Special Someone

4 31
Avatar for Pupucutie
2 years ago
Topics: Feeling

Share ko po lng ang totoo kung feelings sa ngaun po. Matagal na dn pong panahon na hnd ako nagmahal,yong pagmamahal sa isang taong special. Yong mamahalin ko ng lubusan. Yong magpapasaya sakin kahit na sa mababaw na paraan. Nang nakilala ko sya nagbago bigla ang takbo ng aking buhay at ito'y nagkakulay. Na dati okay na ako kahit wlng minamahal pero ngaun mas naging okay pa noong dumating na sya.

Ito na umpisahan kona...

Unang kita ko pa lng sayo ako'y nabihag muna ng iyong mga mata na nangungusap kpag tumitingin na.

Gustong gusto kita dahil sa angking mong ganda. Hindi lng sa angking mong ganda kundi sa taglay mong ugali na una plng pinakita muna. May pagka mahinhin sa umpisa dahil kagaya ko nangingilala kpa.

Ngunit hnd naglaon naging panatag panatag na ipakita kong sino ka talaga. Ang maamo mong mukha ay biglang nagsungit noong nagtangka akong lumapit.

Lumapit upang makausap ka. Pero ako'y napa atras nong nagsalita ka na. Ang boses mong may pagka masungit ngunit sa'king pandinig ay kaakit akit. Kaya naman simula noon ako'y napapaisip kung makikita pa ba kita ulit.

Siguro'y nakatadhanang tayo ay magkalapit, dahil tayo muling pinaglapit ng kaibigan kong matalik. Ngunit ang iyong kasungitan ay hnd nagbago. Dahil sa pangalawa nating pagtatagpo mukhang nadagdagan pa ito.

Ang iyong kasungitan ang syang nagtulak sakin upang magporsige. Marporsigeng ikaw ay aking nilapitan at kinausap. Kasama ng aking alagang kinatuwaan mo dahil sa kanyang taglay na kacutetan.

Dahil sa pangyayaring ito'y nagawa kong mapalapit sayo. Kaibigan kung nag oush sakin na i add kita sa FB ay ginawa ko para mapalapit sayo ng lubusan.

Habang tumatagal lumalalim ang pagkakakilala ko sayo. Totoo ka,hnd ka mapagkunwaring tao. lahat ng ayaw mo sinasabi mo. At kung ano ka un ang pinapakita mo.

Kaya naman lalo akong nagkagusto sayo. Lalo na noong ako'y nginitian mo. Ngiti mong kay tamis na pati ang iyong mata ay nakangiti din sa tuwing kinakausap ka ako'y napapatitig.

Hindi ko mawari kong ano ang meron ka at ako'y nabihag mo ng subra. Na sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata mukha mo ang aking nakikita. Dahil dito ay naging malapit tayo.

Nagbago bigla ang takbo ng buhay ko. Mas lalo kong pinahalagahan ang sarili ko. Dahil pinadama mo sakin na hnd basehan kung ano ako. Kundi tiningnan mo ang buo kung pagkatao upang maging basehan para mahalin mo.

Pinadama mo sakin na mahalaga ako sayo. Hindi mo pinagkait na makilala ko ang pamilya mo. Binuksan mo ng buong puso ang buhay mo para maapasok ako dito.

Hinarap mo kung ano ang sasabihin ng ibang tao. Matapang mong pinanindigan kung ano ako at kung sino ako. Kaya nmn dahil doon tumibay ang pag hanga at pagmamahal ko sayo. Tumapang ako dahil sa pagpaparamdam mong dapat akong pahalagahan kahit na ganito ako.

Hiling ko lang sana ay magtagal tayo. Na kagaya ng iba ay hiling din ito. Ngunit ngayon hindi ko muna iisipin iyon. Isipin ko lang kung ano ang meron tayo ngayon.

Pagtatapos...

Sabi nya sakin enjoy lang namin yong time na magkasama kami ng masaya at puno ng pagmamahalan. Kung may problema man daw na dumating samin harapin namin ito at lutasin.

Kung may hindi man daw pagkakaunawaan ay pag usapan daw namin ito. Huwag matutulog hanggat hnd naaayos at nasusulosyonan.

Marami pong Salamat sa aking mga reader's, commentor's at sa aking sponsor na sya ring aking tutor. Nawa'y hnd po kau magsawang magbasa sa payak kong article at kwento ng aking buhay at aking buhay pag-ibig.

Article #9
Oct.20,2021
12:34am
@pupucutie

4
$ 0.05
$ 0.05 from @Kendy42
Sponsors of Pupucutie
empty
empty
empty
Avatar for Pupucutie
2 years ago
Topics: Feeling

Comments

Galing naman. Ganun talaga yung mga lalaki pag sinungitan lumalapit ng lubos. Based on my experience haha. Bakit kaya?

$ 0.00
2 years ago

in my experience i just like those girl nagsungit kasi kpag napaamo mo sau lng sya tlg.hehehe

$ 0.00
2 years ago

Hehe my mysterious girl po.

$ 0.00
2 years ago

Bakit blurred si ganda? Mukang ayaw mong ishare kahit lang itsura. Hehehe Nice nice... More to comeπŸ‘πŸ‘πŸ‘

$ 0.00
2 years ago