Kabute

1 19
Avatar for Qnie
Written by
3 years ago

Masarap ang kabute isahog sa mga ulam lalo na sa spaghetti pero taong kabute nakakita ka na o may kilala kang ganito?

Noon 1st year college ako may nakipagmeet sa akin na isang lalaki pero kasama ko pinsan ko. Maayos naman ang itsura nya at di naman mukhang rapist o addict. Pero halata sa kanya na nahihiya sya o kinakabahan sya sakin.

Nun mga panahon na yun madalang lang ako magfacebook dahil wala talaga akong hilig sa mga social media makakapagFB lang ako may kailangan gawin o icheck. Tuwing online ako chinachat nya ako pero minsan niloloadan nya din ako para magreply ako sa kanya kaya lang medyo snobber talaga ako eh.

Nun nagiging close na kami, bigla nalang sya nawala na parang bula so nabaling na ang atensyon ko sa iba. Nun may bf ako bigla syang nagparamdam ulit syempre ako naman ayos lang sakin kinakausap ko sya tapos bigla sya nawala na naman.

After few months, bigla na naman syang nagparamdam pero may gf na sya at single naman ako. Hanggang sa ganun na naging routine namin. Magpaparamdam sya tapos bigla ulit mawawala at di na kami nagtatagpo na parehong single.

Mahirap magustuhan ang taong di kayang sabihin sayo ng diretso na gusto ka nya tapos bigla nalang syang mawawala at susulpot na prang KABUTE.

2
$ 0.00

Comments

Hirap naman bumase sa isang tao na katulad nya sis, parang libangan lang nyang ichat ka pag bored siguro sya oh walang ka chat.. mahirap talaga yan sis,..

$ 0.00
3 years ago