Sanay Maramdaman mo ang Pagmamahal na Ito

0 16
Avatar for QuertTheExplorer
3 years ago

Anuman ang mga pagsubok, na sa atin ay dumating.

Pinipilit maging matatag, sa pagmamahalan natin.

Tiwalang masu-solusyunan, ang samu’t-saring isipin.

Panghawakan ang pangakong, ikaw lang ang mamahalin.

Ibinigay ka ng Allah, dahil sa aking kahilingang

Ako nawa ay bigyan Nya, yung may mabuting kalooban.

Tayo ay pinagbuklod Nya, ng wagas na pagmamahalan.

Pagmamahal at gabay ng Allah, ang sya nating panghawakan.

Madawag na tahakin, ay Kanyang hahawanin.

Mga maiitim na ulap, Kanya ring papalisin.

Mga tinik sa ating daraan, ay kanyang aalisin.

Yan ang mga pangkong, sa aki’y Kanyang ipinarating.

Kaya’t sa araw-araw, laman ng aking mga dasal.

Ay ingatan nawa tayo, ng Poong Maykapal.

Bigyan ng kalakasan, sa ating pagpapagal.

pagmamahalan nawa nati’y, buklodin Nya ng pagmamahal.

Kaya sa mahahalagang araw, na katulad nito.

Hayaan mong ipadama ko, ang pagmamahal sa IYO…

Kahit sa payak na tula lang, na maiaalay sa’yo.

Wagas kong pagmamahal, sana ay maramdaman mo.

“EmeraldSoul”

2
$ 0.00
Sponsors of QuertTheExplorer
empty
empty
empty

Comments