Darating Sya, Wag mawalan ng Pag asa

0 6

Magandang araw sa ating lahat. Ako ay narito na naman. Gagawa na naman akong panibagong artikulo. May naalala lang ako, na parang nagpakilig sa akin. Yun kase ang unang may nagbigay sakin ng bulaklak.

Balikan natin yung panahon na kung saan may nanligaw sa akin na kapwa ko trabahante sa isang kompanya. Bawal po iyon sa amin na nagliligawan lalo na't iisang departamento lang kayo. Di ko po ipinagkaila ang katotohanan sa lahat na ako'y isang disgrasyada na babae sa madaling salita dalagang ina.

Sa kadahilanan na di ako pinanagutan nung dati koy kasintahan, at ito naman ako ngayon nakabangon na din at naitaguyod ko naman ang aking pamilya, ang aking anak na kung saan nasa pangangalaga sya ng aking ina at ng aking tiyang na matandang dalaga na.

Alam po ng lahat ang aking kwento sa buhay. Nilisan ko yung probinsya namin at nagtatrabaho dito sa Maynila. Gawin nalang po nating maikli yung kwento, ayaw ko nang ilalahad lahat lahat pa.

Balik na tayo sa kwento ko, na kung saan may nanligaw sakin, nasa 34 gulang na ako noon. Nung panahon na yun, hindi na ako umasa pa na may magkakagusto kase bukod sa matanda na ako di naman din ako kagandahan,kumbaga wala akong maibubuga.

Galing kase sya sa ibang department namin at dahil sa kulang kami ng tauhan,sya yung napunta samin kung saan pasado sya sa mga hinahanap ng manager namin. Ah yun, naging kasama na namin sya, kwentuhan lang pag nagkatipon tipon kami lahat. Hanggang sa dumating yung point na niririto na nila sakin, tapos tumawa lang din akoπŸ˜€.

Wala sa isipan ko nung time na yun na sya din pala parang tinotoo din nya. Sa aming department kase kami lang yung magka edad mas matanda lang sya ng isang taon. Syempre di ko naman din inisip na magustuhan din nya ako, sa isip ko nong time na yun na malamang yung tipo nito ay sexy at maganda. Kung ikukumpara sya sakin alangan talaga ako πŸ˜€. Pogi, masipag at matalino pa. 😁

Pagdaan ng pitong buwang pagsasama namin sa iisang department isang araw naging ka chat ko sya, hanggang sa don na nagsimula ang lahatπŸ˜€. Syempre noh, mapili pa ba ako, isang buwang panliligaw nya sinagot ko na din, kinikilig ako nung panahon na yun. At di nyo akalain nung sinagot ko sya may fireworks na pumutok sa harapan namin, parang sinaSadya ng panahon. Kase nasa Luneta kami nung time na yun. At hindi ko alam na may fireworks pala don sa ganong oras. First time naming pumunta don na magkasama.

At naging kami na nga, sya yung unang nagbigay sakin ng bulaklak sa totoo lang. Kahit matanda na ako hindi pa ako nakaranas ng ganon hanggang sa mga araw na naging unang buwan namin na magkasintahan. Di ko po maipapaliwanag yung nararamdaman ko nung panahon na yun,namumula ako't nanlalamig hahah, naging tenager ulit ako.

Wag na natin pahabain pa, lumipat sya ng ibang kompanya, at magdadalawang taon na kami. Kahit lagi nag aaway pero heto going strong pa naman. At balak na din po namin magpapakasal. 😊

1
$ 0.00
Sponsors of Rena
empty
empty
empty

Comments