Relasyong Maganda

2 30
Avatar for Pupucutie
2 years ago
Topics: Love, Inspiring

Hello my dear read cash fam, I've been missing for many days,weeks and months. the reason why is that my internet connection is bad. Kapag nasa bahay na ako wala na akong masagap na signal. kapag nasa work naman ako ang time ko lang is break time kaya hindi na ako makadalaw dito.

Anyways, Gusto ko lang magpasalamat sa lahat.

Ang bibitawan ko ngayon ay patungkol sa magandang relasyon sa kapwa,sa pamilya sa sarili at sa panginoon.

.........................................................................

Ang mga tao ay dadating at aalis, saiyong paglalakbay may makikilala kang bagong kaibigan kaya minsan kailangan mong magpaalam sa naunang dumating sa iyong buhay o ilagay sa gilid ng iyong puso dahil siya ay naging parte ng iyong buhay.

Uusbong tayo ng magkahiwalay at gugugulin ang ating buhay sa pagtuklas ng bagong bagay at may mga pagkakataon na mararamdaman mong ikaw ay takot. takot na pwedeng mawala ang taong mahalaga saiyo, pero ang katotohanan sa ating buhay ang oras natin dito sa mundo ay may hangganan at hindi pang habambuhay.

Kaya saan ka man at kahit anong panahon kaman naroroon lagi mong tandaan na ikaw ay nandito ng panandalian lamang at hindi magtatagal dahil ang lahat ng ito ay kasama lamang sa ating paglalakbay

Kaya dapat na pahalagahan mo lahat ng taong nakapaligid saiyo sa mga nabuong magandang relasyon naipon mo at higit sa lahat pasalamatan siya dahil sakanya umusbong ang iyong pananampalataya

Gawin mo ang panahon na isang pagkakataon para ang panginoon ay iyong mapaglingkuran at ang kanyang nasasakupan ay gawin mo ang oras na pinaka luluwalhati ang kanyang pangalan

At piliin mong magmahal kahit ikaw ay masaktan. hindi mo man makita ang bunga ng iyong pagsisikap ang mahalaga ay ang saya ng alaala na nabuo sa taong iyong nakasalamuha dahil paniguradong sa huli may dalang ngiti ito sa iyong labi

Hindi mo madadala ang iyong kayamanan sa pagakyat mo langit pero magagamit mo sa kapwa kong ano man ang meron ka para mahalin at tumatak ka sakanilang alaala na may maganda kang nagawa

Huwag mo lang kalimutan ang mga bagay na mahalaga sa iyong buhay hindi lahat sa may magarang bahay o sa pera na meron ka kundi dahil sa relasyong nabuo sa mga taong iyong nakasama at higit sa lahat ang pananampalatayang meron ka sa panginoon

Pahalagahan ang buhay sa pamamagitan ng pagmamahal sa panginoon at sa kanyang nasasakupan ilaan ang iyong oras sakanila dahil doon mo lang masasabi na ikaw ay napapalibutan ng pagpapala

Ang panginoon na nagbigay sayo ng magandang regalo sa pamamagitan ng "Pamilya at Kaibigan" na ngayon ay kapiling mo na.

Sponsors of Pupucutie
empty
empty
empty

Date Published: 4-21-2022
Ph time:11:20pm
Article# 34
Title: Relasyong Maganda
Lead emage from unsplash

3
$ 0.82
$ 0.79 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Kendy42
Sponsors of Pupucutie
empty
empty
empty
Avatar for Pupucutie
2 years ago
Topics: Love, Inspiring

Comments

Lahat ng iyong sinabi ay makatotohanan. Ang magandang naiambag ng isang indibidwal sa kanyang kapwa ay siyang alaala na siyang magbibigay ng inspirasyon sa iba.

$ 0.00
2 years ago

tama mommy kitten,sana yong naiambag ko dito ay magsilbing alaala sa mga nakabasa.hehe

$ 0.00
2 years ago