Isa na namang panibagong umaga ang sa atin ay dumating. Hangad ko ang kaligtasan at kapayapaan ng bawat isa na may kaakibat na kalakasan, biyaya at pagpapala.
Nais kong ibahagi sa oras na ito ang isa sa nakatutuwang pangyayari.
Bago ang lahat ay nais ko munang magpasalamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta at nagbibigay inspirasyon sa akin. Sa kabila ng patuloy kong paghahangad at pagnanais na mabisita ng kilalang si Rusty ay hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na mapansin din niya dahil sa inyong patuloy na pagsuporta at mga payo :)
Nitong nagdaang linggo ay nakatanggap ako ng isang mensahe mula sa di kilalang numero na naglalaman ng aking pagkapanalo.
Ito ang nilalaman ng mensaheng aking natanggap, na di umano'y wagi ako sa isang patimpalak.
Tanging simpleng ngiti ang aking iginanti sa pagkabasa ko sa mensaheng ito. Dahil alam kong isa na namang panloloko ang aking natanggap, haha.
Hindi lang isang beses na nangyari ito sa akin kundi maraming beses na.
Dahil alam kong panloloko at modus lang ito, kaya sinakyan ko ang trip niya😂
Nagdial ako at tumawag
Me: Hello po, ako po yung isa sa nakatanggap ng text niyo. Ikaw po ba si Atty. Darriel De Castro?
Him: Yes po maam!
Me: Paano ko po macclaim yung price ko?
Him: Maam, kailangan niyo lang po pagbigay ng halagang 500pesos para mabuksan ang inyong account at doon po ipapasok ang halagang inyong napanalunan.
Me: Ganun po ba! Pwede po bang kayo nalang po muna magbayad nung 500pesos tapos babayaran ko na lang sa inyo. Gagawin ko na lang po kahit 80,000pesos sa inyi nalang.
Him: Naku maam, hindi po pwde dapat po galing sa inyo mismo.
Me: Dapat galing sa akin o dahil scam ka lang?
Him: Maam, huwag naman po kayo nanghuhusga ako po ay tagapaghatid lamang ng mensahe mula sa pinagmulan ng premyo.
Me: Oh sige, nasaan ka po ba? Kung malapit ka magkita na lang po tayo at ako mag aabot. Kung malayo ka naman pasend po ng ID mo. Kung scam ka naman kapal ng mukha mo manloko ng tao. Ilan na kaya namodus mo?
Ayun pinatay bigla ang phone😂
Minsan kung hindi tayo magiging mapagbantay ay siguradong maloloko tayo ng ibang tao. Sana ay maging maingat tayo sa lahat lalo sa ganitong pangyayari.
Hindi man totoo ang aking pagkapanalo ngunit alam ko na panalo naman ako sa ibang bagay gaya ng pagkakaroon ng masaya at kompletong pamilya.
Aminado akong nais ko rin masubukan ang manalo sa ganyang larangan ngunit sadya sigurong hindi ko ito swerte, hehe.
Hanggang dito na lamang po ang simpleng artikulong ito?
Ikaw, anong kwentong scam mo? 😂
Inilathala ngayong:
Oktobre 18, 2020
Inilathala ni: @QueencessBCH
To God be all the Glory!
Ahahaah,, iba talaga Ang mga tao ngayon gagawin Ang lahat para lang manlamang sah kapwa nila,, huhu,, sah akin naman po nanalo daw ang simcard ko, nakakaluka, hindi ko nalang pinatulan,huhu.