read.cash Log in
R@Ra42no more from that month

Yung ang aga pa ay ganito na agad sila.. 🤦 Ang dami kong labahin, tambak na mga damit namin yung baon pa sa Tarlac.. 😁 wala akong masimulan dahil ayaw ng bunso na nawawala ako sa paningin nya.. Hindi rin cia kayang alagaan ng lola nya dahil nakasumpong ang hilo dahil sa pataas taas nyang Blood pressure sa sobrang init ng panahon . Ang hirap talaga gumawa sa loob ng bahay pag ganito kadikit sayo ang baby.. 😑 Hanggang kelan kaya kami ganito.. minsan nabubugnot na ko kasi ang dami kong kailangan gawin, ang daming kailangan tapusin pero parang wala kong natatapos.. pati pag aaral ng ate at kuya matagal na ang 30 mins na naibibigay ko. Kasi kahit tulog si baby pag tumayo ako sa tabi nya ay magigising din cia agad.. 😔nalulungkot na ko ng ganito na lumilipas ang araw na hindi ako naging productive . May suggestion ba kayo mga momsh? 😔 Si baby talaga problem ko halos ayaw nalalayo saken. Until now full breastfeeding padin cia.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.