Panimula
Isang mapagpalang araw sa inyong lahat mga mambabasa at manunulat ng iba't ibang uri ng artikulo sa platapormang ito. Lubos akong nagpapasalamat sa lahat muli ninyong pagtanggap sa akin dito.
Ako po ay muling nagbabalik, hindi ko po ipagkakaila na ito ang aking ikalawang account. Nakagawa ako noong 6 na buwan na ang nakakaraan ngunit hindi ko ito napanatiling aktibo. Makalipas ang ilang buwan, nito lamang ay nagdesisyon akong muling sumulat ngunit sa di inaasahan ang aking readcash account ay tila ba hindi na maayos at nasa spam na. Napansin ko kasi na sa bawat pagcomment ko sa ibang user ay nakatago ang aking komento.
Sumubok akong muling sumulat nito lamang nagdaang buwan subalit sa aking palagay ang aking account ay hindi na nga nakasaayos.
Nagdesisyon akong muling gumawa ng panibagong account at dito akin ng ipagpapatuloy ang pagsulat na naputol sa una kong account. Naway maging maayos at positibo na ang aking pagsisimula.
Nawa ay hindi makaapekto ang bagong account kong ito.
Ang aking kaarawan
Nitong nagdaang linggo, September 12 ay nagdiwang ako ng aking ika-30 kaarawan.
Nais ko lang ibahagi ang isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko. Napakasaya ko sapagkat isang taon na naman ang idinagdag ng Diyos sa bubay ko. Hindi ko rin inaasahan na may paghahandang magaganap ngunit nag abala talaga ang asawa ko para sa espesyal na araw ko.
Nais kong dito simulan ang unang artikulo na gagawin at isusulat ko patungkol sa aking kaarawan upang sa gayun ay may magandang alaala rin akong mababalikan paglipas ng buwan at panahon.
Sobrang nagpapasalamat ako sa mga taong nakapaligid sa akin sa ginawa nilang pagtulong sa araw na ito. Munting salu-salo lang subalit napakalaki ng tuwa at galak para sakin.
Higit kong pinasasalamat ang Diyos dahil sa buhay ko, wala nakong mahihiling pa dahil ibinigay na niya sa akin ang hiling ko. Hindi materyal na bagay kundi ang kumpleto at masayang pamilya. Maging ang patuloy na kalusugan at kalakasan ng pamilya ko.
Kalungkutan at masamang balita sa aking kaarawan
Sa kabila ng kasiyahan ng araw na ito ay nakatanggap naman ako ng masamang balita at ito ang hindi maayos na kalagayan ng aking ina sa ibang bansa.
Ofw po pala mama ko sa Qatar
Sa hindi inaasahan, kasunod ng masayang pagbati sa akin ng aking ina ay ang mga voise message na kung maririnig niyo po lamang ay matitibag ang iyong puso. Sinalaysay niya na hindi maganda ang kanyang lagay sapagkat sa pagkakataong yun ay sinsaktan na siya ng kanyang amo.
Ang hirap na sa araw na kung saan ay nagdiriwang ka ng kaarawan ay may halong lungkot. Subalit nanatili akong positibo na maayos ang lahat.
Sa kabila ng balitang yun ang pinili kong ngumiti at tumawa at hayaang maidaos ng matagumpay ang aking kaarawan.
May mga problema talaga tayong mararanasan na kung saan darating sa pinakamasayang araw pa ng buhay natin.
Nakaranas na rin po ba kayo ng ganitong pagkakataon? Yung napakasaya mo pero may masamang balitang bubungad at darating sayo!
Closing Message
Maraming salamat sa inyong pagbibigay oras upang basahin ang munti kong paunang sulat sa platapormang ito :)
Hindi pa man lubos na pulido subalit alam kong mas higit na matututunan ko ito sa paglipas ng mga araw at linggo. Konsentrasyon at pagiging aktibo lamang ang kailangan.
Belated happy birthday sissy. Sorry to hear sa kalagayan ng mother mo. Pray lang sis