Madaling araw yung alis namin, first time ko pong sumama sa mga ganong klaseng gala kumbaga. Pero ito ngayon 1day tour yung sinamahan ko, mga kasama sa trabaho nag aya. Ang layo ng pinuntahan namin, kaya kailangan,alas dos ng madaling araw nakaalisna kami. Tagpuan namin o pick up place ay sa Muñoz at Megamall, mas malapit kami sa Muñoz kaya don kami nag antay. Super excited ako , dahil unang besis ko yung sumabak sa ganoong klaseng paglalakbay.Kaya hindi ako nakatulog. Kaya sa sasakyan nalang ako natulog. Quarter to six kami nakarating don. Wala akong ideya kung anong meron don, akala ko pedi makapag swimming. Kaya nung bumaba kami ng sasakyan after kumain, nakashort at naka sleeveless lang ang manang nyo😀.
Pero ayyy, after nakatampisaw saglit sa dagat aakyat pala kami sa napakatirik na bundok. Pero woww, napakaganda ng tanawin. Dadaan kayo sa ilalim at lilim nung punong kahoy,nakakahingal. Hahhaha. Pero worth it talaga.
Maganda po ito sa mga balak na magkaron ng team building sa isang kompanya, isusuhestyon ko po dito para sa inyo. Marami sa kasabayan namin ganon sila. Napakasarap at saya , ngiti moy abot hanggang tainga pag nasa tuktok ka na. Kitang kita mo yung tanawin, yung asul na dagat at bughaw na ulap nakakapalibot sa bundok na yoon.
Grabe ang sarap po ng hangin, namangha po tlaga ako sa mga nakikita ko. Pansamantala makakalimutan mo talaga yung mga alalahanin mo sa buhay pag makakapunta ka dito. Pasensya na konti lang maipost ko nabura ko kase mga nakukunan ko ng picture ng di sinadya. At isa pa hindi ako ganon ka galing magpaliwanag sa mga nakikita ko don. Pero subrang sarap at maganda po don lalo na't marating mo yung tinatawag nilang White Beach Light House. Subukan nyo na pong pumunta dito.
Maganda po talaga don magpicnic, kasama mga pamilya o kaya'y kaibigan. Mga mahal nyo sa buhay. May iba't ibang tourist spot pa din po sila bukod dito na di namin napuntahan dahil sa kulang yung oras namin. Maiikot mo po dito kung maglaan ka ng 2-3 days po, sulit na sulit na yun. Napakasaya po ng araw ko na yun, at di ko malilimutan yung karanasan ko don. At mas maganda na maghire kayo ng tourist guide nyo para na din sa klaigtasan, kung binabalak nyo na pupunta dito balang araw. Or mas maganda na din hanap kayo sa tourist package ng mga tourist agencies, madami kayong mapagpipilian at mura pa.