Vacation cancelled
Naniniwala ba kayo sa signus or sign na meron hindi magandang mangyayari kapag kayo ay may balak umalis pero madaming humahadlang saiyo ng hindi mo napapansin?
Ako kasi naniniwala pa lalo na kapag kinabahan ako ng subra.
Pinagplanohan ko na ang pag uwi ko sa probinsya namin dahil sa matagal tagal din ang bakasyon ko ngayong December.
Bumili na ako ng mga pasalubong sa aking pamilya. kompleto na pati sa aking inaanak at mga kamag anak.
December 20 ang alis ko sana komontak na ako ng van na aking sasakyan. Ang usapan namin ay door to door. Susunduin nya ako kung saan ako nakatira ang sabi nya sakin alas tres ng hapon ang daan nya.
December 16 tumawag ang office ng agency sa aking housing loan thru pag ibig at sinabing December 21 ang aking seminar. Tinanong ko yung officer na tumawag sakin kung pwd e re sched ang seminar ko pero ang sabi sakin ay hindi daw pwede. Tinatanong ko sya kung ano mangyayari kapag hindi ako naka attend,sabi nya sakin pwede ma cancel yung approval ng housing loan ko.
Wala akong choice kundi e re schedule ang pag uwi ko inaalala ko kasi kapag nasa biyahe na ako ay matapat ako sa lugar kung saan walang signal. Tinawagan ko yung contact ko na may ari ng van at sinabi kong 21 na ako aalis dahil may seminar ako. Nag decide ako na Dec.21 nalang ako uuwi kasi hapon pa nmn ang daan sakin ng van at sabi sakin ng team leader ko ay umaga nmn karamihan ang seminar,hindi ko pa kasi alam kung anong oras dahil sa hindi pa senesend yung schedule ko for seminar.
Habang pauwi ako ng bahay galing sa aking work kung saan nag print ako ng aking Acceptance of letter para makauwi ako samin. at yung form ng pag ibig na pipirmahan. habang ako'y nasa daan bigla akong kinabahan yung dibdib ko biglang sumakit dahil sa kaba, minsan lang ito mangyari sakin pero pinagsawalang bahala ko lamang ito dahil sa gustong gusto ko talagang umuwi samin.
Pagkadating ko ng bahay,yung alaga ko hindi sumalubong sa akin nasa higaan lamang sya,na hindi ordinaryo sakanya dahil everytime na dadating ako nasalubong sya at nagpapakarga. nagtaka ako kung bakit kya nmn kinuha ko sya at kinakausap kung bakit ang tamlay nya but no response from him humiga lang sya sa lap ko.
Tumawag ako samin at sinabi sa aking pamilya na ne re schedule ko uwi ko dahil sa seminar ko. this time hnd ko pa alam na hapon ang seminar ko kasi hnd ko pa nareceive ung schedule ko galing sa office ng aking developer ko.
Kinabukasan Dec.21,tumawag na ako sa office at tinanong kung bakit hnd pa na send ung schedule ko for seminar. to my surprise it was delivered on Monday Dec.20 pero hindi ko nakita dahil nasa request message ko ito,kya nmn noon ko lang nalaman na hapon ang schedule ko.
Conflict na sila ng sundo ko pauwi samin. Kaya nmn nag decide na akong e cancel ang biyahe ko at i prioritize ang seminar ko. Tumawag ulit ako sa pamilya ko at sinabing hindi na ako tutuloy,nag kwento ako about sa mga sign kong bakit,at sumegunda nmn sila dahil na din sa may bagyo daw ulit na tatama samin.
After this conversation with my family. I talked to my Pet i told him that we will not going home anymore and to my surprise his hyper attitude comeback,he run all over the house,tumayo habang nakatingin sakin na pra bang nagsasabing "thank you daddy for this good news I'm very happy".
This made me think na lahat pala ng nangyari is meron dahilan. maybe because ayaw lang talaga akong payagan ng panahon para umuwi samin.
Nag message pamangkin ko na nasa amin, subrang ulan daw doon at tumataas na ulit ang tubig sa ilog,wla na din daw kuryente.
After this lumabas kami ng alaga ko nagpunta kami sa rooftop para magpahangin at para libangin ang sarili kona din dahil sa nalulungkot ako na hindi ako nakauwi.
Hanggang dito nalang ang aking liham,sa sunod na lang ulit.
I've been missing to make my article here because of my internet connection is really weak. I'm really sorry for not being active here every day. I'll find a way to get my signal okay.
Thank you sa mga hindi nakakalimot sakin. Thanks in advance to all my reader's, upvoter's and to my sponsor miss @Kendy42 .☺️
............................................................................
Date Published:12-29-21
Philippines time:12:24pm
Article:#21
Title: Vacation Cancelled
Lead emage from unsplash
Nakaranas din ako ng ganyang sitwasyon. Pero mas pinili ko ring hindi umalis. For me kasi maybe it's a sign to stop or para hindi tumuloy. Mas okay na rin ginawa mo po para po mas safe ka. Merry Christmas Po sa inyo 💗