Naka babad ka lang

0 19

Wala na namang maisipang gawin, kaya heto. Nakababad lang sa selpon buong maghapon. Di nagsasawa sa paghawak basta't may data ka pa selpon ko, hindi kita bibitawan o selpon ko. Kahit na tangay tangay mo pa yung saksakan kase paubos na ang baterya nya. Dahil wala pa namang pasok at pili lang ang peding pumasok sa kompanyang kinabibilangan ko. Naghahanap ng mga peding gawing raket sa buhay habang naka Quarantine pa.

Pag ubos na ang lod, hayun tawag dito chat doon sa mga kapatid, nanghingi din ng ayudang pampa gana ng data ng selpon ko. Mas maganda din ganito diyeta ako, di ko na minsan naisipang kumaen pa hanggat di ako kakalabitin ng tyan kong kumakalam. Nakaka baliw din minsan di ba?

Naisip ko nalang din sa sarili ko "

hayyys buhay nga naman noh., ang hirap kumita ng pera.

Nakakatawa din minsan, tulpok tulpok ka lage sa selpon.

"Sabi pa ni tatay Digong, tulpoktulpok nalang muna ng selpon buong maghapon pati gabi, wala din namang nangyayari,. Hahahahahha, natatawa ako sa sarili ko.

Ang kinalabasan ako pa yung nayari sa mga sayt na yun na mga iskam.

Pero di bale na basta ang sabi ng iba wag kang titigil sa panghahanting ng mga sayt na may mga libreng pagmimina. Malay ko isang araw makapag pey awt ako ng malaki.

Ma kwento ko nga lang din sa inyo. May isang libreng sayt ng pagmimina, at nakapag rehistro ako doon gamit ng isang link ng ka grupo ko din sa telegram. At nag aabang ako ng mga youtuber na mag a aplod ng kanilang mga bagong bidyo o vlog. Ngayon pag nakita ko na kaparehas nung sayt kung saan may reperal link na ako don, hihingi ako ng permisyon sa kanila na i post ko din yung link ko sa koment seksyon nila. Pero lahat na kung saan ako ng post ng link ko, tinatapos ko din yung bidyo nila at ni la layk ko pa, di na sila lugi don di ba?

Nakakatuwa lang may isang sayt na subrang dami kong reperal umabot po iyon ng tatlumpo, wowww di ba?Kaya salamat na din sa mga vlogger na yaon at ako'y natulungan. Kung mababayaran siguro ako sa sayt na yun, magiging unang pagkakataon ko yun na kikita ng ganon kalaki ng libre, kase minimum withdrawal nila ay 0.0005 BTC, oh di ba ang laki non?At nasa 0.0002BTC palang din naman ako.Sana mabayaran naman ako para makabawi din sa mga na iiskam sakin.,Hehehhehe.Sana di pa sila mag shat dawn.

Apdit ko kayo kung anong mangyayari sa pagmimina ko, bilang isang minero masasabi ko lang din sa inyo kung kayo ay mga minero din, tuloy lang po, hanggat buhay pa ang selpon natin. Bago man ito masira dapat mapakinabangan muna din natin ,hahaha. Pero nga naman, lahat ay temporari lang o pansamantala lang . Ika nga din naman , walang por eber dito sa mundong ibabaw. Tama naman di ba?Hugot lang ang manay.

0
$ 0.00
Sponsors of Rena
empty
empty
empty

Comments