Kwentong pag ibig in lola

3 9

Kahapon ng hapon habang kami ay nag mimiryenda ...nagluto kasi ng pansit at biko si Lola. At habang kami ay kumakain ..nagsimula syang magkwento tungkol sa kanyang nakaraan na pag ibig.tandang tanda pa nya ang nakaraan .Taong 1954 si Lola ay 21 taon gulang palang.at dahil may lahi silang espanyol ..tisayin at napakaganda ni Lola..mahigpit ang mga magulang nya nun..at halos nasa loob lang sya ng bahay..isang araw ng linggo habang sila ay nasa simbahan ..may napansin syang lalaking matipuno na nagtitinda ng gatas ng kalabaw..at parang biglang lumukso ang puso no Lola ng oras na iyon pero di nya ito pinahata ..dahil dapat mahinhin ang mga babae noon..ngunit ang lalaki na ito kanina pa nakita so Lola at parang nalove at first sight ata sa kanya.kaya ang ginawa nya upang mapansin sya nito.lumapit ito sa kanya at inalok ang tindang gatas..nagpakilala ang lalaki at ang ngalan pala nito ay Pablo..yun ang umpisa ng kanilang pag iibigan ngunit Hindi naging madali sa kanila dahil tutol ang mga magulang in Lola..dahil isa lamang daw itong hamak na nagtitinda ng gatas ng kalabaw..di nawalan ng pag asa si Pablo ..ipinaglaban niya ang pagibig nya Kay Lola..nagsibak sya ng kahoy,nag igib ng tubig ,at kung anu ano pa ang kanyang ginawa para lang magustuhan siya ng magulang no Lola..lumipas ang mga araw,taon nagkaroon din ng puwang sa buhay ng magulang ni Lola si Pablo at pumayag na sila sa kanilang pag iibigan ...taong 1957 ikinasal sila lolo at Lola at nagkaroon ng labing apat na anak ..baog pa daw sya...at nagsama sila ng masaya...at ngayon wala na si lolo Pablo ..sa mga alaala nalang ni Lola ang nakaraan nila lolo..na minsan isang araw magkikita silang muli.

1
$ 0.00

Comments

Ang cute naman ng story ng lolo at lola mo! Pero nalilito lang ako sa part na may 14 silang anak pero baog siya? Ano po meaning nung?

$ 0.00
User's avatar Ace
4 years ago

He he yun po ang katawagan ng mga matatanda ...parang joke

$ 0.00
4 years ago

Ibang iba ang panahon nila noon. Kailangan pang manilbihan ng lalaki sa pamilya ng babae. Ngayon hindi na yan ginagawa, yung ibang babae ipapaalam nalang sa magulang na buntis na kaya kailangan na magpakasal, yung iba naman nagsasama nalang sa isang bubong ng hindi alam ng magulang. Nagbabago talaga ang panahon. Iba na ang henerasyon ngayon. Masyado ng moderno ang mga kabataan.

$ 0.00
4 years ago