read.cash Log in
R@Ra42no

@Ra42no in March 2022

R@Ra42no

Sana all.. 😁 Yung gusto ko may mga ganitong plants, flowers sa harap ng bahay.. ang sarap magkape at mag paupo upo sa ganito sa umaga, tanghali, sa hapon at gabi.. Gusto ko ng ganito pero bukod sa dagdag trabaho pa sa ngaun ay wala din akong budget sa ganito karami.. minsan gusto ko na ngang biruin yung mother inlaw ko na baka naman puede extension ng mga ito sa bahay namin.. haha.. kahit dagdag trabaho ko pa yan sa araw araw ay okay lang, yung gastos ang mahirap eh. πŸ˜‚ Sino…

R@Ra42no

Good morning noise fam.. Wala kong maisip na maishare na post.. pero eto ang aking baby, at the moment na sikat na sikat na ang araw cia naman ay tulog na tulog padin.. eto na ata ang pinakalate nyang igigising. 8am na eh.. usually ay before or 6am gising na ito.. na eenjoy nya pa ang lamig dito sa loob ng kwarto.. Rest day din ni hubby kaya late nadin ako nagising mga 7am na... Prepare muna ko ng breakfast habang tulog pa sila.. 😁

R@Ra42no

Anong masarap kapartner? Pag ako ang tatanungin, cyempre kape.. haha.. medyo mainit ang panahon pero mahangin.. saka the best saken ang kopiko black para dito.. 😁 Okay na saken itong merienda ko, tagal ko nading hindi naka order nito dahil ngaun lang ulit nag gawa si ate na binibilihan ko dito sa amin.. ang saya ko na naman sa maliit na bagay. πŸ˜‚ Kain po tayo..

R@Ra42no

Dinner time.. Ulam na namin kaninang lunch itong pork nilaga.. Pork na ang daming taba.. πŸ˜‘ pag si hubby talaga ang bumili ay ganito lage.. tuwang tuwa naman ang aking mother dahil kahit high blood cia ay ganito talaga ang gusto nya.. kaya ang sabi nya ay may galit daw sa kanya ang manugang nya dahil pinapabilis daw ang buhay nya. πŸ˜‚ Pero deep inside ay tuwang tuwa cia dahil yung gusto nya ang binibili ni hubby, kahit na si hubby ay ayaw ng taba ng baboy. πŸ˜‚ Ayun lang naishare…

R@Ra42no

Beat the heat... Yung mga batang feeling init na init na.. Sikat nga ang araw pero mahangin naman.. maya maya yan, mga nanginginig na yan sa lamig.. Lalo yang si kuya, nanginginig pa yung baba. Di ko alam bakit ganyan sila ang bilis lamigin sa tubig, pero sa aircon at electricfan naman ay mga babad na babad sila.. Gusto ko din isama si baby sa kanila kaya lang ay baka lamigin din masyado, okay sana kung hindi mahangin. Prepare na tayo ng pang lunch noise fam..

R@Ra42no

Anong plano na naman ng mga batang ito? Pinatayan ko na nga sila ng ilaw ng makatulog na, kaso eto naman ang ginawa nila.. nag pabukas ng flashlight sa phone ng tatay nila saka naglaro ulit.. 🀦 Mauna na kaya akong matulog sa kanila. Haha. Pati ang bunso ay tuwang tuwa pa ginagawa ng ate nya.. Maya mayang konti ay patutulugin ko na sila at baka mauna pa ko makatulog.. good night..

R@Ra42no

Preparing dinner .. Gulay muna tayo ngaun. Ginisang sayote at sahugan natin ng konting pork para ganahan padin yung mag aama ko kahit gulat to . Haha . Kumakain naman sila ng gulay, kaya nga lang ay mas ganado sila pag ganito ang sahog.. 😁 Ang bilis ng araw, friday na ngaun at weekends na naman.. parang hinihila na ang araw ng aking kapanganaka.. march is my birth month but not my favorite month, yung palayo na ng palayo sa dulo ng kalendaryo ang age ko. πŸ˜‚

R@Ra42no

Adobo ribs for lunch.. Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at biglang ang ganda ng mood ko kaninang pag gising. 😁 Naisip ko bigla na magluto ngaun. Sabi tuloy ng mga anak ko "my nagluto ka?" Haha. Bakit parang di sila makapaniwala. πŸ˜‚ Sabi ko ay, enjoyin nyo na at kelan pa ulit masusundan yan. Bukas lutong ulam nalang ulit tayo. Happy weekends noise fam. Kain po tayo..

R@Ra42no

Craving for tonight.. Nakita ko lang na may natitinda online dito sa looban namin.. di ko napigilan tuloy mag order kahit may ulam kami ito ang gusto ko ulamin.. haha.. fried isaw po kayo jan, malutong pa.. sinamahan ko nadin ng barbeque.. 😁 kaya kong ubusin ito wag sanang makiagaw si hubby. Kayo po kumain na ba? Now palang po ko kasi hinitay ko pa ito.. kain tayo .

R@Ra42no

After 2 years.... Dahil sa pandemic ngaun lang ulit nakaranas mag swimming. Haha.. ang tagal nadin, kaya super naging busy ang maghapon namin ni hubby, with our kumpares, kumares and their families.. ang saya din talaga.. pati ang mga bata ay super enjoy kaya okay lang kahit pagod.. from Laguna to Tayabas Quezon.. hehe. Thank You Lord for keeping us all safe.. πŸ™ Good night to all .

R@Ra42no

Yesterday's bonding.. 1st time nakalabas at malayo agad ang ginala ng aming bunso.. ayaw ko pa sanang sumama dahil from Laguna to Quezon nga.. May takot akong lumabas at medyo malayo lalo para sa mga bata.. pero dahil nga gusto ko din na mag enjoy sila, sinamantala ko nadin ang pagkakataon lalo pa at kaunti lang din naman ang tao dahil limited lang dina ng guest na tinatanggap don sa resort.. Ang sarap sa feeling ng nakalabas ulit at makikita mong super nag enjoy ang mga…

R@Ra42no

Time check.. 10:38pm At dahil 6:30pm kami kumain ng dinner kanina, sa oras na ito akoy gutom na.. 😁 sabi ko na kasi matutulog na ko ng 9pm kaya lang pa ko makatulog, eto tuloy kain na naman.. haha.. masama pa minsan may stock na pagkain eh, di talaga matiis pag nakaramdam ng gutom.. wag lang sana magising ang bunso kasi wala ako sa tabi nya.. Good night na po sa iba jan.. sa mga di pa matutulog, samahan nyo muna po ako. Haha

R@Ra42no

Tikoy from Quezon.. Dati nagtry ako tumikim ng tikoy, di ko nagustuhan yung lasa.. di ko alam kung bakit pero ayaw ko talaga.. simula noon talagang kahit saan pa galing or bili ang tikoy ay hindi talaga ko kumakain or kahit tikim man lang.. Then nung isang araw bumili yung isang kumare namin nung nasa Quezon kami. Nagbigay cia cyempre tinanggap ko narin. Tapos eto naisipan ko ciang tikaman, di ko ineexpect na magugustuhan ko.. 😁 ang sarap nito, malayo don sa natikman ko…

R@Ra42no

Early breakfast.. At dahil ang aga kong nagising dahil nagugutom ako, nagluto na ako agad habang tulog pa ang aking baby.. pero parang ayoko muna ng rice, parang mas gusto ko sila ipalaman sa tinapay.. tapos mga 9am ako mag rice. 😁 Kaya mag dadalawang inom din ako ng kape pag ganon. Okay lang naman siguro, minsan lang. Haha. Good morning to all.. stay safe..

R@Ra42no

Our baby.. Naglalaro ang ate at kuya sa sahig, at dahil nakikita nyang maraming kalat na laruan ay nagpilit din ciang bumamaba.. need ko na talaga makabili ng malaki laking mat.. meron kasi sila konting puzzle lang, sure na hindi sapat dahil tatlo sila at ang dami ngang laruan.. di ko rin naman kayang bumili pa ng playpen kasi sayang din naman ang pera saglit lang yun magagamit. 😁 Ang dami na namang ligpitin nito mamaya.. preparing lunch muna dun tayo..

R@Ra42no

I β™₯️ Quezon province since last sunday. 😁 Bukod sa nag enjoy ako sa bonding at swimming ay super na enjoy ko din itong pianono.. bumili lang yung isang kasama namin at namahagi cia non pagdating namin fon sa resort.. sobrang nagustuhan ko itong pianono, di na nga lang kami nakabili noong pauwi na dahil sa pagod at gabi nadin kami nakaalis doon.. Then today nakita ko na may nagpost dito sa fb page sa subdivision sa amin na nagtitinda nito.. di na ko nagdalawang isip na bumili…

R@Ra42no

Mami for merienda . Nagcrave lang ako bigla dito kaya nagtingin ako kung may mabibilihan..buti may kilala si hubby kaya kahit nasa work cia ay nag order nalang cia at kahit isang order lang ay idineliver dito sa bahay..hehe. Di ko na kasi mahintay na mamaya pa kaya sabi ko now na ipadeliver ni hubby,buti nalang suki nadin cia don. Kain po tayo.

R@Ra42no

Bagong pagkakaabalahan..sino pong nakakapanood nito? The Broken Marriage Vow At dahil nga hindi na ko nakakapanood ng tv sa gabi dahil sa aking baby na gusto lage na sa kwarto at fon naglalaro.. hindi na ko nakakapanood ng mga drama.. 😁 nakikita ko lang ito sa commercial tapos naikukwento din saken ni mama. Dahil sa episode nung march 7 na nag reveal na si Jodi na alam nya yung pangangaliwa ng asawa nya ay na curious nadin akong manood nito dito sa youtube.. haha.. Ang sakit…

R@Ra42no

Good morning.. Vaccine day ng aking bunso.. ang aga namin nakagayak para maaga sa pila para konti ang tao at maaga din makauwi. kasi mahirap ng nasa labas ngayon kahit na mababa na ang alert.. dapat ay konti lang ang tao at layo layo padin.. 😁 Stay safe din po sa lahat..

R@Ra42no

Share ko lang.. Kanina morning after ng vaccine ni baby ay dumeretso ako sa school nila ate namin sa daycare dahil magsosoli at kukuha ako ng modules nya.. at dahil sa pagmamadali ko dahil nga kasama ko si baby di ko na naitanong pero napansin ko na yung project nila ate na popsicle house ay nakadisplay na sa tabi ng pinto pati na ang ibang house.. Then pag uwi ko maya maya saka nagpost sa group chat yung assistant ni teacher na yung mga naka display nga daw na house ay…

R@Ra42no

Happy weekends Pilipinas.. Si hubby hindi yata naka pag alarm kagabi, tapos napuyat kakapanood ng basketball.. buti nalang ay nagising si baby na magdedede kaya nagising ko din cia dahil nakita ko 6am na, dapat ay 5:45 cia bumabangon eh. πŸ˜‚ Pag ako kasi ay hindi nya na inaasahang gigising ng una dahil nga sa mayat maya din ako gumigising magdamag dahil sa pag dede ni baby.. Nakakatamad padin bumangon lalo pa schedule ng paglalaba ko ngaun. πŸ˜‘ Bagod na naman ng sobra nito, ang…

R@Ra42no

Pano kaya ako matatapos mag banlaw nito kung ganito? πŸ˜‚ Ang bunso kasi ayaw sumama sa lola nya, ayoko naman tumigil sa paglalaba at tatamarin na ako. Kaya kinuha ko nalang at gusto naman nya sa loob ng washing machine, wala naman na akong nakasalang kaya jan muna cia.. kaso itong ate at kuya nagpapaturo na maglaba.. nagmamadali sila masyado, di nila alam na pag marunong na sila ay sila na talaga ang maglalaba. πŸ˜‚

R@Ra42no

Happy sunday Pilipinas.. This is my sunday mood.. Done cooking Chicken Tinola for lunch.. ang totoo nyan kahapon ito nirequest ni panganay ko.. at dahil dami kong nilabahan kahapon hindi na ko nakapagluto, kaya now na nga lang.. Restday din ni hubby now kaya tuwang tuwa at ako ang nagluto. Kakain nadin kami ng maaga dahil kape lang ang breakfast kanina.. Kain na po tayo.. 😁

R@Ra42no

Blessing.. Bigay lang ito ng malapit dito sa bahay namin.. at ang happy ko na naman may partner na naman ang aking kape bukas ng umaga.. Nakahiligan ko na talaga ang Kopiko black tapos cake.. 😁 ang sarap pa ng flavor nya, mango.. tinikman ko na kasi di ko nadin mapigil, kung di lang gabi na ay magkakape pa ako nito. Haha.. Hindi cia ganon katamis at nakakain ko talaga yung icing nya unlike sa ibang cakes na super umay ako sa icing.. Patapos na agad ang week ends, another…

R@Ra42no

Suman, pichi-pichi with coffee.. Hindi pumasok si hubby today dahil his not feeling well daw. Pero lumabas cia para bumili ng lulutuing ulam, then may nakita ciang kakanin at alam nya kasing mahilig ako sa ganito kaya talagang bumili cia pang partner sa kape ko. Haha.. Alam nyang sa ganito kaliit lang nabagay at halaga ay ang saya ko na. 😁 Happy monday po..

R@Ra42no

Paksiw na bangus.. Kahit wala na naman ako sa mood magluto kanina at gabi na nga ay wala na naman akong magawa dahil request ito ni hubby.. dahil masama nga ang pakiramdam nya ay pinagbigyan ko nalang. Haha.. pero kung hindi lang ay ayoko talaga at nakasumpong na naman yung tamad ko sa pagluluto. 😁 Kayo po may kwentong ulam ba ngaung gabi?

R@Ra42no

My tuesday mood.. Eto na naman ako. Sinipag bigla, kasi nagcrave din talaga ko dito sa pork adobo sa gata. Nung nakaraan ko pa naiisip to eh, pero now lang din talaga ko sinipag at biglaan . Buti may pork kami dito sa bahay at may gata na tinda malapit dito sa amin. 😁 Happy lunch po.

R@Ra42no

From baguio.. Nung friday night pa si mother inlaw ay sumama sa friend nya sa baguio.. kagabi lang sila umuwi.. (sana all) lalo pa sa init ng panahon dito ngaun ay nakakainggit talaga na naka ilang days din sila sa baguio dahil ang sarap ng lamig don.. Nakakatuwa na ang dami din niyang pasalubong at ang gusto ko lahat itong foods.. meron din mga damit para sa mga bata. Hehe.. di nga daw nya namalayan na naparami na yung damit na binili nya para sa mga apo kaya wala ng para…

R@Ra42no

Her 1st time.. Sobrang init na ngaun dito sa amin sa Laguna.. mayat maya nadin ang pawis ng aking bunso. Hinuhubaran ko na nga lang ng damit.. haha. . Naisipan ko tuloy na paliguin din cia dito sa pool nila ate at kuya.. nung una ay ayaw nya kasi siguro nalamigan cia kahit na paa palang yung binasa ko... Maya maya ay ayaw na pasingitin ang ate at kuya nya sa pagligo.. maliit lang kasi yung pool. 😁

R@Ra42no

Tipas hopia.. Namiss ko na naman si papa na nasa ibang pamilya na.. hehe.. naalala ko kasi nung magkakasama pa kami don sa Province namin sa Nueva Ecija at cia ay nag dadrive ng taxi sa Manila, madalas ciang may pasalubong nito sa amin. Kaya bata palang ako talagang favorite ko na ito.. until now ganon padin yung lasa nya.. Bitin nga ito saken kaya lang iisang box na kasi yung natira ng makita ko may nagtitinda nito dito sa looban samin.. maya maya ay ayos ito sa kape kahit…

R@Ra42no

Friyay.. happy friday and happy week ends to us.. Mag eenjoy at magrerelax muna kami noisers.. haha.. ininvite kami ng Kumpare namin dito sa bagong gawa nilang resort at hindi pa naoopen, kami palang ang unang gagamit.. From Laguna ay andito kami now sa Tarlac.. Van din nila yung service namin at sila mismo ang driver.. haha. Tapos libre lahat ng foods dito.. Sinong ang tatanggi sa ganitong invitation kahit mahirap may tatlong batang dala.. haha..

R@Ra42no

Morning here at tarlac.. Hindi ko alam kung gano kahaba yung naitulog ko kasi putol putol talaga.. mayat maya ay umuungot ang aking bunso, parang ngaun lang nya gustong matulog ng ayos.. siguro ay namamahay cia dahil 1st time nya matulog sa ibang lugar.. bigla nalang ciang umiiyak kagabi hanggang kaninang madaling araw.. Ako ay nahihilo naman sa antok, gusto ko sana ciang sabayan sa pagtulog ulit ngaun kaya lang pag ganitong oras naman ay nahihirapan na ko matulog kahit…

R@Ra42no

Late time post, breakfast here in Tarlac.. Yung gigising ka ng kakain nalang ata ang daming foods pang breakfast.. hindi na namin kailangan mag help sa kanila sa pag gayak kasi nga ang dami at ang bibilis nila.. The best pa don aside sa food ay yung vibes nakakaalis talaga ng stress.. kahit medyo pagod talaga kakabantay sa mga bata ay hindi ako nagsisisi na sumama dito.. haha.. saka yung nakikita kong super enjoy din ang kids, mas lalong sarap sa feeling.. #enjoy

R@Ra42no

Day 2 break fast here in Tarlac . Busog na busog kami dito talaga.. yung di mo na alam uunahin mo sa pagkain.. tapos breakfast palang may niluluto na agad kasunod na foods, spaghetti, bilo bilo at pang lunch.. kain at tulog nalang ata sa gabi ang pahinga ng staffs nila dito.. hehe. Sana all ganito ang life.. chill lang.. Happy sunday noise fam.. And a blessed birthday today sa akin . 😁

R@Ra42no

Yung 3 days and 2 nights ng pinag stay sa resort nila ng libre ang lahat tapos after pa breakfast kanina ay nagluto na sila at eto daw ay handa ko.. tapos pati cake ay binili din nila.. πŸ₯Ί Feeling so blessed ako.. kahit na may age reveal sa cake ko. Haha.. grabe naman sa bait ng kumare at pare namin ni hubby.. blessing sila samin, parang mga magkakapatid nadin talaga yung turingan kahit na a year palang nagkakilala.. Thank you Lord sa bakasyon na super enjoy at ngaun birthday…

R@Ra42no

Birthday greeting from my father.. Nagcomment yung kinakasama ni papa sa post ni hubby na birthday greetings for me kahapon.. napaluha ako kasi namiss ko si papa lalo.. Bago naaksidente si papa, yearly ng birthday ko kasama ko man cia or hindi ay walang makakauna sa kanya sa pagbati sa akin.. exactly 12 o'clock mag greet na talaga cia at may sweet messages lage.. πŸ₯Ί ngaun kasi ang dami na talagang nagbago sa kanya dahil sa aksidente na yun, hindi nadin cia nag ccp, nakakausap…

R@Ra42no

May batang bagong ligo... Ng pawis.. haha.. Sobrang 8nit kahit na 5:15pm na.. hindi makasundo ang baby na makulit sa init siguro din ng pakiramdam nya kaya eto inilabas ko muna kasi kahit papano ay mahangin dito.. 😁 yung ulo nya pawis na pawis at ang asim na talaga..

R@Ra42no

Yung ang aga pa ay ganito na agad sila.. 🀦 Ang dami kong labahin, tambak na mga damit namin yung baon pa sa Tarlac.. 😁 wala akong masimulan dahil ayaw ng bunso na nawawala ako sa paningin nya.. Hindi rin cia kayang alagaan ng lola nya dahil nakasumpong ang hilo dahil sa pataas taas nyang Blood pressure sa sobrang init ng panahon . Ang hirap talaga gumawa sa loob ng bahay pag ganito kadikit sayo ang baby.. πŸ˜‘ Hanggang kelan kaya kami ganito.. minsan nabubugnot na ko kasi ang…

R@Ra42no

Late merienda.. Dahil tinatamad ako kanina at di pa naman daw gut ang ate at kuya ay now lang ako nag gawa ng merienda nila.. hehe. Ang hapunan nito for sure ay late nadin. Namiss na ng mga bata ang pancake buti nalang meron nabibilhan dito malapit samin. Sinamahan ko nadin ng pancit canton dahil ilang weeks nadin kaming hindi nakakakain nito. Tara na po kumain.. 😁

R@Ra42no

It's hot thursday.. Nag leave si hubby today dahil may lalakarin lang cia mamaya.. ang aga nya nagpalinis ng motor, at eto pag uwi nya ay may dala ciang pampalamig ng ulo ko. πŸ˜‚ Ang aga pa kasi kanina nabubugnot na ko sa init siguro at malapit narin magka period.. ayaw nyang mabugahan ko cia ng apoy or madamay sa init ng ulo ko kaya eto ginawa nya. Hindi naman nya alam na mahaba pa ang maghapon, maaring pagkainom ko nito saka ako magbubuga ng apoy dahil mas mainit mamaya..…

R@Ra42no

Kianna's 10 months today.. 2 months to go at mag 1 year old na ang aking bunso.. πŸ₯Ί ang bilis, every day gusto ko mapaluha pagtinitignan ko cia dahil sa bilis ng paglaki at paglipas ng araw di ko na namamalayan na baby no more na din ang aking bunso.. kung puede lang pigilan ang paglaki, pero cyempre hindi naman maganda yun.. haha.. Ang sarap lang kasi talaga laru latuin pag ganito palang na ang alam palang sabihin, dadada, tatata.. yung BA sa eat bulaga.. haha.. tapos 6…

R@Ra42no

Nakakainip at mainit na hapon.. Walang magawa at masarap ang hangin dito sa labas kaya lakad lakad kami ng mga bata.. sinilip ko nadin ang taniman ng aking father inlaw.. may aabangan na naman kaming papaya at saging.. 😁 Dahil nga mahilig sa papaya at saging ang mga anak ko kaya tuwang tuwa sila ng makita ang mga ito.. kunin na daw namin.. 😁 6pm na may konting araw pa ang kalangitan oh.

R@Ra42no

Saturday breakfast.. Sa umaga eto lang talaga ang hindi mawawala saken, tinapay at pati nadin kape.. natutuwa ako dito sa peanut butter na pasalubong ni mama noon from baguio.. kasi hindi cia sobrang mantika sa ibabaw lang matigas na sa bandang baba ay halos hindi mo na makuha at matigas na. Wala lang akong ibang maishare kaya eto habang kumakain ako.. haha.. Happy weekends na naman..

R@Ra42no

Taal volcano.. Ano na naman ba? Bakit nagpapapansin ka na naman. πŸ˜” Hindi na nga natapos ang virus ikaw naman ang kinakatakutan.. Ang bilis at alert level 3 ka agad.. nag chat agad ako sa kuya ko sa Batangas, kahit na hindi sila ganoon kalapit ay nakakatakot padin. Kasi kami nga dito sa Laguna noon ay affected na ng ashfall. Buti nalang walang pasok now at bukas ang kuya ko sa work, atleast may kasama yung mag iina nya sa bahay.. Pag pray nalang na wag na cia mag alburuto…

R@Ra42no

Bought this for 3 purposes.. Nung nag resign ako sa work binenta ko yung laptop namin, hindi pandemic that time.. saka need ng pera noon kaya ibinenta ko nalang.. Ngaun eto, napilitan ng bumili ng computer para sa aming tatlo ni hubby at kuya. Si kuya kasi ayaw pa naming mag face to face class at ayaw padin namin pa vaccine, 7 years old palang cia now.. hindi ko alam pero takot talaga ko. Tapos si hubby kasi need nadin nya minsan pag wala cia sa work at may need ciang gawin…

R@Ra42no

Mga momsh.. masakit na talaga ulo ko kakaisip papano ko maawat si baby sa pagdede saken dahil nga sa nahihirap na ko sa pag ka clingy nya na ang lala na, halos ayaw nadin sumama sa iba at halos wala na kong magawa sa loob ng bahay.. Nitong mga nakaraang araw pinipilit ko cia painumin ng water sa bote nya, pag sobrang uhaw nya siguro nakakainom cia ng konti.. pero pag iinom ako at karga ko cia pilit nya inaabot yung baso. Then ilang beses nadin nag try ako na maglagay ng…

R@Ra42no

Hindi mo na kailangan hingian si hubby.. marunong talagang magkusa.. haha Siguro naisip nya na baka magcrave na naman ako dito dahil sa monthly period ko ay dumating na. 😁 Hindi na nya hinintay na magsabi ako, pero naiisip ko na talaga to kanina.. at ayun na nga, pagkadating nya galing work ay inabot agad sa aken itong Takoyaki.. alam ko na agad pag kakita ko kahit walang name yung lagayan. Haha.. #happywife

R@Ra42no

Chicken is life.. 😁 As usual hanggang gabi na ulam yung niluto ko kanina.. haha.. gusto daw kasi ng fried chicken ng mga bata kaua ayan,. Naisip ko na i-adobo nalang yung iba para hanggang gabi na nga.. nag fried din ako ng potato na pang topings ko sana sa adobo pero nakain nadin namin yan ng mga bata. 😁 Magpiprito nalang ulit ako mamayang gabi para kay hubby dahil mahilig din yun sa patatas.. Kayo anong menu po?

R@Ra42no

Valurant.. May bago na naman nilalaro si kuya namin pati din si hubby. Haha. Dati ay Mobile Legend at Call of Duty lang sa tablet nya.. sabi ko sa kanila ng daddy nya, Me: sa pagkakaalam ko ay pang online class mo yan kuya, bakit puro ata kayo laro? Kuya: My, habang wala pa pong online class, laro muna.. Me: so,pag start na online class di kana maglalaro? Kuya: hindi po,online class at laro na.🀦 Daddy: tawa ng malakas.. Me: natawa ka pa talaga ha.. πŸ˜‘ Deep inside napatawa din…

R@Ra42no

Ampalaya for lunch.. Parang hindi ko na matandaan kelan ako huling nagluto ng ampalaya, pero mga ilang months lang siguro.. dahil chicken kami kahapon maghapon, cyempre gulay muna tayo ngaun.. sinahugan ko nalang din ng egg at konting pork.. tinirahan ko lang ng konti si hubby para mamayang gabi kasi for sure miss nadin nya ito.. Saka sure naman na kakain cia kasi may pork na sahog, pag egg lang kasi ang sahog ay depende lang sa mood nya kung kakain cia oh hindi.. 😁

R@Ra42no

Tipid tips... Dahil paubos na yung Shampoo at conditioner ko naisipan kong mag search na naman sa shopee..Kahit n ilan pa yung waiting for delivery ko na items para sa mga bata.. Yung sobrang nataranta ko ng makita ko ito. Simply G Keratin kasi ang gamit ko pang alaga sa rebonded hair ko,and usually sa Watsons bumibili si hubby..220ml don ay 89 pesos.. Kaya ang tuwa ko ng makita ko to,3 conditioner at 1 shampoo na 220ml for only 240 pesos.😲 Tapos free shipping at may less 50…

R@Ra42no

Multitasking daddy.. Yung ang aga nya gumising para maglaro ng valurant bago pumasok sa work.. haha. Eh may gagawin ako at ayaw magpababa ng bunso, mag reready ako ng gamit at baon ng daddy nya.. Kaya ayan, tiis ka hubby.. gusto ko maglaro eh.. haha.. nakatitig lang din naman ang batang maliit at di man lang naglilikot. Enjoy din cia sa panood at naririnig nya sa laro ng daddy nya. πŸ˜‚

R@Ra42no

Dinner time.. Yung gabi na oras na nga hapunan, pqgdating ni hubby ay may dalang dunkin donut.. eh favorite ko ito, kung kayo ako kakain pa ba kayo ng kanin? Or kakain muna ba kayo ng kanin bago ang donut? Ako cyempre ang uunahin ko ay yung donut, kahit na paksiw na isda pa ang ulam na favorite ko din.. at dahil sa donut kahit hindi na ko kumain ng rice at okay lang. 😁 Happy tummy and lucky wife here.. #donutlover