animo'y nagsasabi heto na naman ako kasama ko ang ulan kaya nadarama mong lambot at lamig dampi ko sa'yong katawan.

Tanghali na madalas init ang iyong mararanasan. Pawis na nagsisipag unahang pumapatak sa iyong maamong mukhang balingkinitan. Kahit ilang saglit lang nakaiwas sa bentilador ayan, nagsipag laglagan na sa yung mainit at malagkit na katawan. Kaya iwas sana sa matataas na singil ng bayarin sa konsumo ng elektriseti , pero di kakayanin sa subrang init ng panahon na sayo'y dadampi.

O kay sarap langhapin o namnamin tanghaling ganito, para sa mga walang trabaho at nakatambay lang sa bahay nyo. Masarap damhin at walang init pag ganito, o tanghaling tag ulan para sa atin to. Tambay at nakatago lang sa isang sulok dahil sa pandemyang ito. Kaya lasapin na nating araw na ganito, masarap matulog at magmunimuni.

Kalbaryo at sabihin mang masamang araw ito sa mga nagtatrabaho, lalo na sa mga rayder na nagmamaneho , na ang hanap nilay paghahatid ng mga bagay bagay sa iba't ibang destinasyon saang sulok man ng mundo naron sila. Mga tyanggi, na nasa gilid lang naglalatag ng mga paninda, mga taong trabaho'y nasa labas ng tahanan ,mga walang masisilungan. Mahirap ito para sa kanila.

Alin man sa mga iyon na kabilang ka, at ito'y kalikasan na nagpapasaya sa lahat ng tao . Kung ikaw ay di masaya, sa ngayon lang yan at ika'y masisiyahan din sa mga araw na darating pa. Parang ulan lang din yan na titila, mga luha mo o pawis na lumabas sa panahon ng tag init at sa kagipitan na sayo'y nagpapatangis.

Darating din ang araw na may init at ulan sa buhay mo. Makulimlim at masalimoot na araw.At matiwasay , mapayapang umaga sisikat at bubungad din sayo. May bukas pa naman kung subrang init ngayon , bukas baka uulan malay natin.Bilog ang mundo.

0
$ 0.00
Sponsors of Rena
empty
empty
empty
Avatar for Rena
Written by
4 years ago

Comments