Kung Kaya Ko Lang Sana

4 50
Avatar for Pupucutie
2 years ago

Aking naala-ala ang aking kabataan nang aking nasilayan picture ng pamangkin kong masayang naglalaro at nakikipaghabulan sa mga kalaro nya sa kalsada.

Sa talas ng aking memorya naalala ko bigla ang aking karanasan nung aking kabataan. Ala-alang ayaw ko ng balikan dahil sa masakit sa puso ko't damdamin. Dahil sa ako'y pinapagalitan lagi ng aking ina kapag ako'y nakikitang naglalaro sa kalsada.

Kaya naman para hindi mapagalitan hindi na ako nakikipaglaro sa aking mga kaibigan. At para maiwasan kong matukso sa pakikipaglaro sa mga batang kagaya ko na masayang naghahabulan at nagtatawanan sa lansangan ay sinunod kona lamang ang aking magulang na sumama sakanila sa bukid. Dahil sabi ng aking ina'mas mabuting tumulong kana lang samin ng iyong ama sa pagsasaka upang ikaw ay matuto pagmalaki kana at ng makatulong sa ating pamilya'.

Ganitong mga kataga ng aking ina ang lagi kong naririnig sakanya sa tuwing ako'y pagagalitan nya. Kaya naman sa murang edad natutong magsaka dahil lahat ng mga salitang sinasabi ng aking ina ay kusang nag sink in sa aking murang isipan.

Kaya naman para huwag na silang magalit sakin at para may pagkakataon na akong mapansin nila, dahil sa totoo lang hindi ako napapansin ng aming bahay ng aming magulang. Kaya naman ginawa ko itong daan upang ma solo ang aking nanay at tatay kahit sa mahirap na paraan gagawin ko ito para sa aking magulang.

Sa murang edad natutong magtiis sa pagod, ulan na syang nagpamanhid sa puso kong puno ng hinanakit dahil sa lamig na aking nararamdaman sa maghapon. Araw na nagpakapal sa balat kung malambot dahil sa murang katawan upang hindi kona maramdaman ang mga sugat na natatamo ng aking katawan dahil sa mga damo, kahoy at kung minsan ay ang aking itak na kasangga upang patumbahin mga damong mas mataas pa sa akin. Itak na nakakaramdam ng bigat dahil sa kamay kong puno ng paghihirap.

Ang mga ito ay sya lamang nakakaalam sa aking pinagdadaanan kasama ng lupang binubungkal araw araw at pilit kong binabaon hinanakit na aking nararamdaman. upang magawa kung ngumiti pa rin sa harap ng aking magulang.

Mahirap man na paraan titiisin ko ang lahat maramdaman ko lamang na ako ay may halaga sakanila.

Mahal ko ang aking magulang. pero madami akong hinanakit sakanila na hindi ko masabi dahil sa ayaw kong masaktan ko sila. pati na din ang aking mga kuya na sa aking paniniwala umalis ng maaga para makaalis sa poder ng aming magulang.

Kaya naman hindi naiwasan mainggit sa aking pamangkin na masayang nakikipaglaro sa kalsada kasama ang mga batang kalaro nya dahil ito'y hinayaan lamang ng kanyang ina. Biglang kumirot ulit ang malaking parte ng aking puso dahil naalala ko ulit kabataan ko.

Ang dami kung hindi nagawa at naranasan. Dahil sa pinagbawalan ng aking ina at ang aking kagustohan na mapansin ako ng aming magulang.

Ngayon nga ay naglabasan ang mga tanong na nagsiksikan sa aking isipan dahil naipon ng mahabang panahon. Katanungan sa aking magulang na hanggang ngayon ay wala pa din kasagutan dahil sa hindi ko magawang kausapin aking magulang tungkol sa totoo kung nararamdaman.

Sa tuwing may makikita akong nanay at tatay na masayang nakangiti sa kanilang anak.

Sa tuwing may nakikita akong mga kabataan na naglalaro sa kalsada at hinahayaan lamang ng kanilang magulang.

Sa tuwing may nakikita akong birthdayhan na masayang pinaghahandaan ng magulang.

Yung nakikita ko sa mga mata ng kabataan na masaya at may mga ngiti sa labi dahil sa binilhan sila ng bagong damit,sapatos at bag gamit sa eskwela.

Ay hindi ko maiwasang mainggit sa mga anak na may ganoon silang magulang na wagas ang pagmamahal sa kanilang mga anak. Dahil ang lahat ng ito ay hindi ko naranasan.

Kung kaya ko lang tanungin ang parents ko about sa totoo kong nararamdaman matagal ko ng ginawa.

Kung kaya ko lang silang sumbatan, kung kaya lang ng konsensya kong paiyakin at saktan sila. Kung kaya ko lang sana! sana ay nasagot na lahat ng aking katanungan. Kung kaya ko lang sana.

.............................................................................

Thank you in advance.

Lead emage is mine.

Date Published:1-13-2022
Philippines time:6:05pm
Article:#24
Title:Kung kaya ko lang sana

3
$ 1.28
$ 1.23 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @LuaDesamor
Sponsors of Pupucutie
empty
empty
empty
Avatar for Pupucutie
2 years ago

Comments

There's no harm in asking. Heart to heart talk kumbaga or more of an open forum sa inyong dalawa, damayin mo na din tatay mo. To resolve all those questions you have in mind. ☺️

$ 0.00
2 years ago

mahirap gawin yun ngaun dahil sa may health problem na sila.bka dahil sakin mawala sila. lalo ng hnd ko napatawad sarili ko nun.

$ 0.01
2 years ago

Magtanung ka lang, wag mong kimkimin Yan, ilabas mo nang Ikaw ay malinawan, dahil Sila lang Ang makakasagot sa 'yong mga katanungan na matagal mo nang hinahawakan.

$ 0.00
2 years ago

ayuko ko pong masaktan nanay ko saka matanda na din po sila ayukong mag isip sila about sa nangyari sakin nung bata pa.

$ 0.00
2 years ago