Kahit anong gawin mo sa buhay
Pamilya parin ang lagi mong kaagapay
Bigo ka man sa buhay, pero sila'y adyan para umalalay
Hindi ka iiwan hangga't sa huling hininga ng kanilang buhay
Papagalitan ka't pagsalitaan ng masama
Yun ay para ika'y itama sa mali mong paniniwala
Magalit man sila sayo pero saglit lang at ito'y huhupa
Di man lahat perpekto, iyong nakikita sa pamilya mo
Pero andyan ka din at kabilang ka na
Peding itama ang pagkakamali na iyong nakita
Wag mong balewalain dahil kasama ka
Na peding masira ,mga pangyayari kung di mo ito itatama.
Pagtulungan sa pamilya ang higit na kailangan
Para pamilya mo'y matibay kahit anong unos pa ang syang hahagupit
Bawat isa nagsing kapit bisig para wag matangay
Unos ng buhay ,malalampasan pag ikaw matatag at ikay magtagumpay.
Masarap pakinggan kung bawat kasapi ng pamilya ay nagtutulungan
Di maiwasan na kaka inggitan pag yang pamilya mo ay ganyan
Matiwasay na pamumuhay at nagdadamayan
Mga problema'y di mahihirapan,sa paglutas nito at dyan ka aalalayan.
Pero di mo mawari na sa bawat sulok ng mundo
May kanya kanyang pag uugali ang bawat tao
May mga nagkakaisa na pamilya, at may nagkakagulo-gulo
Dahil sa di pagkakaunawaan ang mga ito.
Pahalagahan mo ang pamilya mo habang sila'y nandyan pa para sayo
Pag dating ng panahon sila ay pumanaw at mabubura na sa mundo
Di mo na maibabalik ang panahon kung kailan gustuhin mo.
Mahalin ang pamilya, at pahalagahan ito.Tatanda at lilipas din tayo,nawa'y alaala natin di mabubura sa mundong ito.