read.cash Log in

@Ra42no

Joined 28 June 2020 · 992 posts

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

R@Ra42no

Anniversary date.. 10 years wedding anniversary namin ni hubby.. gusto sana namin icelebrate at kumain sa labas kasama ang mga bata kaya lang nakakatakot din kasi ilabas si bunso dahil sa nauuso na naman ang hfmd.. kung puede nga lang wag na papasukin sa school ang ate at kuya nya, pero hindi. Hehe.. Kaya ayan kami lang ni hubby ang nag date at after kain at bili ng pasalubong sa kanila ay umuwi nadin kami agad..

R@Ra42no

Kagabi, nilagnat yung panganay ko.. buti nalang nawala din agad nung madaling araw until today wala na.. ang sad lang ngaun gabi biglang sumama ang pakiramdam ng pangalawa ko ung 5 years old, at eto na nga ang temperature nya.. dumadaing din cia na masakit ang ulo pero papasok padin daw cia sa school bukas.. sana lang wag na tumaas ang lagnat at tuluyan ng mawala.. pero di ko nadin muma cia papasukin.. 😔

R@Ra42no

What's for dinner noisers? At dahil tinamad na naman magluto, dahil nga madalas ay pagod nadin sa gawaing bahay, school ng mga bata, at sa bunsong makulit... Ayan bumili nalang si hubby ng fried chicken na request din nmn ng mga batang matakaw sa chicken.. at cyempre after dinner yung takoyaki naman saken para sa mid night. 😂

R@Ra42no

Diy book character costume for reading month celebration ng anak kong kinder.. Karamihan puro disney princess ang gusto kaya cla ay naka gown. Yung iba bumili or nagrent.. ako naiisip ko saglit lang ang suot at wala namang competion. So nag isip at nag research ako ng character na madali gawin ang damit. Ang nakita ko ay si QUEEN of Hearts sa Alice in Wonderland. 😁 Gupit lang ng hearts at idikit sa dress 😂 with wand at crown na Diy din . nakaraos. 😂

R@Ra42no

1 month ago the last time i posted here.. 😂 Ang hirap, nakakapagod pala pag may dalawa ng studyante na sobrang asikasuhin pa.. isang kinder at grade 3.. naloloka na ko pagkasyahin ang oras feeling ko kulang na kulang.. tapos meron ka pang ganito kaliit at kakulit na bunso.. buti nalang ay cute, nakaka tanggal din talaga cia ng pagod at stress ko. 😁

R@Ra42no

Ang happy na naman ng puso ko. 😂 Sobrang babaw ng kaligayahan ko, mga kakanin lang ang saya ko na talaga.. itong putobumbong na to parang sobrang special na nomito saken.. haha. Yung pagkinakain mo talagang ang saya. 😂

R@Ra42no

Push na to para sa small extra income.. barya man ang kitaan ay dadami din pag naipon sabi nga nila.. haha.. Sobrang nacurious ako ng minsan binanggit saken ng mga anak ko na gusto daw nila ng polvoron at kung marunong daw ba akong gumawa.. so naisip ko magtingin sa youtube, ganon lang pala sabi ko tapos puede din pang business.. sabi ko cge 1 time maitry nga bibili lang ako ng ingredients. Until nakita ko sa fb ang isang friend na c mommy @yen na nag invite din dito saken sa noise na naggagawa na nito.. nag ask ako sa kanya kasi cyempre cia nakagawa na personally.. and ayun, na amazed ako na ang sarap din talaga. At puede talagang itinda.

R@Ra42no

Baby makulit.. Pag kakain ng ice cream sa cone, ginagawa nya kinakagat nya yung pinakababa ng cone.. cyempre mabubutas at tutulo na ang ice cream.. kaya ang ginawa ko binilhan ko cia ng cone para kagatin man nya ay walang tutulo, tapos ay saken nalang cia kakagat ng ice cream mismo.. at napakagaling na bata naman porke walang laman ung cone nya di nya kinakagat yung baba. 😂

R@Ra42no

Our version of tuna sisig.. Nagcrave kasi ko sa sisig, ey ang mahal nasa 250 yung binibili namin na liempo sisig, kaya tyaga na muna dito sa mura at masarap din namang tuna sisig. Kain po

R@Ra42no

Low budget at nagcrave sa sisig? No problem at meron naman masarap at murang ingredients lang madali lang din iprepare.. haha.. Our version of tuna sisig.. 😂 naparami lang ata ang sili parang ayaw na magpakain. 😂 Happy dinner everyone..

R@Ra42no

Ang cute naman ng bunso ko, isinaman ko sa school nila ate at kuya nya.. naawa kasi ko na lage cia naiiwan. Sobrang lungkot ng face nya lage pag umaalis kami, 3 and half hours din ako naghihintay sa paglabas ng ate at kuya nya.. kaya kahapon at kanina ay isinama ko cia.. mabait lang naman cia at nakakatulog din kahit 30 mins.haha,. May tent na malaki doon at mahangin naman kaya okay lang na minsan isama ko din cia..

+1 more

R@Ra42no

Late post ng birthday celebration ni hubby. Birthday nya kahapon, nagleave cia sa work.. instead of maghanda ay naisip nya na kumain nalang kami sa labas at paglaruin ang mga bata.. kasi alam nya na un ung magpapasaya sa mga anak nya at madalang din naman mangyari yun kaya kesa ipanghanda yung pera nya ay don nalang ginastos.. haha.

+2 more

R@Ra42no

Baby na makulit . Parang matanda narin mag act minsan tong bunso namin. 😂 Makikita mo nalang sa mga sulok sulok oh isang tabi na may ginagawa mag isa nya.. minsan pinababayaan ko nlng cia pero nakatanaw padin ako cyempre lalo pa at bigla bigla umaakyat din sa hagdan at mga upuan. 😂

R@Ra42no

Pork sinigang.. Maulan din ba sa lugar nyo? Dito samin sa Laguna maulan.. akala ko nga makakapagpatuyo pa ko ng nilabhan kasi kanina maaraw pa, after ko magsampay ay unti unti na dumilim at umulam na nga. Haha. At dahil nga maulan eto ulam namin.. mainit na sabaw dapat.. dami na naman kain ng mga bata nito.. Happy lunch po.

R@Ra42no

160 pesos pizza.. Ang yummy ng merienda.. namiss na ang pizza pero low budget lang kaya dito nlng ako bumili sa loob ng subdivision samin.. sakto lang ang sarap sulit narin sa price nya, kaya everytime na mag crave kami at wala kaming malaking pera talagang eto ang inoorder ko. Haha..

R@Ra42no

Happy dinner noise fam.. Oh ha, taob kaldero na naman po ito.. kahit na mas masarap to sa fried rice at di ko na mahintay ang bukas eh niluto ko na cia ngaun. 🤣 Same kasi kami ni hubby na nag crave na kahit na may tira pa kami nilagang baboy na ulam kaninang tanghali.. 🤣 sa mga bata nalang ipinaulam ang sabaw at samin ito.

R@Ra42no

Nagchat ako kay hubby kanina.. sabi ko nagcrave ako sa donuts,, alam nya na agad na dunkin yun.. pag uwi sabi nya agad sa bunso namin "baby may pasalubong ako sayo" sabay abot ng donut.. ang baby ayaw na bitawan kasi nga sa kanya binigay. 🤣 Tapos yung kuya at ate, mommy magbabaon kami nyan bukas.. so asan na yung saken? 🤣

R@Ra42no

Happy kiddos.. Mga batang nagwagi vs sa tatay nila.. dahil nga ang selan ni hubby sa mga anak, hindi cla basta basta dinadala kung saan.. halos madalang din kami kumain sa labas kahit na may pera minsan na pangkain.. more on drive thru tlaga. 😁 Pero dahil araw araw pag napapadaan papasok ang mga bata pag may pasok nakikita nila itong peryahan ay araw araw din nilang inaaya ang tatay nila.. di din naman natiis ang mga anak kaya ayan napagbigayan ng konting laro at dahil katapat ng peryahan ang mcdo, deretso kain din. 🤣 Kahit masakit sa loob ko na gumastos ng halos 3 kl bigas na sa extra rice palang.. 😑 ewan ko pero di talaga ko nag eenjoy sa ganito, alang alang lang talaga sa mga bata. 😁

+2 more

R@Ra42no

Dinner overload. Dahil maulan, namiss ko bigla ang sotanghon.. sabi ni hubby luluto daw cia para sa ulam, sabi ko di ako nag uulam non gusto ko cia papakin lang.. kaya ginawa nya dinagdagan nalang yung binili nyang chicken dahil un naman ang sahog ng sotanghon at ipina adobo nalang nya saken. 😁 Kaya hanggang bukas may breakfast na kami, may pang ulam pa sa lunch. 🤣

R@Ra42no

Happy dinner.. Fried chicken ang biniling ulam ni hubby for dinner dahil nagchat yung panganay namin sa kanya na gusto daw nya ng chicken.. 😁 infaireness masarap yubg chicken na 45 pesos each,malutong pa ang balat kahit medyo malamig na. ako naman nagpapabili kay hubby ng putobumbong na nauwi sa takoyaki. 😁 Wala daw kasi ciang nakita na putobumbong, kesa umuwi daw cia na walang pasalubong ay etong takoyaki nalang binili nya 🤣

R@Ra42no

Sobrang busog simula merienda hanggang hapunan na dahil sa 58th birthday celebration ni mother inlaw.. ang tyaga nyang magluto kahit cia lang talaga, konting help lang ang ambag namin.. haha

R@Ra42no

My mother inlaws 58th bday today.. Sobrang solved na naman ang aming meryenda to hapunan sa dami na namang foods.. nakasanayan na talaga ni mama na maghanda at luto lage kahit solo lang cia sa pagluluto.. tumutulong lang kami sa paghihiwa at pag gayak ng lahat.. kahit na lage sinasabi ni papa na kain nalang kamo sa labas ay mas gusto nya talaga yung ganito kahit pagod cia lage.. 😁

R@Ra42no

Craving satisfied.. Almost 5 or 6 months ata ng mag open to, sabi ko kay hubby non 1 time kain kami dito.. until nung isang gabi super traffic sa mga dinaanan nya pauwi at dahil malakas din ang ulan ay may baha baha din.. insyead of 6pm nasa bahay na cia ay 8pm non naipit padin cia sa taffic, inabot na ng gutom at napadaan nga cia dito at naisipan ng dito nadin kumain.. Eh nainggit ako at di nya ako kasama non, kaya kaninang lunch ay inaya nya ko na dito kumain.. ang sad kasi puro stolen kuha, tapos yung wala ka man lang kaayos ayos kahit powder wala. 🤣

+1 more

R@Ra42no

Wow..😲 Thank you mommy yen for inviting me again here at noise.app.. Explore muna ko kung anong bago dito, nakaka-excite padin naman talaga kahit na feb. 2020 nung nag join ako sa noise. Marami narin akong naging virtual friends kahit papano.. Have a safe night po, rainy night here sa amin..

R@Ra42no

Batang makulit.. Nakita nya yung payong ni ate nya,pinabubuksan nya saken. At ayan kahit na ang bigat pilit nya talagang dinadala.. malaki pa sa kanya yung payong.. 🤣 Anong lunch nyo po? Kami ay giniling na sinamahan ko nadin ng nilagang egg para pamparami.. 😁 Happy lunch po..

+1 more

R@Ra42no

Ang cute ng bunso.. Ang sarap na nag tulog eh, biglang naupo kahit nakapikit.. waiting ako kung anong gagawin eh, kung tatayo ba oh ano.. ilang minutes din palinga linga lang cia,. Patay na kasi ilaw, liwanag lang sa labas ang meron.. vinideo ko cia, di ko lang binuksan agad yung flash para di masilaw.. bigala nalang din ciang dumapa at ayan itsura nya. Haha.. nasilaw din sa flash . Natulog din naman agad cia pagkapatay ko ning flash ng cp haha

R@Ra42no

Lakas ng trip ng magkuya.. Kakapanood ng tiktok kung ano anong ginagaya, pero nakakatuwa din naman.. nakita ko lang silang dalawa kaya pinicturan ko.. 🤣 Tinanong ko kung anong ginagawa nila at si ate andon sa loob ng kumot . Sabi ni kuya kunyari daw lumulutang cia habang nakahiga at nakakumot. 🤣

R@Ra42no

Para daw kaming pinagbiyak na bunga ng aking 2nd baby.. hehe.. kinder din ako nyang picture na yan.. nasisilaw ako jan ako ako nakasimangot, ang sabi nila dahil daw masungit talaga ko at saken din nagmana ng katarayan ang aking baby.. haha..

R@Ra42no

Suggestion for small business please.? Sobrang sakit na ng ulo ko kung anong small business ang puede namin simulan ni hubby.. mejo ang bigat na kasi ng gastusin lalo pa face to face na at dalawa na ang student namin kahit na elementary palang sila.. dahil si hubby lang ang nagwowork tapos may baby pa, good thing nadin na saken cia nagdedede kasi tipid padin.. diaper at wipes ibang solid foods ang malaking gastos lng kay bunso. Pero ganon pa man Nararamdaman ko na talaga yung lumalaking gastos namin. 😔 Suggest naman po kayo, at cyempre yung sa tingin nyo kakayanin kong business dahil may baby pa ata isang 5 at 8 yrs old ang aking mga alagain Thanks sa mga papansin

R@Ra42no

Opigesic suppository (paracetamol) Ishare ko lang itong gamot sa lagnat na ginamit ko sa panganay ko, dahil cia nga yung last na nilagnat at umabot din ng 39 ang temp nya.. nagchat saken yung cousin ni hubby non na pharmacist dahil nakita nya yung myday ko sa Fb na temp ng panganay ko, nag ask agad cia kung ano tinetake na gamot. Sabi ko bioflu.. sinabihan nya ko na iyong OPIGESIC ang ipabili ko kay hubby dahil nga suppository cia ang bilis daw nito magpababa ng lagnat dahil pagpapawisan daw agad ng sobra after ma insert to.. Then nung gabi pag uwi ni hubby at after ko mainsert yung gamot, 1 hour mahigit nagulat ako kahit naka aircon kami ay sobrang basa ng pawis si kuya, umepekto na yung gamot. Tapos pawisan pagkuha ko ng temp ay nag 37.1 agad temp nya na di bumababa ng 38.5. until kinabukasan di na tlga cia nilagnat.. kahit once a day lang daw insert ay okay na.. meron din daw pang matanda nito, basta sabihin lang kung pang bata or matanda pagbibili kayo.