Lola Sa Negros Napagkamalang Aswang
Published date: February 08, 2022
"Minsan mahirap magpadala sa maling akala" (Authors word)
Lumaki ako sa Bayan ng Hinigaran, ang bahay namin noon ay malapit lang sa dagat, at bago sumikat ang araw pag walang pasok araw ng sabado o linggo, ay nag kayayaan kaming magkakaibigan na maagang pumunta sa dagat upang manisid ng mga tulya o litog.
Photofile: My Personal Photography
Masaya sa bayan namin lalo na sa Brgy Gargato, lahat ng tao ay pawang mga mangingisda, at pag may pumapalaot bago dunaong ang mga bangka ng mga mangingisda ay meron ng nag aabang na mga tao, para bumili ng isdang pang ulam o isdang ibebenta rin
Photofile: My Personal Photography
Payapa ang Brgy. Gargato sa pag kakaalam ko, noong kapanahunan namin wala pang mga cellphone at telepono masaya kaming naliligo sa dagat, naglalaro sa dalampasigan.
Image source: Unsplash
hanggang sa sumilip na ang araw, saka kami uuwi, minsan napapagalitan na kami pero panay padin ang aming paglalaro, masaya ang ganong panahon, walang problema, at payak ang pamumuhay subalit masaya.
Nitong nakalipas na isang linggo, naging laman mg social media, ng pahayagan, at ng telebisyon ang isang babae raw na aswang, sinabuyan ng asin at bawang at saka tinali, at naging usap usapan din ang kumakalat na video na sya ay itinali at itinaga, una hindi ko nakilala ang babae kasi sa makatuwid bata pa ako noon ng lumisan kami sa Brgy Gargato..
Noong buhay pa ang lola ko, at kaming mag pipinsan ay nagkayayaang matulog sa bahay ng lola namin madami kaming kwento na malalaman, at maririnig lalo mga kaganapan sa mga lumang panahon, kinukwento ng lola namin, yong buhay nila nong madaming hapon o (Kastila) ang nakatira sa Brgy Gargato.
Mga kwento ng aswang paano yong mga tao nakakita noon, isang malaking aso, malaking pusa o malaking ibon. mga kwento ng Mariang Makiling paano sya nakikita at yong gintong kambing na palagi niyang dala dala, tuwing maliwanag ang buwan.
Ayon sa mga nakakita sa babae tumatawid daw siya at gumagapang sa mga bubong ng bahay, at nong napailawan ng flashlight bigla na lang daw gumapang ng napakabilis.
Nagtanong tanong ako sa mga pinsan ko na nakatira pa din doon sabi nila si manang (hiligaynon words na ate) jennelyn daw, jusko nabigla ako kasi kilalang kilala ko ang babae na pinagkamalan nilang aswang . awang awa ako kay manang jennelyn sa ginawa at nangyari sa kanya na pinagkamalan siyang aswang pero ang totoo hindi naman.
Si manang jennelyn ay nagkaroon ng matinding depresyon ng dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa noong nakaraang November at hindi nya nakayanan kaya ganon ang nangyari sa kanya, umaalis siya ng bahay ano mang oras pag inaatake siya ng kanyang depression hindi nya alam kung saan saan siya napupunta at minsan sa gabi at hindi siya makikita ng mga kasama niya sa bahaya at hindi niya alam ano ang nangyayari sa kanya.
Sa mga taong, mapanghusga dapat alamin muna natin ang kuwento, bago tayo humusga sa ating kapwa.
Maraming Salamat!
Photographs are awesome. I love to see new places especially 🇵🇠Beaches... But the language i can't understand here