Mahal na mahal kita

2 33
Avatar for Proud-me
3 years ago
Topics: Life, Experiences, Story

At dahil "Buwan ng Wika" ngayon at may ilan-ilan narin akong nakita na nagsulat ng kani-kanilang artikulo gamit ang Wikang Pilipino, kaya sana akoy inyong mapagbigyan na gumawa at ibahagi ang aking karanasan gamit ang Wikang Pambansa o Wikang Tagalog

Tanong ko lang,nasabi mo na ba sa iyong ina na mahal mo siya at mahalaga siya sayo? Kung hindi pa, sana gawin mo na ngayon habang hindi pa huli ang lahat.

Sa buhay ko,marami na akong kasalanan at pagkukulang na nagawa kay mama, at lahat ng iyon ay pinagsisisihan ko. Kaya nais kong ibahagi sa inyo kung anong klaseng anak ako noon.

Mahirap lang kami,walang trabaho si mama,pero minsan nag lalabada kaming dalawa, isang OFW naman ang aking ama, subalit minsan ang kanyang kinikita ay hindi sapat para sa mga gastusin sa bahay at sa aming pag aaral dahil apat kaming magkakapatid na pareparehong nag aaral kaya minsan nagigipit talaga at kinukulang sa badyet.

Pangalawa ako sa apat na magkakapatid,at habang nag aaral hindi ko maiwasan ang mainggit sa iba,dahil yung mga kaklase ko may magagandang gamit pang skwela, malalaki ang mga baon nila,at may magagandang kasuotan,samantalang ako wala at simple lang, kumbaga naiisip ko sana ganon din ako, kaso hindi, kaya minsan naitatanong ko kay mama "bakit wala siyang mabuting trabaho? bakit di niya maibigay yung mga gusto ko at bakit mahirap lang kami?", at ang tanging sagot nya lang sa mga tanong ko "sorry anak, pagpasensyahan mo na si mama"

Maraming beses at pagkakataon din na nag aaway kami,dahil sa mga luho ko sa buhay at mga desisyon ko sa na ayaw ko siyang nakikialam. Isang araw noon nag away ulit kami, at nasabihan ko siya na "Sana nawala ka nalang, sana hindi nalang ikaw yung naging ina ko" di ko alam kung anong pumasok sa isip ko, kung bakit nasabi ko kay mama yun. Tapos bigla siyang umiyak, ang sakit sa puso yung nakita ko siyang lumuluha, at ang sagot niya sakin " Anak patawarin mo si mama, maiintindihan mo lang lahat kapag ikaw na mismo ang naging magulang" nung pagkarinig ko sa sinabi niya, bigla akong natauhan,nasabi ko bigla sa sarili ko " bakit ang sama ko,at pano ko nagawa sa kanya yun". Kaya mula noon sinabi ko sa sarili ko na magbabago na ako, at humingi ako ng tawad sa kanya.

Alam ko na lubos ko siyang nasaktan noon, kaya pinapangako ko sa sarili ko na habang nabubuhay pa siya gagawin ko ang lahat para mka tulong sa kanya, mapasaya ko siya kahit sa maliit na bagay lang, at maibigay yung mga gusto nya. Pinagdarasal ko din na sana bigyan pa siya ng mahabang buhay para maka bawi ako sa lahat ng pagkukulang ko bilang isang anak. Kaya nag sisikap ako ngayon para sa kanya.

Ang masasabi ko lang, hanggat buhay pa at kasama pa natin ang ating magulang,iparamdam natin sa kanila na mahal at mahalaga sila sa atin, dahil hindi natin hawak ang buhay, baka bukas o makalawa wala na sila,kaya wag natin hintayin yung oras na hindi na natin sila makakasama, hanggat nandiyan pa sila ipadama natin yung pag aaruga bilang isang anak at masuklian lahat ng kanilang pagod at sakripisyo,dahil hindi na natin maibabalik ang oras pag wala na sila. Huwag sana natin sayangin ang oras,bagkus isipin ntin na sila yung tao sa buhay natin na hinding-hindi mapapagod na mahalin tayo,lagi lang silang nandiyan pilit tayong iniintindi, kahit talikuran man natin sila patuloy at patuloy parin nila tayong mamahalin.

Hanggang dito nalang at maraming salamat.

Mag iingat po kayong lahat. Naway pagpalain pa tayong lahat ng Diyos.

Sponsors of Proud-me
empty
empty
empty

2
$ 1.06
$ 0.91 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @LucyStephanie
$ 0.05 from @Janz
Avatar for Proud-me
3 years ago
Topics: Life, Experiences, Story

Comments

Awww.... Aruy naman yung nangyari sis... Buti na lang OK na kayo. Sadyang mahirap tlga maging magulang. Akala natin nung mga bata pa tayo parang sinisira nila buhay natin yun pala para sa ikabubuti lang natin ang iniisip nila. Hehe.

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga sis eh,sobra2 talaga yung pagsisisi ko noon, kaya ngayon gusto kong bumawi sa kanya.

$ 0.00
3 years ago