Harana

5 36
Avatar for Pupucutie
2 years ago
Topics: Feeling

Karamihan sa atin ay nakagisnan ang haranang ginagamit sa panliligaw sa ating sinisinta.

Sana'y inyong maibigan handog ng munti kong tinig na nagmula pa sa'king puso't isipan.

Gitara ginawa para bagayan ang kanta. Gitara dala sa panghaharana. Kantang ginawa para sa kanya, upang mabihag ang puso nya.

Kung ikaw ay manliligaw dalhin mo ang iyong gitara isama pati ang barkada para may kasama sa pagkanta at tutulong sayo upang mapasagot sya.

Pero bago ka umentro, kapain mo muna ito. Para sigurado ka sa tono. Dahil kpag wla ito sa tono imbes na maka points ka ay mabulilyaso ang iyong pagsuyo sa babaeng nagpatibok ng iyong puso.

Pusong nabihag ng isang dalagang dilag. Pero huwag munang umasa baka masaktan ka. Dahil sa pag ibig kapag sumugal ka at hindi kayo ang para sa isa't isa tiyak na iiyak ka.

Boses na kaibig-ibig iyo sanang madinig. Damdaming pumipintig sa iyo'y suklian sana ng mainit na pag ibig.

Kung sigurado kang puso ay masusuklian Bakit hnd makipagsapalaran, pag-ibig na wagas ang sya mong ialay sa taong iyong napiling mahalin ngayon, bukas at magpakailan man.

Kung ang ngayon mo ay ako Ikaw nmn ang bukas ko, upang maging isa tayo Harana'y itutuloy ko kahit sintinado basta't sigurado sa pagtipa ng gitara mapa ibig ka sinta.

Abutin man ng bagyo hindi ako susuko Sapagkat ikaw ang aking tono, tono sa buhay kong hindi maitono dahil sa kulang ang isang kagaya mo.

Sana'y iyong mapakinggan kantang inaalay para saiyo lamang. at sana'y mahulog ka sa aking boses na hindi ko alam kong nasa tono dahil ang alam ko lang lumiko man ito ay tiyak na deritso pa din ang aking puso sa puso mo.

Sana'y mabihag ko ang puso mo sa una nating pagtatagpo. Mapakabog ko sana ito at ikaw ay kiligin sa kantang inalay ko sayo.

Dahil kung ikaw ay mahulog at mapa ibig ko ng tuluyan. Sasaluhin kita at aalagaan. Kahit lumiko man ang tono ng aking awitin. Sisiguradohin kong sa huli ay tama pa rin ang kahahantungan ng ating mga pusong pinagtagpo ng tuluyan dahil sa gitarang aking inumpisahan.

Kung mapakabog ko man ang iyong puso. Sa unang tugtog na ginawa ko Pakakalmahin ko naman yan sa haplos ng pagmamahal ko sayo.

Sana'y naaliw ko po kayo sa munti kong ihinayag patungkol sa pag ibig na inumpisahan sa pagtipa ng gitara na naging harana.

________________________

Salamat pong muli sa aking mga reader's and upvoter's sa wlng sawang pagtangkilik sa aking likha.

At sa aking sponsor @Kendy42 thanks po sa tiwala.

At kay @TheRandomRewarder thanks po ulit sainyo.

Date Published: 11-18-2021
Philippines time:4:20pm
Article:#13
Title:Harana

3
$ 1.15
$ 1.12 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @Kendy42
$ 0.01 from @Jay997
Sponsors of Pupucutie
empty
empty
empty
Avatar for Pupucutie
2 years ago
Topics: Feeling

Comments

Tuloy lang ang panghaharana Pupucutie at siguradong madami kang mapapahanga dito😉

$ 0.00
2 years ago

gustuhin ko man po ang hina po ng aking connection hehehe

$ 0.00
2 years ago

gustuhin ko man po ang hina po ng aking connection hehehe

$ 0.00
2 years ago

Maganda siya mukhang balak mo yatang manghara ngayon ha

$ 0.00
2 years ago

hahahaha sana kong may haharanahin sana.

$ 0.00
2 years ago