Nakaupo lang at nakatunganga

0 25

Pagkatapos kumaen ay nakatayo at palakad lakad lang sa pasilyo ng apartment kung saan ako nakatira . May tumawag at kinausap habang nanatiling naka tayo.

Naranasan nyo din ba ng ganito, ayaw mong umupo pagkatapos kumain? Dahil sa subrang busog ko, kaya ayaw ko munang umupo. At sabi nga din ng iba kapag concern ka sa figure mo(for ladies only) wag daw agad uupo pagkatapos kumain, kailangan paabutin mo muna ng labin limang minuto saka ka uupo pagkatapos mong kumain. Para iwas daw bilbil. Totoo kaya yun?

Pagkatapos ng labin limang segundo, akoy umupo na at nakatunganga habang nakatingin sa kawalan. Natahimik ako bigla, na parang blanko ang isipan, hahaha ,kase siguro busog at may laman na ang tyan๐Ÿ˜. Naisip ko kase, heto na naman ako, umaasa na makabalik na sa trabaho. Kailan pa kaya, masarap pakinggan na subrang haba ng bakasyon ko,pero nakakulong naman. Di maiiwasan na kahit may plataporma akong nakita na itong @read.cash na may panahon na nakatunganga ka lang talaga lalo na't nag iisa ka lang kung san ka naron.

Ang layo nang paningin mo, na di mo alam kung anong darating. Kung kailangan bang mag antay pa ng mag antay kung anong darating. Yung tipong minsan, nagtatalo yung isipan ko kung kikilos na ba ako, o mag aantay pa sa panahon kung saan extended na naman ang GCQ dito sa ka Maynilaan. Antayin ko pa bang i chachat ako ng boss namin kung kailan papasukin na ako, o kaya'y maghahanap na ako ng ibang mapapasukan?

Di ko din naman din talaga ma pipilit yung boss namin, kaso yung ibang kasamahan din kase namin may pasok na. Kahit sabihin nating malapit lang sila at may kakayanang makapasok. Alam ko din naman na nag ooperate na ulit yung train ngayon. Sa tingin nyo ba aantayin ko pang matapos ang buwan na to ,kung kailan lift up na yung GCQ satin, saka ako magtanong na may babalikan pa ba akong trabaho o wala na?

Hirap din kaseng umasa na may mapapasukan ka pa ba o wala na. Kahit may kasama akong cellphone na kung saan makakahanap ng konting barya sa mga sites tulad nito, pero iba din yung may work ako dahil may umaasa sa akin,yung pamilya ko.

0
$ 0.00
Sponsors of Rena
empty
empty
empty

Comments

Yes to too naman yan ..pagkatapos mong kumain tumayo ka Muna..mabuti yan ating panunaw.

$ 0.00
4 years ago

Ganon nga daw, madalas naririnig ko. At yun ginawa ko na din at nasanay na ako. Pero di din talaga maiiwasan may panahon na nakalimutan ko, pwera na lang kung subrang busog at nahihingal pag umupo, kay tatayo nalang din talaga muna. Salamat po sa comments.๐Ÿ˜Š

$ 0.00
4 years ago

Thank you very much for your helpful post.i am very happy to read this post. Keeping your writing.

$ 0.00
4 years ago

You are welcome, thank you for the compliments. And yes I do keep on posting here. Do you understand my dialect? Okay then, I will do my best, thanks for an inspiring message.

$ 0.00
4 years ago