Resibo

0 10

Noong mga panahon ng dating normal, mga 150 people pa lang ang naka work from home, marami pang tao ang nagkalat, sumakay ako ng bus. Nang makaramdam ng lamig at ginhawa, agad akong nakatulog. Naalimpungatan ako sa pag gising ng konduktor hanap ang ticket. Sa gulat ko, resibo ng grocery ang naibigay ko

Resibo ang Laging binibigay para makalabas ng grocery, patunay na bayad na ang lahat ng dala mo. Ito rin ang pinapakita sa parking officer bago lumabas, pruweba na sayo ang minamanehong sasakyan.

Kaibigan ang resibo. Kampante ang tao kapag meron nito, minsan nga naka screen shot pa para hindi mawala ang kopya. Kapag may sirang gamit, at under pa ng warranty, unang hinahanap ay resibo.

Resibo...

Ito rin ang hiningi ni Thomas sa Bibliya, nang makarinig sya ng balitang, nabuhay na muli si Hesus. Para sa kanya, 'to see is to believe'.

Pruweba.

Sabi nya, “Hindi ako maniniwala hangga't hindi ko nakikita ang mga butas ng mga pako sa kanyang mga kamay, at hangga't hindi ko nailalagay ang aking daliri sa mga iyon at nahahawakan ang kanyang tagiliran.”

Pero, ang pagdududa ni Thomas ay buong ingat na pinawi ni Hesus. Una nyang nasabing,' suma inyo ang kapayapaan', pagkatapos ay malumanay nyang inanyaya si Thomas na hawakan ang bakas ng sugat sa katawan.

Sa katotohanang na witness ni Thomas, kanyang nasambit ' My Lord, My God' ... Isang katagang nagpatunay na lubos nang naunawaan ni Thomas ang Kanyang pagka Dios.

Relate ka ba kay Thomas. Ako, kahit na bago mag pandemic, at lalo na ngayong tila hindi masilip ang hangganan ng bukas... Oo

Sa tanong ng bunso ko na 'makakalabas pa po ba ako?'

At sa tanong ng maraming kakayanin pa ba to?

Angkinin natin ang sagot ng nagpapatuloy na sikat ng araw. Maliwanag na ito ay resibo ng kapangyarihan ng Panginoon. Mabuti na lang hindi sya naka work from home

Sa lahat n dinadapuan ng pagdududa pa minsan minsan, ang resibo sa John 20:26 ang I claim mo, Sumainyo ang Kapayapaan.

7
$ 0.00

Comments

Maya po Yan.. tiwala Lang po. Hindi Naman panghabang buhay Yung virus nato. Importante maging matatag Lang po Tayo sa bawat araw

$ 0.00
4 years ago

Amen

$ 0.00
4 years ago

At sumaiyo din.. nakakatuwang makabasa ng verses mg bible dito.. naihayag mo ng maganda at malinaw ang gusto mo ipabatid sa mga mag babasa ng article mo.. nagustuhan ko talaga to.. hindi ako mahilig magbasa ng bible pero mahilig ako makinig lalo na kung sa maayos at maganda ang pagpapaliwanag..

$ 0.00
4 years ago

To God be the Glory

$ 0.00
4 years ago

Salamat sa pagshare nito lalo na sa mga panajon ngayon na nawawalan na tayo minsan ng tiwala sa kanya

$ 0.00
4 years ago

Kahit kailan di Niya tayo pinabayaan.

$ 0.00
4 years ago