Alam kong madalas ngayon mga tao tulog na, pero paulit ulit kase akong kinukutya ng aking isipan, totoo po di ko alam yung spamming, ano po ba ibig sabihin non? Bakit sa mga komyuniti na salian ko ay may mga sinasabi silang bawal yung spamming?
Paano ko po ba malalaman kung ang isang article or comment na iispam ko? Seryoso po ako ha, sana man lang may sasagot at magturo sakin kung ano yung spamming na yan. Dahil sa email ko din may mga nakalagay na spam, tapos may mga nagsasabi din na kung ayaw mo nang magsubscribe i unscribe na daw kaysa i ispam ko, ,hindi din naman daw nakakatulong yung ganon sakin.
Pedi po pala tayong mag iispam, kase bakit sinasabi nilang avoid spamming? Kung tutuusin pala tayo lang din maglalagay sa isang folder ng spam sa mga mensahi na gusto nating ilagay don? Hindi pala kusang pumasok yung message ng tao sa spam folder kung di mo ilalagay don? Kase bakit sa email ko may mga nakalagay awtomatik sa spam, hindi naman ako ang naglagay don?
Siguro nga maraming natatawa sa post kong ito, pero totoo po, hindi ako nagbibiro. Wala po talaga akong alam kung bakit sinabi ng iba na bawal ang spamming. Ang alam ko kase sa spam, maliban sa pagkain, yung software na ang syang gumagalaw at gumagawa non. Hindi po ako magtatanong kung may aydeya po ako tungkol nitong spamming na to. Pasensya na kayo ngayong tumatanda na kase ako ngayon ko lang naranasan at na aplay tong sistema ng makabagong siyensya natin.
Sana po may sasagot, malaking tulong na po ito sakin ng malinawan po ako sa aking pagkakalito. At baka din kase nakapag spam ako at di ko namalayan na yun na pala yung ginagawa ko at bigla na lanh din akong ma banned dito. Sayang din naman yung effort ko di ba, okay lang sana kung may first offense, second , third hanggang matuluyan na akong na talagang matanggal. Sana please may magcocoment po kung ano po talagang ibig sabihin nung spamming. Please sa mga magcocoment subscribe ko po kayong lahat. Salamat po sa lahat ng sasagot. God bless you all.
Para po sakin ang ibig sabihin ng spamming eh yung ngsesend ka po ng comments or messages na hindi naman relevant sa topic at paulit ulit.