Datung o Pag-ibig?

0 10
Avatar for Ren-20
Written by
3 years ago

Kung hindi madalas ay minsan napapaisip tayo kung saan tayo lulugar sa mundong ating kinagagalawan ngayon. Para sa iyo ano nga ba ang mas mahalaga- datung o pag-ibig nga ba? Mula pagkasilang natin dito sa mundo ay puno na tayo ng atensyon at pagmamahal ng ating mga magulang para lakipan ang buhay natin ng tunay na pag-aaruga. Pero sa kasamaang palad ang iba namay hindi ito tinugunan ng iilang magulang ang dapat sanay gampanan ang tungkulin bilang isang ama't ina sa kanyang tunay na anak. Salamat na rin sa mga mag-asawa na kahit walang anak ay nagawa pa nilang gampanan ang tungkulin sa di nila kaano-ano ay inalagaan pa nila ito na para naring tunay na anak. Habang tayo ay patuloy na nabubuhay at tumatanda ay nadadagdagan din ang ating mga pangangailangan-pinansyal man, emosyunal, spiritual at maging tunay at wagas na pag-ibig na ating inaasam-asam sa buhay. Bilang isang dalaga at binata napatanong tayo madalas kung papaano natin dalhin ang ating buhay dito sa mundong puno ng lumbay at tukso na nakaabang palagi saan man tayo mapaparoon. Aminin man natin o hindi ay hindi natin matatakasan ang mga pagsubok na ito yun ay ang mahulog sa bitag ng mapang-alok na pera o mapang-tukso na biro ng pag-ibig.

Ikaw kung papipiliin ka ano ang iyong pipiliin? Datung? o Pag-ibig?

Nakakalungkot man isipin at damhin na ang iba ay tuluyan ng nilamon ng panandaliang aliw sa mga ginusto nilang mangyari sa kanilang buhay. Kaharap nila ngayon ang mapang-abusong tukso na tuluyang nauwi sa pagiging martir sa pag- ibig at ang iba naman ay halos kumakapit sa patalim para lang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangang pinansyal sa binubuhay na naghihirap na pamilya. Sabi nga nila bahala na saging basta labing labing. Aanhin mo din ang bahay na bato kung ang nakatira naman ay kwago. Ikaw napaisip ka ba ngayon kung alin sa dalawa ang pipiliin mo? Totoo na ang datung at pag-ibig ay tunay na kailangan ng bawat isa sa atin para mabuhay at makagalaw dito sa mundong ibabaw. Pero ang sobra sobra o labis na maibigay nito sa ating buhay ay makakasama rin pag tumatagal. Gayundin kung wala tayong ginawang pangmadaliang hakbang upang tugunan ang isang pangangailangan ay para na ring isang sakit na halos hindi magamot gamot sa isang lipunan. Hanggang saan nga ba tayo madadala ng datung o pera sa ating gustong pupuntahan at mangyari sa buhay, gayundin sa pagmamahal ng isang tao hanggang kailan pa din ba tayo maging martir na ibuhos ang lahat na meron tayo sa ngalan ng pag-ibig. Ika nga nila ang pagmamahal ay pagpaparaya. Pero sabi ko naman bilang may akda ng artikulong ito na ang tunay na pag-ibig ay nakikita ang lahat ng mabubuting gawa. "Love is blind to others" but for me "Love is supersighting". "Loving a person can simply means taking care as she/ he is, you tend to disregard all her/ his eccentricities since you have already accepted the fact that you still believe in her/ him no matter what!" Siguro naman sa kasabihang ito ay hindi na puro pera ang dapat pag-usapan. Ano pa ba ang halaga ng pera kung tunay naman na pag-ibig ang pupuno sa buhay ng isang tao. Sa buhay hindi madalas pera ang kailangan, punan mo lang ito ng pagmamahal tiyak magiging ok na ang lahat. Aanhin mo ang datung hindi mo yan madadala kapag wala na ang isang buhay. Kaya ikaw anong pipiliin mo? Datung? o Pag-ibig? Nakasalalay sa iyong mga kamay ang kahihinatnan ng magiging resulta ng iyong desisyon sa buhay. Kaya maging wais! Sa huli ikaw pa rin ang magdedesisyon sa iyong magiging kapalaran. Sabayan mo lang ito ng dasal at humugot ng lakas sa kaitaas-taasan para gabayan ka ng Maykapal. Salamat po ng marami sa pagbasa ng artikulong ito. Sana kahit papaano ay may napulot kayong kunting aral. Mabuhay po tayong lahat!

1
$ 0.00
Avatar for Ren-20
Written by
3 years ago

Comments