read.cash Log in
R@Ra42no more from that month

Birthday greeting from my father.. Nagcomment yung kinakasama ni papa sa post ni hubby na birthday greetings for me kahapon.. napaluha ako kasi namiss ko si papa lalo.. Bago naaksidente si papa, yearly ng birthday ko kasama ko man cia or hindi ay walang makakauna sa kanya sa pagbati sa akin.. exactly 12 o'clock mag greet na talaga cia at may sweet messages lage.. 🥺 ngaun kasi ang dami na talagang nagbago sa kanya dahil sa aksidente na yun, hindi nadin cia nag ccp, nakakausap ko nalang cia pag tumawag ako sa kinakasama nya, buti nga ay hindi nya pa ko nakakalimutan.. kung kaya ko lang talaga na dumalaw sa kanya lage eh. Isa sa wishes ko na sana hindi pa huli ang lahat, kahit 2 years na yung accident sana ay makarecover pa si papa.. Amen.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.